Maayos ang paghihiwalay ng mag asawang Jamie Rodrigo at Lance Rodrigo, ngunit sa isang pangyayari nagkatagpo muli ang kanilang landas at nagkalapit muli ang kanilang loob, ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon. Nabuntis ni Lance Rodrigo ang kaniyang dating asawa na si Jamie Rodrigo habang may kinakasama na siyang iba.
view moreChapter fifty twoJAMIEAko na hindi makamove on kanina sa birthday ko kanina kaya hindi ako makatulog, napapatingin ako sa bulaklak na niregalo sa akin ni Lance.Binibigyan naman niya ako nang mga ganiyan noon kaso kapag may sapat na budget, ang mahal kase ng mga bouquet, parang ilang araw na sahod ko yun noon.Pero ngayon kahit ilan png bulaklak ang ibigay niya ayos lang nakakatuwa lag kase naalala niy ako, inalala pala, ako kase wala na akong pakesa mga birthday birthday nay an, nililipas ko na lang, kung may babati man sa akin edi thank you, kung wala naman salamat pa rin kase malusog at nakaabot pa ako sa birthday ko ganun lang.Ngayon lang ako ulit naging masama.Narinig ko na ang busina ng sasakyan ni Lance.Napabangon ako sa kama ko, mukhang kasama na niya si Grace, meaning kase ng busina niya buksan ang pinto, palagi naman may nakaabang kapag paparating si Lance tinatawagan niya ang mga kasambahay niya bago siya pumasok dito sa compound.Nacurious ako bigla, ewan basta gusto
Chapter fifty oneJAMIEMaski kaarawan ko nakalimutan ko, hindi ko namalayan, oo tanda ko kaarawan ko kaso hindi ko na namalayan na sumapit na.Mas lalong hindi ko inasahan na maaalala pa ng dati kong asawa na kaarawan ko ngayon, akala ko ang mga binili niya kanina ay pasalubong niya sa girlfriend niya, yun pala para sa akin.“Healthy foods lahat yan huwag ka mag alala, maski yung cookies.”Hindi ako makapagsalita, gusto ko umiyak pero pinipigilan ko na lang kase magmumukha lang akong tanga sa harapan ng dati kong asawa.Natural naman talaga sa kaniya ang magregalo, kase birthday ko, tama! Wala namang malisya ito. “Salamat.”Kinuha ko ang mga regalo at inalalayan niya akong bumaba, napansin kong nakatanaw ang mga kasambahay niya sa bintana at nakatingin sa amin.Pinigilan kong ngumiti kase ngiting ngiti sila sa nakita nila.Mabuti na lang teary eye palang ako kanina, tears of joy ba, hindi naman kase ako madalas makatanggap ng ganito sa kaarawan ko.Pagpasok ko. “Happy birthday!” siga
Chapter fiftyJAMIENaging normal na ang sitwasyon, iniiwasan ko na kase si Grace kesa naman ang makipagtalo pa ako sa kaniya ako nanaman yung makakapanakit, ako nanaman yung masama, mas okay umiwas.Kapag nakikita ko siya umaalis agada ko at lumalayo, para akong takot pero hindi ganun ang nangyayari, alam ko ugali niya nambabaliktad siya kaya iiwasan ko na lang.Check up ko pala ngayon, babalikan daw ako ni Lance after ng meeting niya, maaga kase siyang umalis at alam din naman niyang check up ko ngayon.Naghanda na ako dahil maya maya bubusina na si Lance, dinala ko na rin yung mga records ko at nagdala ng extrang damit baka kase mabasa nanaman likod ko, ang dali kong pagpawisan din.On time din si Lance kaya lumabas na agada ko, nilingon lingon ko pa ang paligid at wala si Grace, hindi ko siya napansin kung lumabas o nasa kwarto.“Bakit para kang kriminal?”“Mainit kase.” Yung itsura ko kase kanina lingon ng lingon tapos ang bilis maglakad.“Nagdala ka sana ng payong.”“Hindi na, m
Chapter forty nineJAMIEBinabagabag ako ng konsensya ko ngayon, kapag kalmado kana pala tsaka mo marerealize yung nagawa mong mali.Hindi na lang sana ako pumatol kay Grace alam kong magsusumbong siya, alam kong hindi naman ako ang kakampihan, at alam kong mali na nakapanakit ako ng tao.Tumitingin ako sa labas dahil inaabangan ko si Lance kaso wala pa siya, wala pa yung sasakyan niya, napansin ko na may tao sa labas at si Grace yun, halatang naghihintay at nag aabang kay Lance.I’m sure magsusumbong yan, halata naman dahil sa harapan pa siya naghintay. Uunahan na niya ako magsabi sa mga nangyari dito, kasalanan naman niya yun, nauna siya kaso may kasalanan din ako pumatol ako at nanakit.Sakto naman na may bumusina na at alam kong si Lance yun, nagpapahiwatig na buksan ang gate kaso si Grace na ang gumawa nun.Hindi na ako mag aabalang magpaliwanag, hahayaan ko na lang na siya mismo ang kumausap sa akin dahil may nauuna ng magsumbong, anong laban ko diyan? Siya ang mahal niya.Pumas
