Share

KABANATA 14

Kabanata 14

"Andra, nasaan ka?" Rinig kong sigaw ni Doña Amanda mula sa labas ng kusina.

"Nandito ako sa loob ng kusina, Ma'am Amanda!" Sagot ko habang pinapatay ang high-tech na dishwasher switch.

"Okay, come in the living kapag tapos ka na sa ginagawa mo, Andra. I have something for you! I will wait for you there!" tuwang-tuwang sabi niya at unti-unti kong narinig ang mga yabag niya na papalayo sa kusina.

Mabilis akong napangiti at umiling habang pinupunasan ang basang mga kamay ko sa apron na suot ko ngayon.

Bigla rin akong natuwa dahil sa sinabi ni Doña Amanda.

May something na naman siya sa akin? Napaisip tuloy ako agad. Ano kaya ito sa pagkakataong ito?

Nang tuluyang matuyo ang aking mga kamay ay agad kong hinubad sa akin ang brown na apron, at kasabay nito, ibinalik ko iyon para isabit muli sa dingding.

Aalis na sana ako nang tawagin ako ni Angel nang bigla siyang pumasok sa kusina mula sa likod ng pinto habang may bitbit na mga piraso ng hanger.

"Oh, Andra, saan ka pupunta nga
Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status