Try kong mag update ng daily. Pero pasensya na dahil baka mabigo ko lang kayo. Simula ng mawala si papa ay nagbago na ang takbo ng buhay namin. HAPPY NEW YEAR SA INYO!!!!!
ANDREW'S POVFive years na pero wala pa rin akong balita kay Hannah. Isang araw may nagbalita sa akin na isang kaibigan ko sa Paris na nakita niya daw si Hannah doon at nagpapatakbo na siya ng isang malaking kumpanya.Kaagad naman akong nag book ng flight papuntang Paris. Wala na akong sinayang na oras. Kinuha ko na din ang address kung saan nagtatrabaho si Hannah.This Time hindi na ako papayag na malilinlang niya ulit ako.Pagkalapag ko doon ay nag hire agad ako ng investigator para ipaimbestiga si Hannah. Nalaman ko din kung saan siya nakatira at nakilala ko na din ang anak kong si Drew. Kahit sa litrato ko lang nakikita alam kong anak ko siya.Mas lalong gusto kong mapalapit ulit kay Hannah dahil kay Drew.Hindi na talaga ako papayag na malilinlang niya ulit ako.Nalaman mo din na nagbebenta siya ng mga design kaya naman sinunggaban ko na kaagad. Sinadya ko talagang last minute ako magpa Schedule para wala siyang oras para i-review ang profile ko.Alam ko din na busy siya kaya hin
Hannah POV"Sweetheart kailangan mong pakasalan si Andrew." suhestyon ng aking ama. Nandito kami sa kwarto ko. Nagulat na lang ako dahil bibihira na makita ko silang dalawa ni mommy na nandito sa kwarto ko. Heto sila ngayon at iginigiit na naman sa akin na pakasalan ko daw yung Andrew na yun.. Ni hindi ko naman kilala dahil simula noong bata ako ay dito na ako sa bahay nag aaral. Ayoko kasing mag aral sa iskwelahan kaya mas pinili kong mag aral sa loob ng bahay. Natatakot kasi ako na may mangbully sa akin sa school. Wala pa ni isang nakakakilala sa akin bukod sa mga trabahador dito sa loob ng mansion o di kaya ang mga tutor ko at mga teacher ko. Nag iisa lang akong anak kaya ibinibigay nila lahat sa akin lahat ng nais ko. Kaya hindi ko lubos maisip itong ginagawa ng mga magulang ko. "Pero dad hindi ko pa siya kilala at lalong hindi ko siya mahal, paano kung masama pala siyang tao." reklamo ko. May panguso nguso pa akong nalalaman. Tuwing may ayaw o may gusto ako ay ganito ang itsura
Hannah's POVIsang linggo na ang nakalipas at nakapag desisyonan ko nang pipirmahan ko na ang kontrata bilang isang ganap na asawa ni Andrew Valencia. Dumating na din ang mga parcel ko na make up na binili ko online dahil nga ayokong lumabas kaya sa online na lang ako bumibili ng mga gusto. Mabuti na nga ngayon ay isang pindot mo lang sa cellphone ay dumadating na lahat ng gusto ko. Ngayong araw ko na makikita si Andrew kaya naisipan ko ng mag ayos. Kasalukuyan kong ginagamit ang mga make up na binili ko tulad ng prosthetic, at may pekeng lunal pa. Natatawa ako sa itsura ko. Yung lunal ay inilagay ko sa kanang mukha ko sa saan malapit sa ilong. Tapos pinaitim ko ang aking balat hindi naman as in na maitim, morena look lang siya. Bumili din ako ng wig. Yung parang buhok ni Dora pero ginupitan ko pa yung bang niya. Ginawa kong mas maiksi. Pati ako nandidiri sa itsura ko. Natatawa ako. Hindi ko na ginalaw ang ngipin ko dahil baka masuka na ako sa itsura ko. Sa kalagitnaan ng pag me make
Hannah's POVNandito kami ngayon nila Mommy at daddy sa loob ng bahay ni Andrew Valencia. Samut saring emotions ang nararamdaman ko. Kinakabahan ako pero natatawa din dahil ang itsura ni Andrew, hindi maipinta na akala mo nakakita ng pulubi sa kalsada kung mandiri sa itsura ko. Nagsalubong ang mga makakapal niya kilay na parang sinasabi niya na "No way, Disgusting". Hindi maipinta ang mukha niya. Kahit na hindi niya sabihin ay nandidiri siya sa akin. Pakiwari ko ay hindi niya matanggap na ako ang magiging asawa niya. Kaharap namin ang isang judge para gawing legal ang pagiging mag asawa namin. Ayoko naman maikasal sa simbahan dahil hindi ko naman mahal ang lalaking kaharap ko. Kaya mas pinili ko na sa Judge na lang kami ikasal. "Hi I'm Hannah Fuentes. The one and only Beautiful Daughter of Mr. Terence Fuentes my dad and Melody Fuentes my mom." pagpapakilala ko sa aking sarili. Lahad ko sa aking kamay kay Andrew. Mas ngumiwi pa ang itsura ni Andrew dahil sa binanggit kong beautiful. N
