Share

Chapter Two

Habang nakasakay ako sa bus papunta sa Crystal Bar ay hindi ko maiwasang hawakan ang aking ibabang labi  at unti unti kong nararamdaman ang init sa aking  mukha ng maalala ang halik na aming pinagsaluhan.

"Shit, ano bang nangyari sakin at bakit ako pumayag na halikan niya ako?"

Kulang nalang ay kutusan ko ang sarili ko dahil sa kalandian ko, ano nalang ang iisipin niya na mababa akong uri ng babae (well totoo naman dahil stripper ako sa isang bar).

Pero unti unti akong napangiti ng malaki habang pinipigil ang mapatili dahil sa kilig.

Pero nagulantang ako ng may biglang humawak sa braso ko na nagpahiyaw sa akin "Ahhh!!!".

Pero pinigilan ko ang matawa ng magulat din ang mga kasakay ko dahil sa pagsigaw ko.

Napapahiyang yumuko ako dahil nakikita ko ang masasamang tingin nung ibang pasahero.

"Ale, bakit naman po kayo nangguulat?!" Tanong ko sa matandang katabi ko na siyang humawak sa braso ko, jusko kahit kayo matatakot dahil ang lamig ng kamay niya.

"You will love the person, you hate the most." Nagtaka ako sa sinabi nung matanda balak ko pa sana siyang tanungin tungkol dun ng paglingon ko ay wala na yung matanda sa tabi ko.

Nagpalinga linga ako sa mga pasaherong malapit banda sa pwesto ko, pero wala yung matanda hanggang huminto yung bus na sinasakyan ko, kasabay nun ay  isang pasahero yung sumenyas sakin na bumaba na daw yung matanda.

Hinabol ko ng tingin yung matanda pero hindi ko na ito nakita, siguro ay sa kabilang side ito tumawid.

"Ano kayang ibig sabihin nung ale?" Takang tanong ko sa sarili ko.

Hanggang sa dumating ako sa Crystal bar ay paulit ulit na bumabalik sa isipan ko yung matanda.

Nagsimula ako sa trabaho ko bilang waiter, actually by schedule ang show ko dito, tatlong araw na waiter ako tatlong araw naman na naghuhubad ako.

Tuwing araw ng pagwawaiter ko ay araw din ng pagpapahirap sakin no Luther.

Siguro nagtataka kayo kung bakit ako nandito, well dahil yun kila Luther akala ko dati yung simpleng pagsasayaw namin ay para sa future competition na pwede naming salihan pero, nalaman namin na kaya kami tinuruang sumayaw ay para maging dancer sa bar.

Isa ang Crystal sa Bar na hawak ng sindikato nila Luther kaya wala akong magawa kundi ang gawin ang trabaho ko dahil maaaring mapahamak ang mga mahalagang tao sa buhay ko. Kagaya ng nangyari sa nanay ko na walang awa nilang binaril.

Tumalim ang mata ko habang nakatingin ako sa lamesang pinupunasan ko ng maalala ko ang nangyari sa nanay ko.

Nang matapos angorning shift ko ay nagpunta na ako sa locker room para magmeryenda, nang naabutan ko don si ate Angelina na nakatulala.

Nakipagkwentuhan ako sa kanya pero maya't maya din akong natulala sa tuwing naiisip ko yung halik ni Castron at yung sinabi nung matanda.

"Hoy, Amara, nakikinig ka ba?!" Natatawang tanong sakin ni Ate Angelina

"Wag kang sumigaw ate naririnig kita!" Reklamo ko naman sa kanya

"Well, I've been talking to you for like ages at wala kang ginawa kundi ang tumunganga!" Ate Angelina's voice were kind of loud

"Are you okay?" Pagkuwa'y tanong niya na tinanguan ko bago ko sagutin

"Oo ate! Don't mind me, I've got this!" I assured her.

Mabait si ate Angelina sobrang sarap niyang kausap, kahit na mukhang madami siyang problema ay lagi siyang nakangiti.

Napasarap ang kwentuhan Namin pero kalaunan ay tinawag din Siya ni Mama Mosang.

