DALAWANG araw matapos ang usapan nilang iyon ni Ruby ay nagulat pa siya nang dumating ang tatay niyang si Artemio at tiyahing si Aida. Hindi rin niya napigilang maging emosyonal kaya mahigpit siyang niyang ni Vincent nang sabihin ni Manuel na sa mansyon na muling maninirahan ang mga ito.“Nagiging iyakin kana yata? Baka makasama iyan kay baby,” tuksong bulong pa ni Vincent sa kanya saka pinahid ng hintuturo nito ang butil ng kanyang mga luha.Napuno ng hindi maipaliwanag na tuwa ang dibdib niya nang sa harapan ng mga magulang nilang pareho ay hinalikan pa nito ang tungki ng kanya ilong.“Baby ka diyan?” kahit ang totoo ay gusto niyang itanong kung paano nito nasabi iyon gayon hindi pa naman niya nasasabi rito ang tungkol sa pagdadalantao niya.Tama buntis siya ng six weeks na sa ikalawang anak nila ni Vincent. Nakumpirma niya iyon sa mismong OB-Gyne na tumingin sa kanya dahil delayed ang menstruation niya ng ilang araw. Bukod pa sa bago iyon ay dumaan siya sa paggamit muna ng pregnanc
TWO MONTHS LATERIYON na marahil ang pinakamaligayang araw sa buhay ni Isla. Ang maglakad sa aisle ng malaking simbahan habang suot ang isang maganda at kulay puting wedding gown. Kasama niya si Artemio na ngumiti sa kanya nang tingalain niya ito. Habang si Aida naman ay bahayang tinapik lang ang balikat niya. “Hello Miss Beautiful,” ani Vincent na matamis pang nakangiti. Napakagwapo nito sa suot na white three-piece suit. "And you are perfectly handsome," sagot naman ni Isla saka hinagod ng titig na may pagmamahal ang gwapong mukhang ng kanyang kabiyak. "Let's go?" nanatiling nakangiti pa rin si Vincent nang ialok nito sa kanya ang braso nito.Tumango si Isla saka kumapit sa braso ni Vincent at saka nagpatuloy sa paglalakad sa aisle palapit sa altar ng simbahan kung saan naghihintay sa kanila ang isang pari."Happy?" ang ibinulong na tanong sa kanya ni Vincent bago pa man magsimula ang kasal. "Very happy," totoo iyon. And the thought na pati ang menu ng kanilang kasal ay naga
AFTER TWO YEARSHABANG karga ang dalawang taong gulang na anak ay nakangiting pinanonood ni Vincent ang asawang si Isla. Nang mga sandaling iyon ay abala sa paghahanda ng pagkain ang kanyang asawa sa ilalim ng malaking puno ng akasya. Sa punong iyon naroroon din ang kanilang tree house."Papa, it's really beautiful here,” wika ni Matthew na nang mga sandaling iyon ay tumakbo palapit sa kanya. Hawak nito ang isang bolang kanina pa nito pinaglalaruan.Hindi ito ang unang pagkakataong dinala nila si Matthew sa lugar na ito. Pero palagi ay ganito ang sinasabi ng anak niya.“Talaga? Kung ganoon ay gusto mo rin ba dito? Ikaw Julia, do you like it here too?” tanong niya kay Julia saka nanggigigil na hinalikan sa pisngi ang anak.Sa paglipas ng panahon ay lalong lumalaki ang pagkakahawid ni Isla sa kanilang anak. Kaya naman may mga pagkakataon na tuwing tinitingnan niya si Julia ay nagbabalik sa isipan niya noon unang beses na dalhin ni Artemio si Isla sa kanilang bahay.Bata pa siya noon. Ma
FIRST ROSE"HELLO Miss Beautiful!" nang abutan ni Vincent si Isla sa kusina kung saan abala ang huli sa paghuhugas ng plato. "Hi Sir Vince," iyon ang naging pagtugon sa kanya ng dalaga.Noon kumilos ang binata. Kumuha siya ng baso saka kumuha ng malamig na tubig mula sa refrigerator.“Malapit na ang Valentine’s Day ah. May date kana ba?” tanong niya habang nanatili siyang nakatitig sa magandang mukha ni Isla.Nahihiya siyang sinulyapan ni Isla saka tipid na ngumiti. “Wala, saka hindi ko naman iniisip ang mga ganyan sa ngayon. Wala akong time makipag-date,” sagot nito.Mabilis na umangat ang makakapal na kilay ni Vincent. “Talaga? Ibig sabihin ba nun eh walang nagbibigay ng regalo sa’yo tuwing Valentine’s Day?”“Meron, hindi ko lang tinatanggap kasi baka makita ng tatay ko. Kapag nangyari kasi iyon siguradong mapapagalitan ako,” paliwanag ni Isla sa kanya.Tumango si Vincent sa narinig. “Just in case ba anong klase ng regalo ang hindi mo matatanggihan?”Parang hindi makapaniwalang tum
