Share

MY ONLY PROBINSYANA
MY ONLY PROBINSYANA
Author: Ambisyosa22

MOP_1

MOP-1

    Matagal ‘din na panahon ng huling makatapak ako sa lugar na ito. Maraming magagandang alaala mula ng ako’y bata pa. Pero may mga hindi inaasahang nangyari kaya mas pinili kong lisanin ito at sumama sa isang tao na nagpakilala na isang kaibigan ng ate ko kahit hindi ko kilala ay nagtiwala ako bata pa ako noon e. Dinala n’ya ko sa isang lugar nagaral nag ensayo at hinasa bilang isang magaling na sandata tulad ng mga sundalo. Akala ko hindi na darating ang araw na ito ang muling magbalik ako s lugar kung saan ako lubos na nasaktan. Ang makita ang kapatid mo na wala ng buhay noon akala ko s’ya ang mama ko sa edad kong sampung taon ay bente otso anyos naman si Ate.

Hindi ko alam kung saan nanggaling ang angkan namin si ate na lang ang nagisnan ko. Nang mawala ito nabuo sa puso ang galit at sakit at pinangakong babalikan sila. Akala ata ni Ate na hindi ko alam ang bawat pag iyak n’ya naririnig ko ang pag tawag n’ya kay Toppe ang sabi n’ya kaibigan pero bakit iiyakan. Nang araw na mamatay ito ay may nakuha ako na notebook ilan doon ay pilas na pero malinaw kong nabasa na kasintahan nito si Toppe ay iniwan na s’ya dahil mahirap lang kami ayaw ng pamilya nito at kasabay ng araw na mamatay ang Ate ko ay ang araw ng kasal ng lalaking ‘yun. Bahagya na palang may luha na pumatak sa aking mata ngunit buong gulat akong napasigaw ng isang sasakyan ang muntik ng sumagasa sa akin.

 “Aba lintik na to sayang ang ganda ko never pang nadiligan ito.” Common na dialog na ito namin na magkakaibigan

    Aba ang lintik na herodes na ito ay ayaw pa atang lumabas at mag sorry hintayin mo lang. Dali akong lumakad papunta sa bintana ng kotse sa parte ng driver at kinatok ko ng paulit ulit hanggang umabot ng sampung katok at ayaw mag baba man lang ng bintana. Sinagad na n’ya ang pasensya ko akmang hahampasin ko ang bintana ng magclick ang pinto at bumungad ang isang mala Oppa na biyaya ata ng langit napatunganga ako at natauhan lang ng mahina itong tumikhim sabay tawa. Maraming beses ko itong minasdan at bingo ito ang kaisa isang tagapagmana ng mga Yu. Mukhang tama ang desisyon ko na bumalik  na rito.

    “Hey ganon ba ako ka gwapo para matulala ka sa akin?kanina na lang halos wasakin mo ang bintana ng sasakyan sa paraan ng  pagkatokmo tapos  ngayon parang naiputan ka ng ibon at na bato. Miss kaya kita muntik mahagip ng sasakyan kasi hobby mo matulala kaya please tabi ka lang sa daan paano kung ibang sasakyan ang makadigrasya sayo”

    “ ¡Excuse me,hijo de puta ka!, ako pa may kasalanan talaga ako pa?”tanong ko sabay duro sa aking sarili mukhang nagulat ang lalake sa paraan ng pagsasalita ko. “Alam mo cute ka sana koya ang kaso ‘yung kasalanan mo ibinabalik mo sa iba ang sisi dahil d’yan hindi kana cute mala jurassic kana ganern”parang timang ko na sabi sinusubukan ko ang lalaki kung ano ang isasagot.

    “Oh sorry my bad, pasensya ka na medyo lubak at hindi sementado ang daan hindi ko gusto na maka-disgrasya kasi magagalit ang amo ko baka hindi na ako pasahuirin ay pagbayarin pa ako”sabi ng lalaki na kina-igkas ng kilay ko aba anong laro ng lalaki na to. Sige sasakay ako sa trip mo.

    “Susko herodes ka ang reckless mo magdrive hindi naman pala sayo ang kotse baka mawalan ka nga ng trabaho kung ganyan. Sayang ang porma mo Mr.?”putol ko sa aking pag sasabi baka magbigay ng pangalan o madulas ang dila.

    “Golan De Grasya nga pala, anak ng isang magsasaka. Pasensya ka na talaga Miss?. putol dn nito gaya ng ginawa ko.

    “Ah Cristine Ally anak din ng magsasaka amin ang lupain sa may bandang dulo. Oh s’ya sige na Golan uuna na ako at kababalik ko lang marami akong ayusin sa barong barong ko maghahanap pa ako ng magsasaka noon”Panudyo ko pang sabi.

    “Maari pa akong mag apply huling drive ko na sa amo ko e,”sabi nito talagang may kakaiba sa lalaking ito sige pabor sa akin palay na ang lumalapit tutukain ko na lang ba’t na excite ako sa part ng tukaan.

