MAAGANG tinapos ni Angelo ang naiwang trabaho sa opisina para maaga rin siyang makauwi. Hindi niya alam kung bakit lagi siyang excited umuwi buhat noong makasama niya sa bahay ang mag-inang Joy at Michael Angelo.
Masipag na katulong si Joy at wala siyang maipipintas sa husay nito sa gawaing-bahay. Sanay na sanay itong magtrabaho at higit sa lahat ay magaling itong magluto katulad ng namayapa niyang asawa.Sa mga nakalipas na araw ay may napapansin siya sa mag-ina. Lalo na kay Joy. Nakikita niya ang katauhan dito ni Vanessa. Mula sa boses nito maging sa kilos ay maihahalintulad niya kay Vanessa. Kung pagmamasdan ito habang nakatalikod ay aakalain niya talagang ito ang asawa niya. Pero isa iyong malaking imposible dahil matagal ng wala ang kanyang asawa. Baka nagkataon lang..Idagdag pa ang batang si Michael Angelo. Ang akala niya noong gabing una niyang nasilayan ang mag-ina ay lasing lang siya pero totoo palang kamukha niya ang bata. Pinakatitigan niya rin ang mukha nKATULAD ng mga nakaraang araw, maagang gumising si Vanessa para magluto ng breakfast ni Angelo. Gumising ng maaga, maglinis ng bahay at pagsilbihan ito. 'Yon na ang naging daily routine niya buhat ng maging katulong siya ng sarili niyang asawa.Nakakatawa mang isipin pero 'yon ang estado ng kung anong mayroon sila ngayon ni Angelo. Asawa noon, naging kasambahay ngayon. Napapangiti na lang siya kapag pumapasok sa isipan niya ang bagay na iyon.Tulog pa si Michael Angelo sa crib na nasa loob ng kanyang inuukupang guest room. Hanggang ngayon ay hindi pa rin siya makapaniwala sa araw-araw na ginagawa ni Angelo para sa kanya at para sa kanilang anak kahit na wala pa itong kaalam-alam sa totoong katauhan nilang mag-ina.Halos lahat ng pangangailangan niya lalo na ni Michael Angelo ay ibinibigay ni Angelo. At halos araw-araw sa tuwing umuuwi ito sa bahay galing trabaho ay may dala itong pasalubong sa bata. Mga laruan, damit at mga kung ano-ano pang gamit para sa bata.&
BAHAGYANG natigilan si Vanessa sa ginawa ni Angelo at natauhan lang siya nang marinig ang pagkapunit ng kanyang bestidang suot. Hinati iyon ni Angelo sa dalawa na para lang nagpupunit ng isang papel. Nagulat siya sa ginawa nito at wala siyang ibang nagawa kundi tanggapin ang kapusukan at agresibong galaw ng asawa.Hindi ito tumigil sa pag-angkin sa labi niya at wala itong itinirang saplot sa kanyang katawan. Lahat 'yon ay sinira nito bago itinapon sa iba't-ibang parte ng kwarto. Hindi niya inaasahan na ganito ang mangyayari sa pagpasok niya sa kwarto ni Angelo at hindi niya rin alam kung magugustuhan niya ang gagawin nito sa kanya lalo na at lasing ito.Agresibo ang bawat galaw ng labi ni Angelo at idagdag pa ang isang kamay nitong nagsisimula nang maglakbay sa kanyang katawan. Habang ang isa naman ay hawak ang magkabila niyang kamay at nakadiin iyon sa pinto sa itaas ng ulo niya.Sobrang magkadikit ang kanilang katawan kaya ramdam na ramdam niya ang init na nagmumula
KASABAY nang pag-agos ng tubig sa katawan ni Vanessa ay ang pagbaha sa alaala niya ng mga nangyari sa pagitan niya at ni Angelo sa mga nakalipas na araw.Buhat noong unang araw na may namagitan sa kanila ay walang araw ng lumilipas na hindi siya inaangkin ni Angelo. Hindi niya alam kung anong nangyari dito at kung ano ang laman ng isipan nito basta nagpapaubaya lang siya sa asawa. Hindi na isang katulong ang turing nito sa kanya at ramdam niya ang kahalagahan niya ngayon kay Angelo.Hindi na iba ang turing nito ngayon sa kanya bilang Joy kumpara sa turing nito noon sa kanya bilang Vanessa, bilang asawa nito. At hindi niya rin alam kung nakakahalata na ba ito sa totoo niyang pagkatao dahil kapag kasama niya si Angelo ay lagi niya itong nahuhuling nakatitig at nakamasid sa kanya na para bang binabasa nito ang kanyang buong pagkatao.Ilang araw na ang mabilis na lumipas at sa bawat araw na iyon ay parang bumalik sila sa dati ni Angelo. Siya bilang Vanessa na asawa
NAPAPAILING na lang si Angelo sa tuwing may nakakasalubong siyang empleyado na parang naninibago sa kanya. Hindi na nawala ang kanyang malawak na ngiti mula nang umalis siya sa bahay hanggang sa makarating siya sa kumpanya ng ama kaya hindi na siya nagtaka kung bakit ganoon ang reaksyon ng mga ito kapag nakikita siya.Iyon ang unang beses na makita ng mga itong nakangiti siya at siya pa ang bumabati sa mga ito ng 'magandang umaga'. Ibang-iba sa trato niya sa mga ito noon na tingnan lang siya sa mata ay mawawalan na agad ang mga ito ng trabaho. Ibang-ibang ang Angelo na nakikita ng mga ito ngayon kumpara sa Angelo na boss ng mga ito sa nakalipas na taon.Pumasok siya sa elevator at tila nag-aalangan naman ang ibang empleyado na sumabay sa kanya kaya tinanguan niya ang mga ito at bahagyang nginitian para ipabatid sa mga ito na ayos lang na sumabay sa kanya.Nagulat ang mga ito sa ginawa niya at nag-unahan pang pumasok sa elevator para makasabay siya.Nagb
