Share

GULO #5

LIMA

KASSEL POV

"Kassel, apo,"

rinig kong tawag sa akin ni Tatang. Yan! YaaanBaaaam!

NakngnakatakasShemaaay! Wag kang tumakas, zombie. Papatayin pa kita! Grrrr.

"Hay naku," Huli ka! Oh, yeah! "Hijaaalis ako ngayon at may kikitain akong mga important clients kaya hindi kita masasamahan ngayon para mamili ng mga gamit mo.

Kaya, Keyser, Hixton ang Nieve will be accompanying you today. The rest ay isasama ko."

BaaamHuli ka! Ayos talaga 'tong zombie catcher. Hehehe.

"Kassel, are you listening?"

rinig kong tanong ni Tatang kaya nagtaas ako ng tingin at nakita siyang

nakatutok sa akin. Eh?

"Po? Hehehe. Naglalaro po kasi ako, TatangAno nga ulit 'yun? 'Sensya na," napapahiyang tanong ko at napakamot sa ulo. Hinilot naman niya ang kaniyang

sentido.

"Tatanda ako ng maaga sa'yo, bata ka," bulong niya na rinig ko naman. Eh? Matanda na siya, hindi ba?

"As I was saying, sina Keyser, Hixton at Nieve ang sasama

sa'yo

papuntang mall dahil may lalakarin ako. The rest of the butlers ay isasama ko. Here," ibinigay niya sa akin ang isang kulay

itim na pitakaNagtataka man ay tinanggap ko ito. "Nandyan ang shopping card ko at 50 thousand cash para pambili mo so you can buy whatever you want. If kulang pa 'yan, just ask for money from Nieve dahil may ibinigay akong cheque sa kaniya worth of one million, in case of emergency. Now, do you understand?"

dugtong niya. Ako naman ay parang luluwa ang mata sa narinigBaka nabingi lang ako, eh . F-Fifty thousand? O-One m-million? Anakngpitongpu'tpitongputingtupa!

"S-sigurado po ba kayo? Hindi po ninyo ako jinojoki-joki?" hindi makapaniwala at laglag ang pangang tanong ko.

Kumunot ang noo niya. "Why? Kulang pa ba 'yun? Teka, kukuha a-"

"Po?! Hindi na! Ayos na 'yun. Ayos na ayos na. Sobra-sobra na, Tatang kaya wag na. Dios mio, marimar!"

agarang

pagputol ko sa sinasabi niya at nasapo ang dibdib. Hindi ko na kakayanin kung may marinig pa ako.

"Uh, okay. Kung ganoon ay aalis na ako. Mag-iingat kayo," sabi niya at hinarap ang isa sa mga butlers. "Nieve, I want you to be in-charge in your group. Report to me from time-to-time about Kassel's doings. Do you understand?"

"Copy that, sir,"

sagot ni Nieve at sumaludoHanep ah. Ayos rin.

"O, sige. Aalis na ako," huling sabi ni Tatang saka siya umalis na kasama ang iba.

Muli kong naalala kung bakit ako napunta sa kahiya-hiyang sitwasyon ngayon. Nakayuko na ako't lahat-lahat, hindi pa rin nawawala ang pakiramdam na tinitignan ng lahat ng madadaanan naming tao DITO SA MALL! Kasi naman eh! Ang ganda't gagwapo ng mga kasama ko tapos ako? Nagmumukha nilang yaya. Simple lang naman ang suot nila, naka- T shirts at pantalon lang naman pero bakit mukha silang model ng mga damit? Haaaay.

"You okay, Kass?" tanong ni Keyser na nakakapit ngayon sa braso ko. Dahilan kaya kahit gusto kong magpahuli sa paglalakad ay hindi pwede dahil hinihila ako ng babaeng 'to. Nakasunod lang naman ang dalawang lalaki.

"Oo," mahinang sagot ko. Tumigil siya kaya awtomatiko rin akong napahinto at napatingin sa kaniya.

"Saan ba tayo first? Kanina pa tayo walk ng walk at walang destination. What ba ang first mong bibilhinKass?" conyo niyang tanong. Mukhang kailangan ko na talagang sanayin ang tainga ko sa mga salita niya.

"Sa NBS muna tayo. Kailangan ko daw bumili ng bagong

gamit eh," sagot ko at tumango naman siya. Pagkatapos, hinila na naman niya ako at sa isang iglap lang ay nakapasok na kami sa National Bookstore.

