Hello po, kumusta po kayo? Maraming salamat po sa inyong lahat. Ingat po kayo palagi ❤️❤️❤️
CHERRY'S POV "Oh my gosh!" Mapasigaw ako dahil nabangga 'yung snatcher ng motorsiklo.Mabilis ko itong dinaluhan para tulungan. Hindi na kasi iti makatayo."Uy, okay ka lang ba?" Nag-aalalang tanong ko sa lalaki."Mukha ba akong okay?" Sagot nito sa akin."Karma mo na 'yan. Ba't mo kasi hinablot ang bag ko eh wala naman kayamanan d'yan." Sabi ko sa lalaki."Sana sinabi mo kaagad." aniya sa akin."Siraulo ka rin kasi, akin na nga 'yang bag ko. Anu? Makakalakad ka pa ba? Gusto mo dalhin na kita sa ospital?" Tanong ko sa lalaki."Grabe ka naman Miss, makakalakad pa naman ako. Saka 'wag mo na akong dalhin sa ospital, wala naman akong pambayad." aniya sa akin."Dapat kasi naghahanap ka na lang ng matinong trabaho," sermon ko sa kanya."Walang trabahong tatanggap sa akin lalo na hindi naman ako nakapagtapos ng pag-aaral." Sabi niya sa akin, bigla naman akong nakaramdam ng lungkot sa sinabi niya."Kuya, puwede mo ba akong tulungan na isakay ang lalaking ito sa taxi?" Tanong ko doon sa bumang
CHERRY'S POV"Bakit ka nandito?" Tanong ko sa kanya. "Love," tawag na naman niya sa akin."Anong ginagawa mo dito? At puwede ba 'wag mo nga akong tawagin na love." Naiinis na sabi ko sa kanya."Love, alam ko nagkamali ako. Alam ko kasalanan ko. I'm here para makabawi sa 'yo. Hindi ko kaya na hindi ka makasama." aniya sa akin."Ang dami mong sinasabi. Mas maayos ako na wala ka sa buhay ko kaya please lang. Umalis ka na lang." Sabi ko sa kanya at kaagad na isinara ang pinto. May nakita akong lungkot sa mga mata niya pero binalewala ko 'yon.Bumalik ako sa pagluluto. Hindi ko na inalam kong nasa labas pa ba siya. Nagulat ako dahil biglang lumakas ang ulan. Nang isara ko ang bintana ay nakita ko siyang nakatayo pa rin sa labas ng pintuan at hinahayaan ang sarili niya na mabasa ng ulan.Sa inis ko ay lumabas ako. Hindi ko rin matiis na makita siyang nakatayo habang hinahayaan ang sarili. Kapag nagkasakit pa ito ay ako rin ang mahihirapan."Bakit ka ba nagpapaulan? Ang tigas talaga ng bungo
CHERRY'S POVAng gaan ng pakiramdam ko pagkagising ko. Kaagad akong tumingin sa tabi ko. Wala na siya. Bumangon na ako at kaagad na lumabas sa aking silid. Unang sumalubong sa akin ang amoy ng mabangong sinangag. Naglakad ako papunta sa kusina at bumungad sa akin si Rico.Abala ito sa pagluluto at hindi niya ako napansin. Dahan-dahan akong lumapit sa kanya."Bakit nandito ka pa?" Biglang tanong ko sa kanya na ikinagulat niya."Ouch!" Napahiyaw ito dahil napaso siya. Napangiwi naman ako dahil alam ko na mahapdi ito. Alam ko na kasalanan ko dahil ginulat ko siya."Okay ka lang ba?" Tanong ko sa kanya."I'm fine, love. Good morning," nakangiting bati niya sa akin kahit na halatang nasasaktan siya .Hinila ko siya at hinugasan ko ng tubig ang kamay niya."Dito ka lang bibili lang ako ng yelo." Paalam ko sa kanya."Love, 'wag na okay lang ako." Pigil niya sa akin pero hindi ko siya pinakinggan.Lumabas ako at bumili sa tindahan ng yelo. Pagkabalik ko ay binasag ko ito at inilagay sa maliit
CHERRY'S POV "R-Rico, anong ginagawa mo?" Kinakabahan tanong ko sa kanya."Wala pa naman akong ginagawa love. Panagutan mo ako love, binuhay mo ang hindi dapat binubuhay." Saad niya sa akin habang may ngiti na nakakaloko."Wala akong ginagawa sa 'yo. Tinutulungan pa nga kita eh, at bakit kita pananagutan? Hinihilot ka lang, ikaw itong panay ungol." Kahit kabado ay mas pinanindigan ko pa rin ang pagiging mataray ko."Love, puwede mo naman siguro akong pagbigyan ngayon?" Nakangiting tanong niya sa akin."Tigilan mo akong tanders ka ha! Baka mataga kita," pagbabanta ko sa kanya."Love, 'wag naman ganyan.""Kung ayaw mo na tagain kita. Matulog ka na lang d'yan. Itutulad mo pa ako sa mga naging babae mo," pananakot ko sa kanya."Sabi ko nga love, matutulog na ako. Good night love, love you." Nakangiting sabi niya sa akin pero inirapan ko lang siya.Puro kalokohan talaga siya. Siyempre kailangan ko siyang pagbantaan dahil baka bumigay ako sa kanya. Iniingatan ko ito kaya hindi puwedeng mais
