Share

Sana nga

“So here's the plan,” anya ni Janine, not giving Hanson a chance to speak, “March 6, sa linggo magkita-kita tayo sa fountain sa Amusement park at exactly 7:30 am para pagdating ng 8 am ay pupunta na tayo doon. And syempre kasama din dapat si VD para happy.”

“Wait guys, sa pagkakaalam ko 8:30 ang bukas ng Heritage House, 'eh bakit ang aga naman natin?” Punto ni Jacob.

“E kasi nga linggo na ang festival at marami ang walang pasok kaya for sure mahaba ang pila sa entrace at maraming tao ang dadagsa doon.”

Naghimas ng baba si Jacob, “Ah, gan'on ba.”

“Ikaw Jacob, since ikaw naman ang laging late, makakarating ka ba ng maaga sa sunday?” tanong ni Jason.

“Siyempre naman, ako pa! First time kong makapunta doon kaya dapat lang na hindi ako magpaka-late.” pagmamalaki ni Jacob.

“Okey first things first. We must inform our parents about this,” anya ni Mike at nagtinginan ang lahat sa kanya, doubting, “just in case something happens to us at least our parents know where to look for.” iling niyang wika. Tila naasiwa siya sa kanyang sinabi sa pag-aakalang aalis sila ng walang paalam. But that was for assurance and a reminder, especially if Janine is in charge of planning.

“Hmm, okey.” Anito ni Janine.

“I think hindi ako makakasama dyan.” wika ni Hanson.

May pagtataka namang gumala ang paningin ni Jacob at Liliane sa apat nilang kasama. “At bakit naman,” sabi ni Janine, “'eh kakasabi ko lang kanina-”

“I didn't say na sasama ako,” putol ni Hanson, “I don't think it's a good idea to take me on a trip, especially someone like me. ”

“Oh come on, it's just a hangout. Wala namang mawawala sa'yo kung sasama ka. Saka mahangin doon at maganda ang view, gaya ng lugar na 'to. 'Di ba sabi mo kanina nagpupunta ka dito para magrelax and parang therapy na rin ito sa'yo.”

“She's right,” Segunda ni Mike, “its not bad to have some new air.”

“Sumama ka na tol', kami nga ni Jason pupunta eh'.” Dagdag ni Jacob.

“Weeeh, talaga lang ha?” pasaring ni Janine.

Nangulimlim ang mukha ni Hanson, mata sa baba, ‘If only I could tell you the reason, but I don't think you'd understand that,’ wika niya sa sarili.

May balisang tinapunan ni Hanson ng tingin ang kanyang mga kasama. Nag-iisip. Pinag-aaralan kung ano ang maaari niyang sabihin upang matanggagihan ang paanyaya ng mga 'to. Ngunit sa paglaon, matapos ang sandaling pagmumuni-muni ay nabatid niyang wala na siyang pagpipilian kundi ang sumama. Knowing na hindi siya titigilan ng mga 'to hangga't hindi napapapayag, “Okay guys I'm in, but only this one time. Deal?”

“Deal.” anito ni Janine na abot taenga ang ngiti at magkahawak ang magkabilang kamay,  “Finally, the gang is officially complete!” she said and continue, “And regarding sa entrance fee, don't worry because Jason and I will take care of it.”

Nagtaas ang kilay ni Liliane sa pagtataka, “Seryoso?”

“Yep, we are so damn serious about it,” biglang nabago ang ekspresyon ng mukha ni Janine, realizing na baka magprotesta ang kakambal, “No, ako lang pala ang nagsabi no'n.”

“And when did that happen Janine?” komento ni Jason ukol sa entrance fee.

“Uh, just a little while ago.”

Tila naghugis pananong ang mukha ni Hanson. Hindi niya mawari kung paanong mapapapayag ng dalagita ang kanilang magulang na akuin ang gastusin sa pamamasyal, lalo na't biglaan. Nais niya sanang kontrahin ang kaibigan pero nagbitaw na ito ng salita na hindi na mababawi pa.

Kaagad napasuntok sa hangin si Jacob sa tuwa, “Yes, kayo na talaga ang the best sa lahat!”

“Won't your parents angry with our sudden plan?” Hanson asked.

“Actually, Hanson, madaling mapapayag sina Mom and Dad. Konting drama lang keribels na, so tomorrow morning we will go to the Heritage House Museum.” tila pagmamalaki ni Janine.

“Hindi na ako makapag-hintay, excited na ako.” wika ni Liliane.

“Guys tandaan ninyo ang pinag-usapan natin, 'wag ninyong kakalimutan.” sabi muli ni Jacob.

“Sus, nagsalita ang always late!” anito ni Jason.

“Hoy, bagong-buhay na ito 'tol. Baka nga  mamaya ikaw itong hindi sumama eh.”

“No worries, ako na ang bahala kay Jason kapag nagbago ang isip.” singit ni Janine, nakangiti at tila sinasadyang asarin ang kakambal.

“At ano naman ang gagawin mo kung sakaling hindi ako sasama aber?” Usisa ni Jason kay Janine.

“E' di poposasan kita para hindi ka na makatanggi pa!”

“E di' wow!” naka-ngusong saad ni Jason.

Kumawala halakhakan ng lahat, liban kay Hanson na napipilitang ngumiti. Seeing their smiling faces makes him feel uncomfortable, ‘Masama 'to.’ he murmured in disbelief and some kind of worried.

