Share

Chapter One

"Ahhh" nagising ako sa isang masamang panaginip.

Iminulat ko ang nanlalabo kong mga mata at napabuntong hininga ng makita kung nasaan ako.

"Hoi, hoi, sa tingin ko hindi ito ang oras para managinip ka, Amara!" Nakangisi ang taong nasa harapan ko.

Halatang tuwang tuwa sa kalagayan ko, nagngingitngit ang ngipin habang nanlilisik ang mga matang nakatingin ako sa demonyong nasa harapan ko.

Luther Gray, sir Clinton's son, a man who doesn't know the word love, siya ay kabaligtaran ng magandang bagay, isa siyang taong halang ang kaluluwa. A gray eyed man na walang buhay ang mga mata.

Itong lalaki na ito ang dahilan kung bakit ako naghihirap ngayon.

"Hahaha!" Tumawa ito na parang baliw kasabay ng sigaw ko.

"AHHH!!" Isang malakas na latay ang naging dahilan ng pagsigaw ko.

"Ganyan nga sumigaw ka pa Amara!" Muli ako nitong hinampas ng sinturon sa aking likod.

"Ugh! T-tama na pakiusap." Hindi ko na napigilan ang magmakaawa dahil hindi ko na kaya pa.

Pero kagaya ng unang nakiusap ako dito ay hindi din ito nakinig bagkus ay mas ginanahan pa itong hatawin ako sa likod.

"Ahhh!!" Mas malakas ang naging sigaw ko dahil nararamdaman ko na ang dugong umaagos mula sa mga sugat sa likod ko.

Sa ikatlong hampas ay pakiramdam ko ay papanawan na ako ng ulirat dahil sa sobrang sakit.

Para akong linta na nilagyan ng asin, dahil nagpapagulong gulong na ako sa sementadong kinahihigaan ko habang nakatali ng lubid ang aking mga kamay.

Maya maya lang ay mayroong pumasok na lalaki sa kulungan ko na may dalang timba.

Alam ko na ito kagaya ng lagi nilang ginagawa.

Tama nga ako, isang punong timbang tubig ang ibinuhos sa akin kasabay ng muling paghampas ng sinturon sa aking likod.

"Ahhh!!" Muli akong napasigaw dahil sa hapdi na aking nararamdaman.

Mas doble ang hapdi nito dahil sa tubig na ibinuhos sa akin.

Namimilipit sa sakit na pinaghahampas ako ng sinturon sa aking likuran.

Hindi ko na mabilang kung gaano kadaming hampas ang aking natamo wala na din akong lakas pa para sumigaw, tahimik nalang akong lumuluha habang nagdadasal na sana matapos na ang lahat dahil hindi ko na kaya, hanggang sa tuluyan na akong mawalan ng malay.

Nang magising ako ay may naramdaman akong malamig na bagay sa likod at dahil din dun ay napatihaya ako ng higa at kaagad ding dumapa habang magkakasunod na d*******g dahil sa sakit.

"Ow. Ow. Aw. Ouch. Shit. Fuck" magkakasunod na d***g ko habang sinusuntok ang kamang kinahihigaan ko.

"Shhh.... Amara relax...." Said the ever soothing voice of Castron Sandoval.

"Castron Sandoval, the right hand man and a friend of Luther. If Luther is heartless and worthless, then magtataka ka kung paano siya naging kaibigan ni Castron because he is the exact opposite of his friend.

Castron is a brown eyed man who is super nice, siya ang laging nag aalaga sa akin tuwing sasaktan ako ni Luther kagaya nalang ngayon.

Inhale. Exhale ang ginawa ko habang hindi pa natatapos ni Castron ang pagpahid ng ointment sa likod ko, yun pala yung malamig na bagay na naramdaman ko kanina pagkagising ko,

"sigurado akong magsusugat ito, madadagdagan na naman sila," piping usal ko habang kinakapa ang likod ko.

Habang kinakapa ko ang likod ko ay maya't maya din ang d***g ko "Aw. Aw. Aw. Aw."

"Ang tigas kase ng ulo, relax ka lang" Ani Castron at pinalo ang kamay kong nakahawak sa likod ko

"Awww, Castron naman ang sakit na nga ng likod ko, papasakitin mo pa yung kamay ko!" Reklamo ko habang hinihimas ang kamay kong tinampal niya.

