Share

Chapter 6

Maagang nagising si Anya at dinama ang napakalamig na simoy ng hangin. Sinadya nya talagang mag paaga ng gising dahil ayaw nyang ang matanda ang gumawa ng gawaing bahay.

Tinali nya ang kanyang mahabang buhok at nag suot ng damit na simple. Bumaba siya para hugasan ang mga iniwang pinagkainan kagabi. Madilim pa ang paligid at kitang-kita pa ang buwan sa kalangitan. Naririnig nya rin ang ingay ng mga palakang nasa basakan at tunog ng iba pang kulisap.

Umupo si Anya sa kawayang upuan at tinignan ang napaka liwanag na buwan. Napakasaya ng nadarama nya lalo na ay pangarap nya talaga ang mamuhay ng ganitong buhay.

"Sa wakas naging tahimik din ang buhay mo Anya." ani nito sa mismong sarili.

Alas kwatro pa lang ng madaling araw. Ilang minuto rin siyang na upo bago siya kumilos at kinuha ang balde para umigib ng tubig.

Alam nya na kong saan kumukuha ng tubig sa balon na malapit sa kanilang bahay. Hindi lang din pala siya ang nag-iisang gising dahil ng makarating siya sa balon ay may umiigib na doon na iilan.

"Ikaw ba si Anya?" marahan siyang tumango sa aleng nagsasalok ng tubig sa balon.

"Napakalaki muna ah. Kamusta ang buhay syudad?"

"Maayos naman po."

"Akala ng lahat dito ay kinalimutan mo na ang lolo mo lalo na sampung taon kang 'di nagpakita."

"Hindi naman po naging busy lang po kasi talaga ako."

Hindi na nakipag-usap si Anya at inabala na lang ang sarili sa pagsalok ng tubig sa balon.

Ilang beses siyang nagpabalik balik sa balon para lang mapuno ang isang drum ng tubig. Napansin nya rin na wala ng tubig na malinis na maiinom.

Kahit na malamig ang buong paligid ay pinawisan si Anya sa pagod. Naupo siya saglit bago inumpisahan mag hugas ng pinagkainan nila ng kanyang lolo.

Nag saing na rin siya at na isipang mag walis sa paligid. Pa bukang liwayway na rin kasi kaya medyo lumiwanag na ang paligid. Napansin kasi ni Anya na maraming nagkalat na tuyong dahon ang paligid. May tanim kasi na puno ng langka at mangga.

Natuwa din siya ng makita ang mga bulaklak na nasa may bakuran. Pati na rin ang iilang gulay na naka tanim kagaya na lang ng talong at okra.

"Anya apo, gising ka na pala." napangiti si Anya ng makita ang kanyang lolo na pababa ng hagdan.

"Good morning lolo. Maayos po ba ang tulog nyo?"

"Naku maayos na maayos lalo na at nandito ka na. Hindi na ako malulungkot at nag-iisa."

"Hwag kayong mag-alala lolo 'di ko na po kayo iiwan." gustong pagalitan ni Anya ang sarili sa sinabi.

Lalo na ay wala siyang kasiguraduhan kong hanggang kailan siya magpapanggap bilang apo nito. Ayaw nya rin itong paasahin pero ayaw nyang matanggal ang mga ngiti nito.

"Salamat apo, namumulaklak na pala yang mga halaman. Inalagaan ko talaga yang tanim ng mama mo. Simula ng umalis siya hanggang mawala ang ama mo. Kahit na ang iba nyang halaman ay patay na rin tanging mga bagong tubo lang ang iba." may lungkot sa boses nito.

"Paano pong nawala si mama?"

"Nong umalis ka kasama ang nag ampon sayo ay umalis din ang ina mo makaraan ang ilang buwan. Wala din kaming naging balita sa kanya hindi na siya bumalik pagkatapos non."

Mas lalong nalungkot si Anya sa mga nalaman. Parang mas gugustuhin nya na lang na di iwan ang matanda. Nasa isip nya na once na matapos ang mission nya at makalaya siya ay babalik siya para makasama ang lolo. Kahit pa 'di siya tanggapin nitong apo kapag nalaman ang totoo ay pipilitin nya.

"Lolo, kong 'di lang talaga mahirap ang tubig dito ay araw-araw kong didiligan tong mga halaman."

"Naku ka talagang bata ka. Hwag ka mag-aalala kapag naayos na ang ginagawang dam ay pa gusto na tayo dito sa tubig."

"Talaga ba po? May pinagkukunan po dito ng water?"

"Oo apo, sa unahan ay may maliit na talon."

Napatango naman ang dalaga at na isip ang nakitang maliit na sapa kagabi. Marahil ang talon ang pinagmulan nun.

"Lolo malayo ba ang palengke dito? Mukha kasing puro gulay na lang ang inuulam mo."

