Share

The Revelation

"Sir?"

"Ang bilis mo naman makalimot. Hindi ba gusto mong patunayan ko sayo na nagsasabi ako ng totoo? Nandito na ko," sabi nya.

Wala pa rin akong naiintindihan.

"May nakarandom team ako na isang babae tapos akala ko pa nung una lalaki sya. Until she said, sorry medyo naduduling kasi ko. Tapos nag freind request ako at nagchat then inaccept nya ko. Nabusy lang ako kinalimutan mo na ko!" sabi pa nya.

Saka ko lang naalala lahat. Saka ko lang narealise yung meaning nung letter H sa ign nya. Saka ko lang din napagtanto na yung Harith at Harry ay iisa ang pinanggalingan at iisang tao.

Napatayo ako sa gulat.

"I-ikaw si H?" nanlalaki pa ang mga mata ko.

Tumawa sya, "bat parang nakakita ka ng multo?"

"Seryoso ikaw yung Mr. H?"

Lalo syang tumawa,"ayaw mong maniwala?" kinuha nya yung phone nya tapos pinakita sakin yung mga convo namin.

"Oh my gosh! Instructor pa kita! Naku, ginugulat mo ko sa revelation mo," sabi ko. Hiyang hiya ako eh.

Lumapit sya sakin ng husto tapos niyakap ako. Pakiramdam ko pulang pula na mukha ko sa mga nangyayari. Hindi ko na alam kung pano ko sya haharapin. Eh ang lakas ko pang makapagchat ng ganon. My gosh! Ano ba to?!

"Sorry kung walang picture sa f* ko. Hindi kasi pwedeng lagyan. Yan ang rules dito sa University. Kaya kaylangan kong ibahin ng konti ang name ko," paliwanag nya tapos bumitaw sa pagkakayakap sakin.

Speechless!

"Kahapon ko pa sana sasabihin sayo kaso gusto ko pang macurious ka. Pero mukhang hindi effective."

"S-sir.. Pwede na ba kong lumabas? Baka kasi magtaka yung mga kaklase ko!"

Tumawa na naman sya.

"I like you!" sagot naman nya.

Hindi na ko makapagsalita.

"Magkita tayo mamaya after class," sabi nya tapos bigla kong kiniss sa labi ko na ikinagulat ko pa lalo.

"Ang cute mo pag namumula," tapos tumatawa pa sya.

Walang sabi sabing lumabas ako ng office. Naka aircon ang office pero init na init ako. Dahil natataranta ko kasi iniisip ko baka may makakita o nakakita sakin pumunta ko ng restroom at doon nag ayos ng sarili.

Kitang kita ko ngayon sa malaking salamin dito sa banyo ang itsura kong pulang pula. Hindi ko inaasahan na yung karandom ko, kachat ko ay ang professor ko. Kinikilig ako ng wala sa oras.

Naghilamos ako dahil ang init talaga ng mukha ko. Napahawak ako sa labi ko kung saan nya ko hinalikan. Grabe yung epekto nya sakin. Kaya pala pamilyar ang boses nya. Nagtatatalon na tuloy ako dahil don.

Pagbalik ko ng room umakto ko na parang walang nangyare pero ang totoo nyan gusto kong magkwento sa mga kaybigan ko kaso wag nalang muna ngayon.

"Bakit ang tagal mo?" tanong ni Finn.

"H-ha? Ano kase.. W-wala pa si sir dun sa office nya hinintay ko muna tapos nagpunta ko ng cr dahil ihing ihi na ko kakahintay. Ang lakas kasi ng aircon dun eh," paliwanag ko.

Pasensya na Finn, kaylangan kong magsinungaling!

"Nasa room 218 na si Ms. Paula. Magtungo na po ang lahat don," announcement ng president namin.

Mabilis kong niligpit ang gamit ko tapos wala sa sariling nagtungo ng room 218. Pakiramdam ko naiwan yung kaluluwa ko sa office ni Sir Gomez. Di pa rin ako makapaniwala.

Lunchtime..

"Tara nagugutom na ko!" aya ni Lei.

"Gusto nyo ng milktea guys? Libre ko!" tanong naman ni Hansel.

"Wow, anong meron?" ani Finn.

"Wala. Nakuha ko na kasi yung sahod ko kaya naman manglilibre ako syempre kayo lang no!" sagot naman ni Hansel.

Nagtawanan kami.

