Share

Kabanata 8

Kabanata 8

NANGINGINIG na naman ang mga kamay ni Stelle pagkagising mula sa kanyang bangungot. Hindi niya makalimutan ang nagawa niya sa dating anak-anakan ng Suprema at hanggang panaginip, dinadalaw siya nito.

That was her first time to kill someone, but the Supreme had trained her to do such thing in a very long time. Dati ay mga cardboard targets at hayop lamang ang pinagpa-practice-san niya kaya hindi niya talaga akalaing magagawa niya talagang kalabitin ang gatilyo pagkabigay ng Suprema ng senyales sa kanya.

It's already been three days, but the chills of killing someone still wakes her up in the middle of the night. Hindi niya napigilang hagurin ng kanyang palad ang kanyang buhok saka ito sinabunutan. She needs to calm down. Kung hindi, wala na naman siyang tulog panigurado.

Bumaba siya ng kama at nagpasyang lumabas upang kumuha ng inumin sa kanilang kusina. Sinuot niya ang kanyang roba at lumabas ng kanyang silid, ngunit pagsaea niya ng pinto ay napansin niya ang taong nag-set up sa nangyaring entrapment ng tumiwalag na lider sa Cinco Mortales.

What was his name again? Napaisip siya. Nang maalala ay tinawag niya ito. "Mister Floyd?"

Tumigil ito sa paglalakad. Tinignan siya nito mula sa baba ng hagdan at tila hinihintay na magsalita siya.

Inayos niya ang kanyang roba saka siya dali-daling bumaba ng hagdan upang lapitan ito. Kung tatantyahin ay parang mas bata lang ito nang kaunti sa kanyang ama kung nabubuhay pa ito, ngunit ang mga mata nito, wala siyang makitang emosyon.

He seems dead on the inside. She wonders why?

Tumikhim si Stelle. "Uhm, is it okay if I'll ask you something?"

He simply jerked his head up. Mayamaya'y tiniklop nito ang mga braso at hinarap ang katawan sa kanyang napakalaki. "What is it, Lady Stelle?"

Lady Stelle. Ayaw niya talagang tinatawag sa ganoong paraan kaya lang ay pagagalitan ang mga ito ng Suprema kung tatawagin lamang siya sa kanyang pangalan.

"Uhm, about Veronica. H—How long did she stay with the Supreme? When I got fostered, I never met her."

"I am not sure about this because I only joined the Supreme after my wife died but based on Veronica Medesa's records on the MI6 data base, she's been fostered by the Supreme since she's five. The Supreme tried to stop her from moving out of her care even before you got fostered. She was staying in hotels a few months already before the Supreme took you in."

Napatango-tango si Stelle. "Why do you think she wanted to move out? Isn't the Supreme treating her nicely? I mean, mother is okay with me."

"According to those whom I've talked to when I'm still investigating about her, Veronica is a very complicated woman who suffers from mental illness. She was impulsive and was diagnosed with bipolar disorder. She had killed numerous women who flirted with her husband even before they got married. She was stalking Agent Romani for almost six months before they actually met."

Nanlaki ang mga mata ni Stelle. "H—Hold on. Did you just say Agent? She married a spy?! Is that why mother was so mad at her?"

Tumango ito. "Emeraudo Romani of MI6 Europe, but he's known as Agent Tejano of MI6 Pacific now."

Halos mawalan ng lakas ang mga tuhod ni Stelle. Emeraudo? Tejano? Nagkataon lamang ba na ang dalawang pangalan na iyon mismo ang lumabas sa bibig ni Floyd?

Parang sumikip ang dibdib ni Stelle. Nahagod niya ang kanyang dibdib habang humuhugot siya ng malalim na hininga.

Si Floyd ay halatang kinataka ang kanyang naging reaksyon dahil nang tignan niya itong muli, magkasalubong na ang mga kilay nito at ang titig ay naging makahulugan.

"Are you alright, Lady Stelle?"

Stelle immediately gulped the lumo forming in her throat before she smiled. "C—Can you show me how Veronica's husband looks like? I... I just wanna be aware just in case I'll bump into him. I just don't want to be caught off guard."

Tumango ito. "Veronica's funeral will take place in Astoria, where they got married. I can give you the address of the cemetery."

"Will...Will it be safe? I mean, what about the agents? I don't wanna get caught."

"I can take you with me. We can pretend that you met Veronica during those times she's been running away. They'd think you're one of my informants."

Nanlamig ang mga palad ni Stelle. "What if her husband will think I was the one who told you where to find Veronica? He might kill me!"

"If an agent touched a civilian, he'll face the laws of the organization. You have no record in the system since I wiped it all out. I don't really like Agent Tejano. He's got this weird aura, and he's friends with Trojan Lindstrom."

Bumuga ng hangin si Stelle. Nasa Thailand ang Suprema at kung si Floyd ang kasama niya, siguro naman ay hindi siya pagagalitan. Curious lang talaga kasi siya. Kailangan niyang makasiguro kung hindi, baka siya naman ang mas malintikan sa susunod. 

