Share

Chapter 3

"Ano pong gagawin nyo sa amin?!"

"Maawa po kayo."

Napasigaw ako ng tinutok ng lalake sa ulo ko ang baril na hawak nya.

"Hwag po!" napapikit na lamang ako at tinanggap na hanggang dito na lamang ako.

"Robert!" napamulat ako ng may dumating na isang lalake. Tinignan ko si Adrian and Tessa na walang mga malay. Buong akala ko ay wala na sila pero buhay sila.

"Anya!" Nagising ako sa isang sigaw na mukhang kanina pa ako ginigising.

"Ikaw pala, Sab" halata sa mukha ni Sabrina na nag-aalala siya.

"Ano ba 'yan kanina pa kita ginigising para namang ang lalim ng tulog mo." Si Sabrina at si Tessa ay iisa. Pinalitan nya yong name nya dahil 'di raw unique yong Tessa at masyado daw maraming memories ang name nya na Tessa.

"Napuyat kasi ako kakahanap ng information about sa Secret Protection Agency." That agency always interrupt our transaction.

"Secret na nga pangalan, eh no clue. Ano ba yan Anya ang bobo mo." Gusto ko siyang sapakin kong 'di ko lang talaga siya bestfriend at kasama ko na siya simula bata pa lang ako 'di ko na alam kong ano pang magawa ko sa kanya.

"Gaga ka talaga nasa task ko na dapat malaman ko yong information dyan. Lagi na lang failed mga transaction natin dahil sa agency na yan."

"Yeah right." Inabot nya naman sa akin ang isang folder.

"Another task?"

"Basahin mo na lang. Samahan mo pala ako mag bar mamaya kasi 'di na natin magagawa yon kapag ginawa na natin yang task."

"Sige."

Lumabas na siya ng room ko at umupo naman ako sa swivel chair na nandito sa room ko. Binuksan ko ang folder na naglalaman ng next mission namin. Maraming naka line-up na mission. Isa na dito ang pag punta namin sa port area para makipag trade kapalit ng mga arms weapon.

Lumabas na ako sa kwarto. Nasa iisang condominium lang kami ni Sabrina.

"Nabasa mo na ba?" marahan akong tumango.

"Pinapapunta ka rin pala sa site para mag check." gusto kong mag reklamo na bakit ako pa yong papapuntahin sa site?

"Bakit kailangang ako pa?"

"Ikaw ang gusto ni Boss" Hindi ko talaga alam kong bakit ako favourite ng pinaka boss namin. Kahit na anino nun 'di ko pa nakikita.

Pero thankful pa rin naman ako sa kanya at the same time dahil siya ang dahilan kong ano ako ngayon.

******************

Pumunta na ako sa site 'di mahahalatang illegal na place 'to. Paano kasi nag ma-manage mga matataas na opisyal din.  Kayang-kaya sila bayaran ng pera tsk, tsk, tsk.

"Good morning ma'am Anya." hindi ko pinapansin ang mga bumabati sa akin na tauhan ng organization.

Kong titignan sa labas ang lugar na ito ay para lamang siyang facility. Pagkarating ko sa main office bumungad sa akin ang sandamakmak na mga druga.

"Ito ba 'yong ide-deliver mamaya?" marahan naman tumango ang mga tauhan dito.

Inutusan ko naman sila na timbangin lahat dahil mahirap na baka magka aberya. Pagkatapos kong magawa ang lahat umalis na ako at nag diritso sa tinatambayan ng iba pang sakop namin.

Malayo pa lang ako kita ko na sila na naka tambay sa kanto. Ito yong pinaka ayaw ko na gawin dahil nakikita ko 'yong dating ako na dapat ay matagal ko ng ibinaon sa limot.

"Kulang 'tong bayad mo!" kinukutungan kasi ng grupo nila Berto ang mga nagtitinda dito sa labasan.

"Maliit lang po kasi ang kita namin. Kukulangin na po ang pang araw-araw namin kong ibibigay po namin sa'yo ng buo."

"Hindi na namin yan problema!"

"Tama na yan Bert," natigilan naman sila ng makita nila ako.

"Anya ikaw pala. Wala bang iuutos si boss?"

Ibinigay ko sa kanya yong address kong saan may gagawin silang trabaho.

"Thanks!"

Umalis na ako agad sa lugar na 'yon dahil masyadong maraming ala-ala ang bumabalik kapag nag stay pa ako ng matagal.

*****

Pagdating ko sa condo agad akong nag-ayos ng sarili ko. Mag c-club kasi kami ni Sabrina. Da-daanan nya lang daw ako dito. Hindi ko alam kong na saan siya pumunta or baka she has also a task.

Pumili ako ng dress na suitable sa akin. Red dress sana yong napili ko kaso masyado itong agaw pansin. Kaya ito na lang na black dress na may slit sa gilid. Suot ko rin ang knee high boots ko, tinali ko ang buhok ko at nagtira ako ng kunting curly hair sa gilid ng pisnge ko.

Wala pa naman 10 minutes na paghihintay ay bumakas na ang pintuan ng condominium ko. Lumabas na ako agad dahil alam ko namang si Sabrina 'to.

"Hello gurl," naka gold dress siya ngayon.

"Ang ganda natin ngayon ah, 'di ba magagalit si Adrian nyan." biro ko sa kanya.

