Share

CHAPTER 002 - The Present Time

SIXTEEN YEARS AFTER TRINI GOT TURNED OFF.

"Trinity Ann Valencia, wake up."

"Ano ba..." reklamo niya saka ibinaon ang ulo sa unan. Why was Gene in her house so early? Ano na ba'ng problema nito?

"Wake up."

Naiinis siyang umungol nang maramdaman ang paghila ni Gene sa braso niya. "Leave me alone, I wanna sleep..."

"You can't sleep. We need to talk."

Nakapikit pa rin niyang kinapa ang kumot saka hinila iyon upang itakip sa ulo. "Leave me alone, my head hurts."

Subalit hindi nakinig si Gene. Hinila nito ang kumot mula sa kaniya at muli siyang hinawakan sa braso.

"Matulog ka pagkatapos nating mag-usap."

Inis niyang tinabig ang kamay nito saka padabog na bumangon. Bahagya siyang nakaramdam ng lamig pero hindi niya pinansin. Nananakit ang ulo niya at alam niya kung bakit. The last thing she remembered was drinking the whole bottle of gin with Gene last night. Then, naalala niyang lumangoy siya sa pool—no, it was a hot spring, actually. Naalala niyang sa kalasingan ay nahilo siya sa ilalim ng tubig, umaagaw-agaw ang dilim at liwanag sa kaniyang paningin. At dahil masama na ang pakiramdam niya habang nasa ilalim siya ng tubig ay nabunggo siya sa pader ng pool. Naalala niya ang pag-ahon niya at ang pagsinghal sa kaniya ni Gene na takpan ang sarili niya.

That was it. Hindi na niya alam ang sunod na mga nangyari. Everything else that happened since she emerged from the water was vague.

Nakapikit siyang muling nagsalita. "Ano ba, Gene... What do you need?"

"Did you know that we slept together in this bed?" Kakaiba ang tono ni Gene nang umagang iyon, pero muli ay hindi niya pinansin. He probably woke up in the wrong side of the bed. Walang bago roon.

"And so what? Ilang beses na akong nakitulog sa kwarto mo since we became friends at five. At ilang beses na ba akong natulog katabi ka sa living area ng bahay mo katabi ka? My God, simpleng bagay, pinapalaki." Muli siyang umungol at akmang hihiga nang muli siyang hawakan sa braso ni Gene.

Naiinis siyang nagmulat at akma itong itutulak nang matigilan siya.

Gene was standing in front of her butt-naked. Ang anyo nito'y nagdidilim.

Pinanlakihan siya ng mga mata. Tuluyang nagising ang diwa.

"Why are you... naked?" Para siyang binuhusan ng nagyeyelong tubig habang binabalikan sa isip ang mga nangyari kagabi. Pero para naman siyang sinilaban nang bumaba ang kaniyang tingin sa matayog na bagay na pumapagitan sa mga binti nito.

Muli siyang pinanlakihan ng mga mata. She and Gene had been friends for twenty-four years, but this was the first time she'd ever seen him in his birth suit. And boy was he sexy!

"Do you remember what happened last night?" pukaw ni Gene.

Subalit hindi siya nakasagot. Wala siyang maisagot. Ang kaniyang tingin ay tutok na tutok pa rin sa poste ng Meralco na nakatayo sa kaniyang harapan.

Damn—why was it erected, anyway?

Oh, wait. Totoo pala ang kasabihang kusang tumatayo ang poste ng mga lalaki sa umaga? Wait—kasabihan lang ba talaga iyon, o scientifically correct?

Nahinto siya sa pag-iisip nang marinig ang sunud-sunod na pagmumura ni Gene, at bago pa niya tuluyang maalis ang tingin sa matayog na bagay sa kaniyang harapan ay hinawakan na siya nito sa braso at hinila patayo. Nagpaubaya siya, at nang makababa siya sa kama ay doon niya naramdaman ang panlalambot ng kaniyang katawan. She was also sore down there, but she had no time to complain because Gene pulled her to the bathroom. Hindi niya alam kung papaano niya nagawang makapaglakad nang hindi natitisod.

