Share

CHAPTER SEVEN - SOLVING PROBLEM

Para syang nanuno matapos ang narinig sa lalaki. Hindi nya sukat akalaing ito ang pabor na hinihingi nito. Tama nga ba ang narinig nya? Na anak ang gusto nito sa kanya? Paano naman nya ibibigay rito yon? At saka mahirap magpa migay ng anak. Hindi rin nya kilala ang lalaki paano naman sya papayag sa hiling nito sa kanya. Lumunok muna sya bago nakuha ang sariling salita.

      "I- iyan na ba ang pabor na sinasabi mo?" tila naninigurado nyang tanong. Hindi nya alam at mapag pasyahan kung papayag nga ba sya o hindi. Tila napaka hirap naman yata ng hiling nito sa kanya. Hindi biro ang gusto nito, pero paano kung dito naman naka salalay ang kanyang pagkaka taon para sa pangangailangan ng kanyang magulang? 

       "Yes!" maikling tugon nito. Diretsong naka titig sa kanya na tila tinatantya ang kanyang reaksyon.

      Napalunok muna sya at hindi makuhang mag salita. "Pwede ko bang pag isipan muna?" 

      "Sure!" at tumango pa ito saka tumuwid ng upo. "But I think you don't have time too, remember your parents especially your father, he's in danger as you said earlier." seryosong sabi nya. 

      Napapikit ng mariin si Sarah at napa lunok. Parang hindi nya alam kung ano ba dapat ang gawin. 

      "Don't worry, I will be fair to you, as long as na pumayag ka sa gusto ko. We will make a deal at sisiguruhin kong hindi ka madedehado rito. I can give you the money that you need, and also to support you and your family until they get well. I can assure that I will support you financially, but making sure na hindi mo lalabagin ang mga magiging rules ko." diretsong sabi nya ng walang ligoy.

       Nanatiling walang sagot ang dalaga at tila pino proseso pa sa isip ang kanyang mga sinabi. Naguguluhan kung tatanggapin ba o hindi ang ina alok nya. Nai- imagine nya na malaking tulong ito para sa kanila lalo na ang ama nya. 'Please, God, tulungan mo po ako sa magiging desisyon ko. Bigyan mo ng linaw ang mga dapat kong maging pasya.' piping dasal nya sa sarili.

      "I can send the money to you, right now if you wish, iyon ay kung papayag ka?" tila naging desperado yata syang mapapayag ito. Sa totoo lang, kaya naman nyang ipahiram o kahit ibigay pa nga ang halagang kailangan nito ngunit ito lang ang nakikita nyang paraan upang ma solusyonan ang sariling problema. 

      Mas alam nyang papayag ito dahil sa laki ng pangangailangan ng babae. Nakita nya itong pumikit at lumunok. Hindi sya sigurado sa magiging pasya nito pero umaasa syang papayag ito. Para rin naman sa kapakinabangan nila pareho ang gagawin nyang desisyon. Mabibigyan nya ng sagot ang problema nito sa pera at sya naman sa problema nya sa mag bibigay sa kanya ng anak.

      Bumuntong hininga muna si Sarah bago muling lakas loob na nag salita.

      "Sige, pumapayag na ako sa gusto mo. Pero pwede ko bang malaman kung ano ang desisyon mo sakaling gawin ko ang mga sinasabi mo ngayon?"

      "Sure!" at inilahad nito ang kamay sa kanya na agad rin naman nyang tinanggap. "Tatawagan kita bukas para sa kontrata, ipapahanda ko agad iyon ngayon sa abugado. For the meantime, pwede ka muna mag rest, don't worry about your father, I'll assure you na maa asikaso agad sya ngayon para sa operasyon nya. At ang perang kailangan mo, makukuha mo agad ang kalahating milyon, don't worry hindi lang naman iyon ang makukuha mo at malalaman mo iyon sa kontrata mo bukas, just give to me your bank account para mai- send ko sayo." diretsong sabi nito. 

      Nalula si Sarah sa halagang sinabi nito. Kung tutuusin sobra sobra pa ito sa kailangan nyang halaga. Sa sinabi nito, sapat na para mai pagamot nya ang ama.

      "S- sige." sabi nya na hindi rin maiwasang maka ramdam ng hiya sa kaharap. Pakiramdam nya ang liit liit nya sa harapan nito. 

       "It's already late kaya bukas ka na lang umuwi. Gamitin mo na muna ang room ko, dito na lang muna ako sa sala."

