Hello po, thank you po sa mga naghihintay sa update. Naging busy lang po ako noong weekend. Thank you po at ingat po kayo palagi ❤️❤️❤️
RICO'S POVHindi ako mapakali dahil alam ko na nagtatampo na naman ang asawa ko. Hindi ko rin naman siya masisi dahil kagagawan ko rin naman ang lahat. Pinaramdam ko sa kanya na apektado ako tuwing nasa paligid si Alfred. Hindi ko lang kayang itago ang galit na nararamdaman ko tuwing nasa paligid siya.Wala na akong pakialam sa nakaraan namin pero bumalik siya sa buhay ko. Matagal ko ng kinalimutan na naging parte siya ng buhay ko. After he betrayed me ay babalik siya para magpakilala na boyfriend ng kapatid ko. Alam ko na may gusto siya sa asawa ko. Nakikita ko sa mga mata niya. Tuwing nakatingin siya kay Cherry at hindi niya ako maloloko dahil alam ko na ginagamit lang niya ang kapatid ko. At 'yun ang kinatatakutan ko ang agawin niya sa akin ang asawa ko. Lalo na ngayon may kinalaman siya sa kaso na hawak ko. I changed my work schedule. Ayoko na isabay pa niya ang asawa ko. Kapag masaya ako ay doon niya sinisira ang lahat sa akin. Hindi ko alam kung ano ba ang naging kasalanan ko sa
CHERRY'S POVHinatid ako ng asawa ko sa tapat ng company building. Pagpasok ko ay nakasabay ko si Alfred pero hindi ko siya pinansin. Lately ay narealize ko na kailangan ko na yatang gumawa ng paraan para alisin niya ako sa trabaho. Halos lahat ng kapalpakan ay ginagawa ko para lang mapagalitan niya ako pero hindi niya ginagawa. Madalas ay ako pa ang kinakampihan niya. Kaya marami na ang may galit sa akin.Hindi ko na kayang pumasok pa dito. Dahil nasasaktan ako tuwing hinahatid ako ng asawa ko. Nasasaktan ako dahil ang kumpanya na pinapasukan ko ay kumpanya na pinaghirapan niya. Hindi ako mapakali at mabilis akong gumawa ng resignation letter. Kumatok ako sa opisina niya."Come in," narinig ko na sabi niya.Pumasok ako at nagulat ito nang makita niya ako. Pero kaagad rin siyang ngumiti sa akin."Cherry, ikaw pala. May kailangan ka ba?" Tanong niya sa akin."I'm here to give you my resignation letter. Gusto ko ng mag-resign." Sabi ko sa kanya."What?!" Gulat na bulalas ni Alfred sa aki
RICO'S POVI was happy when she decided to resign. Masaya talaga ako dahil sa totoo lang una pa lang ay ayaw ko na siyang magtrabaho doon. Sinabi niya sa akin na gusto niyang nagtrabaho kay Caye. Hindi ako pumayag dahil alam ko na may pangarap rin ang asawa ko. Alam ko na gusto niyang magtayo ng sarili niyang business. Isa sa nagustuhan ko sa kanya ay hindi siya umaasa sa pera ko. Nahihiya pa nga siya tuwing inaalok ko siya.Nagpaalam siya na pupunta sa bahay nila Caye at pinayagan ko naman siya. Sinundo ko siya after ng work ko. Pero habang nasa daan kami pauwi ay may biglang bumaril sa amin. Hindi ako makakilos ng maayos dahil kasama ko ang asawa ko. Hanggang sa tumawag ako ng back-up. Mabuti na lang at mabilis na rumesponde ang mga kasamahan ko.Nakita ko kung paano natakot ang asawa ko. Kaya habang bumaba siya ay bigla itong nahimatay. Pero nagulat ako dahil may tama siya ng baril sa tagiliran. Nataranta ako at mabilis ko siyang dinala sa ospital. Umiiyak ako dahil takot na takot a
CHERRY'S POVHindi ko talaga inaasahan na matatamaan ako. Sa totoo lang ay halos wala akong naramdaman. Nagising na lang ako na nasa ospital na ako. Ramdam ko at nakikita ko na sinisisi ng asawa ko ang sarili niya. Pero hindi naman niya 'yon kasalanan. Kaya hindi niya puwedeng sisihin ang kanyang sarili dahil alam ko naman na hindi niya 'yon kagustuhan.Sa tingin ko rin ay malaking sindekato ang kalaban niya ngayon. Kaya nakakaramdam rin ako ng takot para sa kaligtasan ng asawa ko. Nanatili ako sa bahay kasama si Luzy. Habang nakatingin ako sa bago naming kasambahay ay hindi ko maiwasan na hindi mag-isip. Nakasuot man siya ng mahabang palda ay alam ko na may kagandahan siyang taglay. Makinis ang mga kamay niya na para bang anak mayaman. Pero baka sadyang ganun lang siguro ang kutis niya."Luzy, ilang taon kana?" Hindi ko mapigilan na hindi itanong sa kanya."Twenty eight na ho ako, Mam." Mahinhin na sagot niya sa akin."Mas matanda ka pala sa akin. Kaya ate na lang ang itatawag ko sa '
