Share

Chapter 1

Alessia's POV

NATAPOS ang blessing of the moon ng matiwasay at walang naging gulo. Gusto ko sana na pumunta at makisali sa kasiyahan ngunit hindi ako hinayaan ni Elijah. Alam ko na nag-aalala lang ito dahil masyadong maraming mamamayan ang nagkakasiyahan at baka may kung anong mangyari sa kalagitnaan nun.

Umuwi kami sa palasyo kung saan ay tulog na ang lahat. Madaling araw na nang nakabalik kami at ramdam ko na rin ang pagod. Pagkatapos ng pagsiselyo ay lumipad pa kami sa ibang bahagi ng Valeria para tingnan ang kaganapan. Wala naman kaming nakitang kakaiba kaya bumalik din kami kaagad.

"Sweetheart, I would like to ask you something." Turan naman sa akin ni Elijah sa kalagitnaan ng paglalakad namin sa hagdanan patungo sa ikalawang palapag.

Napalingon naman ako sa kanya. "Ano yun?" Magalang na tanong ko sa kanya. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin niya sa akin, o kung patungkol ba ito sa pag-alis namin mamaya patungong Mythion. Masyado na kaming maraming pinag-usapan na hindi ko na mahulaan kung ano ang itatanong niya.

Kinabig naman ako ni Elijah. "Can you..." unang saad niya na tila hindi alam kung paano niya sasabihin iyon. "...sleep with me from now on?" Dugtong niya habang unti-unting namumula ang tenga nito at pisnge. Halatang nahihiya ito sa tanong niya.

Napakurap naman ako sa kanyang sinabi dahil hindi ko alam kung paano ko iyon sasagutin. Kung tatango ako, magmumukha akong kaladkarin. Kung iiling naman ako, baka isipin naman niya na hindi ko siya mahal. Ang hirap mamili sa ganitong sitwasyon, hindi ba pwedeng kaladkarin na lamang niya ako at dalhin sa kwarto niya? Mas gugustohin ko pa iyon kaysa tanungin niya ako ng ganito at maghihintay ng sagot. Umaandar ang pagiging dalagang pilipina ko at nakikipagdigma sa kalandian ko.

"We will just sleep...I-I will not do something inappropriate." Saad naman niya ulit dahil nakikita niya ang reaksyon ko. Ano ba ang ibig sabihin para sa kanya ng inappropriate? Pwede kasing yung inakala niyanh inappropriate ay ayos lang sa akin.

Alessia maghunos dili ka! Isa kang dalagang pilipina! Sigaw naman ng aking konsensya dahil unti-unti na akong napapariwara.

"Hhmm...sige, ayos lang." Naging sagot ko na lang sa kanya at nakita ko naman ang pagliwanag ng kanyang mukha dahil sa kasiyahan. Kung siya nasiyahan, ako naman ay nahiya dahil sa sagot ko. Hindi ko alam kung ano ang dating nun sa kanya. Tunog kaladkarin na ba ako dahil sa pumayag ako?

"We'll sleep in my room then." Saad naman sa akin ni Elijah kaya naglakad na kami patungo sa kanyang kwarto imbes na sa kwarto ko patungo.

Hindi ko alam kung tama ba itong ginagawa ko. I should not sleep with a man, a man who's not even married to me, or the be exact, who doesn't belong to me. But right now, my heart is shouting that this is alright, at least for now. Let me savor the things that I can no longer hold in the future. Ito pala ang pakiramdam na makiamot ng pagmamahal.

Nakarating na kami sa kanyang kwarto at bumulaga ulit sa akin ang karangyaan sa loob. Ang kanyang kwarta ay isang bagay na hindi ko makakasanayan, dahil ito na ang huling pagkakataon na makakatuntong ako sa silid na ito.

"Take a shower first. I'll pick your night dress." Saad naman ni Elijah sa akin. Hindi na ako kumontra pa dahil ayoko ng pahabain pa ang gabing ito. Gusto ko na din magpahinga kaya pumasok na ako sa banyo niya para maligo.

Ito ang unang pagkakataon na makapasok ako sa banyo ni Elijah. It was in deed very big. The toilet was separated and also the jetted tub was inclosed frosted glass. Mabilis ko ng tinanggal ang mga inilagay sa ulo ko at hinubad ko na din ang marangyang damit na suot ko.

Kahit medyo nahihirapan ako ay kinaya ko naman iyon at hindi na kinailangan pa ng tulong. Agad na lumusong ako sa tub, mainit init iyon sa pakiramdam. Wala naman akong balak magtagal dahil maliligo din si Elijah kaya mabilis akong nagsabon at nagshampoo. Agad na nagbanlaw ako at pagkalabas ko ay nakita ko naman na nakalagay ang night dress ko doon sa isang lalagyan sa loob ng banyo.

Hindi ko alam kung kailan ito inilagay ni Elijah dahil hindi ko siya napansin na pumasok. Baka ginamit niya lang ang kakayanan niya para ilagay ito dito sa loob.