    “Aba maalam ka ba magsaka ?mahirap ‘yun, mukha pa naman sanay ka sa aircon ng AMO mo. Saka ayoko na baka isang araw lang aayaw ka na” sabi ko paeklabu lang pam palabok lang ng usapan.

    “Oo kaya ko ‘yun. So paano tanggap na ba ako?Nag sorry na ako sayo ‘diba”Ang lintik na ito pa cute pa. kahit anong angulo ang yummy naman lintik kalma keps bawal kasama s’ya sa babalikan natin pero baka pwede naman na tikman mga 50 times lang. Ipinilig ko ang aking ulo nababalot na ako ng kamunduhan.

    “Sige balik ka sa makalawa mag usap tayo kasi busy pa ako mag ayos at pakikisalamuha muna ko sa iba na mga taga rito. Ayos ka lang ba sayo ‘yun Golan?”tanong ko sa lalaki at nakita ko ang pagtango nito.

    “Sige wala naman akong choice ikaw ang amo ko”pagpa-paawa pa nito habang nag lungkot-lungkutan pa ang mukha.

    “‘Wag kang gumanyan Golan lalong ang sama ng mukha mo ‘di ka na kagwapuhan ganyan pa tarasa mo tumigil tigil ka na utang na loob”pang aasar ko dito sabay pamewang pa.

    “Ako ‘di kagwapuhan talaga lang ha ?”manghang tanong nito sa akin mukang banas na banas.

    “May angal ka?”paasik kong tanong habang taas na taas ang beautiful kong kilay.

    “Sabi ko nga wala. Hindi ako kagwapuhan baka ang gwapo sayo ‘yung mukhang kuhol. Oh sige na Ally aalis na ko para maibalik ko na ang kotse. Sorry talaga see you after two days.” Ngiting ngiting sabi nito kala ko todo na ang kagwapuhan may hihigit pa pala. At ang puso ko este puso ko nag vibrate ng sobra ng tawagin ako nito sa second name ko diyos ko naman ikalma mo girl.

    Malayo na ang sasakyan nito pero pilit ko pa ring tinatanaw. Ano kayang paandar ng kulumog na ito at nagpapanggap na ibang tao. Pero in fairness mga mamsh jokeness lang ‘yun na ‘di s’ya kagwapuhan dahil ang totoo parang hindi lahing intsik ang lolo n’yo parang korean s’ya ang kaibahan lang ang bango n’ya sobra. Nang hindi ko na makita s’ya ay nag patuloy na ako sa paglalakad siguro mga bente minutos ay naroon na ako sa bungad sa may kina aling Onyang. Aba ang lintik na lalaking ‘yun ‘di man lang nag alok ng ride e doon ‘din ang way ko. Nakakayamot kasi ‘yung tricycle na sinakyan ko nasiraan ayan pina-baba na ako wala naman nag lalagare na tricycle dito talagang kontratahan.

    “Fvck you Logan, ba’t ang tanga mo sa part na ‘di s’ya inaya na sumakay balita ko pa naman walang masasakyan dito.” Babalikan ko ba pero teka parang nakita ko na s’ya noon pa. Pero balahura tumirada ang babaeng ‘yun at first time may babaeng ‘di nagpac-ute sa akin at ano daw ‘di ako kagwapuhan. She’s different, bubbly and unbelievable. Hindi ko na pansin na natagalan ako sa paghinto nakita ko sa side mirror na malapit na iba at tama nasa bungad din ako. Napaka talaga ng babaeng to walang arte at kung sa mahinhin na dalaga mamaya pa ito. Napailing na lang ako ng magka salubong ang mga mata namin sa side mirror. Naka busangot ito mukhang badtrip sa akin. Kala ko ay papansinin ako nito para awayin pero nilagpasana ako nito kaya naman mabilis ako umibis palabas ng kotse at tinawag ko ito.

   

    “Ally!,ba’t ang bilis mo ata para kang hindi mahinhin na dalaga”hiyaw ko na may kasamang biro dito. Napapangiti pa ako.

    “For real ma itatanong mo pa ‘yan swanget ka ang sama ng ugali mo ‘di mo ako inalok na sumakay man lang kahit pabalat bunga!. At for your Info pass sa pagiging mahinhin ang peg ko koya. Mahinhin daw letche lahat ng mahinhin nauuna mabuntis dahil lahat ay mahihindutin get mo” sabi ng babae sabay talikod at ‘di na humaharap pa. And what did she say mahinhin at mahihindutin for christ sake I like you agad babe.

    See you in a bit Ally my lukarit babe. Mukhang magkakakulay ng husto ang taguan na ito at sana mas makilala kita ng lubos I felt so much connection parang hindi tayo ngayon nagkita at nagkakilala parang noon na noon pa. Goodluck ‘din sa akin dapat bukas makapag-paturo na mag araro ng lupa  kay mang Pilo tutal may lupa naman akong nabili dito. Hayst kung sa kama lang  naman na araruhan ay ‘di ako papahuli kay Marus. I feel home habang kausap ko si Ally I want this kind of feeling hinahanap hanap ko ito batang nakilala ko noon.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status