Share

Chapter 4

Gulat man ay, binati ko narin ito. Baka mas magulat ako kung diko yun sinagot at wala na akong trabaho babalikan bukas " Good morning po Sir"

Tipid itong ngumiti at humarap sa amin " Prepare yourselves kasi darating si Sir Felix, We don't know at baka mag init ang ulo nun at wala na tayong trabaho pareho bukas "

" Yes si..." hindi pamn kami naka tapos ay umalis na agad ito papuntang sa kanyang opisina.

" Ikaw huh, my something ba kayo ni sir?" tukso ng head namin.

"Oo nga, ikaw at ikaw lang ang nginingiti-an ni sir"

" Hindi ko rin alam pero minsan nakakatakot rin eh"

Halos sumang ayon namn ang lahat. Kaya naman nasigbalikan ang bawat empleyado sa kanya kayang pwesto.

Malapit ng matapos ang araw ay abala parin ang lahat sa kanya kanyang trabaho. Biglang nag ingay ang paligid na ipinag taka namin. Maraming mga naka itim na lalaki na hindi ko alam kung sino ang mga ito.

" Baka si Sir Felix yan"

Napalingon ako sa kasamahan ko na panay ang usisa sa sino ang susunod sa mga naka itim na lalaki.

" My ghadddd first time kung makita si sir, sobrang gwapo daw yun sabi nila maam Aileen. "

Halos pampapruri ang narinig ko sa loob ng opisina.

Tinganan natin kung gwapo nga ba - kausap ko namn ang sarili ko habang ang iba di na mapakali.

Naging tahimik ang lahat, na ang nalanghap naming hangin ay naging sobrang lamig. Na estatuwa ang mga emplyado t na ang ina akala ng marami ay medyo may edad na ito pero sobrang bata pa nito.

" Gwapo nga. Pero diko bet" Hindi ko alam pero may pait sa aking mga labi.

" Anong hindi gwapo, sobrang gwapo niyan beh. Kahit hindi niya sasabihin kusa akong bibigay." Halos dunggalin niya ang pag mumukha ko sa inis.

Ito si alexa, na minsan maiinis ka sa sobrang ingay sa opisina pero magkakatiwalaan namn sa maraming bagay.

"Sabi mo nga" Walang gana kong sabi pa nito.

Mas lalong lumamig ang buo kong pag katao ng tina punan ako ng malamig na tingin nito. Hindi ko alam ang mararamdaman biglang bumalik ang sakit nung panahon nayun. Ni kahit ang tatlong sangre ang walang alam sa naging mga karelasyon ko noon. Bumalik ka na pala Miguel, anong mahaharap ko sayo ngayon na parang nilunok ko ang sarili kong pagka munghi sayo.

Hindi ko man lang naisip na gamit mo pala ang 2nd name mo sa kompanyang ito Miguel Van Felix Villacorta. Lahat ng sakit, lahat ng pang iiwan, lahat ng panluluko niya nuon ay bumalik lahat sa isip ko. Walang proper closure walang usap ang naganap. Bigla lang naglaho na hindi ko alam kong ako ba ang may kasalanan o ako ang may kulang.

" Who is she?" Turo nito sa akin

Aba ang kapal ng apog mo ah.

" Mark? Diba lahat ng trabahante ko dito dapat dadaan sa akin? Wala akong nakita na ganyang mukha sa mga ipinasa mo sa akin Mark" Medyo napahiya ako sa tono nito. Mas lalong nanikip ang ang damdamin ko ng marining ang mga salitang iyon.

" Ayusin mo trabaho mo mark kung hindi ikaw ang mapapatalsik ko dito. "

" Bro, bago lang ako dito. Si ma'am Aileen ang kumuha niyan. And I'm sorry if nag kaganon mn"

Hindi mn lang ito sumagot at dumeritso nalng sa kung saan na wala akong paki kung saan sa pupunta.

Ang kapal ng mukha niyang di ako nakilala samantalang ako yung iniwan lamg niya sa iri nuon. Natapos ang buong hapon ko wala akong gana. Parang gusto kong mag resign. Sa dami ng kompanya na mapag tratrabahuan dito pala sa bwesit na Miguel ako mapupunta.

Mabilis kung kinuha ang bag ko at saka dali daling tumayo kasi nakakawalang gana ang araw nato. Hindi na ako nag pa alam sa tatlong sangre dahil may lakad naman yung for sure.

"Ms. Mendoza" Tawag nito at agad naman akong napalingon.

" Sir Mark? May kailangan po kayo? "

" Wala naman, i just want to say sorry sa nangyari kanina. Napahiya ka tuloy. " Buti pato may damdamin

" it's okay sir. I understand namn po. Una napo ako sir, nag mamadali kasi ako"

" I see, be safe Anne"

Kinalabutan ako sa narinig ko. Napatingin ako kay sir Mark na ngayon ay nakatalikod na sa akin . Umalis nalang ako at pumunta sa Flower shop para bumili ng mga bulaklak.

