------------Napaangat ang ulo ni Alberto ng marinig ang yabag na pababa ng hagdan, It was Amelia her wife. Ibinalik niya uli ang konsentrasyon sa pagbabasa ng diyaryo habang humihigop ng kape. At dumiretso ito sa lamesa at umupo sa tabi niya. Tiningnan niya ito, mukhang hindi ito nakatulog ng maayos kagabi dahil nangingitim ang ilalim ng mata nito, indikasyon na hindi nga talaga ito nakatulog. "Good morning." nakangiting bati niya rito, marahil ay nahawa ito kaya agad din itong ngumiti sakanya."Good morning din, ang anak mo?" She asked."Hindi pa bumaba, baka tulog pa o kaya wala talagang balak lumabas." kibit balikat nitong sagot. Napabuntong hininga naman si Amelia habang binabalikan ang usapan nila kagabi."What?" Naguguluhang tanong ni Via habang nakatingin sa kanyang Ama."Dad, this is ridiculous." sagot nito."No." mariing wika ni Alberto."Ama mo ako Via kaya alam kong ito ang dapat na gawin mo sa buhay mo. Hindi ko ito ginagawa para sa sarili ko kundi para rin sayo. Wala k
--------------Nang lumabas si Elle para kumain ay wala na ang lalaki. Mas maganda iyon para hindi sila magkailangan. Si Nana Yuling ang kasabay niyang naghapunan pero hindi niya makuhang tanungin kung nasaan si Ivan. Kahit kating kati na ang bibig niyang tanungin kung nasaan ito ay pinigil niya ang kanyang sarili dahil sino ba sana siya para magtanong?Napabuntong hininga na lamang siya. Kung sana nakakaalala na siya, kung sana bumalik na ang kanyang memorya kasabay ng panunumbalik ng kanyang paningin. Nakapagdesisyon siyang magtungo nanaman sa tabing dagat, nagpahatid siya kay Nana Yuling dahil baka matapilok siya at madapa siya. Ang sarap sa pakiramdam ng simoy ng hangin sa tabing dagat, parang tinatangay nito ang anumang alalahanin niya sa mundo. Gaya ng dati ay sumalampak ulit siya sa buhangin at pumikit. Kung sana lang nakakakita na siya e di sana nakikita niya ang kagandahan nito. Ang sabi sakanya ni Nana Yuling ay napakaganda daw ng paglubog ng araw doon sa hapon. Gusto man
__________________________Masayang gumising si Elle, ewan niya rin pero parang ang gaan gaan ng pakiramdam niya ng umagang iyon. Nag inat siya at iminulat ang kanyang mga mata. Nagulat siya dahil nakakaaninag na siya.Kaya lang ay medyo malabo pa talaga. Mukhang babalik na ang paningin ko. Nakangiting bulong niya sa kanyang sarili.May ngiti sa labi na tinungo niya ang banyo at naligo. Pagbaba niya ay napansin agad ni Nana Yuling ang kakaibang aura niya ngayong umaga."Mukhang maganda ang gising mo ah Elle." nakangiting bati nito sakanya.Ngumiti siya bago sumagot."Mukha nga Nana, nakatulog kase ako marahil ng maayos." na may katotohanan naman, parang kumbaga namamahay siya kaya hindi siya agad nakakatulog at hirap na hirap siyang dalawin ng antok."Normal lang iyon, o siya kumain kana." at ipinaghanda siya nito ng makakain."Si Ivan ho?" Tanong niya rito. Hindi na kase siya nakatiis."Maagang umalis e, parang nag aapura pa nga baka may maagang meeting nanaman iyon." iiling iling n
Mahinang pagpisil sa kanyang kamay ang nagpagising kay Elle. Nanghihina pa rin siya. At parang tuyong tuyo ang lalamunan niya na kahit gustuhin niya mang magsalita ay parang walang lalabas na salita na magmumula sa kanyang bibig. Hindi niya alam kung sino ang taong marahang pumipisil sa kanyang kamay. How she wish it was Ivan waiting her to be awake. Bahagya niyang iginalaw ang kaniyang kamay upang malaman ng kung sinoman ang naroon na gising na siya.NAPASINGHAP si Amelia dahil sa paggalaw ng kamay ni Via. Agad siyang tumakbo palabas at agad na tinawag ang doktor pati na ang kaniyang asawa. "How is she?" Nag aalalang tanong ni Amelia sa doktor. Hindi agad ito nakasagot dahil lumapit ito sa kama ni Via at masusing pinag aralan."She's fine kailangan niya lang magpalakas, maya maya lang ay tatanggalin ko na ang benda sa kaniyang mga mata." Sabi nito at iyon lang ang sinabi nito at lumabas na sa silid. Lumapit si Amelia sa anak at hinaplos ang buhok nito. Oh how she miss her daught
