"WHEN Raya died, Liam locked himself in his own world. I feel like he's not my son anymore. Maraming pagbabago sa kaniya na lubos kong ikinalulungkot, hija." Tumingin kay Yna si Señor Renato at pilit na ngumiti. Pansin ni Yna ang lungkot sa mukha at mga mata nito. Pero hindi niya maunawaan kung bakit sinasabi ngayon nito ang mga bagay na 'yon sa kaniya, to think na ngayon pa lang sila nagkaharap. Napailing-iling ang ama ni Liam at sinabayan ng pagbuntong hininga. "Liam shut his world from us, mundong ginawa niya simula mamatay si Raya. My son, really love her to the point na kay Raya lang umikot ang mundo niya noong nabubuhay pa ito..." "Mawalang galang na, señor. Bakit niyo ho sinasabi ang mga bagay na 'yan sa akin? Do I have anything to do with that? I mean, ano ho ang nais niyong ipunto?" Ayaw pa naman ni Yna ang maraming paliguy-ligoy, dahil napakaikli lamang ng pasensya niya, bagay na namana niya yata sa kaniyang ama. Natawa ang kausap. There is a
"WHAT are you doing here?" Masungit na bungad ni Yna kay Mirka nang pagbuksan niya ito ng pinto nang gabing 'yon. "Sungit naman. Gusto mo?" Sabay taas ng dalawang bote ng coke na dala-dala nito. Mayroon din mga sitsiryang nakaipit sa kili-kili nito. Base sa ngiti ni Mirka, alam na alam na ni Yna ang gusto nito - ang makitsismis sa kaniya at paniguradong kukulitin na naman siya nito tungkol sa mga tanong nito kanina sa mansion ng mga Decker. "Pasok." Tsaka siya nagpatiunang umupo sa upuang kahoy sa kaniyang maliit na sala. Nalukot ang ilong ni Mirka, pagkakita sa ayos ng bahay-kubo ni Yna. "Grabe. Naglilinis ka pa ba ng bahay mo?" Usisa nito. "I have no time." Pero ang totoo ay wala talaga siyang hilig sa paglilinis ng bahay dahil nga hindi naman siya nasanay, maging sa sarili niyang silid sa Spain ay iba ang naglilinis. "Pero sa pagpapaganda sa gabi bago matulog may time ka, ane?" Sabay upo sa may hindi kalayuan kay Yna. "Ofcourse!
"RISE AND SHINE!" malakas na sabi ni Yna habang hinahawi ang mga makakapal na kurtina sa silid ni Liam upang makapasok ang sinag ng araw. "Damn it! What are you doing?!" Asik ng binata na nagising nang tumama ang sinag ng araw sa mukha nito. Tinakpan nito ang mga mata dahil nasilaw na ito. "Good morning, Sir Liam. It's time for your breakfast in bed," energetic na sabi pa ng dalaga. Kinuha nito ang pagkaing ipinatong sa glass table na nasa silid ni Liam. Inilapit niya ang pagkain na 'yon sa binata na hindi maipinta ang mukha dahil sa pagkaistorbo mula sa pagtulog. Umayos ng upo si Liam, madilim pa rin ang mukha at halatang iritable. Pero hindi iyon pinansin ni Yna, desidido siyang magtagumpay sa mission niya sa binata. "What are you doing here?" Masungit pa rin ang tinig ng lalaki. Inayos ang puting t-shirt na suot. "Ipinagluto kita ng almusal," inosenteng sabi ni Yna na akala mo ay pagkabait-bait. Nangunot ang noo ni Liam. "It's su
"GOOD MORNING!" Katulad kahapon, naging masigla rin ngayong umaga ang pagbati ni Yna kay Liam na nakaupo sa wheel chair nito at nasa loob lamang ng silid nito. Naisip ni Liam na nakuha pa nitong ngumiti ng ganoon, e ang late na nito sa pagpasok. Ni hindi nga ito ang nag-serve ng kape niya at almusal. "May dala ako para sa'yo," anang dalaga na lumapit kay Liam at iniaabot ang isang basket ng lansones na galing sa pananim na naroon din sa sakop ng hacienda ng mga Decker. Panandaliang natigilan si Liam at tinignan ang babae. For a moment, tila ba nakita niya si Raya sa katauhan nito. Maamo ang mukha at napakatamis ng ngiti. Madalas din siyang dalhan ni Raya noon ng lansones sa tuwing magtutungo ito sa mansion. May kung anong pinong kurot ang nadama ang binata pagkaalala sa dalaga. "Alam ko paborito mo ito," muling sabi pa ni Yna na todo ang ngiti. Ipinilig ni Liam ang ulo at nag-iwas ng tingin mula kay Yna. Pinanatili ang blankong ekspresyon ng mukh