---

Dala ang bulaklak na binili ko kanina, ma iyak² aking naglalakad sa puntod ng aking pamilya. 6 years na pala simulang iwan niyo ako mommy, daddy and fordy. Ang daya niyo, iniwan niyo akong mag isa.

Ng makariting sa puntod nila mommy, napa linga ako kasi may bumisita dito. Ito ang ka una una na may bumisita sa mga magulang ko maliban sa akin. Walang kapatid sina mommy at daddy nuon. Kaya imposibleng.... baka yung friends nila nuon.

Tatlong oras akong naka upo sa damohan. Nakaharap sa kanilang mga pangalan na umaasang may mag babago sa naramdaman ko.

" Mommy, nandito sya mommy. Akala ko okay na ako. Akala ko kaya ko na. Halos 10 years na mommy oh, but sobrang sakit parin. Sagot ka naman mommy oh, diko na alam anong gagawin ko. Diko na alam kung kakayanin ba ng puso ko"

Tanging lamig lang ng hangin ang sumagot sa buo kong pag katao.

" Boss ko sya mommy, boss ko sya. Grabi napakaliit ng mundo mommy sa? Aakto syang parang di niya ako kilala. Na parang wala lang lahat ng saamin nuon. Ang sakit lang na ako lang pala ang nasasaktan. Na sya okay lang. Na sya masaya na, Mukha namn syang masaya mommy kahit di niya sabihin"

----

Naka uwi ako sa bahay na mugto ang mata. Natulog ako at nag handa sa bukas.

----

Makalipas ang isang buwan ay mas naginv tahimik ako. Hindi na akong medyo nag sasama sa gala. Nag taka ang tatlong sangre pero sagot ko lang wala ako sa mood. Madaming naging ganap sa company. Hindi ko naman always nakikita si Miguel. Ang pag kakaalam ko rin ay don palagi namamalagi siya sa isa niyang companya . Iba talaga ang mga mayayaman di mapermi sa isang lugar.

Pasakay na ako ng elevator na walang paki alam sa sino ang mga naka sabay ko.

Walang gana akong pumasok sa elevator na ikinagulat ko na nandon pala si sir Mark, ang boss ko at sekretarya niya.

" I'm sorry po," lalabas na sana ako.

" You can join us, Anne don't worry" Si sir Mark ang pumigil sa akin. Kaya di nako nag inarte pa.

" Bro maiba nga ako, but napa aga pag balik mo dito? diba sa susunod na buwan kapa babalik?"

" May pinuntahan at inasikasolang"

Sino?

" Naks, kasal bayan bro o babae ang pinag aabalahan mo hahahaha?"

"Shut up Mark at marining ka ng ibang tao. "

So ibang tao na pala akong ngayon Miguel? Sabagay 10 years na palang naka lipas ng maging parte ako sa buhay mo. Dami ng nagbago nung naghiwalay tayo.

" Si Anne lang namn ito, walang ibang tao hahahaha. Diba Anne?

"Po? Yes po?" Wala sa sarili kong sagot.

" So ano nga bro, si Sofia ba inuwi mo?"

"Shut up Mark, Di na ako natutuwa sa bibig mo. And Hindi ako uuwi ng dahil sa babae lang. All girls are shit, hindi marunong tumupad sa pangako. "

" Wow, baka kayo tong nang iiwan ng walang dahilan" Hindi ko alam pero kusang sumagot ako sa sinabi ni Miguel

" Bakit tinamaan kaba? Hindi kamn lang umilag. Baka iniwan kayo kasi you look like a trash."

" Mas trash yang pagmumukha ko, ang yabang mo di kanamn ka gwapohan. Kung feeling mo gwapo ka pwes sa paningin ko isa karing basura na tulad mg ibang basura na pakalat kalat sa daan"

" Owsss awat guys, tatlo lang tayo dito. Wag mag sigawan" Pag aawat sa akin ni mark.

Kumulo yung dugo ko sa pag mumukha ni Miguel.

" Ang lakas mong mag sabi na isang basura na minsan itong basurang mukhang ito ay pinulot mo din naman. Well I'm happy narin na binitawan mong basurang ito kasi dirin ako nagsisi."

" Do I know you ba miss" mas kumulo ang dugo ko na gustong sumabog na ng ugat sa ulo ko.

" Do you know me ba talaga? Hmmm.. siguro ako yung isa sa mga ginago mo hahahaha. May gusto pala akong ibigay sayo na hindi ko nabigay sayo. "

" Pak.. pakk" isang malutong na sampal ang binigay ko sa kanya na ikinagulat ni Mark. Nag uusok naman ang ilong nitong si Miguel ng maramdaman ang hapdi sa dalawang pisngi.

" Well all boys are shit din pero mas shit ka pa sa shit"

Mga Comments (22)
goodnovel comment avatar
Chang Medinaceli
Update n author
goodnovel comment avatar
Chang Medinaceli
Update n author
goodnovel comment avatar
Chang Medinaceli
Update n po
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status