Zac Point of view “Kababakasan ng takot ang mukha ng aking Sekretarya habang palipat-lipat ang tingin nito sa akin at sa mukha ng babae. Halatang natataranta siya na wari mo ay hindi maintindihan kung ano ang dapat niyang gawin sa mga oras na ito.Muli siyang lumingon sa akin at tumitig sa akin ang mga mata niyang nanlilisik sa galit. Halatang matindi ang pagkamuhi nito sa akin na wari mo ay isang lalaki na inagawan ng nobya.Akmang lalapit sana ang babae sa akin upang muli akong suntukin ngunit mabilis itong nahawakan ng aking mga tauhan sa magkabilang braso. Makikita sa mukha nito na wala siyang sinasanto kahit na mas matangkad ako kaysa sa kanya at higit na malaki ang katawan ko kumpara sa katawan nito. Dahil may kapayatan ang katawan ng babae, ika nga slim.“V-Vernice!” Nag-aalala na tawag ni Marjorie sa pangalan nito, ngunit ang babae na tinawag nitong Vernice ay hindi man lang natakot, mukhang wala itong ideya kung sino ako at kung ano ang kaya kong gawin sa kanya.“Bitawan nyo
Bagsak ang mga balikat na pumasok ako sa loob ng bahay, gusto kong magwala at mag-sisigaw dahil sa matinding sakit na nararamdaman ko. Hindi ko matanggap na niloko ako ng babaeng minahal ko ng buong buhay ko. Halos hindi ko na makita ang aking dinadaanan dahil nanlalabo na ang mga mata ko dahil sa mga luhang nagbabadya ng pumatak.Natigilan ako ng mabungaran ko ang aking ama na nakatayo sa maliit naming sala’s halatang may hinihintay ito.“Panahon na para bumawi ka sa ating angkan, kung gusto mong makamit ang kanilang kapatawaran at lubusan kang tanggapin ng ating pamilya ay kailangan mong sundin ang nais nila.Tumawag ang lola mo, maghanda ka dahil nalalapit na ang kasal mo. Sa susunod na linggo ay susunduin ka nila dito.” Walang ganang saad ni Papa, kahit na balikot pa rin ang tagalog nito ay malinaw kong naunawaan ang lahat ng kanyang sinabi. Pagpasok ko pa lang ng bahay ay ito na kaagad ang bumungad sa akin. Hindi maikakaila ang pagkadisgusto nito sa akin dahil kasing lamig ng ye
“Wow, Par! Tibâ-tibâ ka ngayon ah, anong nakain mo at naisipan mong gumimik? At sa mamahaling bar pa!” Hindi makapaniwala sa tanong ni Josh habang nakaakbay sa akin, abot hanggang tainga ang ngiti nito at makikita ang matinding kasiyahan sa kanyang mukha. Habang si Vincent ar Carlo ay tila sabik na makapasok sa loob ng bar.“Don’t tell me mayaman ka na ngayon? Huh.” Si Carlo na panay ang ikot ng mata nito at hindi magkamayaw sa pagtanaw sa mga naggagandahang babae sa paligid. Halos walang tulak kabigin sa kanilang lahat at talagang tutulo ang laway mo dahil sa magandang hubog ng kanilang mga katawan. Lalo na ang mga dibdib nito na parang puwît ng bata dahil litaw ang malusog na pisngi nito kaya maging ako ay napapalunôk ng wala sa oras. “Hoy’ napaghahalatang manyakis kayo, kulang na lang ay hubaran ninyo ang mga babaeng dumadaan sa inyong harapan.” Sermon sa amin ni Josh at ang gago na feeling inosente pa na akala mo’y santo ngunit ang mata naman nito ay hindi mapakali sa kakatingin m
“Lalong magagalit sayo ang papa mo sa oras na malaman niya ang kinasangkutan mong gulo. Vernice, kababae mong tao naki-kipagsuntukan ka sa mga lalaki? Ano na lang ang sasabihin ng mga tao sa akin na mali ako ng pagpapalaki sayo?” Nanggigigil na sermon sa akin ni Nanay Elsa habang sinisikap nito na huwag magtaas ng boses. “Eh, Nay Elsa hindi naman po kasalanan ni Vernice ang lahat, nadamay lang s’ya sa away nung mayabang na lalaki.” Sabat naman ni Josh na pilit akong pinagtatanggol upang tigilan na ako ni Nay Elsa.“Isa ka pa! Pareho kayong matigas ang ulo at walang pinaniniwalaan, eh kung ‘yung panahon na inaaksaya n’yo sa pagba-bar at pag-iinom ng alak ay naghahanap kayo ng trabaho di sana may pakinabang ang bansa sa inyo.” Pati tuloy sila ay nadamay sa misa ni Nanay Elsa kaya mas pinili nina Josh, Vincent at Carlo ang manahimik na lamang.“Ikaw naman Vernice naturingan kang may pinag-aralan pero kung kumilos ka ay tinalo mo pa ang mga tambay na ‘to! Ewan ko ba sa inyong mga kabataan