"Moon Star, Showtime!" Nagpaalam lang si ate sa akin at tumayo na para pumunta sa stage.

Si mama mosang at ate Angelina ang maituturing kong pamilya ko dito sa Crystal kahit na hindi kami magkakadugo ay pamilya na ang turingan namin.

Kaya hindi ko kakayanin pag may nangyaring masama sa kanila.

Nagpatuloy ako sa pagtatrabaho ko nung araw na iyon ng walang ibang iniintindi.

Pero maya maya lang ay muling pumasok sa isip ko ang sinabi nung Ale. Ang hindi ko lang maintindihan kung bakit sa pagpasok nung matandang babae sa isip ko ay siya ding paglitaw ng mukha ni Luther dito "si Luther ba iyong tinutukoy nung Ale".

Napakunot at noo ko dahil sa naisip imposibleng siya yun, hinding hindi ko siya magugustuhan, dahil una sa lahat demonyo siya at pangalawa "I hate him", "hate" oh shit! There's no way I am gonna fall in love with that jerk

"You will love the person, you hate the most."

"You will love the person, you hate the most."

"You will love the person, you hate the most."

"You will love the person, you hate the most."

Nagpaulit ulit sa isip ko yung mga katagang binitawan nung matanda at para na akong mababaliw.

"AISH!!" ginulo ko ang buhok ko sa pagbabakasakaling mawala na itong kabaliwan na naiisip ko ng biglang may tumugtog.

But you want me here

Your heart is clearly reeling

And as the end draws near

Will you come back to me?

If I could just get by, just for one more night

I would fight to set you free

And when you've lost all hope

You may never know just how great your life could be

But I'm lost in the moment

Please, tell me how I can't find the reasons to say what I'll say

My life was complete when I found you-.

Masaya pa akong nagjajammed sa tugtog ng bigla itong huminto.

"AIST!, ano ba yan ang ganda na ng tugtog eh!" Napapadyak na ako dahil sa asar (favorite kase). Nang biglang nanlaki ang bilugan at maliit kong mga mata ng marealize na ringtone ko nga pala iyon.

"Shit! Shit! Shit!" Mura ako ng mura habang dali daling kinukuha ang phone ko sa back pocket ng pantalon ko para makita kung sino ang tumatawag.

Nang malaman ko kung sino ito ay halos lumubog ang puso ko at manginig ang katawan ko sa takot.

Nanlalaki ang matang nakatingin lang ako sa pangalang nakalista sa calls ko "Luther one missed call" shit. shit. fuck. Ano ba itong ginawa ko.

Hindi ko na mabilang kung ilang mura na ang lumabas sa bibig ko. Pero mas lalo akong napamura ng bigla na namang tumunog ang cellphone ko.

Natatarantang pinindot ko yung accept button, sa sobrang taranta ko nga ay muntik ko pang mabitawan yung cellphone ko.

Pilit kong kinakalma yung sarili ko bago ko itinutok sa tainga ko yung phone para marinig yung sasabihin niya.

"H-hel-lo?" nagkanda utal utal ako sa pagsasalita ng dahil sa sobrang nerbiyos.

"Umuwi ka na!" Malamig ang boses na sambit ng nasa kabilang linya.

"H-hindi p-pa tapos y-yung trabaho k-ko!" Tumikhim ako para maiwasan ko pa ang mas malalang kahihiyan.

"Go home NOW!!" Galit na isinigaw niya yung huling salita, muli na namang nanginig ang katawan ko dahil sa kaba at takot.

"S-sige, u-uwi na a..ako" Bago ko mapatay yung tawag ay narinig ko ang malakas niyang halakhak "HAHAHAHA!!" Pagkatapos nun ay namatay na yung tawag.

"Tu-tumawa siya." Sambit ko habang tulala sa kawalan "Ang sexy ng tawa niya".

Pinilig ko ang ulo ko at dali dali pumunta sa locker room para ayusin ang mga gamit ko.

Song used: When I Found You

By: Amber Pacific

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status