Ayaw niyang sumunod sa yapak ni Veronica kaya kailangan niyang makumpirma kung ang lalakeng nagagawang itaboy ang kanyang katinuan sa simpleng haplos at halik lamang ang parehong lalakeng naging dahilan kung bakit iniwan ni Veronica ang Suprema, kailangan na niyang siguraduhin sa kanyang sariling hindi na muling magku-krus ang kanilang mga landas.

"Okay, Mister Floyd." She breathed in and clenched her fists. "Take me with you in Astoria..."

MALAMIG ang titig na ipinupukol ni Agent Romani sa puntod na nasa kanyang harapan. To be honest, this isn't how he wanted things to be. Hindi niya pa nais mamatay si Veronica dahil marami pa siyang impormasyong kailangan dito nang matapos na niya ang misyon pero may kung sinong poncio pilatong tumapos na sa buhay nito bago pa man niya ito mapagsalita.

Isa pa, gaya nga ng sinabi ng mga tao sa kanya, Tejano loved her so much yet he wasn't able to protect his twin's wife. Napahigpit ang pagkakakuyom ng kanyang mga kamao at kung sinomang makakakita sa kanya ngayon, siguradong iniisip na nagagalit at nagluluksa siya dahil nawalan siya ng asawa.

He shut his eyes and clenched his jaw. Sandali siyang humugot ng malalim na hininga. Naiinis siya. Hindi pa rin nila alam kung ang Supreme ba ng Cinco Mortales ang nasa likod ng nangyari dah ang basyo ng bala, hindi naman galing sa kanilang organisasyon.

Nang madama niya ang pagtapik sa kanyang balikat, muli niyang sinuot ang malungkot niyang ekspresyon ay hinarap ang kanyang partner na bakas ang simpatya sa kanya. Gusto niya tuloy matawa rito kaya lang ay baka makahalata na hindi talaga siya nagluluksa kung hindi ay nagagalit dahil hindi man lang nila napakinabangan si Veronica at hindi niya rin ito naprotektahan para sa kanyang kapatid.

Well it was his fault. He asked her to keep his distance so she wouldn't notice the truth about his identity.

"My condolences, man. I know this is going to be hard for you so if you wanna take a break, I'm willing to extend my stay in the organization. Clary will surely understand if I won't be able to retire at the end of the year."

"Ayos lang ako." Peke siyang ngumiti. "Kailangan kong magpatuloy sa trabaho o baka mabaliw lang ako kung wala akong gagawin sa buhay ko."

Tumango ito, ang mga mata ay malungkot pa rin. Mayamaya'y inakap siya nito at tinapik-tapik ang kanyang balikat. "Pag kailangan mo ng kainuman, huwag kang magtatawag ng iba."

Umismid siya at mahinang natawa. May init na humagod sa kanyang puso. Although he's not really being true to Ramirez, he knew he isn't entirely faking things. Si Ramirez ang nag-iisang taong nagawa niyang ituring na kaibigan kaya naman masaya siyang makitang nag-aalala ito para sa kanya.

"Ayos lang ako, bro. Kailangan ko lang baliwin ang sarili ko sa trabaho. Huwag ako ang intindihin mo kung hindi si Clary. Hindi pwedeng may masamang mangyari sa kanya kung hindi malilintikan ka sa akin kahit senior kita—"

Natigilan bigla si Agent Romani nang may mapansin sa hindi kalayuan. Napansin din ng babae na nakita niya ito kaya nang nagmamadali itong tumalikod, kumalas siya sa yakap at nagmamadaling humabol sa babae.

Hindi siya maaaring magkamali. Si Stelle iyon pero anong ginagawa nito rito? Hindi na siya kumbinsido pang aksidente lamang ang mga pagkikita nila. 

Pasimple niyang kinuha ang kanyang spare mini tracker sa kanyang singsing at nang mahablot na niya ang braso nito, sinadya niyang mahawakan sa isang kamay ang sling bag nito. He let the tiny metal tracker stick to the strap of her bag before he let go of it.

"What are you doing—"

"She's Veronica's acquaintance, Agent Romani. You may let her go now."

Napalingon siya kay Floyd na umpisa pa lamang, hindi na talaga niya kasundo. Sinimaan niya agad ito ng tingin saka niya binitiwan ang kamay ni Stelle.

"Really?" His brow cocked up, purposely letting Floyd see his annoyance before he glanced at Stelle again, ngunit hindi niya napigilang hindi ibaling sa mga labi nito ang kanyang tingin.

His heart pounded hard all of a sudden when she bit her lower lip unconsciously. Gusto tuloy niyang magmura. Bakit ba ganito kalakas ang epekto sa kanya ng babaeng ito?

He sharply breathed in before he loses his control again. Peke siyang ngumiti habang kunwari ay malungkot na binalik ang tingin sa mga mata nitong nakatitig din sa kanya. "Thanks for paying your respect to my wife."

Iyon lang at tinalikuran na niya ito bago pa man siya tamaan na naman ng kahibangan at sunggaban ito. Hinilamos niya ang kanyang palad sa kanyang mukha at nagmartsa palayo.  Lihim siyang napangiti. Hindi bale. Nakabit niya ang kanyang tracker dito.

He will find out who Stelle really is, and once he finds out she's spying on him... he's going to punish her really really badly.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status