(Saan Man Patungo song by Parokya ni Edgar.)“Magdamag naggigitara, ang bagal ng gabiAng daming iniisip ngunit wala namang masabi…Nagsawa ka na ba? Subukan mong tumawaTigilan ang pag-iisip, ipagpatuloy ang pananaginip….Hindi ko maalala ang lyrics ng kantaKahit ako ang gumawa, iba naman ang nagsalitaMahirap talaga kapag inaasahan kaAwitin ang mga tula na nagmumula sa pera…”“Kasalukuyan kaming nakatambay ngayon sa harap ng bahay ni Josh. Habang naggigitara si Vincent ay kumakanta naman kaming tatlo, wala munang inuman dahil sa gulong kinasangkutan namin noong isang araw. “Vernice…” natigil ang aming kasiyahan ng tawagin ako ni Marjorie mula sa aking likuran. Kita ko kung paanong natigilan ang aking mga kaibigan, maging ang pagbabago ng expression ng kanilang mga mukha. “Par, alis na ako, may aasikasuhin pa kasi ako.” Anya bago mabilis na tumayo at walang lingon-likod na humakbang palayo sa kanila.“Vernice, Please, kausapin mo naman ako…” naiiyak sa pakiusap sa akin ni Marjori
“Kasalukuyan akong nakatayo dito sa harap ng gusali nang kumpanya nila Marjorie, nag half day lang muna ako sa trabaho upang pagbigyan ang kahilingan nito at para na rin hindi siya matanggal sa trabaho. Ganyan kô kamahal si Marjorie kahit pride ko ibababa ko para lang sa kanya.“Babe, nandito na ako.” Anya sa kabilang linya, kausap ko ngayon sa cellphone si Marjorie upang ipaalam sa kanya ang pagdating ko.Makalipas ang ilang minuto ay bumaba si Marjorie sa lobby at nakangiti na lumapit sa akin.“Let’s go?” Anya kaya tumayo na ako at nilagay ko ang kanang braso ko sa baywang nito upang alalayan ito. Napansin ko lang na panay ang tingin sa akin ng mga tao sa aming paligid marahil dahil sa tomboy ako? Hindi ko na lang pinansin ang mga ito at nagpatuloy na lang sa paglalakad patungong elevator.Pagpasok sa loob ng elevator ay sinuri ko ang aking ayos, disente naman akong tingnan sa suot kong baby blue na long sleeve na nakatuck in pa sa maong pant’s na suot ko at nangingintab din ang iti
Naiwang tulala si Marjorie sa labas ng opisina ni Zac hindi siya makapaniwala sa mga nangyayari at labis siyang naguguluhan kung bakit siya na-assign kay Mr. Emerzon, ang tiyuhin ni Zac, bilang secretary nito. Walang nagawa ang dalaga kung hindi sundin ang naging desisyon ng kanyang boss. Anya mas mainam na sa kanya ang ganito kaysa naman ang makulong si Vernice. Sinimulan na niyang iligpit ang kanyang mga gamit at maghanda sa paglipat sa kumpanya ni Mr. Emerzon.Samantala sa loob ng elevator ay nanatiling tahimik ang dalawa na tila nagpapakiramdaman sa isa’t-isa. Ngunit hindi lingid sa kaalaman ni Vernice na kanina pa sinisipat ng tingin ni Zac ang kabuuan ng kanyang fiancee habang tahimik na nag-iisip ng paraan kung paano niya makakapalagayang loob ang dalaga. Tahimik lang si Vernice na nakatayo ng tuwid habang nakasilid ang dalawang kamay nito sa bulsa ng kanyang pantalon. Iniisip niya ng mga sandaling ito kung paano pakikitunguhan ang kanyang bagong boss ng hindi sila nito nagbab
“You know, you are wasting our time,” anya ng lalaki sa unahan, halatang nababagot na ito. Maging ang ilang empleyado at board member ng kumpanya ay hindi na rin maipinta ang mga mukha habang nakatingin silang lahat sa akin. Sa palagay ko ay hindi pa naman ganun katagal simula ng putulin ko ang report nito.Ilang sandali pa ay biglang nagliwanag ang mukha ko ng makita ko ang butas sa report ng Audit department.“Got you!” Anya bago matamis na ngumiti saka hinarap ang lalaking nagrereport sa unahan. “You know Mr.?” Ani ko na bahagyang huminto at hinintay ang sagot nito.“Larry.” Tipid niyang sagot sa akin na nanatiling seryoso ang mukha, halatang napipikon na siya sa akin ngunit sinisikap pa rin nito na maging kalmado sa harap ng lahat.“Mr. Larry, there’s a one million missing from your report, I’m sure for an ordinary person na walang hilig sa numbers ay hindi kaagad ito mapapansin pero sa mga katulad nating specialty na ang mga numero, it’s a very simple to determine to which part