NANG marinig ni Yna ang sinabi ni Liam ay natigilan siya. Ganoon ba kamahal ang batong 'yon? Nagkamali ba siya ng pagkilatis sa value ng bato? "M-mahal ba 'yan sobra?" Natitigilang usisa niya sa binata. Hindi nagbabago ang madilim na mukha ni Liam na nakatitig sa dalaga. Wari bang isa itong mabangis na hayop na anumang sandali ay sasakmalin siya. Lalo tuloy nadagdagan ang kaba ni Yna, sa unang pagkakataon ay ngayon lang yata tila nanginig ang kaniyang mga paa. "Tinatanong mo gaano ito kamahal?" Pagkaraan ay tumawa ng may pagkasarkastiko ang binata. "Someone gave it to me, and you'll never know the value of this things to me, Yna. Dahil hindi ka naman marunong magpahalaga ng mga bagay-bagay na ibinibigay sa'yo ng taong nasa paligid mo, hindi ba?" Kailanman ay hindi naging sensitibo si Yna sa mga bagay na sinasabi sa kaniya. But what Liam said hits different. May kung anong natumbok ang mga salitang iyon sa parte ng kaniyang pagkatao na nagpakirot sa kani
PHILIPPINES... "DIOS MÍO..." Ang tanging naiusal ni Adalina nang pagbaba niya sa kotse at masilayan ang maliit na bahay-kubo na kaniyang titirhan. Base sa kaalaman niya, ito ang dating tirahan ng kaniyang ina bago nito makilala ang kaniyang ama. Ipinarenovate na nga ito kaya nagmukha ng modernong bahay kubo. "Señorita, este es tu dinero," sabi ng driver na naghatid sa kaniya sa lugar na 'yon, sabay abot ng sobre kung saan naroon ang perang galing sa kaniyang ama na magagamit niya sa pamumuhay niya rito sa Pilipinas. Nakabusangot niyang kinuha iyon mula sa lalaki. Tinignan ang kapal ng pera, mas lalo siyang napasimangot dahil ni hindi man aabot ng isang buwan ang mga perang iyon sa klase ng pamumuhay na mayroon siya. Pina-freeze ng mga magulang niya ang kaniyang mga cards, kaya wala siyang puwedeng pagkunan ng pera maliban sa limitadong perang bigay ng mga ito. Napakalupit! "Bwiset talaga!" Hindi niya napigilang sambitin. Talagang nais siyang pahi
NANG hindi na matiis ni Adalina ang gutom, lumabas siya ng kubo at tinignan kung nasaan ang ginang na kumausap sa kaniya kanina. Natanaw niya ito sa hindi kalayuan, nakaduyan sa may ilalim ng puno na nasa solar din ng bahay kubo ng mga ito. Agaran niya itong nilapitan. "Aling Prangka!" Tawag niya rito. She is not sure kung tama ba ang pangalang tinawag niya sa babae. "Oh, ikaw pala. Bakit?" Nakangiting usisa nito na tumayo mula sa pagkakaduyan. "I'm hungry," aniya sa babae. Natawa ang ginang. "Sabi na nga ba at gugutumin ka, halika sa loob at para makakakain ka. Naku, oras na," sabi ng ginang na nagpatiuna nang pumasok sa loob ng bahay at sumunod naman si Adalina. Nakita niyang nakahiga sa sala ang dalagang anak ng ginang na Mirka ang pangalan kung hindi siya nagkakamali. "Anong meron 'nay? Bakit nandito ang mestizang 'to?" Usisa ni Mirka sa ina. Sumunod din ito sa kanila sa kusina. "I'm hungry," sagot ni Adalina na wala mang bahid ng hiya
HACIENDA DECKER. "NO ME gusta este vestido." Hindi maipinta ang mukha ni Adalina, habang nakatitig sa kaniyang suot na kulay puting blusa at mahabang itim na palda na ipinahiram sa kaniya ni Mirka. "Ano? Hindi kita maintindihan," sambit naman ni Mirka habang pinagmamasdan ang dalaga. "Sabi ko, ayoko ng damit na 'to! Ang pangit!" Halata sa mukha nito ang pandidiri dahil sa hindi sanay sa ganoong kasuotan. "Ay, aarte pa ba? Alangan naman mag-a-apply ka bilang katulong habang suot mo ang mga branded mong damit, haler?!" Nakapameywang na turan sa kaniya ni Mirka. "At isa pa, ah. Tigil-tigilan mo ang pagsasalita mo ng español dito, hindi ka nila maiintindihan, girl." Napasimangot si Adalina. Kailangan na niyang panindigan ito dahil kapag hindi siya nagtrabaho, wala siyang aasahang pera na mahahawakan. "Kaya tara na. Go, lakad, mestizang bangus at baka mainip pa sa kahihintay si mayordoma." Sabay tulak ni Mirka kay Adalina papasok sa malawak na solar