"Okay! Now, pick ka na Kassel. Do you want single notebooks or a binder? I suggest you choose the binder. They are easy to bitbit kasi and not heavy rin sa bag. Okay, that's it! We are gonna buy a binder. What designs you want ba? Is it like this or this? Or maybe... " at nagpatuloy na siya sa pagsasalita. Siya na rin mismo ang namili ng designs ng binder, ng mga ballpens at iba pa. Umatras nalang ako at hinayaan siyang mamili ng lahat ng kakailangan ko para bukas.

"Uh, pasensya na kay Keyser ha? Adik lang talaga 'yan sa shopping. Kahit mga gamit pa 'yan. Pero wag kang mag-alala, Kassel, mabait at maaasahan 'yang si Keys. Ako na ang humihingi ng pasensya sa inasal niya," pagpapaumanhin ni Hixton at nakahawak pa sa batok.

Ngumiti ako. "Ano ka ba, ayos lang. Nakakatuwa nga eh. Wala kasi akong kapatid at kaibigang

babae na malapit sa edad ko kaya siguro

magaan ang loob ko sa kaniya. Kaya, wag kang humingi ng pasensya dahil wala ka namang

ginawang

kasalanan," sabi ko. Napatingin ako kay Nieve at seryoso lang itong nakatingin kay Keyser.

"Key, that's enough. It's already half of the school year and you're buying too much. Don't waste money. It's not ours," seryosong utos ni Nieve kay Keyser kaya napanguso ito.

"Okay, Kuya. I understand." ang nasabi nalang ng kapatid niya. Pero agad ring lumiwanag ang kanina'y malungkot niyang mukha nang mapatingin ito sa akin. "Kass, let's pay it na! Come on, join me," aniya kaya lumapit na ako. Dumiretso kami sa counter na walang pila. Habang kinukwenta ng cashier ang pinamili namin- ni Keyser ay parang hinimatayin ako sa mga presyo. 250 pesos para sa isang ballpenNakng, eh sa Disivoria nga murang-mura lang yan, ah.

"9,000 in total, maam. How would you like to pay, via card or cash?" aniya ng cashier. Anak ng tupa! Siyam na libo?! Para sa limang binder, 5 Fiber Castel, 3 pads of each paper, 2 sets ng lahat ng klase ng art tool at etchetera?! Haaay. Ano ba itong mga pinamili ni Keyser at parang malaginto ang presyo? Naman! Pagkatapos bayaran ay hinila na naman ako ni Keyser at syempre, kay Hixton ipinadala ang mga pinamili niya na gamit ko.

"Where naman tayo next? Your clothes na ba? Gee, I'm so excited! I will pick the best for you, Kassy-dear,"

halata ang pananabik sa mukha niya. Tama nga si Hixton. Adik si Keyser sa shopping.

"Mmmm,tumatangong sagot ko.

Tumigil kami sa harap ng isang store na may pangalang 'Gucci' . Nagpahila na naman ako kay Keyser papasok.

"Good Morning Ma'am, Sir. Welcome to Gucci," bati ng isang babae pagkapasok namin. Kaagad akong hinila ni Keyser sa may mga damit. Siya na rin ang kumuha at dinidikit sa katawan ko na parang sinusukat niya. Mabuti nalang at nand'yan siya kundi, paniguradong mga baduy ang mapipili ko. Nilibot ko ng tingin ang paligid at alam ko na kaagad na mamahalin ang mga ito.

Iniwan ko si Keyser na patuloy pa rin sa pamimili nang may mahagip ang paningin ko na isang damit. Isa itong dress na kulay puti. Off shoulder ito at may mga bulaklak na disenyo na nakapalibot sa baywang nito. Maganda... at simple. Naalala ko si Nanay dahil may ganito rin siyang damit. Isinuot niya ito sa ika-labing anim na taon kong kaarawan. Namumuo na naman ang mga luha sa mata ko sa tuwing naaalala sina Nanay at Tatay. Magtatatlong taon na pala ang nakalipas simula nung maulila ako ng lubos. Hindi ko tuloy maiwasang alalahanin ang nangyari noon.

"Nanay! N-nanay!"

nauubong

wika ko habang

pilit na hagilapan si Nanay. Wala siya sa kwartoNasaan na siya?

" 'Nay! Nasaan ka?"

sigaw ko pa. Baka nasa labas na siya! Dali-dali akong lumabas sa nasusunog naming bahay sa abot ng aking makakayaMuntik pa akong hindi makalabas

nang may natumbang

kahoyNanay!

Kaagad kong inilibot ang tingin para hanapin si Nanay pero bigo ako. Kaagad akong lumapit sa isang bumbero.

