Maagang balisa si Angela dahil hindi nakauwi ang kapatid na si Angelo. Pumasok siya sa trabaho ngayong umaga pero hindi siya mapakali at makapag focus sa trabaho. Tinawagan na nito si Johnny. Nuong lulan sila ng sasakyan ni Johnny ay hindi siya nagsasalita at hindi nito sinabi ang tungkol sa kapatid."Johnny, si Kuya kasi hindi umuwi kahapon. Katatawag ko lang kay Nanay kanina at sinabing wala pa din si Kuya Angelo sa bahay" bungad na sabi ni Angela kay Johnny sa kabilang linya."Don't worry pupunta ako ulit diyan at hahanapin natin ang Kuya mo" pakalma na sabi ni Johnny sa nobya. At pinatay ni Angela ang tawag. Sobrang nag aalala na siya para sa kalagayan ng kapatid.Nagmamadali naman si Johnny na pumapasok sa stall na pinagtatrabahuhan ni Angela."Anong nangyari sa Kuya mo" tanong ni Johnny ng makalapit ito kay Angela."Hindi ko alam. Hindi siya tumawag o nagtext man lang sa akin kagabi. Hindi pa din siya nakakauwi ng bahay. Kaya sobrang nag aalala na ako para kay Kuya Angelo." nat
"Tatay?!" gulat na tawag ni Angelo sa Ama. Pagkaraan ng ilang taon ay ngayon lang ulit niya nakita ang Tatay niya. Lumapit ito sa anak habang nasa wheel chair. Nasa likod niya si Andrea na kasamang nagbabantay sa anak na si Angelo."Anak" maluha-luhang tawag din sa kanya ng Tatay niya. Hindi siya makapaniwala na kilala pa siya ng panganay niya. Matapos ang matagal na panahonng pagkakawalay sa kaniya. Malaki na ang panganay niyang anak. Nuong iniwan niya ang mga ito ay siguro nasa limang taong gulang pa lang."Bakit po ako andito? Anong ginagawa ko po dito sa hospital?!" naguguluhang tanong ni Angelo sa Ama. Hindi malaman ni Angelo ang nangyari. Pagkatapos ng trabaho niya sa construction."Nasa hospital ka ngayon, Anak. Nakita ka ng tauhan ko sa isang bakanteng lote na walang malay. Tiyempo naman na ako ang may ari ng bakanteng lote na iyon. Kaya dinala ka sa akin" mahabang kuwento ni Cain. Gusto na niyang yakapin si Angelo. Pero, nakikita niya ang galit sa mukha ng anak. "Natatandaan
Angela's POVSobrang dami ng tao sa tindahan ngayon. Maraming namimili, marami ding ang mga nagwiwindow shop. Nakatingin ako kay Johnny na nasa labas ng tindahan at may kausap. Hinihintay na naman niya ako hanggang sa pag uwi ko. Napakamatiyaga niya talaga sa akin. Ngumiti siya sa akin ng nahuli niyang nakatingin ako sa kanya. Napakaswerte ko talaga sa kanya. Hindi lang siya mabait, guwapo pa. Sila rin ang pinakamayaman dito sa aming lugar. Lalo tuloy ako parang hindi naging bagay para sa kanya. Masyadong mataas siya. Ako nasa ibaba."Ang unfair ng buhay" nasambit ko sa aking sarili ko.Bakit kaya magkakaiba ang estado ng buhay ng bawat tao? Mayroong mayaman at may mahirap. Magkakaiba din ang bawat tao sa pisikal na, may magaganda at mayroon ding hindi kagandahan. Sana pantay pantay ang lahat. Para walang naiiba.******Lulan ng sasakyan sina Andrea ay Cain. Naisip ni Cain ang bunsong anak na si Angela. Huling kita niya dito ay nuong nakaconfine siya sa hospital dahil sa sakit sa puso
Nasa harap ng tindahan si Angela at pinipigilan na ihakbang ang mga paa papasok sa loob. Labag man sa loob niya ang gagawing pag-alis sa trabaho. Pero, wala siyang magagawa dahil kailangan niyang sundin ang gusto ng kanyang Kuya at ina. Hindi din siya nahatid ni Johnny ngayong araw dahil sa may gagawin daw ito sa University. Napamahal na sa kanya ang pagtatrabaho sa tindahan at ang mga kasama niya. Kaya mahirap sa kanya ang umalis dito.Pikit mata na pumasok siya sa loob at pumunta sa opisina ng kanilang Manager. Kumatok siya sa pintuan at pinihit ang seradura ng pinto. Napalingon si Mr. Braganza sa taong pumasok ng kanyang opisina."Angela, may kailangan ka ba?" tanong ni Mr. Braganza at itinuro ang upuan sa harap niya para senyasan si Angela na maupo."Sir, magreresign na po ako" malungkot na sagot ni Angela. Nagulat si Mr. Braganza sa sinabi ni Angela sa kanya."Bakit? May hindi ka ba nagustuhan dito sa tindahan? At aalis ka na agad." mga tanong ni Mr. Braganza. Umiling iling ng ul
Nasa bahay na sila Angela kasama si Johnny. Tahimik itong nakaupo habang nasa tabi niya si Angela. Sobrang kabado si Johnny kung anong sasabihin ng Nanay at kapatid ni Angela sa kanya."Beb, dito ka muna. Tatawagin ko lang si Nanay" sabi ni Angela na nakangiti sa akin. Tumanggi ng ulo si Johnny na ninenerbiyos na. Hinawakan niya muna ang kamay nito pagkatapos ay binitawan at iniwan si Johnny sa sala.Mas nakakakaba pala kapag ganito ang pakay mo sa kanila kesa sa yung dumadalaw ka lang sa bahay ng mahal mo. Yung tibok ng puso mas domoble ang tibok tapos nanginginig ka sa takot.Bumalik ng sala si Angela na kasama ang Kuya nito at Nanay niya. Matalim na nakatingin si Angelo kay Johnny. Umupo naman si Angela sa tabi ni Johnny at hinawakan ang kamay. Si Angelica ay naupo sa harap nina Angela at Johnny. "May sasabihin ka daw Hijo sa amin?" bungad na tanong ni Angelica kay Johnny. Tumingin muna si Johnny kay Angela. Ngumiti naman si Angela sa kanya."Hindi na po ako magpapaligoy ligoy pa.
