Share

Chapter 5

Indigo POV

Bumaba na kami sa sasakyan at pumunta sa guard house. Sinabi ko lang ang pangalan na Beatrice Tan at kaagad na pinapasok kaming apat.

“Ang gara dito bossing, parang ansarap siguro magkaroon ng farm ano? Iyong ilang ektaryang palayan. May mga alagang hayop at may gulayan. May masaya at buong pamilya,” alanganing ngiti ni Gomer sa akin. Alam kong naawa siya sa akin dahil iyon ay hindi ko naranasan sa aking pamilya. Nasaksihan nila kung gaano kamiserable ang trato ng pamilya ko sa akin kaya hindi na ako nagtataka.

“Itong Gomer na ito, ang layo naman ng pagkumparahin mo. Firing range ito, hindi bukid!” singit ni Gener.

“Hayaan mo na kasi ang kapatid mo sa pangarap niya. Malay n’yo kapag nagpakasal na kami ni Maddison ay mabili na natin ang ang pangarap na farm ni Gomer, kaya tiwala lang. Makakamit din natin ang pangarap na iyan basta alalayan n’yo ako palagi,” saad ko sa tatlo. 

Naglakad kami sa unahan at doon ay may nakahanda ng long table at ang shooting instructor. Nagulat pa kami nang may pumutok na baril pero nanlaki ang aking mata nang makita ko si Beatrice na kahit naka-dress ay may hawak na shotgun at asintadong natamaan ang flying target.

Hindi ko namalayan na pumapalakpak ako sa husay niya sa target shooting. Binaba na niya ang kanyang shotgun atsaka naglakad papalapit. Medyo madamo ang bahaging iyon ng shooting range, kaya sinalubong ko siya at inalalayan maglakad palapit sa long table.

“Now, lover boy, I'm going to train you how to be a badass. Para naman makapasa ka sa organisasyon. I’m sure Greg Monasterio will frown if isang lampa ang magiging bagong recruit niya.” Natawa si Beatrice sa huling sinabi niya lalo na nang nabanggit niya ang isang pangalan na hindi pamilyar sa akin.

Inabot niya sa akin ang shotgun at muntik ko na itong mabitawan sa pag-aakalang magaan lang iyon.

“Shit!” Nanliit ang mata ko na pinagmasdaan ang tatlo kong kaibigan na hawak ang mga tiyan nila at halos mamutla sa kakatawa sa katangahan ko.

“Bossing! Kinulang ka yata sa vitamins!” tukso ni Gomer sa akin.

Sa inis ko ay nag-f**k you sign sa akin pero imbes na tumahimik ito ay mas umalingawngaw pa ang tawa nito sa kabuuan ng shooting range.

“Bunso! Awat na!” singit ni Gardo sa kapatid.

“Indi, huwag ka na magalit, dangan kasi ay pang-romansa lang talaga ang katawan mo, hindi pang bakbakan. Come, I will personally train you.” Minuwestra ni Beatrice ang kanyang kamay at inabot kaagad iyon kahit medyo napipikon pa rin ako kay Gomer.

“This is how you hold a gun,” ani Beatrice. Minuwestra niya ang tamang paghawak ng baril na kaya abutin ang 50 to 100 yards. Short-range guns muna ang tinuro niya. Kung paano ang posisyon ng mga kamay sa gatilyo, ang posisyon ng katawan at balikat at kung paano dapat ang hawakan ang baril na hindi mabitawan matapos kalabitin.

Minsan tuloy napapaisip ako kung sino talaga si Beatrice Tan at kakaiba ang galaw nito. Hindi siya kasali sa mga babaeng pina surveillance ko sa tatlo lalo at hindi naman siya kasali sa target kong ibudol.

 Para siyang isang gangster na malandi dahil napaka-wild n’ya sa kama. Sa ilang beses na may nangyari sa amin ay sa tuwina may pakulo na paggamit ng sextoys. Minsan tuloy na tu-turn-off ako sa kanya.

 Konswelo ko na lang at hindi na lasang patis ang kanyang tahong dahil bago kami magyugyugan, pinapainom ko muna siya ng pineapple juice. Nadala na ako nang halos masuka ako sa lasa ng katas niya nang una kaming magsiping.

