Share

Chapter 4

Lunes, maagang silang umalis ng bahay ng Tiyang Alice niya para kumuha ng panindang isda. As usual, ingay ng mga tao sa bulungan.

Pero iba ang umagang iyon. Lahat ng tao ay nakatingin sa may gilid niya. At parang sinisilihan sa pwet ang mga kababaihan sa kilig. Kahit si Aling Berta ay nagpapa-cute din. Napailing na lang siya sa itsura nito. napangiti sa ikinikilos nito.

Iniabot niya rito ang batya para ilagay mga nakalistang isda ng Tiyang Alice niya. Hindi nito siya pinansin bagkos ay ang nasa tabi niya.

“Oy, pogi! Dayo ka lang dito? Anong gusto mo sa paninda ko? Pili ka na at ipaluto mo na lang. Maraming magagaling magluto dito!” Sabay abot ng maliit na lagayan dito.

Nilingon ang tinutukoy ni Aling Berta. Napakunot abg noo niya at inisip kung saan nakita ang lalaki.

Bigla siyang kinabahan at mabilis na tumibok ang puso niya. Nakasuot ito ng maong na pantalon na sadyang nilagyan yata ng hiwa sa mga hita at binti saka nakasando ng puti. Naka-bota rin ito at nakatingin sa gawi ng madaming seafoods at sa mga magagandang isda pinipili nito.

Napakagwapo niyang kumilos. Parang bigla ay nalagay sa kaniya ang spotlight at bawat kilos nito ay nakatingin ang mga tao.

Napatanga siya rito. May kung anong damdaming pinupukaw ito sa sibsib niya.

“Hi, pogi! Dito ka na bumili. Maraming pagpipilian dito at pwede ring lutuin ko para sa iyo!” sigaw ng isang dalaga sa likod niya.

Kilala niya ito. Ang babaeng literal na palengkera. Sa dami nitong tsimis sa buhay, hindi matatapos kahit maghapon itong kausapin.

Binangga siya nito sabay simangot. Kaya umatras siya nang bahagya. Kapag may mga bagong turista doon, ito agad ang sumasalo at mahilig umagaw ng mga eksena, katulad ngayon na sa tinda na ni Aling Berta namimili ang lalaki ay bigla itong sumulpot.

“Betsay, dito na siya namimili, ’di ba? Bumalik ka sa pwesto mo!” sigaw ni aling Berta.

Napangiti siya at nilingon ang lalaki, pero bigla siyang kinabhan dahil nakatitig ito sa kaniya. Nakakunot ang noo nito.

Ibinalik niya ang tingin kay Aling Berta. Nahihiya siya sa nangyari kahapon. Oo, hindi siya nagpasalamat. Pero naisip niya rin, bakit naman siya magpapasalamat?

Nakita niyang umismid si Betsay at humarap sa kaniya. “Ikaw, anong ingini-ngiti mo dyan? Tabi nga!” Bigla siyang itinulak nito saka umalis.

Nabigla siya sa pangyayari. Napapikit siya at hinintay na lang na bumagsak ang kaniyang katawan sa malansang sahig pero naramdaman niya ang isang kamay na humawak sa beywang niya. Nakasandal siya patalikod sa kung sino mang nagligtas sa kaniya. Nakiliti pa siya sa hininga nito na nasa malapit sa tainga niya.

“Enjoying the moment, hmm. . . ?” bulong nito at yumakap nang mahigpit sa beywang niya.

Mabilis siyang kumawala rito. “Kapal ng mukha mo, Mister!” Handa na niya itong samapalin pero bigla niyang narinig ang boses ng tyang niya.

“Anong nangyari dito at narinig kong sumisigaw si Betsay?” anang Tiya Alice niya.

“Naku, siya itong bigla na lang dumating dito at nanggulo. Itinulak pa niya itong si Isabella, buti na lang at naagapan ng poging ito, Alice,” sumbong ni Aling Berta.

Napatungo siya.

“Sa susunod na gawin niya ’yun may paglalagyan na siya,” dagdag pa ni Aling Berta.

Narinig niya napabuntonghininga ang tiya niya.

“Oh, siya, kunin ko na ito at aalis na kami. Maraming salamat sa ’yo, hijo.” Nilingon ng tiya niya ang lalaking nasa harap niya. Ngumiti lang ito.

Marunong pala itong ngumiti, kasi kung tingnan siya nito ay para siyang kakainin ng buhay.

Umirap siya rito at sumunod sa tiya niya.

Maagang naubos ang paninda nila nang araw na iyon kahit hindi maganda ang umaga niya. Maaga pa at makapagluluto pa siya ng pananghalian nila ng tiya niya.

Mabilis siyang pumasok sa munting kubo nila at naligo nang mabilis. Pakiramdam niya sobrang init at amoy isda na siya. Ang tiya niya naman ay nagpapahinga sa upuang kawayan nila sa labas.

