Share

Kabanata 8

Eyes.

Sobrang sakit ng katawan ko kinabukasan. Ni hindi ko magawang maglakad. Isang beses lang naman namin ginawa pero bakit ganito ang epekto sa akin?

Nagtoothbrush ako bago marahang bumaba ng hagdan. Naabutan ko si Kylo na naglalaba sa common bathroom. Kumunot ang noo ko. Anong trip nito?

"Anong ginagawa mo, Hon?" Tanong ko.

Mukhang nagulat siya sa presensya ko dahil napatalon pa siya. Ngumiti siya sa akin saka pinunasan ang noo gamit ang kaniyang braso.

"Nilalabhan ko 'yong towel kagabi. Awkward kapag pinalabhan natin kay Tita 'yon saka baka malaman," humalakhak siya.

Natatawa ko siyang pinanood. Mukhang hindi pa siya sanay sa ginagawa. Towel lang naman ang nilabhan niya pero puno ng bula ang buong bathroom. Sayang ang sabon... Hindi talaga marunong magtipid ang isang 'to.

Mag-aasikaso sana ako ng breakfast namin pero nakahain na iyon sa lamesa. Anong oras ba siya nagising? Naghanda na lang ako sa lamesa saka nagtimpla ng kape para sa aming dalawa. Mabuti naman at no'ng saktong tap
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status