Buo na ang pamilya nila Angela kasama na nila ang Tatay niya na matagal na nawala sa kanila. Nagdesisyon ang Tatay niya na lumipat sila sa mas malaking bahay para sa kanilang lahat. Maayos na at nagkasundo na ang Nanay at Tatay nila. Pero, ang Kuya Angelo ni Angela ay galit pa din sa Tatay nila. Hindi naman madali iyon. Pero, para kay Angela ay napatawad na niya ang Tatay niya dahil mahal niya ito at nangungulila siya sa pagmamahal ng isang ama. Magdadalawmpung taon nawalay sa kanila ang Tatay niya. Gusto niyang sulitin ang mga araw na nawala sa kanila. Kaya pinatawad na din kaagad niya ito. "Nagustuhan niyo ba?" tanong ni Cain sa asawa. Tuwang tuwa naman si Angelica sa bagong bahay nila. Malaki ito at maraming kuwarto. Si Angela ay palinga linga sa buong bahay at namamangha sa sobrang magandang nakikita sa loob ng bahay. Moderno ang magiging bagong bahay nila. Si Angelo ay walang imik na nasa tabi ng ina. Mukhang hindi ito natutuwa. "Oo naman. Okay lang naman sa akin kahit na mali
After One Year"Angela, we're planning to get a model for our boutique. Makakatulong ito para lalong makilala ang mga boutique natin. At sayo na din. Mas lalong matututo ka." sabi ni Cain sa anak. Napatingin si Angela sa Tatay niya.Gumaling na si Cain at nakakalakad na din. Naging maayos na ang pangangatawan niya at nakarekober galing sa isang aksidente. "Tay, may napili na po ba kayong modelo para doon?" tanong ni Angela. At itinuloy ang pagsubo ng pagkain. Napalago ni Angela ang kanilang boutique at mabilis din siyang natuto sa pasikot sikot sa negosyo. "May kinontact na ang Kuya mo na agency. I think one of this day ay pupunta na sila to start the photo shoot" sagot ni Cain. Naging maayos na ang pakikitungo ni Angelo sa kanya. Napatawad na din siya ng kanyang panganay na anak. "Okay po, 'Tay" maikling sagot ni Angela.Makalipas ang ilang buwan ay hindi na nakikita ni Angela na pumupunta si Johnny sa tindahan para kulitin siya at humingi ng tawad sa kanya. Sa loob ng isang taon
Dumating na ang crew ng agency at ang photographer. Hindi na nag-usap pa sina Johnny at Angela pagkatapos ng nangyari kanina. Medyo ilang na din si Angela kay Johnny. Lalo na may babae itong laging kasama.Paalis na silang lahat sakay ng kanya kanyang sasakyan. Si Angela ay kasama ang sekretarya nito sa sasakyan niya, sina Johnny at Elizabeth ay magkasama sa sasakyan ni Johnny at sa van ang crew kasama si Nathan at Manager na si Mike.Binabagtas na ng buong team ang daan papunta sa kanilang location, sa Tagaytay. Iyon ang napili nila para hanapin ang photo shoot. Tahimik si Angela na lulan ng kotse niya may kasama silang tagamaneho. Napansin ni Jenny ang pagiging tahimik ng amo niya simula ng bumalik ito sa opisina niya."Johnny, may napansin lang ako sa inyo ni Miss Angela parang may malalim kayong pinagsamahan. The way the both of you talk at sa kilos ninyo na din." punang sabi ni Elizabeth. Napansin niya kung paano sila magtinginan ni Johnny. Hindi niya iyon nagustuhan."Guni guni