Paglabas niya sa banyo ay nakita niya na may kausap ito at parang enjoy na enjoy sa kwentuhan. Masayahin naman talaga ang tiya niya at pala-kaibigan.

Nagsuot lang siya ng short at manipis na sando at naglagay pulbo. Hindi na siya naglagay ng lipstick dahil mas gusto niya ang natural lang saka mahal ang lipstick. Iipunin na lang niya ang ibibili niyon para sa pag-aaral niya.

Kumindat siya sa salamin pagkatapos. Hindi na niya kailangan mag-eyebrow dahil maganda na ito. Umikot-ikot siya sa harap ng salamin. Kaunting ipon na lang at makapag-aaral na siya.

Kumakanta-kanta siyang lumabas sa kwarto at dumeretso sa kusina. Nagulat pa siya sa dami ng pagkain na lulutuin nila.

Nagtaka siya. Wala namang handaan pero bakit andaming kailangang lutuin?

Magsalita pa sana siya nang bumukas ang bintana. Sumungaw ang tiya niya mula roon.

Napasigaw siya sa gulat.

“Nakow! Ikaw talagang bata ka! Iabot mo nga ’yang ihawing isda. Magsaing ka na at lutuin mo na ’yang hipon at pusit. ’Yung mga shell ay hugasan mo at isigang mo na din,” utos nito na nakangiti. Inabot niya dito ang isda.

“Bakit kasi bigla po kayong lumabas dyan tiyang? Teka po, bakit ang dami nating panghalian?”

“May lumapit dito na nagtanong kay Berta kanina at gusto raw magpaluto. Ikaw ang inirekomenda niya, kaya huwag mo siyang ipahiya, anak. Ako na ang mag-iihaw nitong isda,” sagot ng tiya niya.

Sanay naman siyang magluto at alam ng mga taga-isla na isa siya sa masarap magluto roon. Iyon ’ata ang namana niya sa nanay niya.

Ngumiti siya sa Tiyang Alice niya. “Chicken lang ’yan, Tiya Alice! Sige po, at aayusin ko lang. Basta malaki ang bayad at tip.” Kumindat siya rito. Natawa lang ito.

“Sige na at bago mag-alas-dose ay nandito na ’yun para mananghalian. Ihanda mo na lang sa mesa sa labas. Mahangin doon sa may puno talisay.”

“Opo!” Masigla niyang inayos ang mga lulutuin: buttered shrimp at adobong pusit. Isinalang niya naman ang mga shell sa isang kaldero.

Saktong alas-dose nakahain na lahat. Sinamahan na niya ng kaunting prutas at buko juice iyon.

Tiningnan niya ang ginawa. Napangiti siya. Sana magustuhan ng turista na iyon ang ginawa niya para malaki ang bayad pandagdag ipon.

“Perfect!” palatak niya. Tatawagin na sana niya ang Tiyang Alice niya para dalhin ang inihaw na isda nang may magsalita sa likuran niya.

“That’s it?”

Bigla siyang kinabahan. Kilala niya boses na iyon. Pangatlong beses na nag-e-echo sa isip niya ang sinabi nito noong nasa palengke kanina.

“Hindi. Guni-guni mo lang ’yun, Isabel,” bulong niya sa sarili. Pumikit siya at humarap sa likuran.

“Oh, ’di ba, Isabel, guni-guni mo lang—” Naputol ang sinasabi niya dahil ang nasa harapan niya ay ang lalaki sa palengke kanina.

“Is that how you treat the tourist like me?” Nakakunot-noo ito. Tiningnan siya nito mula ulo hanggang paa. Umismid ito sa kaniya.

“Wearing shorts and thin sando while entertaining?” seryosong sambit nito.

Napikon siya. Ano ba’ng masama sa suot niya at ano’ng pakialam nito? Bigla na lang ito susulpot at sabihan siya ng ganoon.

“Mister, excuse me lang, ah. Bigla kang lilitaw sa harapan ko tapos, iinsultuhin mo ako? Pwede ba, umalis ka na? May turista kaming darating. At kung ano man ang sadya mo, wala akong maitutulong.” Tumalikod na siya rito, ngunit may naalala siya. Muli siyang humarap sa lalaki. “At isa pa, huwag mo akong ini-English-English!” ismid niya rito saka ito inwan. Nakasalubong niya ang tiya niya.

“Ikaw na magbitbit ng sawsawan nitong inihaw. Sumunod ka na kaagad at baka andyan na ’yung kakain ng niluto natin,” saad nito.

Paglabas niya, nakita niya ang lalaki na nakangiti at nakaupo sa upuang kawayan nila.

Talagang iniinis ako ng isang ito. Sinusundan ba niya ako? bulong niya sa sarili.

Biglang lumapit tiyang niya.

“Hijo, andyan ka na pala. Bakit hindi mo dinala ang upuan sa lamesa, anak. Naku nakakahiya naman sa kaniya,” sabi nito.

Napanganga siya at muntik nang mabitawan ang mangkok na dala niya.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status