Hannah's POVGabi na pero wala pa rin si Andrew. Hindi pa naman ako dinadalaw ng antok, alas nwebe na nang gabi kaya naisipan kong magpahangin muna dito sa terrace ng kwarto ko. Habang nakatanaw sa gate para abangan ang aking asawa. Ito ang unang gabi ko sa bahay niya. Kaya naman nagtatyaga ako na abangan siya. Nakalipas ang ilang minuto ay may narinig na akong ugong ng sasakyan. Dali dali kong nilingon kung siya na ba ang dumating. Nang makumpirma ko na siya ang dumating ay agad akong bumaba pero bago niyan ay tinignan ko muna ang aking itsura sa salamin baka nalalaglag ang lunal ko pero good thing ay meron pa naman sa mukha ko. Dali dali ako bumaba para salubungin siya.Pinagbuksan ko siya ng maindoor para naman makapasok na siya kaagad. Halatang pagod na pagod ang itsura niya dahil magulo na ang buhok niya at nakatabingi pa necktie niya."Hello."" What the. Ginulat mo naman ako. Pwede ba sa susunod huwag kang pakalat kalat sa bahay ko. Magkulong ka na lang sa kwarto mo tutal sanay
Umakyat na ako para mag make-up at para makapagluto na rin.Bumaba na ako para tignan ko kung naiprepare na ni manang ang mga kasangkapan para sa lulutuin ko. 5:23pm na, kaya may oras pa para maluto ang paborito niyang adobong manok. Mabilis lang naman lutuin yun. Tinignan ko ang mga sangkap na inihanda ni manang. Kompleto naman. Sibuyas, bawang, luya, paminta, at patatas. Kaso ang liit ng luya na ginawa niya kaya dinagdagan ko pa. Dinamihan ko dahil isa ng luya para mas lalong sumarap at maging malasa ang manok at medyo may anghang na konti. Lahat ng klase ng luto ng manok ay talagang dinadamihan ko ng luya.Ilang sandali pa ay naluto ko na ang adobong manok. Sakto naman ang pagkarinig ko ng ugong ng sasakyan hudyat na nandito na si Andrew. Naghain na ako sa mesa para naman uupo na lang siya at kakain na kami. Tinulungan naman ako ni manang Fely para maghain sa mesa. Pagkatapos namin maghain ay sakto naman ang dating niya. Mukha siyang pagod dahil sa ayos niya. Umupo na ako
Hannah's POVLate na ako nagising dahil ang dami kong hinabol na i-dedesign. Madaling araw na ako natapos. Dumeretso na din ako sa banyo para maligo. Paglabas ko ay tinignan ko kung anong oras na 10:48 na pala. Tinignan ko din kung may email sa akin ang secretary ko pero wala naman. Bumaba na muna ako para kumain. Hindi na din ako nag abalang naglagay ng mga prosthetic dahil nasa trabaho naman na si Andrew. Breakfast lunch na ang gagawin ko dahil madami pa rin akong tambak na trabaho. Through email ko ipinapasa lahat ng gawa ko. Bahala na yung secretary ko na magpasa sa CEO kung approve ang mga gawa ko. Paakyat na sana ako ng may tumawag sa akin, ang secretary ko." Yes Trish."" Ma'am gusto daw po kayong ma meet ng bagong CEO."" Bakit naman daw. May problema ba sa mga gawa ko. Hindi ba niya nagustuhan ang mga gawa ko?" sunud-sunod kong tanong sa secretary ko. Biglaan naman yata na gusto niya akong makita. Ito na siguro ang panahon para magamit ko ang katauhan bilan
Nandito na kami ngayon sa parking lot. "Your car or my car." tanong niya sa akin."Your car." hindi naman pwede na yung akin dahil baka makita niya yung driver ko, e di buking na ako. Kaya yung sasakyan niya ang sinabi ko. Tahimik lang ang buong byahe. Naiilang naman akong magsalita. Hindi ko naman alam sa sarili ko kung bakit ko pa itinanong ang GF niya. Kinakabahan tuloy ako. Alam ko naman na magseselos lang ako dahil ako na ngayon ang asawa niya. Pero hindi ko alam kung ano ang pumasok sa kokote ko at heto ako ngayon, pupuntahan na namin sa Ashley. Pero dahil ako si Brigette ngayon ay wala siyang kaalam alam na ako ang asawa niya. Dapat maging kampante ako para hindi siya makahalata. At pagkakataon ko na din ito para makilala si Ashley ang Girlfriend ng asawa ko. Nandito na kami kung saan ang room niya. " How are you babe. I miss you so much." Hinalikan naman ni Andrew ang noo ni Ashley. Hawak hawak niya ngayon ang kanang kamay nito." Pasensya ka na kung n