Pagdating sa banyo ay napaharap sila sa full-sized mirror na kaharap ng pinto, at nanlaki ang kaniyang mga mata nang makita ang sariling repleksyon doon. Sa kaniyang leeg, sa magkabilang balikat, pababa sa kaniyang dibdib ay may pulang marka siyang nakikita. At kahit na hindi pa siya nagkakaroon ng syota sa loob ng dalawamput siyam na taon ng buhay niya ay alam niya kung ano ang tawag sa mga markang iyon.

But most importantly... why was she naked, too?!

Muli siyang pinaglakihan ng mga mata nang mapagtantong katulad ni Gene ay hubot-hubad din siya. Pero imbes na mahiya ay para siyang gaga na napatanong ng;

"W-Where are... my clothes?"

"That's not the reaction I expected to see and hear from you, Trinity," Gene stated wryly. Ang pagdidilim ng anyo nito'y nanatili.

Napalunok siya. "W-Who gave me these marks?"

Nakita niya ang pagsalubong ng mga kilay ni Gene sa repleksyon nito sa salaman. He was pissed—he was annoyed at her question.

"Sino ba ang katabi mo sa kama buong gabi, Trinidad?"

"I-Ikaw?"

"Malamang!"

"Eh... bakit ka nagagalit kung ikaw naman pala ang nagbigay sa'kin nito—"

"Because this wasn't supposed to happen!"

Nagulat siya sa biglang pagtaas ng tinig nito, at bago pa niya napigilan ang sarili ay humarap siya at tinulak ito. Sandali niyang inalis sa isip na pareho silang hubo't hubad ng gago.

"Baliw ka ba? Ako dapat ang nagsasabi ng ganiyan! I was drunk and I fell off the water—"

"You did, pero nagawa mo pang umahon at ubusin ang alak!"

"Well, hindi ko maalala!"

"Because you were drunk! We were both fucking drunk!"

Muli niya itong tinulak. "Bakit ka ba nagagalit?"

"Dahil hindi ko alam kung talagang may nangyari sa atin o wala!"

Natigilan siya.

Walang nangyari?

Wait, bakit siya dismayado?

Nasapo niya ang ulo nang muling makaramdam ng pananakit niyon. Nakayuko siyang humakbang palabas ng banyo at dumiretso sa kama. Wala na talaga siyang pakialam sa kahubaran niya. She's used to take off her clothes in front of Gene whenever she had to change. Walang habas siyang magpalit ng damit sa harap nito at balewala na iyon sa kaibigan.

Shit. How dare she call him a friend?

"Trinity," tawag ni Gene na sumunod sa kaniya. Muli siya nitong hinawakan sa braso.

Nahinto siya sa paghakbang at hinarap ito. There was something in Gene's dark green eyes that she couldn't explain. Something like... guilt. But there was also something else.

What was it?

Was it... desire?

Shit. Hindi magandang kombinasyon ang pagsisisi at pagnanasa.

"I was also drunk last night and I don't remember much of it. Ni hindi ko alam kung paano tayo nakarating sa silid mo. But one thing is for sure—I gave you those marks."

Napalunok siya nang luminaw ang damdaming nakita niya sa mga mata ni Gene.

Sigurado na siya ngayon,

Gene's green eyes darkened in passion.

He wanted her.

At tila ba biglang sumiklab ang buong katawan niya. Her body was responding to the way he looked at her. Pero tama bang maramdaman nila ang ganoon sa isa't isa?

Tumaas ang kamay ni Gene mula sa kaniyang braso patungo sa kaniyang balikat. Then, it moved up to her neck, then his thumb gently rubbed the hollow of her throat.

Muli siyang napalunok, at siguradong naramdaman iyon ni Gene.

"Sa tingin mo ba ay may nangyari?" he asked. His voice was gentle this time.

"I... don't know." That was true. She didn't know. How could she tell, anyway?

"Aren't you sore?"

Pinakiramdaman niya ang sarili. "W-Well, masakit ang.. buong katawan ko."

"No, not your whole body. I mean... down there."

Naramdman niya ang pag-gapang ng init sa magkabila niyang pisngi. Nahuli niya ang ibig nitong sabihin.

"N-No... I can't tell."

Tumango ito at ang tingin ay nalipat sa kama. Ang kumot ay bumagsak sa sahig nang hilahin siya nito kanina at ang mga unan ay nasa uluhan. They were both expecting to see that particular stain on the sheet that would prove something might have happened.

But, nothing was there.

