Share

Chapter 5

Alessia's POV

"THIS will be your room, King Elijah." Nakangiting saad naman ni Natalia na personal na inihatid pa ito sa magiging kwarto. Nasa tapat kami ng pintuan ngayon ng kwarto at ni isa sa amin ay walang nagsasalita.

Itinuon ko na lang ang pansin ko sa disenyo ng pintuan at nagpanggap na lang ako na walang napapansin. Alam naman ng lahat na gustong gusto ni Natalia si Elijah kaya hindi na iyon nakakapagtataka pa. Mas magtataka ako kung hindi personal na gagawin iyon ni Natalia.

Hindi rin ako nakakaramdam ng selos dahil na rin sa wala naman ginagawang kaselos selos si Elijah. Kahit hindi na ako magtanong pa, alam ko na walang gusto si Elijah kay Natalia kahit sabihin pa na gustong pakasalan ni Elijah noon si Natalia.

Masasabi ko na political marriage iyon at hindi marriage because of love. Sa hinaba haba ng panahon ni Elijah na nabuhay sa mundo, mahirap na sa kanya ang magkagusto sa isang babae. Dahil kung nagkagusto na siya, malamang may asawa na ito—teka, paano ako nakakasiguro
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status