ANG akala noon ni Vanessa ay walang patutunguhan ang buhay niya mula noong sinabi niya kay Angelo na siya ang magbabayad ng kasalanan ng kanyang ama. Mula pagkabata ay itinanim na niya iyon sa kanyang murang isipan at pinaniwala niya ang sariling habambuhay na siyang mananatili sa kamay ng isang Aldover para pagbayaran ang kasalanang hindi niya ginawa.Pero mula noong manatili sila sa Isla Montellano ay naging payapa ang buhay ng pamilya niya, ibang-iba sa kinalakihan niya sa piling ng kanyang tunay na ama.Sa murang edad ay marami na siyang karanasan at mga nasasaksihang hindi angkop sa kanyang inosenteng isipan habang nasa poder siya ng baliw niyang ama. Alam niya ang nagaganap sa paligid niya lalong-lalo na ang pagtitiis at paghihirap ng kanyang ina sa mga ginagawang kabaliwan nito. At hindi lang iisang beses niyang nasaksihan iyon.Nahasa ang isip niya sa murang edad dulot ng mga nangyayari sa paligid niya. Mabuti na lang at ipinapaliwanag ng kanyang ina sa kanya ang la
Hindi mapigilan ng batang si Carl Angelo ang maawa sa nakatatandang kapatid na si Caren habang naririnig niya ang pag-iyak at paghihirap nito. Kasalukuyan siyang nasa labas ng kwarto ng kapatid kasama ang kanyang magulang na katulad niya ay walang ibang magawa para tulungan ang kanyang Ate Caren. Bakas din ang pagkahabag ng magulang sa kanyang kapatid na lalong ikinatiim ng kanyang bagang dahil sa namumuong galit para sa taong gumawa noon sa pamilya niya lalo na sa kanyang Ate Caren.Sa murang edad ay alam na niya ang lahat ng nangyari noon dahil walang inilihim sa kanya ang magulang. Kung saan nagsimula ang lahat at kung ano ang pinagdaanan at dinanas ng mga ito sa kamay ng isang baliw na lalaki. Kung paano nito sinubukang sirain ang kanyang pamilya lalong-lalo na ang buhay ng Ate Caren niya.Alam din niyang isa siyang bunga sa hindi inaasahang pagkakataon. Dahil nabuo siya sa isang napakasamang araw sa buhay ng pamilya niya. Nabuo siya dahil sa kabaliwan ng lal
Unang araw na walang pasok si Vanessa sa school kaya tinatamad siyang bumangon buhat sa kanyang kama. Feel na feel pa niya ang humiga dahil wala din naman siyang masyadong gagawin sa bahay. Linis at luto lang dahil kadalasan ay katulong lang siya ng kanyang ina sa mga gawaing-bahay. Nasa bahay lang din naman ito para alagaan ang kanyang pitong taong gulang na kapatid na babae.Twelve years na ang mabilis na lumipas buhat nang lumipat sila sa Isla Montellano. At sa mga taong lumipas na iyon ay naging tahimik ang kanilang pamumuhay doon. Nagsimula sila bilang isang buong pamilya kasama ang kanyang Tito Ziggy na ngayon ay itinuturing niyang ama. Ito rin ang lalaking tumulong sa kanila para tumakas at kahit noon pa ay sadyang malapit na ang kanyang loob sa ginoo.Mula noong bata pa siya ay ito na ang tumayong kanyang ama. Ito ang kasama ng mama niya sa pagpapalaki sa kanya at mas naging ama pa ito kumpara sa totoong papa niya. Mahal din naman siya ng kanyang papa pero mas
"Ate, wala pa ba si Vanessa? Wala ba siyang text? Hindi ba siya natawag sa cellphone mo?" naiinip at hindi maipinta ang mukhang anas ni Angelo habang pabalik-balik siya sa tabi ng Ate Caren niya.Kasalukuyan itong may ginagawa sa kusina at nasa living room naman ang kambal na abala sa paglalaro. Ang panganay naman nitong anak na babae na si Carla Jane ay kasama ng mom at dad niya para doon magbakasyon. Abala naman ang Kuya Jayvee niya sa laptop nito at nandoon din ito sa loob ng kitchen na hindi na niya ipinagtaka dahil kung nasaan ang Ate Caren niya ay nandoon din lagi ito. Kahit nga yata sa bathroom ay magkasama lagi ang mga ito.It's already nine in the morning pero hindi pa dumadating si Vanessa at kanina pa niya ito hinihintay. Kanina pang hindi maipinta ang kanyang mukha dahil inaasahan niyang paggising sa umaga ay nandoon na si Vanessa sa bahay ng kanyang Ate Caren pero halos tanghali na ay wala pa ito.Kagabi pa niya ito gustong makita pero gabi na