Nang makarating kami sa cafeteria naiwan muna kami ni Lei sa mesa. Yung dalawa na daw bahalang umorder ng kakainin namin. Tapos may babaeng lumapit sa mesa namin. Hindi ko sya kilala pero nakikita ko sya. Palagay ko taga section D sya. May nilapag syang nakasupot sa mesa namin at sa mismong harap ko.

"Para daw sayo!" sabi nito.

"Sakin? Sino nagsabi?"

"Mauuna na ko!"

"Teka, miss!"

Binuksan ko yung nakasupot na yun. Walang nakalagay na pangalan. Walang notes na may nakasulat dapat na kahit ano. Tapos pagbukas ko, naka lunch box sya. Merong veggie salad, may nakachop rin na prutas tapos may kanin at ulam.

Tumunog rin ang phone ko at inopen ko yun.

Nandyan na ba yung pinadala ko? Sorry di ako makakapunta may tinatapos lang akong pirmahan dito. Wag mo kalimutan mamaya ah, kita tayo ❤️

Nasapo ko noo ko.

"Yiieee... Sino yan? Ikaw ah.. May nanliligaw sayo di ka nagkukwento," pang aasar naman saken ni Lei.

"Gusto mo sayo nalang? Hindi naman ako mahilig sa ganyan eh," alok ko sa kanya tapos pilit na binibigay yung lunchbox na yun.

"Eto na yung pagkain natin," sabi ni Hansel.

Napalingon kami ni Lei at ganon pa rin itsura namin. Yung binibigay ko yung nakalunchbox na pagkain.

"Nagbaon ka pala?" tanong ni Finn.

Umiling ako.

"May naghatid nyan dito," sabi naman ni Lei tapos tiningnan ko sya.

"Naku, para talaga kay Lei yan. Nagkamali lang ng bigay," gusto kong makumbinsi yung dalawa.

Hindi ko alam bakit parang kaylangan kong magsinungaling. Kung tutuusin pwede kong ipagmalaki na si sir Gomez ang nagpaabot ng pagkain na to pero hindi pwede. Siguradong kapag nalaman ng mga kaklase namin to baka awayin lang nila ko tapos sumbatan. Ayoko ring iwasan ako nila Finn dahil dito.

"Lapag mo na, Hansel. Kain na tayo!" sabi ni Finn.

Nang matapos ang breaktime kanya kanya na kami sa pagpunta sa susunod na room namin. Wala namang nabago sa pagpasok namin sa panibagong room dahil nagiging makulit na naman ulit yung tatlo.

Habang paubos ng paubos ang oras na itatagal namin sa school, padami ng padami ang tanong na nasa utak ko. Isa na don ay kung bakit si Sir Harith pa?

"Guys, hindi na pala muna ko sasabay. May aayusin pa kasi ko. Ingat kayo ah!" sabi ko.

Tumango naman sila.

"Gusto mo bang hintayin nalang kita?" tanong naman ni Finn.

"Naku, wag na. Sige na babye?" tapos dumiretso na ko ng room muna.

Nakatanggap naman ako ng chat galing kay sir.

Punta ka rito sa office ko.

Ganun nga ang ginawa ko. Pero bago ang lahat siniguro ko munang walang nakakita sakin dahil ayokong mapag usapan dahil lang sa kalokohan ng prof namin.

Agad naman akong pumasok sa loob ng office at sinara yung pinto. Tapos sinalubong nya ko.

Nakatayo pa rin ako sa gilid ng pintuan ng lumapit sya sakin. Akala ki kung anong gagawin nya kaya napapikit ako yun pala ila-lock nya yung pinto. Teka bakit?

Napakamot sya sa ulo nya, "ihahatid nalang kita sa inyo after natin mag usap."

Nararamdaman ko na naman yung mainit na pakiramdam lalo na't napakalapit ko sa kanya. Napapalunok lang ako ng wala sa oras.

"A-ano po bang pag uusapan naten?" tanong ko.

Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko tanging pagsasalita lang ang kaya ko.

"Yung tungkol satin!"

"Pwede po bang isipin nalang ho natin na hindi tayo nagkakilala sa game. Yung nagkakilala lang tayo sa school? Baka kasi mawalan ka ng lisensya pag nalaman ng lahat ang tungkol satin," nag aalala talaga ko.

"Wala naman akong pakialam doon. Isa pa, gusto kita. Gaya ng promise ko gusto kong patunayan sayo ang sarili ko! Pwede ba yun?" sagot nya sakin.

"P-pero-"

"Ssshhh.." tinakpan nya ng isang daliri nya ang bibig ko tapos hinalikan nya ko.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status