Ibinalik ni Gene ang tingin sa kaniya. "You said you were a virgin."

"I... think I still am."

Hindi nakasagot si Gene. Dahil hindi rin nito alam kung ano ang totoo.

And for the next sixty awkward seconds, they just stared at each other, both wondering what really happened. Did something really happen? Did they have sex last night?

Nauwi sa pagbuntonghininga si Gene, at bago pa siya muling nakapagsalita ay tumalikod na ito at kinuha ang mga damit na nakasampay sa single sofa katabi ng kama. Humarap ito at doon ay nakita niya ang muling pag-seryoso ng anyo nito.

"Get some sleep. Uuwi na ako."

"U-Uuwi? Saan?"

Wait, wala sila sa bahay nila. They were in a resort somewhere in Batangas! At naroon sila dahil—shit. It was her birthday. Kaarawan niya ngayon.

"P-Pero—"

"Mag-usap tayo bukas, o sa susunod na araw. For now, let's give ourselves a break. Let's... think this over." Pumasok si Gene sa banyo at doon nagbihis. Siya nama'y tulalang naglakad patungo sa kama, dinampot ang kumot na nasa sahig saka ipinulupot iyon sa katawan.

Paglabas ni Gene sa banyo ay hindi na siya nito tinapunan pa ng tingin. Dire-diretso ito sa pinto ng ino-okupa niyang cottage bitbit ang cellphone at ilan pang mga gamit na hinablot nito mula sa side table.

"I'll call you tomorrow." Then, just like that, Gene got out of the room and left.

Tulala siyang napatitig sa pinto bago unti-unting naupo sa kama. Ipinatong niya ang mga siko sa magkabilang tuhod saka sinapo ang ulo.

She could not remember what happened last night. Basta ang alam niya ay naglasing sila habang naglalaro ng baraha. She remembered they were having fun. 

Muli niyang sinulyapan ang pintong nilabasan ng kaibigan, at doon ay para siyang kandilang unti-unting nauupos. 

Was that the end of their twenty-four-year of friendship? Ang nangyaring ito ba ang badya na hindi na sila babalik pa sa dati? 

Gene was her only family; ano na ang mangyayari sa kaniya? 

Yes, she had no one else but Gene. She was all alone now because she no longer have parents. Her father died when she was eighteen— a heart attack. Whilst her mother died when she was twenty-two of cancer. And Gene never left her side since.

Simula nang tuluyan siyang maulila ay si Gene at ang pamilya Zodiac na ang naging pamilya niya.

Pero nitong nakaraang mga buwan ay naging desperada na siya, lalo nang makita niya kung gaano ka-saya ang nakatatandang mga kapatid ni Gene sa pagkakaroon ng sariling pamilya.

She had been part of the Zodiac family since she and Gene became friends. Kilala niya ang magkakapatid at nasaksihan niya ang pagbinata ng mga ito habang lumalaki sila ni Gene. Nakita rin niya ang mga babaeng ni-date ng mga ito, pati na ni Gene. Almost two years ago, Quaro, the eldest of the Zodiac brothers, married the love of his life. He now had a son named Quentin. The next year, Phillian married his first love and now has a son named Theo. Nakilala niya sina Kirsten at Calley noong kasal ng mga ito dahil inisasama siya ni Gene.

Noong binyag ni Theo ay muli siyang binitbit ni Gene, and while they were having a great time, she couldn't help herself envisioning her own family.

She wasn't getting any younger. She was already twenty-eight at the time and she wanted to have her own family, too.

So, she started blind-dating men from all ages. May ni-date siyang mas bata sa kaniya at inayawan niya dahil hindi niya bet ang topic na ikinu-kwento nito. May ni-date siyang mas matanda ng sampung taon sa kaniya pero hindi niya nagustuhan dahil masyado itong matured mag-isip at hindi siya maka-relate. She was complaining to Gene over and over until she ended up asking him to just give her a child.

She was fine with it. Kahit hindi na siya mag-asawa, basta magka-anak man lang siya bago magka-lumot ang matres niya.

And yes, she did ask her best friend for twenty-four years to have sex with her and impregnate her. She did that in the past few weeks

Paulit-ulit niyang sinabi iyon kay Gene noong naging desperada na siya.

At noong una'y iisa lang ang sagot nito...

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status