Share

KABANATA 20

Kabanata 20

"Napakaganda mo, Andra. Kumportable ka ba sa suot mo?" malambing niyang tanong habang ang kaliwang kamay niya ay nakapatong pa rin sa nakalabas kong tiyan.

Napalunok muna ako habang nakatitig sa kamay niya sa akin at habang nararamdaman ko ang pag-init ng pisngi ko.

Bakit ginagawa ito ni Sir Franco?

Nagwawala na ang puso ko sa loob ng dibdib ko dahil sa ginawa niya.

"Y-Yes, S-Sir," mahinang bulong ko pagkatapos kong higpitan ang hawak sa bag ko.

"Sigurado ka? Pwede kong sabihin sa mga tauhan ng wardrobe na palitan iyon. Sabihin mo lang." Sabi niya ulit habang nakaharap pa rin at hinihipo ang ilang bagay sa mga istante sa likod ko para hindi kami masyadong mapansin ng mga tao.

Dahan-dahan kong inangat ang ulo ko at sinalubong ako ng mga mata ng mga kasamahan ko na ikinagulat ko. Nakatingin sila sa pwesto namin ni Sir Franco.

Salamat sa Diyos na lahat ng mga bag namin ay nasa mesa na nasa harapan ko lang, nakatago ang kaliwang kamay ni Sir Franco na komportableng nakapatong
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status