CHERRY’S POVUnang bumungad sa akin ang gwapo niyang mukha. Hindi ko inakala na mapapaamin niya ako. Paano na kaya ito? Maging sweet na ba ako? Pero paano nga ba maging sweet? Totoo ba talaga na may boyfriend na ako? Napa-buntong hininga na lang ako.“Good morning love, may problema ba?” Tanong niya sa akin, gising na pala ito.“Good morning love,” malambing na bati ko sa kanya. Pakiramdam ko ay hindi bagay sa akin pero ginawa ko pa rin.“Ang cute mo kapag malambing ka love,” sabi niya sa akin. Talagang pinuna pa talaga niya ako. Kaya lalo akong nahiya. “Ayaw mo ba? Hindi ba bagay sa akin?” Tanong ko sa kanya.“Gustong-gusto ko love,” mabilis na sagot niya sa akin.“Akala ko ayaw mo e—”Nagulat ako dahil bigla niya akong hinila palapit sa kanya. Tumingin siya ng diretso sa mga mata ko. Nakita kong napalunok ito, kahit ako ay kabado rin. Pakiramdam ko nanunuyo ang lalamunan ko, nauuhaw ako pero hindi ko kailangan ng tubig. Sobrang gwapo niya talaga, mas makinis pa ang mukha niya sa ak
RICO’S POVLalo akong napamahal kay Cherry. Ayoko na makita siyang umiiyak. Alam ko na malungkot ang naging buhay niya simula noong namatay ang mga magulang niya sa aksidenti. Kapag naiisip ko na mag-isa lang siya noon ay nakaramdam ako ng lungkot. Hindi ko kayang mangako na mananatili ako sa tabi niya. Hindi ko hawak ang buhay ko lalo sa uri ng trabaho ko. Pero habang nasa tabi ko siya ay ipaparamdam ko sa kanya ang pagmamahal na para lang sa kanya. “Love, paki-ayos naman ng payong natin.” utos niya sa akin.“Okay love,” nakangiting sagot ko sa kanya. Hindi ko akalain na nagtitinda kami ng halo-halo. Business minded pala ang mahal ko at natutuwa ako.“Love, baka inaantok ka. Matulog ka na lang sa loob, kaya ko naman mag-isa dito eh.” Sabi niya sa akin habang nag-aayos ng mga tinitinda namin.“Sasamahan na lang kita dito love. Sorry, love kung taga-sukli lang talaga ang ambag ko sa ‘yo. Hindi ko—”“Okay lang love, malaking bagay na nasa tabi kita. Alam ko na hindi ka sanay sa ganito.
CHERRY’S POVHindi ko maiwasang hindi ngumiti sa boyfriend ko. Ang cute ng Chiefy ko, ewan ko ba pero bigla ko na lang naisip na ‘yon ang itawag sa kanya. Sabi ko susubukan ko lang maging malambing pero ang korny ko yata masyado. Bahala siya ang mahalaga malambing ako hahaha! Natatawa na lang ako dahil naubos ang paninda naming halo-halo. Effective talaga ang kagwapuhan niya sa pagtitinda. Naging Mr. Q&A pa ang nangyari. Hindi ko rin masisi ang mga kapitbahay ko dahil bihira lang may madayo ditong adonis sa lugar namin. Nakaharap ako ngayon sa salamin. Muntik na naman kaming mawala sa sarili kanina. Napahawak na lang ako sa labi ko. Grabe naman siya kung humalik parang malalapirot ang maliit kong labi. Alam ko na nahihirapan na siya. Sabi nila masakit daw ‘yon sa puson. Pero anong magagawa ko, ‘di pa ako ready. Pinapatunayan niya talaga sa akin na seryoso siya. Alam ko na kaya niya akong pasunurin sa kanya pero mas pinipili niyang pigilan ang sarili niya. Lumabas na ako sa silid ko. S
WARNING MATURED CONTENT!!! Read at your own risk!CHERRY’S POV“I WANT YOU LOVE,” bulong niya ulit sa tainga ko.Tumingin lang ako sa kanya. Tinatanong ko rin ang sarili ko kung gusto ko rin ba? Kung handa na ba ako? Hindi pa ako sumagot ay hinalikan niya ako ulit. Hinalikan ko rin siya hanggang sa naging mapusok kaming dalawa. Pakiramdam ko ay wala akong lakas para pigilan pa siya dahil ang katawan ko mismo ang may gusto. Kahit pigilan pa ito ng utak ko ay iba ang nais ng katawan ko.“Pigilan mo ako love, kung hindi ka pa handa ay pigilan mo na ako ngayo—”Hindi ko na siya pinatapos dahil ako na mismo ang humalik sa kanya. Ibinaba ko ang kamay ko papunta sa t'yan niya. Itinaas ko ang suot niyang damit, gusto ko itong hubarin.“Handa na ako love, huwag mong pigilan. Mahal na mahal kita, at handa na akong ipagkaloob sa ‘yo ang sarili ko.” Sabi ko sa kanya habang patuloy kong hinuhubad ang suot niyang damit.Kaagad niya akong siniil ng mapusok na halik ng maalis namin ang damit niya. Top