"Malayo ang palangke dito ang apo. Ayos lang naman ako sa gulay minsan bumibili din ako ng tilampia galing sa palaisdaan."

"May palaisdaan po dito?"

"Meron apo sa loob mismo ng compound ng bahay ng mga Carter. Malawak ang lupain nila sakop na rin itong lupain natin. Mabait ang pamilya nila kaya naman hinahayaan lang tayo dito."

"Talaga po ba? May ganon pa pala. Kasi more on sa syudad na kinalakihan ko ay nag-aagawan ng lupain. Tsaka kinakamkam nila ang lupang hindi naman sa kanila. Kong ganon sadyang mabait nga ang pamilya nila."

"Oo apo, lalo na si Oliver. Siya ang namamahala dito pero isang beses lang sa isang buwan yon kong dumalaw. Tanging mga tauhan lang nila ang nandyan."

"Pogi ba, lo? Bagay sa ganda ko?" pagbibiro ni Anya at nagpa cute pa ang talaga.

"Naku apo, nasa kwarenta na yon." pagbibiro din ng kanyang lolo.

"Ay! Pwede na yon lo, sugar daddy." natatawang sabi ni Anya.

"Ikaw talagang bata ka."

"Aalis muna ako lo, bibili ako ng mineral water mo po. Lalo na mas safe pong inumin para sayo ang malinis na tubig. Bibili na din po ako ng ulam para sa inyo. Maaga pa naman po baka bago mag alas otso nakauwi na ako."

Inayos lang ni Anya ulit ang kanyang buhok bago ay nag punas ng pawis.

"Mag-iingat ka, apo."

"Yes lolo, kayo din dito babalik po ako agad."

Habang naglalakad si Anya ay natutuwa siya sa mga batang naglalaro at nagpapalipad ng mga saranggola.

"Sana ito na lang ang buhay na kinalakihan ko." bunting hininga na sabi nya sa sarili.

Nakalabas na siya kong saan nakalagay ang estrella village. Kailangan nya pang maglakad upang makarating sa mismong highway.

Masaya na sanang naglalakad si Anya at nagmumuni muni pa ito habang naglalakad. Gandang-ganda kasi ito sa view na nakikita nya. Pero agad itong napalitan ng inis ng matalsikan siya ng putek.

May dumaan kasing kotse na nasa harapan nya. Kasya lang kasi ang kotse sa mismong daan kaya naman gilid na gilid na siya pero natamaan pa rin siya ng putik.

"Hoy! Umayos ka naman mag maneho kitang may naglalakad!" pagrereklamo nya dito.

Hindi naman siya yong tipong nang-aaway pero bigla talaga siyang na inis. Lalo na yong panyo na binigay sa kanya ni Tan-tan dala nya. Natamaan rin kasi ito ng putek kaya naman di siya nakatiis sigawan ito kahit na wala naman talagang sisihin kundi ang daan na napakaputik.

Mas na inis pa siya ng 'di siya pinansin ng sakay ng sasakyan.

"Tatandaan ko ang plate number mo!" pabulong na may gigil na sabi ni Anya.

Kong dahan-dahan lang naman kasi talaga ang patakbo nito ay di tatalsik ng ganoon ang putek sa kanya. Pero mabilis kasi ang pa takbo nito at walang paki sa nangyare sa kanya.

"Ang kapal porket may kotse ang yabang na magmaneho!"

Sa hinaba haba ng paglalakad nya ay sa wakas nakarating na rin siya sa highway. May mga sasakyan ng naroon at mga tricycle na nakaabang.

Maghahanap lang sana siya ng tricycle na masasakyan papunta sa palengke ng makita ang sasakyan na nakita kanina.

'Kong gantihan ko kaya yon?'

Pumunta siya sa may gilid ng kotse nito pero bago nya pa man gagawin ang binabalak nya ay bumukas ang salamin ng kotse. Tinted kasi ang salamin ng kotse kaya naman ay di nya na pansin na may tao sa loob.

"What are you doing?" napalunok siya ng makita ito.

Agad nyang na kilala ang nag mamay-ari ng kotse dahil sa kulay ng mata nito. Siya ang lalakeng nakasabayan nyang mag pa signal kagabi na bigla na lang nawala. Hindi nya maiwasang mapatingin sa mga mata nito lalo na ay parang may lungkot na nakatago dito.

"Are you deaf? What the heck you doing?" agad namang natauhan si Anya.

"Wala may nalaglag kasi ako dito banda hinahanap ko lang."

Pagkatapos nyang sabihin yon ay di na siya pinansin nito at sinarhan na ulit ang bintana ng kotse.

"Sayang ang gwapo pa naman tapos ang ganda ng mga mata kaso ang pangit naman ng ugali!" ani ng dalaga habang nagmamartsa na itong maglakad palayo.

Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Rodel Bascruz
good novel
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status