"Howare you, Chef Vincent Del Carmen?" iyon ang masayang bati sa kaniya ni Randy.Iyon ang araw ng pagbisita ni Randy sa kaniyang condominium unit.Roommate niya si Randy noong nag-aaral pa silang pareho sa isang kilalang unibersidad sa America. Pero nagtagal lamang iyon ng anim na buwan. At dahil naging abala narin siya sa pag-aaral at sariling buhay ay naputol ang komunikasyon nila ng lalaki. Kamakailan lang nang muli silang magkita nito sa isang hindi inaasahang pagkakataon sa isang bar sa Makati."I'm good actually, I heard you are getting married?" tukso pa ni Vincent sa kaibigan niya.Tinawanan lang siya ni Randy saka ito nagsalin ng wine sa dalawang baso. "Sa maniwala ka man o hindi Vincent, I think I found her," sa tono ng pananalita ni Randy ay halatang napakasaya
Matamis na ngiti ang pumunit sa mga labi ni Isla nang pagbukas niya ng magazine ay bumungad sa kaniya ang isang pamilya na mukha, walang iba kundi si Chef Vincent Del Carmen, ang pinakagwapong lalaking nakilala niya. Parang kailan lang, ngayon sikat na sikat ka na. Naiisip mo parin ba kaya ako? Iyon ang kabilang bahagi ng isipan ni Isla. Katulay niya ay mula rin sa San Jose si Chef Vincent, isa iyong maliit na bayan sa Pampanga. Pampanga is a province in Central Luzon that is also known to be the Culinary Capital of the Philippines. Marami siyang alam tungkol kay Vincent pero mas pinipili niyang itikom na lamang ang bibig niya sa lahat ng pagkakataon. Dahil kung sakali, alam naman kasi niyang walang maniniwala sa kaniya. Nasa ganoong estado siya ng kaniyang pag-iisip nang marinig ang mahihinang pagtawag sa kaniya ng kung sinong nasa may pintuan ng pantry, nilingon niya iyon. "Bakit? Ano 'yun?" ang magkasunod niyang tanong kay Lorrie na katulad niyang kahera rin sa restaurant. "A
"Ang swerte mo alam mo ba? At least ikaw nakikita mo siya araw-araw. Siguro hindi mo nararanasan ang ma-miss siya kasi sa isang mansyon lang kaya nakatira," ang kinikilig na winika ni April kinabukasan sa school at oras ng kanilang free time.Dahil sa scholarship na ipinagkaloob sa kaniya ng Del Carmen Foundation ay nakapag-aaral siya ngayon sa prestihiyosong eskwelahan na iyon sa kanilang bayan. Ang kailangan lamang niyang gawin ay i-maintain ang matataas na grades para maka-graduate sita sa kurso niyang AB-English kung saan nasa ikalawang taon na siya."Hindi naman madalas sa bahay si Vincent kasi palagi siyang nasa mga kaibigan niya," sagot ni Isla saka ipinagpatuloy ang pagpa-browse sa librong kinuha niya sa shelf.Noon napalabing nangalumbaba si April. "Hindi ba ang girlfriend niya ngayon ay yung reigning Miss University natin? Si Tanya. Ang swerte niya kasi napansin siya ni Vincent, tayo kaya, kailan niya mak
NANG gabing iyon, naghuhugas na ng mga platong pinagkainan si Isla nang marinig niya ang isang pamilyar na ugong ng sasakyan sa mismong garahe ng mansyon.Nagsimulang kumabog ang dibdib niya. Alam niyang gagamitin ni Vincent ang kitchen door kaya naman inihanda na niya ang kaniyang sarili para doon at hindi nga siya nagkamali.Agad na sa kanya natuon ang paningin ng binata nang makapasok ito ng kusina. Marahil dahil siyang mag-isa lamang ang naroroon kaya ganoon ang nagyari.“Sir, good evening,” ang nahihiya niyang bati sa binata saka ito pilit na nginitian.Narinig niya ang mahinang tawa na pinakawalan ni Vincent. "Sinabi ko naman sa iyo di ba, tawagin mo nalang akong Vincent, o kaya iyong nickname na ibinigay mo sa akin, kasi mas gusto ko iyon."Nang ngumiti ito ay noon naramdaman ni Isla ang mabilis na pagkawala ng sakit na nararamdaman niya kanina. Kaya sa huli ay hin