Indigo POV Nanunuot sa aking pang-amoy ang pinaghalong disinfectant, pintura, at alcohol. At dahil nanibago ay dagli kong minulat ang aking mga mata. Pawang puting kapaligiran ang bumungad sa akin. Patay na ba ako? Nasaan si San Pedro? Nilibot ko ang aking paningin sa silid at sakto naman na bumukas ang pinto. Babangon na sana ako nang masilayan si Beatrice na kasama ang isang doktor. Pero, napaigik ko nang sinubukan kung bumangon. Napabalik ako sa higaan at napapikit ako sa sakit. Buhay pa pala ako kasi may masakit sa katawan ko. Parang binabanat ang aking likod at napabuntong-hininga ako para kahit sa ganoong paraan ay mapawi ang sakit. “Now, behave Indi. You need to rest. What has gotten into your head and proceed for that one hundred lashes?” Nakataas ang kilay ni Beatrice sa akin at halata ang disappointment sa kanyang mukha. “Doc, ilang araw ba akong walang malay?” tanong ko
Indigo POV “P-pero hindi ka pa magaling! Baka ma-infect ang sugat mo,” nag-aalala niyang saad. “Hindi ako tanga para gawin ang iniisip mo. Basta sundin mo ang gusto ko kung gusto mo na sundin pa rin kita sa gusto mong ipagawa sa akin sa hinaharap.” “A-anong ibig mong sabihin?” naguguluhan na tanong ni Beatrice sa akin. “Basta sundin mo ang gusto ko. Kailangan kong makausap si Dimagiba at Petrov. Ako ang may kailangan sa kanila kaya dapat ako ang lalapit sa kanila.” Kaya, kahit may pagtutol si Beatrice sa kagustuhan ko ay sumunod na rin siya sa nais ko. Dalawang oras ang pinaghintay ko bago pa man pumasok na isang nurse may dalang waiver na pinapirmahan sa akin. Walang pag-aalinlangan ko namang nilagdaan iyon at ilang saglit pa ay tinanggal na ng nurse ang swero. Napakislot ako nang tuluyan nang natanggal ang swero sa aking kal
Indigo POV Matapos akong makatanggap ng text message mula kay Nite ay kinontak ko na kaagad si Matilda. Makailang beses muna nag-ring ang cellphone niya bago niya iyon sinagot. “Matilda, may inutusan na ako para ipadukot at dalhin dito si Evangelista. I want you to hire more guards para makakasiguro kayo na hindi na kayo matunton ni Adan,” utos ko. “We are in the hospital right now, Indi. Hindi ba sinabi sayo ni Gardo na ang mga retina ni Gomer ang ido-donate nila para kay Maddison para maoperahan na kaagad siya.” Isang ngiti ang sumilay sa aking labi nang marinig ang balitang iyon. Namatay man si Gomer ay tiyak akong mamahalin ng mga kapatid nito ang bagong nagmamay-ari ng mga mata nito. Salamat, Gomer at hindi nasayang ang iyong sakripisyo, usal ko. “Well, it’s good to know na naisip ‘yan ni Gardo at Gener. For sure, ngayon panatag ka na mamahalin ng kam
Indigo POV Tiningnan ko ang aking wristwatch. Alas singko na ng hapon. May dalawang oras pa bago sila dumating kaya naghanda na ako. Simple lang ang suot ko. Black cotton long sleeve at itim na jogger. Sinuot ko ang chuck taylor sneakers ko at lumabas na ng condo. Naglakad lang ako papunta sa ‘The Manor’ ni Trace. Pumayag naman kasi si Dimagiba na doon ko na dalhin si Evangelista. Nakita ako ni Simon sa labas at nagtataka siya kung bakit ako naroon. “Bossing, may sadya ka?” may alinlangan nitong saad sa akin. “May tsibog mamaya ang mga pusa mo, Simon. Pupunta mamaya ang amo mo dito at pumayag na siya na dito ko ihanda ang pagkain ng mga alaga mo.” Napangiti ako lalo na nang tila namutla ito sa mga sinabi ko. “Dito muna ako sa labas maghihintay kay Dimagiba, Simon.” Hindi ko napansin na saglit na pala ako naidlip hanggang nakarinig ako ng tunog ng helicopt
