Share

Chapter 159 [Book 5 of Hiltons family]

“Blag!” Isang malakas na lagabong ang pumukaw sa aking atensyon kaya natigil ako sa aking ginagawa mula sa hood ng sasakyan. Umalis ako sa aking pwesto at umikot sa gilid nito upang makita ko ang gate kung saan nanggaling ang ingay. Maging ang aking kapatid at si Harold ay napalabas ng opisina kasama ang ng ilang empleyado ko. Naging seryoso ang ekspresyon ng aking mukha ng makilala ko ang tatlong lalaki na naka engkwentro ko noon.

Ngunit, sa pagkakataong ito ay marami na sila. Sa tingin ko ay nasa sampung katao, at ang ilan pa sa kanila ay hindi pa lumalabas ng kotse.

“Maurine, kailangan mong sumama sa amin dahil ipinapasundo ka na ni Boss.” Ani ng isang mayabang na lalaki at bahagya pang hinawi ang suot nitong polo. Batid ko na sinadya nitong gawin iyon upang ipakita sa amin ang baril na nakasuksôk sa tagiliran ng baywang nito. Nilingon ko ang aking kapatid at kita ko kung paanong namutla ang mukha nito. Halatang takot ito sa mga armadong lalaki.

“Hindi n’yo pwedeng isama ang asaw
Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status