"A-Ano?" nanlalaki ang mga matang bulalas ko.
"Hubad o uurakan ko siya?" itinutok niya kay Harlie ang patalim.
"T-Teka huwag! Eto na!" naiiyak na talaga ko. Ang pangit niya, tapos masama pa ugali.
"Ayan! Madali ka naman palang kausap, bilisan mo." utos niya kaya napahawak ako sa laylayan ng t-shirt ko.
"Alam mo Callie, matagal na talaga kitang kursunada kaso nuknukan ka ng suplada, pero ngayon wala ka ng kawala." anito habang minamasdan akong itaas ang damit ko. Itataas ko na talaga iyon nang may kumatok kaya napalingon si Allan, sinamantala ko ang pagkakataon at ubod ng lakas na tinadiyakan ko siya sa harapan.
&
Callie’s POV "Hailey? Di ko alam kung naririnig mo ko o hindi? Papaalam sana ko, mapilit kasi si Carter sa karapatan niya kay baby Harlie. Kung magmamatigas ako habang tulog ka, baka magpaimbestiga siya at malaman na hindi naman talaga ako ikaw. Mas may laya na siyang gawin ang gusto niya kapag nalaman niyang wala siyang pangingilagan. Kaya magpapanggap akong ikaw. Okay lang ba?" kausap ko sa kakambal ko habang nakaratay sa hospital bed at wala pa ring malay. Wala akong nakuhang sagot. "Callie, anak, hindi ba delikado ‘yan? Hindi mo naman kailangang gawin ‘yan. Kung sakaling may gawin nga si Carter na hindi maganda, nandito naman ako. Hindi ko kayo pababayaan." ani Mamshie Elaine na nasa kabilang gilid ni Hailey.&nb
Chapter 18"Ito na lahat ng gamit niyo?" usisa ni Carter nang mailabas namin sa gate ang mga gamit namin ni Harlie. Dalawang maleta lang naman. Ngayon niya kami susunduin para lumipat sa bahay niya."Oo.""Okay, sige sakay na kayo. Dito na lang tayo sa backseat para mas kunportable kayo." giya niya sa akin saka niya ipinalagay sa driver ang mga maleta sa compartment ng magara niyang kotse."Let’s go?" aya niya nang mapansing hindi ako tumalima."Eh, Carter…may sasabihin sana ako sa’yo?""About?""W-Wala ba talagang magagalit kung gagawin natin ‘to?""Wala. Single ako. Nasa right age. May stable job, company.""Eh, hindi ba awkward?""Bakit magiging awkward?""Siyempre hindi naman talaga natin kilala ang isa’t-isa tapos patutuluyin mo ko sa bahay at buhay mo?""Daming time para makilala natin isa’t-isa. Isa pa, kung iyong mga mag-asawa nga kinikilala pa rin ang baw
"Wala pa rin ba siyang improvement?" tanong ni Carter nang yayain niya kong puntahan namin si Hailey. Parehas pa kaming nakahospital gown. "Wala pa rin. Malaki kasi talaga iyong impact ng panganganak niya, eh. Delikado talaga. Pero alam ko gigising din ‘yan. Napagod lang." pagpapalakas ng loob na sabi ko. Sa totoo lang lungkot na lungkot pa rin ako sa kalagayan ng kambal ko. Nahihiya lang akong umatungal sa harap ni Carter. Medyo nagulat pa ako nang hawakan niya ang kamay ng kakambal ko. "Hailey, si Carter ‘to. I’m back. Please get well soon. Our baby needs you." masuyong kausap ni Carter dito. Aw. Ang sweet. Nangilid ang luha ko. Parang nanonood ako ng koreanovela. Huhubels
Nagising ako bandang 5:30 ng umaga. Dali-dali akong nagbangon para kunin si Harlie sa kabilang kwarto. Madalas kasi itinatabi siya ni Carter sa pagtulog. Lokong-loko sa anak niya. Sabagay, miske nga rin ako aliw na aliw kay Harlie, eh. Para bang kahit buong araw ko ng kasama ang batang iyon, hindi ako naiinip o nagsasawa man lang. Mahal na mahal ko na si Baby Harlie. Well, so far, so good, mahigit isang linggo na ako sa poder ni Carter at masasabi kong mabuting tao naman siya. Responsible father din. Saka hindi naman siya mahirap pakisamahan. Pasable ng bayaw ‘to."Ay, puke!" naisigaw ko dahil natalisod pa ako kung kailan malapit na ako sa pintuan ng kwarto ni Carter."Asan?" tanong ni Carter na nakalabas na pala pintuan ng silid nito habang karga si Harlie na kakawag-kawag. Narinig ako ng loko.