Sa pagpatak ng ala una ay muli na namang tumunog ang bell na siyang tanda ng pasimula ng klase sa pang-hapon.

Isang oras lamang ang launch break nila subalit hindi nila ito namalayan dala ng bukso ng pagkasabik. Hindi pa nila tuluyang nauubos ang kanilang pagkain nang magligpit sila ng mga gamit. Nilinis din nila ang lugar ng maigi upang walang makabatid na may nagtutungo doon. Dali-dali silang sumipat sa kani-kanilang mga silid-aralan.

Hanggang 2 pm ang klase ng junior high at pagkatapos no'n ay magtutungo na sila sa kani-kaniyang club activities. Miyembro ng Science club sina Jason, Janine at Liliane habang sina Mike at Hanson ay nasa team Arnis. Wala namang pinagka-abalahan si Jacob sa mga sandaling iyon kundi ang tumambay sa rooftop ng 7A at hintayin ang lima.

Dumating ang dapit-hapon, oras ng uwian ng mga guro't estudyante ng VU.

Walang naganap na training sa Arnis Team. Wala sila ibang ginawa kundi ang maglinis at maglagay ng dekorasyon para sa Festival bukas. Tamang-tama rin na wala silang ensayo kinabukasan at sa araw ng festival, medyo nanakit na kasi ang katawan ni Hanson sa kaka-ensayo.

Nagkita ang anim sa tapat ng building 8-A. Sabay-sabay nilang nilisan ang paaralan.

Bawat isa ay may dala-dalang bike pero hindi nila muna ito ginamit. Naglakad na lamang sila hanggang sa marating ang isang kanto na tatlong kalsada sa iba't ibang direksyon. Dito na rin sila nagkahiwa-hiwalay ng landas.

Nanatili si Hanson sa kanyang kinatatayuan, pinagmamasdan ang papalayo niyang mga kaibigan hanggang sa naging mallit na lang sila sa kanyang paningin.

“Tayo na,” yaya ni Hanson kay Mike at nagsimula na silang pumadyak ng bisekleta.

Luminga si Hanson sa kanyang kaliwa habang binabaybay ang daan. Pinagmasdan ang unti-unting pagkubli ng araw sa likod ng bundok Nima. Animo nagkulay ginto na hinaluan ng pula ang paligid ng araw. Pinasadahan niya rin ng tingin ang kalangitan na may kakaibang kulay ng pinagsamang mapusyaw na kahel at dilaw.

Kay gandang pagmasdan ang tanawin. Nakaka-relax sa paningin at nakakasaya sa pakiramdam. Sa isip-isip ni Hanson malamang marami ang mapapatigil dito, sa ganda ba naman ng panahon at magandang view, aba'y sinong hindi mabibighani —liban nga lang sa kanya.

Nandilim ang kanyang mukha. May kurba sa kanyang mga mata at labi ngunit bakas ng kapanglawan.

‘Kuya...’

Sa pagbanggit ng salitang iyon ay tila nakaramdam siya ng pagkabalisa. Parang may tumutusok sa kanyang dibdib.

‘Mahigit dalawang taon na rin ang nakalipas since you were gone.’

‘And it was all my fault.’

Samantala, isang malakas na ihip ng hangin naman ang biglang dumaan sa kanya. Napagmasdan ni Hanson ang hanging iyon, tangay-tangay ang kakarampot na dahon. Tila nakadama siya ng kakaiba. Animo may nanahang malamig sa likod ng kanyang dibdib, dahilan upang siyang maharipang huminga. Maging ang bugso ng kanyang puso'y bumilis at nagsitayuan rin ang kanyang mga balahibo.

“There is something strange in the air...”

Malimit namang binabayo ng malalakas na hangin ang lugar nila lao na't sa tuwing nalalapit ang summer at nasanay na siya sa ga'nong panahon, “But why?” Hindi maipunto ng binatilyo kung ano iyon, pero isa lang ang sigurado, mayroong hindi tama dito.

 

Sa kabilang dako ay patuloy naman si Mike sa pagpadyak ng bisekleta habang humuhuni ng paborito niyang awitin. Walang siyang kamalay-malay na naiiwan na pala niya si Hanson. Saka na lamang niya napagtanto na nag-iisa siya nang luminga sa gilid. “Hanson?”

Dagli siyang huminto at lumingon sa likuran at doon ay nakita niyang nakatingin sa kawalan si Hanson.

“Hanson, may problema ba?” Tanong niya habang lumalapit sa binatilyo. Tila hindi siya narinig nito anupat kinalabitan niya ito sa balikat, “Hey Hanson, wake up!”

“H-huh? Anong-?” Nagtatakang sambit ni Hanson.

“Anong ano, kanina ka pa'ng tulala diyan 'eh. May problema ba?”

“Ah-eh wala, wala lang.” Ngumisi lamang si Hanson upang hindi ito makahalata, pero seryosong nakatitig sa kanya si Mike. Sadyang mahirap talaga itong kumbinsihin.

“Ano ka ba, wala lang 'yon,” wika muli ni Hanson sabay tapik sa balikat ni Mike, “Tara bilisan na natin.” Dagdag niya at muling nagpatuloy.

Naging malamlam ang mukha ni Hanson habang binabagtas ang daan patungo sa kanilang bahay. ‘Wala lang 'yon siguro.’ sabi niya sa kanyang isipan.

‘I hope so.’

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status