Share

Chapter Five

We heard the alarm on the door signaling that someone had entered, it also disappeared right away after a few seconds.

Nababakas ang takot sa mukha ni Alary, maybe she thinks it's Aslan again.

I move close to her and plant a soft kiss on her forehead, an act that a gay man does not do, or must do.

Napatitig siya sa akin at napakagat ng labi, napatingin ako roon at muling naalala ang sarap nito habang kahinang ang labi ko.

Get yourself together, Klarius.

It's frustrating and confusing. Bakla ako, hindi dapat ako makaramdam at umakto ng ganito.

Hindi kami nag-iimikan. Wala rin akong alam sabihin para mapagaan ang tensyon sa'min. Nang makauhap ng sasabihin ay nagsalita na ako.

"I must check kung bumalik si Aslan," at umiwas ako ng tingin sa kanya. I couldn’t be with her or things will getting worst for us.

I swiftly donned a boxer and then I heard a kid's footsteps running towards here.

A kid? Bakit may bata?

Narinig din ata ni Alary kaya't hindi siya mapakali at nagkakakumahog sa paghahanap ng damit niya.

"It's Ate Adri.." may pagmamadali sa boses niya.

She was combing her hair when someone knocked on her bedroom door, I thought of opening it because she was still settling herself. Nang makitang nag-aayos pa siya ay dumiretso na ako sa pintuan.

Pagkabukas ay nakita ko ang isang bata, 3-4 years of age. Agad itong ngumiti at kumaway sa'kin.

"Hi, I'm Matty!" Bumahing ito at tumawa.

Natuyo ang lalamunan ko pagkakita sa bata.

Matty? Who’s this child?

Adorable. Hindi tulad ng ibang bata na matatakot sa hindi kakilala. Something tugged in my heart after looking at him.

Even if they are forcing me to have a child, I really don't want to, but after seeing him...

Halos madapa si Alary para makarating agad sa may pinto.

"Sino yan?" Alary asked me and I turned to the side to let her see the boy as we heard another voice.

"Matthias! Come here!" I saw Trinity running after him.

"Papsi!" Trinity shriek when she saw me.

Napangiti ako at ginulo ang buhok ng batang babae, "Anlaki mo na.."

Excitement drawn on Trinity's eyes after realizing it was me.

Si Trinity, ang pamangkin ni Alary. How about the boy? Kapatid ba 'to ni Trinity?

Ang alam ko ay walong taong gulang na siya ngayon, gusto ko man siyang kargahin at kumustahin ay hawak niya sa kamay ang batang lalaki, and I'm almost on my birth suit.

I know her because I seldom see her on Alary's pad, noon. Si Trinity lang ang alam kong pamangkin niya.

"Trinity.. where's your Mama?" nagtanong si Alary at sinubukang hawakan si.. si Matthias.

Luminga si Alary at siguro’y hinanap si Adrienne.

"Papsi, Tita, are you also going to make babies? Mama and Dada are planning to have one too,” she excitedly asked Alary instead.

Nanlaki ang mata namin, gusto kong pumasok sa loob nang makitang may paparating pero nakita na ako ni Adri sa hamba ng pintuan. You're doomed, Klarius.

Nakalimutan kong nakasuot lang ako ng boxer kaya't pumasok ako ng kaunti sa loob.

Walang emosyon sa mukha ni Adrienne. Tinignan ko si Alary at mababanaag ang di maipaliwanag na ekspresyon sa kanya.

Napalunok siya kaya't napatingin ako sa magandang leeg niya. Damn, her neck.

"Alary—"I'm about to call her to ask the permission to go when her sister interrupt me.

"Klarius, right? What brought you here at this hour?" Malamig na pagkakatanong niya.

9am. Right, Klarius. Napakaaga kung sasabihin kong may pinag-usapan lang kami ni Alary.

"Ate.." Tinawag siya ni Alary at umiling ang bestfriend ko.

"Don't tell me you two had siesta this early? Really, Alary?" May diin at galit sa mga salita ni Adrienne.

Wala ang dating carefree vibe sa aura niya.

Nakayuko si Alary habang hawak pa rin si Matthias.

"Omg, who's this pokemon?" Isang babae ang nagpabago ng atmospera sa paligid.

Napabuntonghininga si Adri at tumalikod, sumunod ang anak niyang si Trinity habang si Matthias ay nakatingala sa'kin.

"Amaryllis, siya si Klarius,." pagpapakilala sakin ni Alary.

"Ito ba yung kaibigan mong bakla na kapatid nung tatay ng—"

Bakla. They knew and maybe ayaw nila ng bakla para kay Alary. Darn it, ofcourse Klarius, and ano naman kung ayaw nila si Alary para sayo?

"Amaryllis!" Alary almost screamed. Just like Adri, in a spare of minute, suddenly, something changed in her.

"Klarius, she's Amaryllis, my other sister who lives abroad,” pagpapakilala niya sa'min.

"Klarius Jack Agapello,” iaabot ko sana ang kamay ko nang makita ko ang pagtanggi nito.

Umiling siya na nagpakunot ng noo ko. See, Klarius? They don't want you. And what about it?

"Ow? bakla ka talaga? Baka dahilan mo lang yan para makascore, lumang gimik na 'yan at yung kamay mo baka kung san-san mo 'yan sinuot, siguro pinasok mo pa yan sa alam mo na— kita mo nakaunderwear ka lang, ba't nakabrief lang siya? Nagkantu— ay andito pala si Matthias," mahabang litanya nito. Nagpeace sign ito at ngumiti sa'kin.