Chapter 21 "Nandito na pala tayo," ani Carter nang makarating kami sa mall. Medyo maraming tao, dahil labasan na ng mga estudyante at mga galing sa trabaho. Karga ko si Harlie, pero kinuha siya sa’kin ni Carter kaya ako na ang nagbitbit ng bag. "Kapit ka na lang sa braso ko, baka magkawalaan pa tayo." "Ha?" "Halaman!" pamimilosopo ng loko at hinawakan na ako sa pulsuhan kaya napasunod ako.&nb
Matuling lumipas ang mga araw, hanggang sa naging linggo at umabot na nga sa ika-isang buwan ni Harlie na wala pa ring malay si Hailey, naiistress na ko sa kalagayan niya. Madalas may mga gabing hindi ako makatulog, kakaisip sa kanya. Panay ang dalangin ko na sana magising na siya."Madam, ano pong kulay niyang cutex niyo?" halatang interesanteng tanong ni Irene kay Mamshie Elaine ko, nasa condo sila.Tulad ng napag-usapan kung hindi pa nagigising si Hailey, buhos-tubig muna ang gagawin kay Harlie. Saka na lang ang mismong binyag kapag nagising na siya. Isa pa celebration na rin kasi 1 month na si Harlie. At siyempre, si Irene ang sinuggest kong maging Ninong, pumayag naman si DC. At dahil first month ni Baby hindi pumayag si Carter na walang handa kahit paano. "This is broadway beige," nakangiting sagot ni Mamshie El
Chapter 23 "She’ll be fine. Don’t worry," pagkalma sa akin ni Carter habang binabagtas namin ang daan papuntang hospital, sakay ng kotse niya. Hindi ako iyakin pero para akong batang ngumungoyngoy sa tabi niya, iniwan namin si Baby Harlie sa unit, pinasamahan namin siya sa tauhang ipinadala ni Momshie Elaine. "Hush, Callie." alo pa niya at hinawakan ang isang kamay ko. "K-Kawawa naman siya, hindi pa niya nakikita si Harlie." sisigok-sigok na sabi ko. Naramdaman ko ang paghaplos ng hinlalaki niya sa likuran ng kamay ko. Alam kong pinapapayapa niya ko. 
Chapter 24Bumalik ako sa loob ng hospital, mabigat ang dibdib ko. Nandoon pa rin Mamshie sa room ni Hailey.Lumapit ako sa kanya saka bahagyang tinapik-tapik ang balikat niya. Alam ko kung gaano kabigat ito para sa kanya. Ni hindi pa sila nagkakakilala ni Hailey tapos makikita pa niya sa ganitong sitwasiyon."Tinakot ako niyang kapatid mo, akala ko..."Nangingilid na naman ang luha niya."Hailey, akala ko, ako lang ang pilya sa ating dalawa, pero maloko ka rin pala kasi tinakot mo kami. Huwag mo ng uulitin ‘yon. ah?" kausap ko sa kanya at hinawakan ang kamay niya.Idinikit ko iyon sa pisngi ko, pati ako nangilid rin ang luha."L-Laban ka lang. Nandito pa rin kami, hinihintay ka. Iyong baby mo parang ang bilis lumaki. Sigurado ko paglaki niya matangkad siya tapos super gwapo, hinihintay ka na rin niya. Sana makarga mo na siya at makasama."Balot man kami ng lungkot wala kaming choice kundi magpakatatag at magdasal ng taim