UNTI-UNTI NANG SUMISILIP ang haring araw nang dumating sa mansyon ng Fajardo si Marcus. Sa gate pa lang ay sumalubong na ang grupo ni Benjie upang magbigay galang sa pagbabalik ni Marcus.Nabalitaan nilang napagtagumpayan nito ang pagdakip kay Ramon kaya labis ang tuwa nila at inabangan ang pagbabalik nito sa Fajardo.Mahihinang tapik sa balikat ang sinagot ni Marcus sa mga ito. “Salamat sa pagbabantay niyo,” aniya sa grupo.“Tungkulin namin ito, Sir Marcus. Salamat sa pagtitiwala niyo sa’min,” sagot ni Benjie.Isa-isang tiningnan ni Marcus ang grupo. “Maraming salamat ulit, papasok na ‘ko sa loob. Naghihintay na ang mag-Ina ko,” anas niya.Nilakihan ng Guard ang bukas ng gate para kay Marcus. “Maligayang pagbabalik, Sir Marcus," masayang bati nito.Tipid na tango ang iginawad niya rito bago nagpatuloy patungo sa mansyon. Bubuksan pa lang sana niya ang pintuan nang bumukas na ito at bumungad sa kanya si Myrna, ang Mayordoma. “Marcus!” masaya nitong wika saka siya nilapitan. “Mabuti at
MALAKAS NA KALAMPAG sa bakal na rehas ang nagpagising kay Ramon. Hindi niya akalain na makakatulog siya sa kabila ng kinasasadlakang sitwasyon. Na kahit panay ang reklamo sa tigas ng kinahihigaan ay naging komportable ang kanyang katawan sa matigas na kama.“Gumising ka diyan!” ang sigaw ng pulis na nagbabantay sa kanya. “Bilisan mong kumilos dahil ililipat ka na!”“Ano? At saan niyo naman ako dadalhin?!” Hindi makapaniwala si Ramon sa sinabi nito.“’Wag ka ng magtanong pa!” Pagbukas ng selda ay agad na hinaklit sa braso si Ramon na nagpupumiglas dahil na rin sa rahas nang pagkakahila rito.Dinala sa interrogation room si Ramon at pinaupo kaharap si Lieutenant General Navarro.“Sa'n niyo ‘ko ililipat?” muling tanong ni Ramon.Napangisi si Navarro at mapang-uyam na tumingin sa nakakaawang itsura nito. “Kung sa’n ka nanggaling.”Hindi agad naunawaan ni Ramon ang sinabi nito ngunit ilang segundo pa ay bigla na lamang siyang napatayo. Ang kinauupuan ay bigla na lang natumba sa biglaan niy
PANAY ANG VIBRATE ng cellphone ni Marcus sa bulsa pero hindi niya ito kinuha dahil nakaalalay siya kay Luna habang naglalakad ito sila may garden.“Pwede mo na ‘kong bitawan, kaya ko namang maglakad. Sagutin mo muna ‘yang cellphone mo at kanina ko pa nararamdaman ang vibration,” ani Luna.Binitawan naman ni Marcus ang asawa at saka kinuha sa bulsa ang cellphone. Tadtad ng messages ang screen at may ilang missed call galing kay Scarlette.Nag-vibrate muli ang cellphone dahil tumatawag ito. “Hello?” sagot niya agad.“Mabuti naman at sinagot mo na,” halata ang iritasyon sa boses nito. “Nasa’n si Kurt?”Kumunot ang noo niya. May sinabi kaya si Lucas? Pero alam niyang hindi ito magsasalita hanggat hindi niya sinasabi. Marahil ay iba ang tinutukoy nito. “Anong kailangan mo?” Hindi siya nagpahalata at nanatiling kalmado.“Anong petsa na pero hindi ko pa rin siya nakakausap. Nasaan na ba siya?”“Kung may gusto kang sabihin ay sa’kin na lang at ako na ang bahalang magsabi sa kanya.”“Siya ang
KANINA PA PABALIK-BALIK ang lakad ni Marcus. Hindi siya mapakali sa labis na kabang nararamdaman. Hindi niya akalaing kakabahan siya nang ganito higit pa sa mga misyong natatanggap niya.“Mag-relax ka nga, Marcus,” saway ni Timoteo sa apo. “Hindi lang ikaw ang kinakabahan. Maupo ka't nahihilo ako sa ginagawa mo.”“Pero, ‘Lo—” aapela pa sana niya nang muling magsalita ang matanda.“Alam ko! Pinagdaanan ko na ‘yan pati na ni Maximo. Pero hindi makakatulong ‘yang ginagawa mo, pumirmi ka nga!”Sa huli ay naupo si Marcus tulad ng inutos ni Timoteo. Kasalukuyan silang nasa ospital ngayon dahil manganganak na si Luna.Nagkataon pa na lumuwas ng bayan sila Liliane upang dalawin si Estrella, ang ina ni Fausto. Si Timoteo ay nagkataon namang dumalaw para bisitahin ang mga apo.Samantalang si Lucas ay abala pa sa meeting nito kaya hindi nila kasama. Sina Maximo at Dahlia naman na agad tinawagan ay papunta na sakay ang private helicopter ng pamilya upang makaabot.“Magdadalawang-oras na si Luna s