"ManongManong, ang nanay ko nasa loob pa. Pakiusap

iligtas

n'yo siya! Pakiusap!" sigaw ko sa kaniya

habang

pilit akong hinihila ng kung sinuman. Mas lalo akong kumapit sa damit ng bumbero.

"Miss, doon ka na muna. Ililigtas namin ang mama mo kaya huwag ka ng manggugulo,"

pakiusap ng isang kasamahan niya. Tumatango naman ako.

"Opo, opo! Basta iligtas

n'yo lang ang Nanay ko. Pakiusap po, mga ManongIligtas

n'yo siya,"

huling sabi ko bago ako hinila

papunta sa ligtas na lugar.

"KaselAyos ka lang ba? May masakit ba sa'yoHalikaipatingin

natin sa doctor dito," nag-aalalang tanong ni Ate LoyTumango lang ako sa kanya dahil wala na akong lakas pa para magsalitaNanayNanaybumalik ka sa akin, pakiusap. Ikaw nalang ang meron ako.

"Kassy-dear, are you okay?"

Isang tapik sa balikat ang nagpabalik sa akin sa realidad. Napatingin ako sa kaniya at pilit na ngumiti.

"Ayos lang naman ako, Keyser. M-may naalala lang. Uh, bakit? May sinasabi ka ba?" tanong ko sa kaniya at umiling naman siya. Nalipat ang kaniyang tingin sa damit na tinitignan ko kanina.

"Do you like that? We can buy it if you want since it's Lord Artius's money and he ordered us to buy what ever you want, Kass," aniya na nang ibalik sa akin ang tingin. Sa katulad niyang mayaman na lahat ng gusto ay sosyal, walang bahid ng panghuhusga at pandidiri sa kaniyang mga mata sa napili kong damit. Hindi nga ako nagkamaling ituring kang kaibigan, Keyser Danzerre.

Kumunot ang kaniyang noo. "Is there a problem, Kassy-dear? " Tanong niya kaya ngumiti ako at umiling. Ibinalik ko ang tingin sa damit at kinuha ito saka muling humarap sa kaniya.

"Pwede ba natin

itong

bilhin?" tanong ko sa kaniya.

"Of course! It is so maganda kaya ang I know na it is bagay to you. Simple yet beautiful," nakangiting sagot niya at kumindat. Napailing nalang ako sa pananalita niya. Kinuha niya ang damit at ibinigay sa taong nasa kaniya likuran na ngayon ko lang napansin. Gabundok na damit ang nakita ko at natatakpan na rin nito ang mukha ng taong nagdadala nito kaya hindi ko mawari kung sino. Nasa tabi nito sa Nieve kaya nasisiguro kung si Hixton ito. Kawawang Hixton, tuluyan na ngang inalipin ni Keyser. Tsk, tsk.

"The heck, Keyserielle?! Ako pa talaga ang ginawa mong tagabitbit. This is so heavy!" reklamo ni Hixton kaya napangiwi ako. Hindi ko makita ang reaksyon ni Keyser dahil nakatalikod ito sa akin.

"Wag ka ngang

magreklamoHix. You are so maingay," striktang sabi ni Keyser sa kaniya. Bago pa siyang may makuhang bagong damit ay nagsalita na ako.

"A-ah... E-eh... Siguro tama na 'yan. Baka nga hindi ko maisuot 'yan lahat dahil sa sobrang dami. Ayos na 'yan. Salamat, Keyser, sa pamimili para sa akin. Na-apresyeyet ko." nakangiting sabi ko sa kaniya nang humarap siya sa akin. Napahawak siya sa dulo ng kaniyang tuwid na buhok.

"Its appreciate, Kass. Anyway, you're welcome by the way. So, let's pay na this so we can eat na. I'm hungry na kasi. Come on, Hix, follow us to the counter," aniya sabay maarteng hawi sa kaniyang buhok. Naka-angkla na naman ang kanyang braso sa akin para mauna kaming maglakad. Maayos namang nailagay ni Hixton ang mga damit sa counter. Napansin ko ring hindi na nagulat ang cashier. Mukhang sanay na itong makakita ng ganitong senaryo.

"That would be 345,780 thousand pesos in total, ma'am. Would you like to pay in cash or card?" sabi ni Ateng cashier na muntik na ikatanggal ng mga tainga ko. T-Tama ba ang rinig ko? 345,780 thousand?! Anakng! Dios mio, marimar, Keyserielle! Kailan ba ako masasanay sa ganito? Mukhang hindi yata, ah.

