Share

Chapter 2

Cooper's Point of Views

Malugod kaming inimbita ni Glen Chua sa exhibit niya at pinili ang alanganing oras para ipakita ang valuable gems na nasa possession niya. 

"President Yu, I heard that you looking for pearl necklaces. I want to show you the most expensive pearl, I have right now. See if you like it, " he said with a weird accent. Pumunta ako sa pag-asang ito na nga ang hinahanap ko pero bigo ako. 

"What you think, President Yu?" tanong niya kaya agad akong sumagot. "Don't tell me you just wasted my time on this useless stone?" 

Nanlaki ang mata niya at panay ang tingin sa pearl at puno ng pagtataka. "President Yu–" 

Suddenly, the security system alarm went off, interrupting the conversation between the two of us.

"Sir Glen may nakapasok po sa pangalawang palapag," His men screamed in shock so he suddenly turned pale.

"P-President Yu, I'm sorry for the trouble but I have to leave first. There's a pest that got into my house so I have to clean first," said Sir Glen politely.

Hindi ko siya pinansin at kumuha nalang ng wine glass. Agad na lumapit sa'kin si Jake para paalalahanan ako. "Mukhang mapanganib dito, kailangan na nating umalis bago pa tayo madamay."

Mapanganib? 

"Tsk! Hindi natin kailangan maging alerto, hindi ako ang pakay ng dagang nasa itaas. Kun'di si Glen Chua mismo," I responded then lean my back into the sofa.  

Napakadumi ng gem exhibit na ito kaya may daga. Pumunta ako rito para sa pearl necklace pero mas naging interesante pa ang daga.

Nilagyan ko ulit ng wine ang baso bago nagsalita muli. "Masyado ng marami utang si Glen kaya normal lang na pumunta ang isang dagang kayang sumingil sa utang niya," dagdag pa ko pa at hindi na nakatiis pang maghintay kaya lumabas ako ng kwarto. 

"President Yu, mapanganib po rito sa labas mas mabuting pumasok muna po kayo," pag-aalala ng mga guard para mag-stay ako rito pero gusto ko talagang malaman kung sino ang nakapasok.

I replied curtly, "Don't block my way if you want to live."

Naabutan ko sila sa taas at mukhang wala ng malalabasan ang daga. Ang hindi ko lang akalain ay isang matinik na daga pala ang nakapasok.

"President Yu, hindi ba siya si Dawn? Ang famous spy? Minsan na siyang ni-recomend sa'kin sa black market pero tumanggi siyang magtrabaho sa atin," saad ni Jake. 

Dawn? Base sa tindig niya ngayon ay hindi siya natatakot at nanatili parin siyang kalmado kahit marami ng nakatutok na baril sa kaniya.

"Surrender your ass! As if you can catch me," sagot niya bago nagpasabog ng smoke bomb. Matinik siya at professional na sa trabaho niya kaya impossible na wala siyang back up plan na tinabi. 

"President Yu, tutulong ba tayo?" bulong ni Jake pero pinigilan ko siya. 

"Hindi tayo pumunta rito para sa gulo kaya hayaan natin silang ang away. Let's go," sagot ko at aalis na sana pero biglang may natapangan akong kung anong bagay at kuminang.

Nang pulutin ko para pagmasdan ay bumalik ang mga alaala ko at lalong gumulo ang isip ko. Ang matagal ko ng hinahanap na kwintas ay hawak ko na ngayon. "Agatha," I uttered.

"President Yu, I apologize for the unexpected mess on the day I invited you–" 

"Is this yours? Is this part of your collection?" I suddenly asked at pinakita ang pearl necklace.

Nagdalawang isip muna siya bago sumagot, "Everything here is mine, so I can say that I also own it. But if you want it, I can give it to you for a low price, how about 20 million pesos?" 

Hindi ako makapaniwala at walang laman ang utak ko kun'di ang bangungot ko. "Where did you get this?" tanong ko at walang emotion na humarap sa kan'ya.

"I bought it from the biggest gem collectors and you know I don't buy gems if the quality isn't good," he replied.

Hindi na ako nakapagtimpi at hinigpitan ang paghawak sa kwelyo niya. "I said where did you get it! Answer me!" 

Claire's Point of View

Ang sakit ng ulo, parang sasabog na.

Sinubukan kong huminga ng malalim para kumalma. 

"Claire, pasensya na—"

"Pwede ba Luke, mag-isip ka muna bago gumawa ng hakbang! Lagi nalang tayong napupunta sa delikadong sitwasyon dahil sa kalokahan mo!" Hindi ko napigilang magalit nang marinig ko ang paghingi niya ng pasensya. 

Puro nalang kasi pasensya ang naririnig ko mula sa bibig niya. Nagsasawa na akong sumalo ng kapalpakan niya. "Hindi ko na kaya. Anong gagawin ko?"

Napapikit ako at napahawak sa ulo ko pero maya-maya ay bigla niya akong hinila para yakapin. "Gusto kong bigyan ka ng magandang buhay at kalimutan na natin ang nakaraan sa kamay ng masasamang tao sa black market. Magsimula muli at maging normal pamilya kaya ko nagawa ang bagay na yun, patawarin mo na ako. Pangako, hindi na mauulit," paghingi ng pasensya. 

"Lagi ka nalang humihingi ng tawad pero hindi ka naman nagbabago. Palagi nalang akong napapahamak at parang wala ka man lang pakialam. Luke, mahal mo ba talaga ako? Hindi ko kasi maramdaman," tanong ko. Ang sakit ng dibdib ko at parang paulit ulit na sinasaksak, ayokong nagtanong kasi natatakot ako sa isasagot niya sa mga susunod at sabihing hindi na. 

"Oo naman. Ano bang klaseng tanong 'yan? Claire, magkasama tayo simula palang ng bata tayo kaya kilala mo ako. Hindi kita iiwan," pangako niya. Gusto kong mapanatag pero parang may kulang sa mga binitawan niyang salita. 

Maya-maya ay biglang bumukas ang pinto at bumungad sa amin ang namumutla at pawis na pawis na si Aira. "CLAIRE!" sigaw niya. 

Parang mawawalan siya ng balanse habang papunta sa'kin at puno ng luha ang pisngi. "S-Si Glen Chua, patay na," pagbabalita niya.

"Paano namatay si Glen? H-Hindi ko siya pinatay, hindi ako mamatay tao!" pagtataka ko at nangangamba na mapunta sa'kin ang sisi.

"Alam kong hindi ikaw ang pumatay sa kaniya kun'di ang M-Mafia boss na kinakatakutan natin. Dumating siya ng pag-alis natin at kinabukasan ay patay na si Glen at halos hindi makilala ang mukha niya ng matagpuan siya," paliwanag niya. 

Misteryoso ang mukha niya at impossible hindi ko narinig ang kwento niya dahil sa underground society ay kilala ang isang mafia na walang pagkakakilanlan, libangan niya ang pagpatay at kinakatakutan siya ng karamihan.

May mga nagsabi na ang CEO Yu Company ang may sinasabing mafia na yun kaya sinubukan kong huwag madawit sa dalawang company; ang Amethyst at Yu pero mauuwi lang pala ang lahat sa wala. Ang sunod kong mission ay pasukin ang Yu Company. Although wala pang kasiguraduhan kung totoo nga na iisang tao lang sila o hindi, pero mas mabuting mag-ingat ako.  

"A-Anong gagawin ko." 

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status