NASA MAY PATIO dining area kami at nagtipon-tipon nina Rosella at Florence kasama ng mga batang naglalaro sa may backyard. Pinagsasaluhan namin ang gawang merienda ni Rosella habang nag-uusap.
“Valentine's Day na bukas!” masayang bulalas ni Rosella. “Saan ang lakad niyong mag-asawa, mga mars?”
“Sa bahay lang pero sigurado akong may pa-flowers at chocolates na naman si Tommy. Kayo ba?”
“May date kami ni Marvin. He said he doesn't want to make a surprise for me this year. Sinabi niya na sa akin iyong plano niya para makapaghanda na ako kasi ang pangit kong magulat, e, nananapak nang bongga. Mukhang pagod na rin si Marvin na masapak ko.”
We all laughed at that and when it died down, they both turned to me.
“Ikaw ba, Julie?” asked Florence.
“Hindi ko alam, e. Pero gusto ko sana this year, ako naman ang sumurprisa sa kay Roma.”
That was
Please leave your gems, ratings, and reviews for this story, please 🥺. They would mean a lot to me. Thank you so much and God bless! ♡
This special chapter will chronicle the Buendia Twins' experiences while growing up. This will be told in third person point of view. MATINGKAD ANG SIKAT ng araw ng umagang iyon. Nagtipon-tipon ang mga preschool student sa gymnasium ng pribadong paaralan ng Roosevelt para sa isang espeyal na parangal. Tak... Tak... Tak... Iyan ang tunog na nililikha ng mga sapatos ni Maki na sadyang pinakintab ng kanyang ina para sa selebrasyon na iyon at sa tuwing ito ay tumatama sa sahig ng gymnasium kada padyak niya ng kanyang mga paa habang naghihintay na matawag ang pangalan niya. Ang kanyang mga kamay ay nakatuko pa sa may kandungan niya. Agad niyang tinaas ang mga iyon upang pumalakpak nang matawag na ang pangalan ng kakambal niyang siyang nangunguna sa buong klase nila. “Buendia, Mutyang Marikit D. First Honors.”
This is a very special chapter and announcement because the next two installments under Eraserheads Series will be led by Mutyang Marikit or ‘Mari’ and Maliksing Makisig or ‘Maki’, respectively. Pag-iisipan ko pa kung anong story naman ang ibibigay ko for Kundimang Bahaghari or ‘Hari’. I would also like to take this opportunity to thank all of you with all my heart and soul for your gems, reviews, and ratings. I hope you could give me one as it will help me in promoting this story and in sharing my advocacy regarding gender and sexuality with a bigger and greater audience here on GoodNovel. Thank you, thank you so much! I wouldn't make it this far without all of you. This will be the last part for Julie Tearjerky but see you in my upcoming stories under the Eraserheads Series. I hop
This is a fictional work. Characters, places, and events are either created by the author or used to make the story a simulated one. If similarities of actual persons and actual incidents are discerned, it is merely coincidence. Bear in mind that plagiarism is a serious crime, and it is punishable by the law which anchors on the Republic Act No. 8293, known as the "Intellectual Property Code of the Philippines" Please leave a message after the tone. "Hi. This is Julie. Si Maria Juliena Dimagiba, tanda mo pa? Nakita nga pala kita kanina. Kasama mo 'yong boyfriend mo habang sakay kayo ng auto mo. Hindi mo siguro ako napansin kasi nobyo mo 'yong umorder para sa inyo. Oo, ako 'yong nasa drive thru. Rome... I'm sorry. Ang sama-sama ko noong mga bata pa tayo. Sorry sa lahat ng mga pambubully ko. Alam
"HA?!" gulat na bulalas ko dahil sa sinabi ni Rome. "Crush kita," pag-uulit niya. "Akala ko ba bakla ka?" "Oo... pero crush kita, e." "Akala ko ba si Prince ang crush mo?" pagtutukoy ko sa kaklase namin sa Grade 2- Mahogany. "Oo pero mas crush kita..." mahinhing sagot niya. Nagkamot ako ng ulo. Nagulo tuloy 'yong hairdo ni nanay sa akin. Bahala na. Uwian naman na, e. "Ang labo mo naman. Paano ka nga magkaka-crush sa akin, 'di ba bakla ka nga?" naguguluhan at naiinis nang tanong ko sa kanya. "Hindi ko nga alam bakit. Basta ang alam ko crush kita, Julie." "Julie, halika na." Napalingon kami kay nanay na tumawag sa akin. Sinusundo na niya ako. Lumapit siya at kinuha ang lunchbox ko. Napangiti naman siya nang mapansin si Rome sa tapat ko.