SA ISANG MALAYO at maliit na isla sa Pilipinas ay matatagpuan ang pinaka-special at delikadong kulungan sa bansa. Dahil nandito ang mga kriminal na sangkot sa pagpatay sa mga kilalang personalidad na nagsisilbi sa bansa.Droga, na ibinibenta sa black market at rape victim lalo na sa mga minorde edad.At higit sa lahat, mga teroristang gustong pabagsakin ang gobyerno at sakupin ang bansa.Dito sa kulungang tinatawag na ‘Heaven’ ay inilayo at itinapon sa kabihasnan ang mga kriminal na ito. Itinago sa mga mamamayan ng Pilipinas upang manatili ang kaligtasan at kapayapaan ng lahat.Sa islang napapalibutan ng dagat ay wala ni isang barko o bangka ang nakadaong man lang sa paligid. Sinadya ito upang walang makatakas sa lugar… maliban na lamang kung may magtatangkang lumangoy paalis ng isla, na sadyang mahirap gawin dahil kalahating araw ang aabutin bago marating ang pinakamalapit na isla, gamit ang pandagat na transportasiyon. Wala ring nakakalapag na kahit anong sasakyang himpapawid ng hind
SA KALAGITNAAN ng biyahe pabalik sa siyudad ay tinawagan ni Scarlette ang Ama. “Nakausap ko na siya,” ang bungad niya pa.“Kamusta—”“Ayoko sa kanya, ‘Pa, hindi ako magpapakasal sa kanya.”“Ano?!”“Basta. Hindi kami nagkasundo kaya ayokong magpakasal sa kanya.”“Teka lang, Scarlette—”“Sige, ‘Pa, at magpapahinga muna ako. And please, ‘wag mo nang uulitin ‘to. Ayokong nirereto sa iba.” At saka tinapos tawag upang kausapin naman si army general Maximo Lopelion.Sa opisina ng General ay nakatanggap ito ng tawag mula kay Scarlette, na anak ng kaibigang si Allan. “Hello, Captain Rodriguez,” sagot ni Maximo sa kabilang linya. Medyo maingay sa kabilang linya ngunit mauulinigan naman ang boses ng dalaga.“Pasensiya na sa pang-iistorbo, General. Nakausap ko na si warden Marcus Lopelion kanina, hindi nga lamang ako nagpakilala sa kanya. Sa pag-uusap namin kanina ay isa lang ang na-realize ko. Pareho kaming ma-otoridad at nagka-clash ang personalidad namin. Kaya ipagpaumanhin ninyo kung hindi ako
MUKHANG napansin naman ni Artemio kung saan siya nakatingin. "Kasama mo ba sila, Boss?” ang tanong niya kay Marcus.“Hindi. Nakasabay ko lang sa eroplano. Saka, ‘wag mo na ‘ko tawaging ‘boss’, wala ka na sa kulungan.”Nangiti naman si Artemio at saka umiling-iling. “Naku, mukhang mahihirapan ako n’yan, dahil nasanay na ako tawaging ‘boss’.”“Ayos lang, kung hindi ka sanay,” ani Marcus at sumulyap sa driver na kanina niya pa napapansing nakatingin sa kanya mula sa rearview mirror.“Magandang araw, Boss,” ang magalang na bati naman nito sa kanya.“Siya nga pala ang driver ko, mahigit sampung taon na siyang nagtatrabaho sa ‘kin.” Ang pakilala naman ni Artemio.“Madalas ho kayong nakukuwento ni Sir no’ng makabalik siya. Maraming-maraming salamat sa pagtulong niyo sa kanya,” ang pahagay ng driver na labis na ipinagpapasalamat ni Artemio. Dahil kung hindi siya tinulungan ni Marcus ay wala siya ngayon dito, kasama ng kanyang pamilya at malalapit na kaibigan.Isa siyang dating bilanggo sa ‘He
SA ‘HEAVEN’, habang pabalik na si warden Torres sa kanyang quarters ay narinig niya ang dalawang inmate na nag-uusap sa kanilang selda.Ang pinag-uusapan ng dalawa ay ang naganap na away sa pagitan ni inmate-4687 at Uno. At kung gaano kaawa-awa ang itsura ni 4687.“Kasalanan niya naman!” ang sabi ng isang inmate. “Bakit niya kasi sinabihan ng gano’n si Uno?”“Bakit, ano bang problema? Balita ko, dating sundalo ‘yung si Uno, totoo ba?”“Ay, oo naman! Sobrang daming tao ang natulungan no’n.”Na-curious si warden Torres kaya sumandal siya sa pader upang mas lalong makinig sa usapan ng dalawang preso.“E, ano bang nangyari at nakulong siya rito?” ang tanong ng pangalawang inmate.“A’yun! Biglang nabaliw at pinagpapata*y ang kasamahan niyang sundalo.”“Mga ogag!” May isang inmate ang sumabat sa usapan. “Hindi siya nabaliw. At kung ako ang nasa posisiyon no’ng si Uno? Aba’t papatay*n ko rin ‘yung mga sundalong 'yun!"“Bakit, ano ba talagang nangyari? Bakit niya pinat*y ang mga kaibigan niya