CHERRY'S POVSa wakas ay magaling na ang sugat ko. Kahit ba magaling na ako ay dito pa rin ako sa bahay namin. Ayoko ko talaga na bigyan ng alalahanin si Rico. Lalo na ngayon ay busy siya sa trabaho. Nagtatampo pa nga siya dahil sa regla ako noong mga nakaraan. Para itong bata talagang nagpapalambing."Alam mo Cherry, ang swerte mo sa asawa mo." Biglang sabi sa akin ni ate Luzy."Opo, ate. Mabait at mapagmahal na lalaki si Rico. Alam ko rin na nais na niyang magka-anak kami pero hindi pa talaga kami biniyayaan eh. Pero alam ko na malapit na." Nakangiti na sagot ko sa kanya."Sa tingin mo matutuwa kaya siya kapag may anak siya?" Biglang tanong niya sa akin."Sigurado ako, ate. Mahilig siya sa mga bata lalo na sa mga inaanak niya. Malambing siya ate, hindi lang halata." Nakangiti na sagot ko sa kanya."Sana ganun rin ang ama ng anak ko. Kung sakaling ipakilala ko siya ay sana mahalin rin niya ang anak ko." Sabi nito sa akin."Mangyayari 'yan ate, karapatan din ng anak mo na makilala ang
CHERRY'S POVGabi na at naghihintay ako sa pag-uwi ni Rico pero wala pa siya. Hindi man lang siya tumawag sa akin. Hindi rin nagtext kung uuwi ba siya o hindi. Pero kahit na ganun ay matiyaga akong naghihintay sa pagdating niya. Nakatulog na lang ako pero walang Rico na dumating. Bumangon ako para bumaba. Habang pababa ako sa hagdan ay napaisip tuloy ako kung pinuntahan siya nang babae kahapon. Sinusubukan ko siyang tawagan pero hindi naman niya sinasagot. Pero nagulat na lang ako dahil kakauwi lang niya ngayon. Kaya bumalik ako sa silid namin para sundan siya. Pagkarating niya sa kwarto namin ay diretso kaagad siya sa banyo para magshower. Ramdam ko na may kakaiba sa kanya. "Hindi mo sinasagot ang mga tawag ko?" Tanong ko sa kanya paglabas niya sa banyo."Sorry, nasa trabaho ako buong gabi." Parang balewala lang na sagot niya sa akin.Hindi na ako sumagot at lumabas na ako sa silid namin. Sa tingin ko ay matutulog siya ngayon. Hinihintay ko na magkwento siya sa akin. Pero mukhang it
CHERRY'S POVNabitawan ko ang phone ko at parang biglang tumigil ang mundo ko sa narinig ko. Pero kaagad rin akong nahimasmasan. Mabilis akong bumangon at hinanap ang wallet ko. Tumakbo ako palabas sa subdivision hanggang sa nakarating ako sa labas at pumara ako ng taxi papunta sa hospital. Wala tigil sa pag-agos ang mga luha ko. Sobrang bilis ng t*bok ng puso ko. Natatakot ako na iwan ako ng asawa ko. Natatakot sobra, kaagad akong dumiretso sa emergency room. Nandito rin ang mga kasamahan niyang pulis."Mrs. Chief," tawag sa akin ng isa sa mga kasamahan ng asawa ko ssabay abot ng jacket niya sa akin.Tinanggap ko naman ito at tinakpan ko ang dibdib ko. Sa sobrang pagmamadali ko ay nakapantulog pa ako. Dahil wala naman akong time para magbihis pa dahil mas mahalaga sa akin ang asawa ko. Nagsisisi ako na nakipag-away pa ako sa kanya. Dalawang oras na siya sa loob at hindi pa rin lumalabas ang mga doktor. Dumating si Kuya Luke at Carmie. Masamang tingin ang ipinukol sa akin ni Carmie.N
CHE-CHE'S POV"Bakit ba ganyan ang mga sinasabi mo? Bakit ganyan ka?" Naiiyak na tanong ko sa kanya.Tinulungan ko siya pero tinulak lang niya ako. Kaya nasaktan ako sa ginawa niya. Hindi ko inaasahan na ganito na siya ngayon."Huwag mo nga akong hawakan!" Sigaw niya sa akin."Ayaw mo ba akong makita? Ayaw mo ba na ako ang mag-alaga sa 'yo?" Malungkot na tanong ko sa kanya."Oo, ayaw ko. Kaya umalis kana, hindi kita kailangan dito." Sagot niya sa akin.Nagulat ako sa sinabi niya. Hindi siya makatingin sa akin at alam ko na nagsisinungaling lang siya. Alam ko na hindi totoo ang mga sinasabi niya."Hindi ako naniniwala, alam ko na nagsisinungaling ka lang." Sabi ko sa kanya."No, I'm not. Umalis kana, dahil ayoko na ikaw ang mag-alaga sa akin." Malamig na sabi niya sa akin."Iniintindi kita, lahat ginawa ko kahit na nasasaktan ako dahil pinatira mo sila dito. Pero kulang pa ba? Kulang pa ba lahat ng ginawa ko para sa 'yo?! Ito ba? Ito ba talaga ang gusto mo?! Ang umalis ako? Magiging mas