"We'll pay in card. Here," sabay abot ni Keyser kay Ateng cashier ang ibinigay na shopping card ni Tatang. Sa wakas, matatapos na rin.

"SO, where na tayo next? We should pick a restaurant na," aniyang baling ni Keyser sa'kin pagkalabas namin ng shop, "What cuisine do you want? Japanese? Korean? Thai? Chinese? You pick, Kassy-dear." Dugtong niya na ikinabuntonghininga ko. Walang akong alam sa mga binanggit niya.

"Hays. Sa Jollibee nalang tayo. Yun lang ang alam ko eh," Buntonghininga kong saad sa kaniya. Nakita kong tumango siya pero ang ekspresyon ng kaniyang mukha ay parang nalilito.

"Okay. So, uhm, what cuisine is that Jollibee is?" Tanong niya na ikinatampal ko sa aking noo. Masyado siyang inosente... at mayaman. Hindi nalang ako nagsalita at hinila nalang siya. Sigurado naman akong susunod yung mga lalaki. Tumigil ako sa harap ng bahay ng pulang bubuyog.

"Tenen! Welkam sa Jollibee, mga pips. Kung saan ninyo

matatagpuan ang pinakamura at pinakamasarap na fried chicken." Nakangiting pakilala ko sa kanila kay Jollibee. Tumango-tango naman silang tatlo. Ang kyut nila. Mukha silang mga bata. Nauna na akong pumasok sa kanila at naghanap ng lamesang kasya kaming apat. Nang makaupo ay pansin kong lumilinga-linga si Nieve na parang may hinahanap.

"Bakit, Nieve?" Tanong ko sa kaniya kaya napatingin ito sa akin.

"Why is the waiter still not here?" Tanong niya. Hays. Wala bang nakakakain sa kanila dito.

Tumayo ako na ikinatingin nilang lahat.

"Self-order kasi dito. Kaya ako na ang pupunta sa counter," bumaling ako sa katabi, "Keys, pwede mo ba akong samahan? Hindi ko kasi alam ang kakainin nila. Hindi rin naman pwedeng

tayong

apat ang pumunta doon. Ayos lang ba?" Nakangiting pakiusap ko na siyang tinanguan namang niya.

"Good Afternoon, ma'am. May I take your order please?" Nakangiting salubong ni Ateng counter sa amin.

"Isang Family Meal A po, isang Ube Macapuno Pie at tatlong Jolly Spaghetti with drinks po." Sabi ko sa napagkasunduan namin ni Keyser.

"That would be 1,024 in total, ma'am. Would you like to pay in card or cash?" Ani ni Ateng counter at ibinigay ni Keyser ang credit card ni Tatang. Ilan na kaya ang nabawas diyan?

"This is your table number, ma'am, and kindly wait for your order. Thank you." Sabi ulit ni Ateng saka ibinigay sa amin ang numerong 124. Pagkatapos ay bumalik na kaming dalawa sa aming lamesa.

"Let's just wait nalang to our orders to come," Ani Keyser pagkaupo namin. Tumango lang si Nieve.

"What did you order for me, Keys?" Tanong ni Hixton sa katabi ko. Palipat-lipat lang ang tingin ko sa kanila. Nakita kong umirap ang babae.

"Basta. I know naman you will anything I order, eh. You are so matakaw kaya. But, I ordered your fave Macapuno Pie. In exchange for agreeing being my alalay for today," Sagot niya na ikinangisi naman ng lalaki.

NATAPOS na rin kami at kakauwi lang namin. Pagod na pagod na ako ngayong araw. Palagi kasi akong hinihila ni Keyser papasok sa kahit na anong magustuhan niyang shop. Pabagsak akong humiga sa malambot at malaki kong kama. Naisip ko sina Ate Loy. Kamusta na kaya ang mataba kong amo? Sila Ate Karol? Eh, yung mga kawatan kong mga alagad? Nagnanakaw pa kaya sila? Lalo na ngayong wala na ako sa Baranggay

Mabuti, Hindi Mapagsamantala At Magalang pa 101 Street. Sino ba kasing hinayupak ang nagpangalan sa lugar na 'yun? Hays. Makatulong na nga.

"Tsk. Papasok na nga pala ako bukas sa Cool University sabi ni Tatang. Ano naman kayang

mangyayari sa akin dun? Matulog ka nga lang, KaselPuro ka tanong, eh, wala namang sasagot

niyan. Ewan ko rin sa'yoselp,Bulong ko sa sarili hanggang sa unti-unti ng bumubuhay ang talukap ko. G'nyt, selp.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status