NAGKIBIT ng mga balikat niya si Isla dahil doon. "Close kami, as in super close," ang tanging naisagot niya.
"Pasensya na pero hindi po ako naniniwala. Pero sigurado ako na sooner or later ay sasabihin mo rin sa amin ang totoo, hindi ba?" ang kinikilig na tanong- sagot sa kanya ni April.
Noon nakagat ni Isla ang pang-ibaba niyang labi. "Actually last night..."
"Ano?" si April ulit iyon, habang si Renz ay tinapunan siya ng isang naghihinalang tingin.
Agad na parang naramdaman ni Isla ang mainit na labi ni Vincent habang hinahagkan siya. At iyon ang nagbigay sa kanya ng agarang epekto na naging dahilang ng matinding pamumula ng buo niyang mukha.
"Bakit nagba-blush ka?" ang curious na tanong sa kanya ni April.
“You had your first kiss, am I right?”
Labis siyang ginulat ng tanong na iyon sa kanya ni Renz. Mabuti na lamang at hindi ito maingay sa pagkakataong ito. “Why? Do you think you can run away from me just like that, Miss Beautiful?”-VINCENT-
"SAAN tayo pupunta?" tanong ni Isla kay Vincent nang gabing iyon pagkatapos ng last subject niya. Isang magadang ngiti ang pumunit sa mga labi ni Vincent. “In a place where there will be no room for fear because it’s just you and me,” ang makahulugan nitong sagot sa kanya at pagkatapos ay binuhay ang engine ng sasakyan. Walang nakapa na kahit anong pwedeng sabihin si Isla kaya naman mabilis na nilamon ng katahimikan ang loob ng sasakyan. Si Vincent ang bumasag ng katahimikang iyon. "Gusto mo bang makinig ng music?" tanong nito sa kanya. "Oo naman," sagot niya. Tumango si Vincent saka binuksan ang car stereo kung saan pumailanlang sang isang pamilyar na classic love song. Mabilis na naramdaman ni Isla ang pagbabago ng atmospere. Kasabay niyon ay ang tila ba mainit na damdamin na humaplos sa kanyang puso. Masaya siya sa nangyayari ngayon at
“W-WHAT? Me as your wife?” ang hindi makapaniwalang sambit ni Isla matapos niyang marinig ang sinabing iyon ni Vincent. At dahil nga sa nagulat siya ay hindi narin niya napigilan ang sarili niya nang gustuhin niya pakawalan iyon mula sa mahigpit na pagkakayakap ng lalaki sa kanya. Noon din kasi ay tinitigan niya si Vincent nang tuwid sa mga mata nito. "Seryoso ka ba?" pagpapatuloy ni Isla. Noon pumunit ang isang tapat at matamis na ngiti sa mga labi ng binata. "Bakit? Sa tingin mo ba nagbibiro lang ako? Na gagawin kong biro ang tungkol sa bagay na ito?" Nanatiling speechless si Isla habang nakatitig kay Vincent. Hindi niya magawang hanapin ang tamang salita na pwede niyang sabihin. Kaya noon nagkaroon ng pagkakataon ang binata na muling kunin ang pagkakataon na sabihin ang iba pa nitong gusto na marinig niya. “What do you think is the reason why I kissed you last night? That I waited for you thi
NAGING mabilis ang paglipas ng mga araw, ni hindi halos napansin ni Isla na isang buwan na ang lumipas mula nang tanggapin niya si Vincent bilang nobyo at maging sila. At katulad ng napagkasunduan nilang dalawa nang gabing mag-usap sila, hiningi ng binata ang permiso ng kanyang ama upang payagan siya nito na magsabay sila sa pagpasok sa eskwelahan at maging sa pag-uwi narin. Parehong masaya sina April at Renz nang ipaalam niya sa mga ito ang tungkol sa kanilang dalawa ni Vincent. Pero syempre ipinaalala rin niya sa dalawa na walang pwedeng makaalam ng tungkol doon. Nangako naman ang mga ito na mananatiling lihim ang lahat ng sinabi niya. Mabilis na nagbago ang buhay niya at hindi niya inasahan ang tungkol doon. Isang linggo matapos siyang dalhin ni Vincent sa kanilang lihim na tagpuan ay nagawa na ng binata ang kumuha ng contractor na magtatayo ng kanilang treehouse. “Hey, sweetheart,” mabilis na napaangat ang tingin ni Isla mul