Agad na nagbihis na ako at gusto ko naman pamulahan ng mukha dahil pati underwear ay nandoon din. Ibig sabihin, si Elijah ang namili at humawak ng mga iyon. Nakakahiya at nakakailang ngunit pipiliin ko pa ba ang hiya ngayon? I rather wear them than sleep without one.

Manipis na roba ang suot ko, this is how a night dress should be. It's coral red and it suited my skin a lot. Lumabas naman ako ng banyo habang pinapatuyo ko ang aking mahabang buhok at nakita ko naman ngayon si Elijah na nakauot ng itim na roba, nakalugay ang buhok nito at may hawak itong kopita na laman ay alak habang nakaharap ito sa malaking bintana, nakatanaw sa malaking buwan.

He seems to be thinking of something for him to drink at this time. Pero agad naman ako nitong napansin kaya lumingon ito sa akin at biglang sinaid nito ang laman ng kopita. Parang nagulat ito na hindi ko alam ang dahilan.

"I'll take a shower." Saad naman nito at nagmamadaling pumasok sa banyo na kulang na lang ay sirain nito ang pintuan sa lakas ng pagkakasarado nun.

Naiwan naman ako sa kwarto ng nagugulohan dahil sa inakto niya. Kaya imbes na isipin ko ang dahilan ng inaakto niya ay nagsuklay na lamang ako ng aking buhok. Mabilis naman matuyo ang buhok ko dahil kakaiba naman ang mga suklay dito, nakakatuyo ng buhok.

Wala pang sampung minuto at natuyo na nga ang aking buhok at hindi pa rin tapos si Elijah sa pagligo. Kaya naman ay pumanhik na ako sa kanyang malaking pulang kama. Pagkaupo ko pa lang ay sobrang lambot nun na pakiramdam ko ay nakaupo ako sa ulap. The bed is so velvety under my palm. Kaya naman ay humiga na ako at nagkumot.

Balak ko pa sanang hintayin si Elijah ngunit hinihila na ako ng kaantokan kaya hindi ko na namalayan na nakatulog na pala ako at hindi ko na alam kung kailan natapos si Elijah.

Nagising na lamang ako ng mag-isa pa rin sa higaan. Hindi ko alam kung tumabi ba si Elijah sa akin o hindi. Sa sobrang pagod ko kagabi ay ang lalim na ng tulog ko at hindi ko na namalayan ang mga pangyayari.

Bumangon naman ako at nagulat pa ako dahil nakaabang na si Estrebelle. Nandito siya sa loob ng silid ni Elijah.

"Lady Alessia, magandang umaga po." Bati niya sa akin na nagpakunot naman ang noo ko. She's calling me lady. That's a title for someone who's related to the prince especially, a candidate for consort.

"Lady? I'm not a lady, Estrebelle. Just call me Ales." Usal ko sa kanya at bumangon na ako.

"Sumusunod lang po ako sa patakaran. Ito po ay kautusan ng mahal na hari, Lady Alessia." Sagot naman niya sa akin na ikinabuntong hininga ko naman.

"Nasaan ang mahal na hari?" Tanong ko naman sa kanya at pinagpasyahan na lang na huwag pansinin kung ano man ang tawag niya sa akin. Naiintindihan ko naman na sinusunod niya lang ang kung ano man ang inuutos ni Elijah.

"Nasa labas na po ang mahal na hari at inihahanda po ang lahat. Kayo na lang po ang hinihintay." Saad naman niya sa akin kaya para naman akong binuhusan ng malamig na tubig dahil sa sinabi niya.

Ako na lang ang hinihintay at nakakahiya iyon kung hindi sila makausad dahil wala pa ako. Kaya mabilis na akong tumungo sa banyo at mabilis na naligo. Isa na ito sa pinakamabilis na pagligo na nagawa ko sa buong buhay ko. Naranasan ko na ang maligo sa loob lang ng tatlong minuto.

Agad na nagbihis ako ngunit pinagsuot ako ni Estrebelle ng pantalon at isang makapal na mahabang manggas na pang-itaas. Napakunot noo naman ako dahil ngayon lang ako nakakita ng ganitong estilo dito sa Valeria. This is somehow, westernized clothes.

"Bakit ganito ang damit?" Di ko mapigilan na tanong kay Estrebelle dahil sa damit na nakahanda.

"Ito po ang kasuotan sa Mythion, Lady Alessia. Tag lamig din po doon ngayon kaya magsusuot po kayo ng makakapal na kasuotan maliban po dito. Hindi din po pabor kung ang susuotin niyo po doon ay ang kasuotan natin." Paliwanag niya sa akin.

Kagaya pala ito ng Waldorf na iba din ang kasuotan. Hindi ko din inasahan na tag lamig sa Mythion. Ang iniisip ko dito ay katulad lang ito sa Valeria. Hindi ko pa naranasan ang winter, kakayanin ko ba? Hindi ko talaga pinangarap na pumunta sa mga malalamig na lugar. Maganda lang tingnan ang winter, ngunit hindi ito masarap sa pakiramdam. Kung hindi ka sanay sa malamig na klima, napakahirap nun. At para sa akin na nabuhay sa tropical country, alam ko na magiging mahirap ito.