Hindi ako makasingit sa sunod -sunod na tanong nito.

I just found myself in a very awkward situation.

-

Napakabilis at napakaraming nangyari. Masakit pa rin ang hita ko sa ngalay at maging ang pagkababae ko'y sa tingin ko ay namamaga.

Nag-init na naman ang pisngi ko ng maalala si Klarius.

Someone called him and explained he had to be there at their hospital so he left immediately.

Magalang siyang nagpaalam sa mga kapatid ko. Hindi niya alam na alam ng mga kapatid ko ang sikreto niya. Well, para hindi nila paghinalaan na may kung ano sa amin ni Klarius.

But now, we not intend to have this thing.. it’s just happened..

Walang imik si Ate Adri ng umalis si Klarius.

I don't know what to go through, or should I feel something? Do I have the rights to complain or atleast explain?

"Kita ko anlaki niya, ha? Krung-krung kang babae ka, akala ko ba bakla 'yon?" Amaryllis asked.

Kahit papano ay mas may sense pa rin ako kaysa dito kay Amaryllis.

"He is. I don't know— I mean, yes. But something happened between us."

"Ano ba talaga?" Umiling lang ako kay Amaryllis at di naiwasang mapatingin kay Ate Adri.

"It's possible, but as far as I know, lesbians are more likely than gay men to have ever had sex with an other-sex sexual partner." Cody answered, Ate Adri's dictionary husband.

Lahat ata ng tanong nasasagot niyan, kahit hindi naman siya ang tinatanong.

Hays. Kumusta kaya si Klarius? Napatitig ako kay Matthias at kahit papano'y napangiti.

"Oh, anong connect? Wala namang tit—", Hindi na naman siya mapigilan sa kadaldalan niya.

"Bunganga mo, Amaryllis. Kanina ka pa, ha? May mga bata." Ate Adri exclaimed.

Umiwas ako ng tingin sa kanya ng muling magawi ang mata niya sa'kin.

Sinenyasan niya si Kuya Cody na ipasok ang mga bata sa loob ng bedroom.

Nakaupo kaming tatlo sa sofa at nagkakamustahan. Wala sana akong balak magkwento pero baka magconclude sila sa kung ano mang namamagitan samin ni Klarius.

"KJ mo naman, Adri. Haler, naiintindihan ba nila 'yon?" tukoy ni Amaryllis sa mga bata.

"Ate Adri for you, Amaryllis. Hindi porket laki ka sa ibang bansa ay 'di mo na ako igagalang."

"Hala siya, bakit binastos ba kita? Nakadamit ka kaya."

"That's not it. You should call me Ate because I'm older than you, even to Alary."

"Cool lang naman kay Alary kung 'di ko siya tawaging ate ha? Big deal sayo? Nag-ienglish ka pa dyan? Hoy, nasa Pilipinas ka, ako ngang lumaki sa ibang bansa, nagtatagalog e. Adjust-adjust din, dai!"

Napangiti ako sa sagutan nilang dalawa. Kahit papano'y hindi na ganoon kabigat kanina. Thanks to Amaryllis.

Tahimik lang ako at ayokong makarinig na naman ng sermon.

Nang matapos sila ay ako naman ang hinarap ni Ate Adrienne.

"Alary, why with Klarius?" Banayad ang tanong ni Ate pero parang hindi lang galit ang naroon, pagtataka, panunumbat at maging pangmamaliit.

I shouldn't question her resentment.

Para akong pinapagalitang bata ng mamuo ang luha sa mata ko. Gusto ko mang magpigil ay tumulo na.

She's aware what I've been through, it's not a case if she's going to ask me about it, because she knows my past.

She attempt to prevent the inevitable confrontation against me, giving effort to had that small argument with Amaryllis.

"Wag kang umiyak! Stop being weak."

Alam kong kanina pa siya napupuyos sa galit.

"Ate Adri, ano ba?" Amaryllis tries to stop her on spitting hurtful words.

I really love my sisters.

"Shut it, kailangan niya 'tong marinig." Yumuko lang ako at nilaro ang mga daliri.

Kahit pa pigilan niya si Ate Adrienne, sapat na ang reyalisasyon kanina sa'kin para saktan ang sarili ko.

"Ano, nabobo ka na? Nag-isip ka ba o may isip ka pa ba? Ayokong pagsalitaan ka ng ganito, pero Alary naman.. Sabi mo hindi siya ang pinunta mo rito.."

Halos magmakaawa ang mga mata niya, hinila niya ako para mayakap ng mahigpit at umiyak sa balikat ko. Dama ko rin ang hirap sa kanya.

Humagulgol si Ate Adrienne habang impit akong umiiyak.

Napakagaga ko.

Nakita kong naluluha na rin si Amaryllis.

"Alary, okay lang sana kung bakla siya e... matatanggap ko, I would gladly accept it kung iibig ka ulit.. That's all that matters to me, to see you genuinely smiling, being happy again. You know that we love you, right?"

Hindi ko na mapigilan ang hikbi, wala akong gustong sabihin. Nagkamali ako. Ulit.

Nagkamali ako ng paulit-ulit sa kanya.

Lumayo sa'kin si Ate at tumitig sa mata ko, hilam pareho ang mga mata naming dalawa.

Umiling siya. Paulit-ulit.

"Why Klarius? How about Matthias.." Halos bulong lang ang namutawi sa labi niya.

Another batch of buckets of tears quickly fell from my eyes.

Hindi man pasigaw ngunit may diin sa bawat kataga niya.

"..and how about the father of Matthias.."

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status