Share

12 - Unfair

12

Azaylie's POV

Gabi na nang maisipan kong lumabas para magpahangin. Bored na bored na ako. Wala akong mapagdiskitahan. Ayos pa nga noong nandito siya dahil talagang nalilibang ako. Nalilibang akong asarin siya. Napailing ako sa naisip.

Pati nga sa kusina ayaw akong pagalawin ni Manang Kuring. Alam kaya niyang kinidnap ako? Kidnap? Kidnap pa ba 'to? Para namang nagbubuhay prinsesa na ako. Hindi ako pinagtatrabaho at hindi man lang ako nakatali.

"Bago sana siya umalis sinigurado niya na kahit sigarilyo man lang meron ako," sambit ko habang tinutungo ang inupuan naming duyan ni Yro.

Gabi na, pero hindi ako makatulog kaya naisipan kong magpalipas muna ng oras dito.

Naging dahan-dahan ang paglalakad ko nang makitang may chopper sa hindi kalayuan. Dinig na dinig ko ang ingay galing roon. Unti-unting sumilay ang ngiti sa labi ko sa pag-aakalang si Yro iyon dahil sa wakas bumalik siya agad, pero nang lagpasan ako ni Manong Edgar na nakatayo kanina sa labas ng bahay para salubungin ang taon
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP
Comments (1)
goodnovel comment avatar
Mary Grace Gayanilo
pa up date nman plsss
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status