Share

CHAPTER 2

"Sumusobra ka na Elthon, maligo ka na sabi don!" Seryosong sabi ko.

Nakipagtitigan sya sakin hanggang sya na ang pumutol sa tingin, yumuko ito at kinamot ang tenga nito hanggang sa na mula 'yon. 

Pinipigilan ko namang matawa sakanya, halatang naiinis sya sa sarili nya. Ganyan talaga sya kapag hindi nasusunod ang gusto, kinakamot ang tenga nya hanggang sa mamula.

"The heck, he wants to go inside you wife." Tinikom ko ang bibig ko at kinagat ang labi ko para mas pigilan ang sarili kong tumawa.

Huminga ako ng malalim para ma relax muna ng sarili ko. "Wag na matigas ang ulo, yang dalawa mong ulo sobrang tigas--"

"Shhhh, wag mong sabihin yan wife! Mas lalo syang magwawala kapag nagsalita ka pa!" Sabi nito at patakbong pumasok sa loob ng banyo.

"Ang cute talaga nitong asawa ko." Natatawang saad ko sa sarili.

"I can hear you wife! Yes, I am cute and also handsome!" Napailing na lamang ako sa sinabi nya.

Kinuha ko ang cellphone ko sa ibabaw ng unan at tinignan kong anong oras na. Malapit na palang mag 9 am, nagugutom na ako at paniguradong nagugutom na din itong asawa ko.

Nauna na akong lumabas ng kwarto para initin muna yong pagkain namin.

Ayoko mag hired kami ng katulong dito kase kaya ko naman ang mga gawaing bahay saka hindi rin ako papayagan ni Tita na kumuha kami ng katulong kase nga ako ang asawa at dapat ako mag alaga, gumawa ng mga gawain dito.

Alam ko namang gusto nya lang na pahirapan ako at saka gusto nya din na pagsisihan kong naging asawa ko ang anak nya. Pero syempre hindi mangyayari yon, ang swerte ko na nga sa asawa kaya ba't ako magsisisi?

Muntik na akong mapatalon sa gulat dahil dito sa cellphone ko na bigla-bigla na lamang nag ri-ring. Medyo kinabahan ako ng makitang si Tita pala 'yong tumatawag, sya ang mother in law ko.

Pinakalma ko muna ang sarili ko at sasagutin na sana yong tawag pero bigla yon nawala. Nanlaki ang mata ko at mas lalo pa tuloy ako kinabahan. Baka akalain nyang sinasadya ko na hindi sagutin ang tawag nya, iba pa naman yon kung mag-isip saka kahit na anong rason ang sabihin ko ay di nya ako paniniwalaan.

Ilang segundo pa lamang ang lumipas ay tumawag ito ulit, kaagad ko namang sinagot 'yong tawag nya.

"Hello, Tita?"

[Ba't hindi mo sinagot yong unang tawag ko sayo! Sinasadya mo ba yon para mainis ako huh?!]

"Hindi po Tita, m-may ginagawa kas--"

[Wala akong pake sa mga rason mong walang ka-kwenta-kwenta! Ang aga-aga pinapainit mo itong ulo ko bwes*t!]

'Di sana hindi ka nalang tumawag sakin kong ganon.' Saad ko isip ko.

Minsan talaga gusto ko ng sumagot sakanya pero pinipigilan ko lang itong sarili ko. Kahit naman bali-baliktarin ko pa ang mundo ay ina parin sya ng asawa ko at ayokong isipin ni Elthon na hindi ko nirerespeto ang mama niya. 

Kase syempre kapag sya di nya nirespeto ang mga magulang ko ay magagalit ako sakanya at ayokong magalit sya sakin kapag ginawa ko itong nasa isip ko ngayon.

Alam kong sumusobra na minsan si Tita pero hinahayaan ko nalang para wala nang gulo. Ayoko ko nang away, gusto ko ng tahimik lang na buhay.

[Hello? Nakikinig ka ba?! Kanina pa kita tinatanong Nicole, asan ba si Elthon?]

Inalayo ko nang kaunti yong cellphone sa tainga ko dahil sumasakit na itong tuli-tuli ko sa tainga dahil sa sobrang lakas ng boses nya.

"Naliligo pa po sya Tita--" Ganyan talaga sya, lagi nalang nyang pinuputol ang sasabihin ko o di kaya hindi nya ako hinahayaang magsalita, para bang gusto nya na sya lang ang pumutak-putak dyan mag-isa.