      Agad namang nagulat si Sarah sa sinabi nito. Napasulyap tuloy sya sa kabilang korner at sumulyap sa isang malaking wall clock roon. It's already two twenty five a.m. 

      "Pwede naman ako rito sa sala, Ikaw na lang sa room mo." nahihiyang tanggi nya.

     "No more but's, just go in bed and I can manage myself here. Go! Get rest." pananaboy nito sa kanya."

      Tahimik na sumunod na lang sya sa sinabi nito. Tumayo at muling bumalik sa kwarto nito at nahiga sa kama. Halos hindi naka tulog si Sarah. Kahit anong pilit nyang ipikit ang mata, hindi pa rin sya dalawin ng antok. Panay ang biling nya sa kama.

      'Ano pa bang nakakagulo sa akin? Solve naman na ang problema ko, ba't ba naguguluhan pa rin ako? Tama ba itong pinasok ko?' piping tanong nya sa sarili. Lumipas pa ang oras at halos hindi nakatulog si Sarah. Mag uumaga na ng maramdaman nya ang bigat ng kanyang mga talukap. Hanggang sa hindi nya namalayang naka tulog na sya.

Mataas na ang araw kinabukasan ng biglang magising si Sarah mula sa sinag ng araw na humahalik sa mukha nya, at pakiramdam na tila may nag mamasid sa kanya. Nakahawi pala ang kurtina ng bintana sa kwarto kaya malaya syang nasisinagan ng morning sun. Natatarantang napa balikwas sya ng bangon, napa sarap pa yata ang tulog nya. Paano ba naman halos hindi na sya patulugin ng sarili sa pag iisip kung tama nga ba ang naging desisyon nya. Inilinga nya ang tingin sa paligid, wala namang ibang tao maliban sa kanya. Agad nyang inayos ang sarili upang lumabas na rin ng silid.

RAIVER'S POV

Maaga pa ring nagising kinabukasan si Raiver kahit pa nga kulang ang kanyang naging tulog ng gabing iyon. Labis na ginulo ng babaeng bago pa lang nya nakikilala at halos isang gabi pa lang. Sinipat nya ang oras sa kanyang phone, at alas sais pa lang ngunit may kadiliman pa sa paligid. Guato sana nyang maglinis ng katawan ngunit alam nyang may tulog sa silid nya. Pakiramdam nya may stiffneck na yata sya dahil sa hindi maayos na pag kaka lapat ng katawan sa higaan. Sa taas nga ba naman nya, at halos kulang pa ang haba ng sopa sa kanya. Mabilis na inilinga nya ang tingin sa paligid. Matapos napako ang mga mata sa pinto ng kanyang kwarto. Hindi nya maiwasang isipin kung naroon pa ba ang babae.

        Tumayo sya at humakbang palapit sa kanyang kwarto. Sinubukan nyang pihitin ang door knob at bumukas naman agad iyon. Hindi ito naka lock at ng buksan nya ito, ang naka higang babae ang bumungad sa kanya.

     'Narito pa sya.' bulong nya sa sarili. Muli muna nyang inilapat ang dahon ng pinto at tinungo ang kusina. Nag handa sya ng kanyang kape at bread na may palamang peanut. Matapos nag prepare para mag luto ng breakfast. Pritong itlog, tosino, at ginisang corned beef ang napili nyang lutuin. Wala pang isang oras at tapos na sya. Inamoy pa nya ang sarili at amoy pagkain na sya. Hindi naman sya maka pasok ng kwarto at baka maabala ang natutulog na babae.

    Muli syang bumalik sa sala at tinawagan ang kanilang attorney.  Ipinahanda nya ang para sa kontrata nila ni Sarah. Halos ilang minuto lang naman ang itinagal ng tawag nya at muling napa sulyap sa kanyang silid.

     Dahan dahan syang muling humakbang palapit rito at pumasok. Hinawi nya ang kurtina ng bintana upang pumasok ang bahagyang liwanag. Hindi nya naiwasang pag masdan ang babaeng payapang natutulog sa gitna ng kanyang kama. He's wondering kung hindi nga rin ba ito naka tulog kagabi ng maayos at mukhang napa himbing yata ang tulog nito at late na magising.

     Maganda ang hugis ng mukha ng babae, morena ang makinis na kutis nito at matangos ang ilong. Manipis ang mapulang labi at mahaba ang pilik. Bahagya pa itong nag hihilik. Napansin nya itong gumalaw kaya naputol ang ginagawa nyang pag mamasid rito. Mabilis syang lumabas ng silid bago pa man nito mapansin na naroon sya sa loob ng silid.

