Share

Chapter 95 - Ang pag-uusap sa kantina

Bumalik ng wala sa sarili si Ivan, pulang-pula ang mga mata, lugmok at malungkot ang awra na parang ayaw man lang bumati ng kahit sinong madaanan.

Sinalubong siya ng kanyang mga kaibigan sa gate, “bok, anong meron sa inyo ni Beatriz?” usyoso ni Jerome.

Tahimik lamang si Ivan at walang kibo, nilagpasan niya ang kanyang mga kaibigan at nagpatuloy sa paglakad.

“Anong problema nun?” tanong ni Jerome sa kaniyang mga kaibigan. Nagkibit balikat lang si Brent sa kanya, nagtinginan sila sa isa’t-isa na parang nagkakaintindihan ng usap ng nila. Ilang sandali pa ay hinabol nila ang kaibigan at umakbay si Lawrence ng maabutan si Ivan.

“Bok, anong problema natin? Bakit parang malungkot ka?” tanong nito, nilingon lamang siya nito at hindi kinibo.

Sinenyasan ni Lawrence ang dalawa na wala pa rin siyang nakukuhang response mula rito.

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status