"Sige, kailangan ko ng makapal na coat." Saad ko naman sa kanya at tsaka nagsimula na akong magbihis. Naging abala naman si Estrebelle ngayon sa pagkuha ng coat na maaari kong gamitin ngayon. Nakita ko naman na kumuha si Estrebelle ng itim na fur coat na pakiramdam ko ay mula ito sa isang malaking oso sa kapal.

"Ito po, lady Alessia. Makapal po siya ngunit medyo may kabigatan po siya, ayos lang po ba ito sa inyo?" Turan sa akin ni Estrebelle.

Inayos ko muna ang pagkakaipit ng pang-itaas na damit ko sa pantalon. This is a high waist pants and I look like a retro style model in this outfit. Lumapit naman ako kay Estrebelle at tiningnan iyon. Totoong may kabigatan nga ang coat na ito, ngunit nasisiguro ko naman na hindi ako masyadong lalamigin pagdating sa Mythion. The thickness is enough for me not to get hypothermia.

"Maayos na yan. Sa Mythion ko na ito susuotin." Saad ko naman kay Estrebelle. Ayoko naman suotin na ito ngayon din dahil hindi nga ako magkakahypothermia, ngunit ma hi-heat stroke naman ako.

"Sige po. Ako na po ang magdadala. Aayusin ko na po ang buhok niyo." Saad naman niya sa akin kaya umupo na ako sa harap ng salamin. Alam ko na nagmamadali ako ngunit hindi papayag si Estrebelle na aalis akong hindi maayos ang itsura.

Agad na sinuklay niya ang aking buhok hanggang sa natuyo na iyon. Ginawa niya itong pony tail na pabor naman sa akin. Nilagyan niya ng kolorete ang mukha ko pero hindi naman iyon makapal.

Mabilis na natapos iyon kaya naman ay lumabas na kami. Hindi na ako nagtanong kung nasaan ang mga gagamitin ko dahil alam ko na nakahanda na din iyon. Elijah is too thoughtful about my wardrobe.

Naglakad na kami palabas ng palasyo papunta sa likod kung saan nandoon ang sasakyan namin sa himpapawid. Until now, it is still unbelievable that their ships are sailing in the sky, not on the water.

Alam ko na hindi pa rin naaayos ang Armageddon kaya inasahan ko na iba ang sasakyan namin. Tama nga ang inasahan ko dahil iba ang sasakyan namin. It's a black ship with red sails and canopy. Tatlong barko ang nandoon at mukhang para sa mga sentinels ang dalawa. Elijah is bringing a larger troupe right now than we previously had in Waldorf.

Nandoon din si Sushi at nakasakay na ito sa barkong tila sasakyan namin. Ni hindi ako nito pinapansin na hindi ko na naman alam kung bakit. This necromancer is switching moods from time to time.

"Sweetheart, good morning." Biglang bati naman sa akin ni Elijah na hindi ko napansin dahil ang atensyon ko ay nasa barko. Humalik ito sa aking pisnge na ikinapula ko naman at mabilis akong napatingin sa paligid namin na...hindi naman kami pinapansin o tinitingnan man lang.

"Magandang umaga din." Sagot ko naman sa kanya. These people, they are professional when it comes to this. This is how exactly the subordinates acts when the king is doing something—something that they should not see. "Patawad kung ngayon lang ako nagising." Saad ko na lang dahil tirik na tirik na ang araw at hindi pa kami nakakaalis.

Ngumiti naman si Elijah sa akin. "Maayos lang iyon, hindi talaga kita ginising dahil alam ko na pagod ka sa ginawa natin kagabi." Sagot niya naman sa akin.

Napaubo naman bigla si Stefano kaya pinigilan ko naman ang sarili ko na mabulunan kahit wala akong kinakain. Elijah's statement can be misleading. May ginawa kaming dalawa kagabi, iyon ay ang blessing of the moon. But someone might be interpreting it in a different way.

"Medyo napagod nga ako sa paglilibot natin kagabi sa Valeria." Gusto ko iyon ipagsigawan para wala silang maisip na kung ano dahil sa sinabi ni Elijah.

"Oh." Reaksyon naman ni Stefano. "Ang liwanag pala ng kalangitan." Saad nito na tila may kausap na kung sino. Pero alam ko na nakikinig lang ito sa amin at reaksyon niya ay patungkol sa nagiging sagot ko.

"Dapat na siguro tayong umalis dahil ang inosenteng kalangitan ay napapansin na si Stefano. Baka sa susunod, ang nananahimik na damo na ang makita niya." Sarkastikong saad ko naman kay Elijah at sinadyang lakasan iyon para marinig talaga ni Stefano.

Napangisi naman si Stefano na tila inaasar pa ako nito. Parang wala lang nangyari. Parang kahapon lang, namutla na ito dahil sa kagagawan ng kanyang nanay. Ngayon para ng tanga.

"Alright, let's go. Natalia is already expecting for our arrival today. Better to travel now." Saad naman ni Elijah at inalalayan na niya ako paakyat sa barko para makaalis na kami.

©️charmaineglorymae

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status