[Ano! Natagalan ka na naman ba ng gising huh? Anong oras mo ba ginising yang asawa mo!]

"Tita ano k-kase--" 

Napahawak na lamang ako sa ulo dahil di na naman ako nito hinayaang tapusin ang sasabihin ko.

[Anong irarason mo ngayon? Nakakasawa na pakinggan, paulit-ulit lang naman yang mga sinasabi mo! Wala ka talagang kwenta kahit kelan, ba't kase di mo nalang hiwalayan yang anak ko!]

Kinagat ko ang pang ibabang labi ko para pigilan ang sarili na magsalita. Para talaga siyang manok, walang tigil sa kakaputak my god.

[Ano?! Hindi ka makasagot kase totoo naman talagang wala kang kwentang asawa! Ano nga ba ang silbi mo dyan sa bahay ng anak ko--]

"Bahay po namin, hindi lang ito bahay ng anak mo po. Bahay ko rin ho ito." Mahinahong kong sabi sakanya.

[Talagang sinasagot-sagot mo pa akong babaita ka!] 

Naiyukom ko ang kamao ko at napapikit ng mariin. Magsasalita na sana ako pero may biglang umagaw sa cellphone na hawak ko. 

"Hello? Mom? Papunta na ako dyan wag kang mag alala. Sige na kakain muna kami ng asawa ko...ano? Wag ka nang magalit sakanya, kasalanan ko okay? Ako yong matagal gumising, choice ko yon mom. Sige na paalam." Pagkatapos nyang sabihin 'yon ay ibinalik na nito sakin yong cellphone ko.

Tumingin sya sakin saka ngumiti, hinawakan nya ang buhok ko at hinawi 'yon. "Don't worry hindi na sya galit sayo. Halika na kumain na tayo."

Hindi na galit? Eh, wala namang segundo, minuto, oras o araw na hindi sya galit sakin. Pagdating talaga sakin para syang dragon na lagi nalang akong gustong bugahan ng apoy.

Hinawakan nya ang magkabilang balikat ko at iginaya ako paupo. 

Nagsimula na kaming kumain.

"Anong oras ka makakauwi mamaya hubby?" Takang tanong ko.

"I'm not sure, tatawagan na lang kita o kapag hindi ako nakatawag puntahan mo nalang ako don sa office."

"No, it's okay. Aantayin ko nalang kung anong oras ka uuwi." Saad ko at nagpatuloy sa pagkain.

Pagkatapos naming kumain ay nilagay ko sa lababo yong mga pinagkainan namin. Hinugasan ko muna itong mga kamay ko bago lumapit kay hubby. Inayos ko ang kwelyo nito at sya naman ay niyakap ang bewang ko at pinagdikit ang katawan naming dalawa.

"Ba't kase di nalang nya ako samahan sa office eh." Kagaya kanina ay sumimangot sya.

"Hubby sinabi ko na diba, marami pa akong gagawin dito sa bahay saka ayoko munang makita si Tita. Baka ipahiya na naman nya ako sa harap ng mga empleyado kagaya nong isang araw."

Pinahiya nya ako nong isang araw at alam kong sinasadya talaga nya na sa harapan pa ng mga empleyado. Sinabihan nya akong walang kwentang asawa ni Elthon at kung ano-ano pang mga masasakit na salita, hampas lupa daw ako at hindi kami bagay ng anak nya.

Mabuti nalang ay pinigilan ko ang sarili ko na umiyak dahil yon naman ang gusto nito, mapahiya at paiyakin sa harap ng maraming tao. Pagkatuwaan at pagtawanan ng iba, yon ang gusto nyang mangyari sakin. Mabuti at dumating si Elthon, pinagsabihan nya ang mama nya pero alam kong di parin 'yon sapat, kahit anong usap o sabihin ni hubby sakanya hindi sya makikinig. 

Iba si Tita, kapag hindi nya gusto ang isang tao ay gagawa at gagawa sya ng paraan para alisin o paalisin ka sa landas nya.

"Fine, mag ingat ka dito wife. Tawagan mo ako kapag may kailangan ka, hmm?"

Hinawakan nya ang magkabilang pisngi ko at unti-unting inilapit ang labi nito sa labi ko.

"Opo, tatawagin kita." Ngiting sabi ko saka hinalikan din sya sa labi.

"I love you too!" Tumawa ako.

"Hindi pa nga ako nakapag sabi ng I love you eh, tapos may I love you too na agad?" Ginulo nya ang buhok ko.

"Advance lang wife, sige na alis na ako."

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status