"Wala naman paki yon, tsaka kilala pa ba tayo non?" Hindi ko sure kong gusto nya pa rin ba hanggang ngayon si Adrian.

Pero ibang-iba na kasi si Sabrina ngayon 'di na talaga siya si Tessa. Literal na nagbago siya marami na rin siyang mga lalaking pinaiyak. Masyado siyang play girl. Hindi ko nga akalain na magiging ganito siya dahil napakalayo sa dating siya noong mga bata pa kami.

Sa ibang bansa kasi si Adrian na assign. Ilang years na rin namin siyang 'di nakakasama at nakikita. Hindi rin namin alam kong pinagbabawalan ba siyang makipag communicate sa amin or sadyang kinalimutan nya na talaga kami.

Huminto ang kotse namin sa isang club resort na malapit lang naman sa condominium namin ni Sab. Dito kami malimit pumunta kapag bored kami or gusto mag saya. Tinignan ko ang oras sa phone ko and it's already midnight.

Sabay kaming pumasok ni Sabrina sa loob malayo pa lamang kami ay dinig na namin ang ingay. Kumuha ako agad ng drinks ng masalubong ko ang isang waiter na nag-iikot. Maraming nasa dance floor at isa na don si Sabrina. Yes, pagkarating pa lang namin ay pumunta agad siya sa gitna.

Agad kong inubos ang isang baso ng alak at hinabol ang waiter para kumuha pa ng isa. Gumihit ang init sa lalamunan ko nang ubusin ko ulit ang bagong kuha ko sa waiter na alak. Uminit din ang pakiramdam ko at biglang nag blured ang paningin ko.

'What? don't tell me lasing na ako?'

Sanay akong uminom kaya 'di ako makapaniwala na tinamaan agad nitong alak. Naisipan kong pumunta sa gitna at sumama sa mga nagsasayaw sa dance floor. Baka sakaling mawala ang sakit ng ulo ko at pagkahilo.

Hindi ko na malaman pa kong ano ang pinanggagawa ko pero naramdaman kong may humapit sa beywang ko.

"Hey!" tumingin ako sa kanya. Napaka tangos ng ilong nya at ang pula-pula ng labi. Bakit kaya 'di blured ang paningin ko sa mukha nya?

Deep voice rin ang boses nya at ang lakas ng impact nito sa akin. Ang ganda sa pandinig ko. Nababaliw na ata ako at mukhang resulta na ito ng alak. Never akong naging interested sa mga lalake.

Tinitigan ko siya at para akong na h-hypnotize sa mga titig nya rin sa akin. Blonde ang buhok nito na mas lalong nagpa attract sa akin. Parang natuyo ang lalamunan ko ng bumaba ang paningin ko sa mapupulang labi nya.

"Damn it, Anya! Pigilan mo 'tong nararamdaman mo hindi ikaw 'to!"

Pinilit kong 'wag maging marupok pero mas naging mainit ang pakiramdam ko. I bet my lower lip ng makita ko ang collarbone nya. Agad ko siyang kinabig at hinalikan. Para akong uhaw na uhaw sa kanya. Ganito ba yong sinasabi sa akin ni Sab dati?

Gosh! He's my first kiss! Hindi ko matanggap na 'di ko man lang kilala ang unang nakahalikan ko. Hindi lang mismo halik ang ginagawa namin.

His lips were soft and warm. They parted, slightly allowing my tongue to slip inside. Amoy na amoy ko rin ang pabango nya na mas nagpa adik sa akin na mas dumikit pa sa kanya.

Hindi ko na alam kong sino ako. Wala na rin akong pakialam sa paligid ko. Para ngang 'di ko naririnig ang maingay na paligid. Parang may sarili kaming mundo.

Hindi ko kayang pigilan ang mapupusok na halik namin na mas lalong nagpapalunod sa akin. I know I want so much more of him, I want all of him pero hindi maaari.

Agad ko siyang tinulak ng matauhan ako sa ginagawa ko. Gulat ang reaction nya pero agad din itong nag bago agad na para bang walang nangyare at naging nalamig ang kanyang mga mata.

"Anya!" napatingin ako kay Sabrina.

Hindi na ako nag abala pang tumingin sa lalaking hinalikan ko. Pakiramdam ko kasi ay namumula ako at nag-iinit ang buong pisnge ko. Nakakahiya ang ginawa ko kahit na wala namang mga pakialam ang mga tao dito sa club. Mabuti na lamang din ay 'di nakita ni Sabrina ang pinanggagawa ko kanina. Alam kong aasarin nya ako to the point na ibabalik nya sa akin lahat ng pinangaral ko sa kanya kapag nanglalalake siya.

"Sino yong lalake kanina? Ang gwapo nun!" kinikilig pang sabi nito.

Umuwi na kami ni Sabrina sa condo. Saglit lang talaga kami kapag nag c-club dahil 'di pwedeng puyat kami kinaumagahan. Lalo na maraming inuutos ang Big Boss namin at halos lahat ng galaw namin ay alam nya.

Napapaisip lang ako sa nangyare kanina. Paano kong 'di ko napigilan ang sarili ko baka kong saan na napunta kami ng lalakeng yon! Bakit ba ganon na lamang yong impact nya sa akin? May mali talagang nangyare sa akin kanina!

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status