"Nakita mo naman na ginagamot ko ang likod mo eh hahawakan mo pa, tapos mag dadadaing ka jan kase masakit." Pagalit niya sakin, unti unti akong napasimangot sa mahabang litanya niya.

Pagkuwa'y tumahimik kaming dalawa, nang maisipan kong magtanong.

"Neh Castron?" Panimula ko "hmmm?" Tugon niya

"Paano ka naging kaibigan ni Luther?" Hindi ako interesado sa kanilang dalawa ah sadyang curious lang talaga ako dahil magkaibang magkaiba talaga sila.

"Paano ko ba sisimulan?" Tanong ni Castron pero tahimik lang ako kase Hindi naman para sa akin ang sinabi niya para iyon sa sarili niya.

"Luther and I, magkasabay kaming lumaki magkaibigan ang mga parents namin kaya everyone expected na magiging magkaibigan din kami." He paused

"Is he like that? Ever since na maliit pa kayo?" I interjected

"Siya?" Tumango siya "Ganyan kase siya pinalaki ng parents niya, alam mo naman ang linya na ginagalawan natin, tapos siya pa yung tagapagmana kaya hindi maiiwasan na maging ruthless siya." Patuloy ni Castron habang patuloy na nilalagyan ng ointment ang mga sugat ko.

"Is he ruthless to everyone, parang lagi siyang galit sa mundo?" Sa totoo lang hindi ako naniniwalang masama talaga siyang tao, because no one was born to be naturally evil.

"Hindi may soft spot siya pagdating sa mga kaibigan niya, he love to spoil his friends at lagi niya kaming handang protektahan." Hindi ko maiwasan ang pag-ingos ko dahil sa sinabi niya.

"Pero deep inside parang gusto kong makita yung soft spot ni Luther na sinasabi ni Castron."

Natatawa si Castron habang iniingusan ko siya, pero maya maya lang ay tumingin siya sa akin ng malungkot.

"Sorry sa ginawa ni Luther, hindi naman siya likas na masama kung mayroon lang sana akong magagawa." Nahihiyang tumingin sa akin ang malungkot niyang mga mata.

Nginitian ko siya at tinapik sa balikat "ayos lang ako, salamat sa pagtatiyaga mong gamutin ako."

"Ito lang yung kaya kong gawin eh, alam mo naman ayokong magkagalit kami ni Luther." Humihinging paumanhin ni Castron na inilingan ko lang.

"Nga pala alis na ako may pasok pa kase ako eh." Paalam ko habang tumatayo ng bigla akong hatakin ni Castron papunta sa kanya.

"Wag ka munang pumasok." Ani Castron sa mababang tinig habang ang lapit lapit ng mukha niya sa mukha ko, ramdam ko ang hininga niya malapit sa bibig ko.

Konting kibo lang ay mahahalikan na namin ang isa't isa, hindi ko maiwasan na titigan ang kayumanggi niyang mga mata, napakaamo nito at ang haba ng kanyang pilikmata, dahan dahan bumaba ang tingin ko sa mapupula niyang labi na nang-aakit na mahalikan.

Nakagat ko ang labi ko habang nakatingin ako sa labi niya, nang mag-angat ako ng tingin sa mata niya ay naabutan ko siyang nagpapabalik balik ang tingin sa labi ko at mata ko.

Hindi ko alam kung anong nangyayari sakin pero parang may kung anong bagay ang naghahatak sa akin papalapit sa kanya.

Ang bilis ng pangyayari sa sobrang bilis nakita ko nalang ang sarili ko na nakapikit at tinutugon ang bawat mababaw niyang halik.

Nakakalasing ang paraan niya ng paghalik.

Nangingig ang kamay kong nakahawak ng mahigpit sa kanyang braso.

Pinipilit kong pigilan ang d***g na gustong kumawala sa bibig ko.

Tumigil siya sa paghalik at dumilat ako pero hindi siya tuluyang lumayo dahil panaka naka niyang kinakagat at s********p ang ibabang labi ko.

Unti unting gumapang ang kilabot sa katawan ko dahil sa ginagawa niya.

"Ahmm, k-kailangan ko ng pu-pumasok sa trabaho" napipilitang lumayo ako sa kanya dahil sa kahihiyan sa nangyari, siguradong mas mapula pa sa kamatis ang mukha ko.

"Mag-iingat ka." Nakangiti ito habang nagpapaalam sa akin na tinanguan ko lang at lumabas na.

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status