Indigo POV I feel wasted after my barbaric quest. I winced as I feel the throbbing ache in my back. Ang kaninang adrenaline rush ay humupa na at ramdam ko na ang pagod na tila galing ako sa malayong takbuhan. My head is pounding in pain as it simultaneously beats with my pulse. I wanted to shout but doing so means a laugh from Trace is guaranteed. I won't enjoy his pleasure seeing me in pain. Ngayon ay sumisigid hanggang sa aking baga ang amoy kalawang na dugo ni Evangelista sa aking balat at damit. I draw out my breath in a very steady and calm manner. I want to clear my mind as I want to erase all the bloodlust in my system. It is as if I was possessed in the basement. I never thought that my inner demons that I suppressed have broken free. All these years akala ko ay kaya kong ibaon na lang ang masakit kong karanasan sa kamay ng malupit kong ina. Malas lang si Adan Evangelista at siya ang umani
Indigo POV Nagpalit na ako ng bagong damit at lumabas na ng silid ko. Sakto na tumunog na ang intercom. Nasa baba na pala ang kambal pati ang delivery man. Isang minuto pa at tumunog na ang doorbell. Bumungad sa akin ang pagod na itsura ng kambal at ang nakangiting mukha ng delivery man. Binayaran ko na ang aking order at binigyan ng tip ang delivery man. “Maglinis na kayo ng katawan at kakain na tayo mamaya lang.” Ginayak ko na ang mga pagkain sa dining room. Gusto ko naman sa pagkakataong ito na sila ang pagsilbihan ko. Na-gu-guilty ako sa pagpanaw ni Gomer. Buhay pa sana ang kaibigan ko kung hindi ako naghangad ng maging malaya mula sa mga magulang ko. Pero, nangyari na ang lahat. Hindi na mabubuhay pang muli si Gomer kahit na magsisi man ako. “Kumain na tayo,” nakangiti kong saad sa kambal. Ngunit, imbes na kumain ay tila natigilan sila sa mga nakahai
Indigo POV “What are you doing here, Beatrice?” tanong ko sa taong hindi ko inakalang dito ko pa makikita. “Dinadalaw lang naman si Matilda at Maddison,” seryoso niyang sagot sa akin. Nang tingnan ko si Matilda ay seryoso ang mukha nito na palipat-lipat ang tingin niya sa amin ni Beatrice. Napangiti ito sa akin lalo at nag-aalala ako sa mga pwedeng sabihin nito kay Maddison. “Relax. I know how to keep a secret. As we all know, malamang sa malamang ay alam ni Matilda ang tungkol sa akin,” kampanteng saad ni Beatrice. “Mabuti kong ganoon. Ayoko na magiging komplikado ang sitwasyon sa pagitan namin ni Maddison sa hinaharap. Matilda, may pag-uusapan lang kami ni Beatrice sa labas. Excuse us for a while.” Hinila ko na palabas ng silid si Beatrice at pumiksi siya nang makalabas na kami. Hinaplos niya ang parte kung saan madiin kong hinawakan k
Indigo POV Gusto kong matawa sa itsura ni Winston at Benedict. Tulog pa ang dalawa at nakabalot ng kumot. Halatang galing pa sa lambutsingan dahil tawang-tawa na tumawag si Gener sa akin at ayon dito ay katatapos lang magtalik ng dalawa nang dukutin nila ang mga ito. Naiinip na ako at naisin ko man silang kusang magising ay baka matagalan pa kami. “Gardo, doon ka sa tagong bahagi. Huwag kang magpapakita at gusto kong makuhanan mo ang pagpaparusa ko sa mga baboy na ito,” utos ko. Tumango naman si Gardo at nagtago na sa isang sulok. Maliwanag naman ang kabuuan ng parte na iyon ng bodega at sigurado akong malinaw na makukuha ang mga footage ng gagawin ko. Nagtagis ang aking bagang. Hawak ang aking paboritong kutsilyo na si Kudlit, nilapitan ako ang tulog pa na si Winston. Tinapik ko ang pisngi niya at nang hindi pa rin magising kahit halos alugin ko na siy