Share

CHAPTER 15

CHAPTER 15

Ramdam na ni Estrella ang sakit at pangangawit ng batok niya ngunit hindi niya pa rin magawang iangat ang ulo dahil wala siyang mukhang maipakita kay Sebastian at kay Pio na nakasaksi ng aksidenteng nangyari kanina sa sala. Aksidente kaya alam niyang walang may kagustuhan na mapunta sila sa ganoong sitwasyon pero ang isyu dito, may nakakita sa kanila sa di kaaya-ayang posisyon.

Gusto na lamang ni Estrella na magpalamon sa lupa dahil sa nararamdamang hiya.

" Este, bakit di mo pa galawin ang pagkain mo? Hindi mo ba gusto ang ulam? " tanong ng matanda dahilan para maangat na niya ang ulo niya.

" Ah, g-gusto ko po siyempre. Mainit pa po kasi kaya pinapalamig ko muna, " ang dahilan na lamang ni Estrella saka kunwaring pinaypayan ang putaheng nakahain sa mesa nila. Pasimple siyang tumingin sa kaliwa niya para silipin si Sebastian. Tahimik itong kumakain at sa nakikita niya, mukhang kinalimutan na nito ang nangyari kanina kaya natural na itong nakakakilos na para bang walang
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP
Comments (1)
goodnovel comment avatar
Luz Umerez
ang ganda ganda
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status