"I ALWAYS wanted to do this to you, sweetheart. Been dreaming of this moment for a very long time," ani Vincent as tono na puno ng paghahangad saka ipinagpatuloy ang ginagawa. "A-Ano iyon?" ang naitanong niya kahit kung tutuusin ay alam naman niya kung ano ang sinasabi ni Vincent. O baka mas tamang sabihin na nauunawaan niya kung ano ang ibig nitong sabihin pero hindi siya sigurado? Noon ngumiti ang binata saka nito inilapit ang mukha nito sa kanya. "I want to give you lingering kisses sweetheart. Passionate, and I want to take my time in doing it," ang binata sa kanya. Napasinghap si Isla dahil sa narinig niyang iyon. Pagkatapos ay parang wala sa sariling napapikit nang humaplos ang mabangong hininga ng binata sa kanyang mukha. "P-Pero, hindi ba palagi mo naman iyong ginagawa?" tanong niya sa siya naman talagang totoo. Isla felt an electrifying agitation that spreads all over her body when Vinc
HINDI nagtagal at muli na naman siyang hinalikan ng binata. Pakiramdam ni Isla nang mga sandaling iyon ay alam ng kanyang nobyo kung ano ang hinihintay niya. Kinakabahan at nahihiya siya dahil iyon ang unang pagkakataon na may nakakita sa kanya sa ganoong ayos. Actually, half-naked siya. Pero ang lahat ng kaba na nararamdaman niya ay nakapagtatakang biglang naglaho nang banayad na hinaplos ni Vincent ang isa niyang dibdib kung saan naramdaman naman ng dalaga ang init ng palad nito. Napaungol si Isla dahil sa kaligayahan na kaniyang naramdaman. Hindi pinakawalan ni Vincent ang mga labi niya kaya naman na-trapped sa pagitan ng magkahinang nilang bibig ang ungol na iyon. Kakaibang klase ng kaligayahan ang inihahatid sa kanya ng ginagawa ni Vincent lalo na nang simulan nitong laruin ang dulo ng kanyang dibdib gamit ang daliri nito. Sandaling pinakawalan ni Vincent ang mga labi niya pagkatapos. Kaya
KUNG mayroon mang nagbago kay Vincent matapos ng insidente. Iyon ay ang katotohanan na mas naramdaman ni Isla ang mas higit pang pagmamahal at pagrespeto sa kanya ng binata. At labis iyong ipinagpapasalamat ng dalaga. Although, may mga pagkakataon talaga na marahil ay nakakalimutan ng kanyang nobyo na hindi ito maaaring maging sweet sa kanya sa publiko. “Isla,” si April iyon. Nasa library sila noon kasama ni Renz at nagpapalipas ng oras. Katulad niya ay nagbabasa rin ang dalawa. Maaga silang na-dismissed gawa ng kadahilanan na absent ang huling professor nila para sa araw na iyon. “Bakit?” tanong niyang nag-angat ng ulo saka sinalubong ang mga titig ng kanyang kaibigan. “Tingnan mo, si Vincent oh,” sagot ni April na nakatitig sa kanya. Nakatalikod kasi ang okupado niyang silya sa pintuan ng library kaya hindi niya nakita ang pagpasok ni Vincent sa aklatan. Mabil
KATULAD ng napagkasunduan nila, nang gabing iyon, si Vincent ang personal na humingi ng permiso sa kanyang ama para masamahan niya ito sa Simbang Gabi. Pumayag naman doon ang kanyang ama at lihim na ikinatuwa ni Isla ang tungkol doon. Nasa loob na siya ng kanyang kwarto nang pumasok doon ang kanyang ama.“Papa, bakit gising pa po kayo?” tanong niya habang nanatiling abala sa tinatapos niyang assignment.Ngumiti lang sa kanya si Artemio at pagkatapos ay inilapag sa ibabaw ng kanyang study table ang isang mug. “Inumin mo ito, anak,” anito sa kanya.Alam niyang gatas ang laman niyon. “Salamat po, Papa,” aniya habang nakatitig sa mabait na mukha ng kanyang ama. “May kailangan po ba kayo?” dugtong pa niya nang mapunang maliban sa mug ng gatas ay mayroon pang ibang pakay ang kanyang ama.Noon naupo sa gilid ng kama ang kanya ama. “Gusto kong magsabi ka ng totoo sa akin, Isla,” sagot nitp saka siyang tinitigan ng tuwid sa kanyang mga mata
DAHIL nga alas tres ng madaling araw ang napagkasunduan nilang dalawa ni Vincent, mas maagang nagising si Isla para magkape. Sa kusina ay nagpang-abot pa sila ng binata nan ang mga sandaling iyon ay bihis narin at halatang katatapos lang magkape."Too bad I missed the chance today," si Vincent na tumawa ng mahina nang palabas na sila ng mansion.Mabilis na nagsalubong ang mga kilay ni Isla nang hindi niya makuha kung ano ba ang ibig sabihin ng binata sa sinabi nitong iyon. “Missed the chance sa ano?”Tumawa ng mahina ang binata saka nito nakangiting tinanguan ang guard na nagbukas ng malaking gate ng mansion. “Ang ibig kong sabihin, na-missed ko iyong chance na makasabay sa sap ag-inom ng kape ngayong umaga. Anyway, siguro bukas pwede tayong magsabay? Ano sa tingin mo?” sagot nito nang makalabas na sila ng gate. Noon din naman sinubukan ng binata na hawakan ang kamay niya, pero mabilis iyon na iniiwas ni Isla.“Gusto k