Bumukas ang pinto at sumungaw roon ang sekretarya niyang si Michelle. Napaangat naman ang ulo niya pero saglit lang dahil ibinalik niya rin agad ang atensiyon niya sa mesa. "What?" Tanong niya habang nakayuko pa rin sa mga papeles na inaaral niya. Noong araw na inuwi siya ng mga magulang niya ay agad siyang nakapagdesisyon na tanggapin na ang pag tetake over sa kaniya ng kanilang kompanya. Tuwang tuwa ang daddy niya dahil doon. Napakatagal na daw siya nitong hinihimok na palitan siya sa kaniyang posisyon ay ngayon lang siya pumayag. Sa unang araw niya sa posisyon ay medyo nahirapan siya pero sa tulong ng daddy niya ay nakapag adjust din naman siya kaagad.Medyo natututunan niya na ang pagpapalakad ng kanilang kompanya. Salamat sa daddy niya dahil sa pag agapay nito sakaniya."Nagpapatawag sila ng isang board meeting." mahinang sabi ng sekretarya niya.Napatigil naman siya sa kaniyang ginagawa at tiningnan ito. Napataas ang kilay niya rito"Ano raw ang dahilan?" Nagtatakang tanong ni
Nakangiti si Beatrice nang pumasok sa opisina ng anak. Naupo sa sofa at nagdekwatro. Ang kaniyang tainga ay ibig na pang pumalakpak sa labis na katuwaan."Tingnan natin ngayon kung mabawi niya pa ang kompanya." palatak nito at tiningnan ang anak ng seryoso. "Kailangan mong ma- impress si Alberto, Nathan pagkakataon mo na ito. Kailangang makita niya na hindi kaya ni Via na pamahalaan ang ganito kalaking kompanya. She's weak." patuloy nito. Napabuntung hininga naman si Nathan sa tinuran ng ina. Hindi niya gustong palitan si Via sa kaniyang posisyon. Wala siyang maipintas sa mga accomplishment ni Via sa kompanya sa nakalipas na isang buwan. She is capable on handling the company. Tuso lang talaga ang kaniyang ina kaya Napapayag niya ang ibang board members na suportahan ito sa pagpapababa kay Via mula sa posisyon nito. Kung siya lang ay hinding hindi niya iyon gagawin. Napailing nalang siya.Her mother was greedy sa lahat ng bagay. Gusto ng kaniyang ina na mapunta sa kaniya ang kompany
Sa isang kilalang restaurant dinala ni Nathan si Via. Nakaakbay siya sa dalaga at nakapulupot naman ang kamay ni Via sa beywang niya.Ang mga taong naroon ay tila naiinggit sa kasweetan nila. Akala kase ng iba ay mag jowa sila ni Nathan. Napangiti naman siya sa isiping iyon. Paano kaya kung makita sila ng girlfriend ni Nathan at mapagkamalan siya bilang third party? Ang saya siguro. Napailing nalang siya sa isiping iyon at hindi niya napagil ang mangiti.Nakakunot noo siyang pinagmasdan ni Nathan. "What was that smile for?"Napailing lang siya. "Nothing. May iniisip lang akong nakakatawa." tila nagdadalawang isip ito sa sagot niya at tinaasan siya ng kilay. Pero bigla na lang itong nagbikit balikat at umupo na rin.Ilang sandali pa ay may lumapit na sa kanilang waitress. At kinuha na nila ang order nila.Habang hinihintay nila ang kanilang order ay mataman siyang pinagmasdan ni Nathan. Napa buntung hininga siya.Napaangat naman ang tingin ni Via kay Nathan. "May problema ka ba?" She a
"What?" Gulat na tanong ni Via. Tapos biglang sumakit ang ulo niya kaya nasapo niya ito. "Via ama mo ako kaya alam ko kung anong makakabuti sayo... ""I'm sorry iha pero tama ang daddy mo, hindi na kami bumabata.. "Now, she clearly understand what happened. Kung bakit siya naglayas. Napatingin siya sa kaniyang mga magulang na puno ng hinanakit.Naningkit ang kaniyang mga mata. "I don't really understand Mommy, Daddy kung bakit ninyo ako gustong ipagkasundo sa lalaking iyan!" At napadako kay Ivan ang mga mata niya. Nakita niya kung paano tumigas ang anyo nito at kung paano naggalawan ang mga muscles nito sa mukha. "Hija, please understand. Noong magkasundo kami ng ama ni Ivan ay mga bata pa kayo. At ngayon ko nalaman na itinali ng Papa niya ang mana niya sa kasal ninyong dalawa." paliwanag nito. "The hell I care with his inheritance!" Yes the hell I care! Sikmat niya sa kaniyang ama. No! Hindi pwede. Paano si Blake? Paano ang girlfriend nito? Hindi pwede! "Pero hindi para kay Iv