     Muli syang lumabas ng silid at nag tungo pansamantala sa batroom na nasa bandang gilid ng komedor.

SARAH'S POV

Nang makalabas sya sa salas wala syang nakitang sinuman. Nakaramdam sya ng matinding pag kalam ng sikmura lalo na ng maka amoy sya ng mabangong amoy ng pagkain. Parang bigla syang natakam.

      Wala namang tao kaya naisipan nyang dumiretso sa direksyon ng isang pinto. Pag bukas nya bumungad sa kanya ang hitsura ng isang simple ngunit eleganteng kusina. Nalula naman sya na mayaman ang lalaking bago pa lang nya nakikilala.

     Napansin nyang may mga tinakpan sa gitna ng mesa. Dahan dahan syang lumapit rito habang natatakam. Bahagya pa nyang nahimas ang tiyan na nakakaramdam na ng gutom.

     "Get ready at ihahatid nalang kita." boses mula sa likuran nya na ikinagulat nya sa biglang pag sulpot nito.

     "Ha? Ah oo." hindi malamang sagot nya.

      "Umupo ka muna at sabayan mo na rin akong kumain, sigurado gutom ka na rin naman. If you want coffee, pwede ka naman dyan mag timpla." at diretso na itong humila ng upuan matapos muli pang humila ng isa. "Take your seat." at iminostra ang isang upuang hinila nito sabay upo sa isa pa.

      Àt dahil matindi na rin naman ang nararamdamang gutom nya, agad syang umupo sa upuang itinuro nito. Nahihiya man ngunit napilitan na rin syang kumuha ng makakain. At dahil gutom sya, hindi nya namalayan na halos maubos nya ang lahat ng pagkaing naka hain. Malakas pa  syang napa dighay matapos uminom ng tubig. Nahihiyang natakpan tuloy nya ang bibig at napasulyap sa lalaking walang kibo habang naka tingin sa kanya na tila namamangha. 

     "It's good to know na magana ka palang kumain, at least now I know na magiging healthy sya once you have him inside your womb." seryosong sabi nya. Napa isip tuloy sya sa sinabi nito at napasulyap sa mesa.

      Na conscious tuloy sya bigla sa kanyang sarili at napanganga sabay ng panlalaki ng mata ng makitang ubos na ang pagkain sa mesa. 'Ako lang ba ang naka ubos lahat nyan?' hindi maka paniwalang bulong nya sa sarili.

      Nanatili namang walang salita na syang narinig sa binata.

     "Be ready, maya maya lang ihahatid na kita." Tumango sya at saka mabilis na inayos ang mga pinag kainan.

       "Leave it, there. Just prepare yourself." sabi nito sabay tumayo at lumabas.

       Mabilis rin naman syang sumunod rito ng walang imik. Kapwa sila tahimik habang palabas ng unit nito. Wala ni isa man sa kanila ang nag tangkang mag salita. Hanggang sa marating nila ang parking lot. Walang imik na ipinag bukas pa sya nito ng pinto ng sasakyan. 

     Nanatili lang si Sarah na tahimik at walang kibo habang magka salikop ang mga palad sa harapan.

      Habang nasa gitna sila ng byahe, si Raiver ang unang nag salita. 

      "Saan ba ang address mo?" tanong nito na hindi sumusulyap sa kanya. Nakatuon ang atensyon nito sa harapan ng sasakyan.

      "Sa bar mo na lang muna ako ihatid." maikli nyang tugon.

      Agad nangunot ang noo ni Raiver sa naging sagot nya. "Hindi ba't binigyan na kita ng kailangan mo? So, simula ngayon, hindi ka na mag tatrabaho sa kahit saan maliban sa akin. Maliwanag na ba sa iyo yan?" seryoso ang hitsura nito habang nag sasalita. Napalunok sya sa narinig. Bigla ang pagiging pormal nito na malayo sa pagiging wild at hot kanina. 

       "S- sige, sa hospital na lang." pang iiba nya.

     

      

Comments (3)
goodnovel comment avatar
Darna Taya Goas
wow I love it, ang ganda ng story, sana maging tuloy tuloy ang pagbasa hanggang wakas.
goodnovel comment avatar
Leizyl D. Gatilogo
i love the story...
goodnovel comment avatar
Jennel Abadilla Gonzales
ganda ng kwnto sarap basahin
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status