KUNG GAANO KA naging malapit sina Prince at Rome sa isa't isa pagkatapos nang araw na 'yon ay ganoon din lumayo ang loob ko sa kanila. They became best friends. Akala ko hanggang doon lang iyon kaso nang makatungtong kaming tatlo ng hayskul ay lalong nagbago ang lahat. "Sabi na sa'yo, sis, e," saad agad ni Ate Julia sabay tulak bahagya sa may balikat ko gamit ang kamay niya. Graduating na sa senior high school si ate kaya marami na siyang experience at lalo pang nadagdagan ang mga kaalaman niya. Itinago ko agad 'yong cellphone ko kung saan ko tinitingnan ang post ni Prince kasama si Rome. Nasa isang coffee shop silang dalawa at parehong nakangiti sa picture. Tapos may caption pang... 'finally'. Hindi naman ako tanga para hindi maintindihan iyon. Prince was noticeably being extra sweet and caring when it comes to Rome. Umiling na lang ako at umiwas kay ate
INILAPAG KO NA sa loob ng kuna niya ang natutulog na si Jillian. Bumalik na ako sa pwesto ko sa may lamesa kung saan nakalapag ang mga librong ko at nagpatuloy sa pag-aaral para sa darating kong exam. I want to prove to everyone that I am worthy of getting that first rank. Naging top 1 ako hindi lang dahil distracted si Prince kay Rome kundi dahil pinaghirapan ko 'yon! Nakakunot-noong sinundan ko ng tingin si Ate Julia nang lumabas siya mula sa kwarto namin at pormado pa. "Ate, saan ka na naman pupunta?" "May date ako," sagot niya habang nagsusuklay ng mahabang buhok. "Ate, pwede bang sa susunod na lang 'yan? Walang magbabantay kay Jillian. Nasa palengke pa si nanay tapos nag-aaral pa ako kasi may exam pa kami bukas," pakiusap ko sa kanya. Pumalatak si Ate Julia at binaba ang suklay para iduro ako gamit iyon. "Sis, huwag kang aral nang aral. Mag-boys
HINILA KO ANG dulo ng blouse ko pagkatapos kong maisuot ang cap na parte ng uniporme namin. Ngumiti ako at lumabas na sa locker room namin para gampanan ang trabaho ko. Nakatoka ako sa pagdadala ng orders ngayong araw. “Good morning, ma'am and sir. Welcome to Jollibee. Here's your order,” I began and enumerated their orders as I laid them on their table. “Enjoy your meal,” huling sabi ko sa kanila't bumalik na sa counter. Pagkabalik ko’y may bago na namang order na naka-ready to serve na. I took the tray and went towards the table similar to the number given to me. Paglapit ko ro'n ay napatingin agad sa akin ang tatlong lalaking foreigner. Their stares were making me uncomfortable, but their smirks were making me feel worse. I still smiled to show them how professionalism worked. “Enjoy your meal,” simpleng hayag ko nang mailapag na ang mga order nila.
GALIT NA HINAKLIT ni Prince ang braso ko nang makalapit siya sa akin. Hinarap niya rin ako sa kanya. “Sinabi sa akin ni Tita Korina ang nangyari kay Rome,” madiing saad niya. Absent si Rome ngayon dahil nagpapagaling pa sa ospital kung saan siya isinugod nina tatay at Ate Julia. Tita Korina was very mad too when she found out about it. Naiintindihan ko naman si tita. Siyempre, anak niya ‘yong nasaksak, e. She had all the right to be mad. Binawi ko ang braso ko at hindi na lamang sumagot. Ayokong maging mapagmataas lalo na ngayong may nanganib ang buhay dahil sa akin. Sana naman sa pananahimik ko ay makuha agad ni Prince na inaako ko naman ‘yong pagkakamali ko. “Alam mo, Julie... siguro mas mabuting layuan mo na lang si Rome. Kasi kung hindi mo siya iniinsulto ay pinapahamak mo naman siya,” aniyang tunog nang-aakusa. Nagkaroon tuloy ako ng lakas ng loob na mag-angat ng