Ginugol namin ang maghapon sa shooting range. At namangha ako sa aking tatlong kaibigan na mas madaling natuto kaysa sa akin. Pati sila ay may kanya-kanyang instructor dahil ayon kay Beatrice ay mas dapat marunong ang tatlo sa akin dahil sila ang aking mga henchmen.

 Napangiwi ako sa ginamit na pantukoy ni Beatrice sa aking mga kaibigan. Hindi ko sila kinokonsiderang tauhan dahil kaibigan ko sila. Ang triplets ang nagsilbing sandigan ko noong panahon na lugmok ako at muntik na sumuko sa buhay.

Noong halos magpatiwakal na ako dahil sapilitan na pinapa-block ako ng aking ama sa pagpapa-enrol sa aking pangarap na kurso ay silang tatlo ang umaliw sa akin. Sa tuwing nakakatikim ako ng hagupit ng latigo ay sila palagi ang gumagamot sa mga latay ko para hindi mag-iwan ng pelat.

Umuwi kami sa condo na masaya. Pasipol-sipol ako habang ang tatlo ay nagkukulitan. Pero, napatigil ako nang masilayan ko ang kapatid ko na si Hazel.

“Anong sadya kapatid?” bungad ko kaagad kanya.

“Duh, nangangamusta lang at wala ng maingay sa bahay nina Mama at Papa. Parang nasa sementeryo lang sila noong dalawin ko sa bahay nila. Wala na pala ang paboritong hagupitin ni Mama,” ani Hazel.

Inaya ko siya sa aking condo. Sumama naman siya sa akin at napangiti siya sa gara ng aking tirahan.

 

“Bunso, galing mo rin mambudol ano?” napangiti niyang saad.

“Si Indigo Magtanggol ang kaharap mo, natural. Kailan pa ba ako pumalpak sa matrona?” Umupo ako sa sofa sa tabi ng aking kapatid. “So, kumusta ang buhay may asawa at pagiging abogado?” may halong pait na tanong ko.

Namilog ang mata ko nang makita ko kung paano pumatak na parang ulan ang mga luha ng kapatid ko. Hindi ako pamilyar sa buhay may asawa niya. Basta ang alam ko ay sina Mama at Papa ang namimili ng magiging asawa ng mga kapatid ko. Napahagulgol na si Hazel at yumuko para itago ang mukha nito sa akin at saka tinakip niya ang mga kamay sa mukha niya.

“Mabuti ka pa bunso, kaya mong suwayin sina Mama at Papa. Matapang ka. Hindi katulad ko na pawang sunud-sunuran lang sa kanila,” Napasigok ulit siya at pinahid na ang luha gamit ang kanyang panyo. 

“Is your husband having an affair?” tanong ko.

Natahimik si Hazel at ang pananahimik na iyon ay oo para sa akin. “Gusto mo takutin namin ang babae ang para iwanan niya ang kabit n’ya?” offer ko sa kapatid ko.Imbes na maiiyak ulit si Hazel ay natawa ito. 

“Loko-loko ka talaga bunso! Hayaan mo na. Kakalap lang ako ng ebidensya at mag-fi-file na kaagad ako ng annulment,” aniya.

Marami pa kaming napag-usapan tungkol sa buhay may asawa niya at pati na ang kalagayan ng aming mga magulang. Doon na siya naghapunan sa condo at nag-order na lang kami ng pasta at pizza.

Matuling lumipas ang mga buwan. Wala pa akong balita kay Matilda. At sumailalim kami sa maraming training. Natutunan ko na ang paghawak ng iba’t-ibang klase ng baril, pati na ang basic na self-defense.

 Kasama ko sa lahat ng training at tatlo at pati ang mga kaibigan ko ay sadyang napalapit na rin kay Beatrice. Wala pa ulit akong balita sa mga Lee pero tinandaan ko ang lahat na sinabi ni Matilda. Limang buwan pa bago sumapit ang 18th birthday ni Maddison. 

Isang araw, habang nag-buffet lunch kami ay may pinakilala sa akin ni Beatrice.

“Gregory Monasterio!” Tinaas ni Beatrice ang kanyang kamay pero tila walang nakita ito. “Come, Indi. I will introduce you to the man who will let you grasp the world in your hands.” 

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status