Chapter forty eightJAMIEParang iba ang kutob ko sa mga nangyayari, kase naman si Grace halata namang galit na galit kay Lance lalo at umasa ito. Huwag lang niya ako idamay dahil wala naman akong pakealam sa kaniya, hindi ko pinapakealaman ang buhay niya, ang tungkol naman sa annulment pwede naman namin iyon ituloy ipipilit na lang namin, bahala na. Si Lance na lang bahala doon kesa naman ako ang mapagbuntunan ni Grace, ayaw ko pumatol sa mga kagaya niyang paranoid, pero mas paranoid ako ngayon lalo kapag dinadamay ang anak ko. Mas matapang talaga ang mga buntis, ngayon ko lang napanutanayan.Nagdahan dahan ako upang hindi mapansin nila Lance, baka kase makita nila ako dito sa malapit, mapagkamalan pang tsismosa, hindi ko naman sinasadyang marinig ang mga usapan nila, kaso sa nakikita at naririnig ko kanina malamang damay nanaman ako, at masisisi nanaman ako ni Grace.Huwag naman sana, ayaw ko ng gulo o away, gusto ko lang ng katahimikan lalo pa at ganito ang lagay ko, ang hirap kaya
Chapter forty sevenJAMIEYung mga litrato na itinabi namin ni Lance galing sa lumang bahay ay nilagay namin sa isang lalagyan, may mga nakita pa akong gamit dito, ayaw ko na sana kunin kaso parang may nag uudyok sa akin na kunin ang mga iyon, ang mga ala-ala noong kasla namin kagaya ng souvenir at kung ano ano pa, nakagilid lang sila at nakalagay sa paper bag.Hindi alam ni Lance na dinala ko ang mga bagay na iyon pauwi, nagpaalam na kami sa land lady kase naman nagiging emosyonal na ako sa loob ng bahay maski si Lance, naging seryoso ang usapan namin ng ilang minuto na para bang yun talaga ang gusto naming pag usapan noon pa, kaso nga lang hindi namin magawang makapag usap ng kagaya kanina.Sobrang seryoso ng usapan namin na para bang kahapon lang nangyari ang lahat, ang dami ng kaganapan at ang dami na ring nagbago.Nananahimik tuloy kaming dalawa habang nasa sasakyan, kase naman kanina hindi ko na napigilan mapaiyak na parang kahapon lang at kanina ang mga nangyari.“Ayos ka lang?
Chapter forty sixJAMIENag aalangan akong pumasok, dito palang sa labas nakakaramdam na ako ng lungkot, paano pa kaya kapag pumasok na ako sa loob?Napakaemosyonal ko ngayon pinipigilan ko lang, samantalang si Lance pachill chill lang parang walang inaalala, para lang siyang namamasyal, hindi ba siya sentimental na tao? O sadyang wala siyang pakealam kase may Grace na siya at ang inaalala lang niya ay ang annulment namin.Maghihiwalay din naman kami ipinunta pa niya ako dito, ayan tuloy hindi ko mapigilan mapaiyak, tinatago ko lang sa kaniya kase mabigat ang pakiramdam ko, mabigat ang puso ko parang pinipiga kaso hindi ako makaiyak sa harapan niya.Ako na ang unang pumasok sa loob ng bahay kase gusto kong magpunas ng luha at ayaw kong makita o mapansin iyon ni Lance.Medyo mahangin ngayon dito.May iilang mga gamit pa ang narito kagaya ng aparador at yung mga lalagyanan ng TV at ibat iba pa, iniwan namin iyan kase hindi na namin madadala pa, biglaan ang pag alis ko noon, hindi na kam
Chapter forty fiveLANCEI don’t know what to do, nalilito ako ng sobra.Hindi ko alam ang magiging desisyon ko simula nang mag usap usap kami sa opisina kasama si Jamie, ang bigat sa pakiramdam pero kailangan kong ipakita na okay lang ang lahat.Yung pakiramdam ko noon bumalik pero habang tinitignan ko si Jamie pakiramdam ko desidido na talaga siyang magpaannul.Inaalala ko rin si Grace, isang malaking sampal sa akin itong mga nangyayari, iba iba ang nagiging emosyon ko, bakit ganito? May kakaiba na sa nararamdaman ko ngayon.Lahat ng payo at sinabi sa akin natamaan ako, para akong natauhan paano naman kase hindi alam ni attorney na may girlfriend ako maski nung nakausap namin na kasama niya.Kapag sinabi ko kase na may nobya ako, mapapahamak kami ni Grace, alam naman ni Jamie ang tungkol doon, yun nga lang narealize ko ang lahat para kaseng mali ang pagkakataon pero yung nararamdaman ko parang iba na.Nalilito na nga ako ng sobra dahil pakiramdam ko mahal ko pa si Jamie.Yang ang na
Chapter forty fourJAMIESana hindi na kami bumalik doon sa opisina niya, naiilang talaga ako lalo na doon sa Alexa, gusto maghanap ng kakampi dito sa bahay nila Lance para madali siyang makapasok o kaya may mata siya pagdating kay Lance alam ko ang style na ganun.Napag usapan namin ni Lance na pumunta ngayon sa dati naming eskwelahan malapit sa dati naming tinitirahan, hindi ko alam kung alam ni Grace kung saan kami pupunta dahil nandito siya ngayon sa bahay.Alangan naman isama namin siya, sa totoo lang parng tinitherapy kami tungkol sa marriage namin, gusto nilang bumalik yung dati naming nararamdaman para sa isat isa, kung ako ang tatanungin meron pa naman akong feelings para kay Lance yun nga lang hindi pwede, kahit legal kami, babae rin ako at kahit sabihin natin na ako ang legal, may masasaktan na babae din kapag pinaglaban ko ang karapatan ko unless kung si Lance na mismo ang lumaban para sa relasyon namin.Kaso malabo yun.Minsan kase nang aasar lang siya minsan naman paasa
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.