YUMI
“Ice?” tanong ni Sir Rex sa akin na parang naniniguro kung tama ang narinig niya na pangalang binanggit ko.
Tumango naman ako na nakalabi pa kasi… kasi hanggang doon lang ang naalala ko.
“You know the man’s nickname? That’s quite interesting…” sabi pa ni Sir Rex na parang may kung anong lumalaro sa isipan niya.
Isidro? So iyon pala ang pangalan ng lalaki… Ang pogi tapos Isidro? Nagsalubong ang mga kilay ko. Ang pangit kasi ng name.
Pero teka… parang ang pogi nga pala ng name na Isidro. Parang ang sarap. Bakit ngayon ko lang naisip ‘yon?
I shrugged my shoulders at tiningnan muli ang picture ni Ice. May kung ano akong naramdaman sa puso ko habang nakatingin sa picture niya.
Panghihinayang.
Pero… pero para saan? Bakit?
“Ano pa ang ibang naaalala mo?”
Napatingin ako kay Sir Rex, at napakamot na naman ako sa leeg ko. Bakit ba ang dami niyang tanong na parang interesado siya kay Isidro?
I put my hand in my mouth, gasping. OMG! Ang gwapo ni Sir Rex pero mukhang may crush kay Isidro. Hala…
“May naalala ka na bang iba? You know his nickname. It means you were close to him before. He cannot be called by his nickname, Ice, by people he didn’t allow.”
Napanganga ako sa sinabi ni Sir Rex. Naging malapit ako kay Ice? True kaya? Echosero naman itong boss ko. Baka hindi naman… baka ano lang… baka…
“Try to remember more, Yumi.”
“Baka po naging boyfriend ko…” patsamba ko na naman na sagot. Bahala na magselos si Sir Rex kung may gusto rin siya kay Isidro. Dami niyang tanong at natatakot ako sa style niya makatingin.
Napasulyap na naman tuloy ako sa painting ng magandang si Mirabella. Alam kaya ni Mirabella na bisexual si Sir Rex kaya niya iniwan? Ang sabi ng mga tsismosang katulong ay tumakas si Mira sa villa noon kung saan siya itinago ni Sir Rex kay Ma’am Julianna. After ni Mirabella tumakas ay nabalitaan na nga na na-deads dahil nasama sa eroplano na sumabog.
At kaya rin pala kahit gaano kaganda ni Madam J ay hindi magustuhan ni Sir R, now I know the reason. In love si Sir R sa ex ko na si Ice. Oo, ex ko na iyon kahit hindi ako sure. Hindi naman siguro niya sasabihin ang palayaw niya na Ice sa akin kung hindi naging kami.
Yeah! My Ice Ice Baby… I giggled.
“Magseryoso ka nga sa mga sagot mo, Mayumi!” Asar na pinukpok ni Sir Rex ang mesa niya.
Napalunok ako. I checked the table, matigas iyon. Hindi man lang nasaktan? Mutant yata ito. Bisexual na gwapong mutant. Muli ay napangiti ako.
“Yumi, umayos ka nga! Kanina ka pa!”
“Se—seryoso naman po ako sa sinabi ko. Baka lang naman… Hindi ko rin kasi maalala tapos sabi niyo hindi niya ‘yan pinagkakalat ang nickname niya na Ice, kaya ayun at akala ko baka naging jowa ko,” I tried to explain kahit lalo nang sumasama ang tingin niya sa akin. Napatingin ako sa painting ni Mira at kung pwede lang ako magpatulong sa kaluluwa ni Mira ay ginawa ko na.
“This convo is turning nonsense.” Badtrip na bulong ni Sir Rex.
Napasulyap naman ako ulit kay Sir Rex. Medyo nag-iba na ang tono ng boses niya ngayon. Baka kaunti na lang at bati na kami.
“S-Sir Rex, kung c-crush niyo po si Ice ay okay lang naman po sa akin. Wa—”
“What the fuck, Mayumi!” Sir Rex bolted, and I immediately picked up his gun on his table and stepped back like I was readying to fight back and shoot him if he attacked.
Sir Rex was just staring at me coldly, na parang wala man lang kapaki-pakialam na nakatutok ang baril sa kaniya.
Baril? Bakit ako may hawak na baril? Napahinto ako dahil sa gulat ko at nabitawan ang baril ni Sir Rex. Huli ko na naisip na mali ang nagawa ko at kung bakit naman kasi may baril sa mesa niya ang hindi ko maintindihan…
I gulped. Paanong—-?
Napailing ako. Natakot lang ako kaya kung ano na agad ang nagawa ko. Iyon ang sure na reason.
Napatingin akong muli kay Sir Rex at naguguluhan kung bakit nakatitig lang siya sa akin. Parang may kung ano siyang iniisip na… na hindi nakakatuwa.
Oh no! Napangiwi ako. Mawawalan na yata ako ng trabaho sa ginawa ko sa boss ko. Pero tinakot niya kasi ako. Nagagalit siya pabigla-bigla tapos tumayo siya kaya akala ko sasaktan niya ako.
I was still in daze and still thinking kung paano magpapaliwanag nang natawa ng mahina si Sir Rex at napailing. Ay, baliw na yata! Sayang naman…
“Nice! Do you remember everything now, Mayumi?” nang-aarok ang tingin na tanong niya.
Umiling lang ako at dinampot ang baril na nabitawan ko. Ano ba kasi ang kailangan kong maalala? Kanina pa ulit-ulit… ang kulit!
“Sorry po.” Lumapit ako muli sa desk table niya at ipinatong ang baril doon.
“You must remember, Mayumi! You know how to use a gun, it means you didn’t forget your skills.” Kinuha ni Sir Rex ang baril na ibinalik ko sa ibabaw ng mesa niya. “See how fast you cocked this gun?” Sir Rex smirked. “You’re a pro, Mayumi. Ang kailangan lang talaga ay makaalala ka. At sana maalala mo na ang lahat bago ka pa nila mahanap.”
Umiling ako. Ano bang pinagsasabi nitong boss ko na kailangan kong maalala? Kahit nga ako sa sarili ko ay nagtataka na ilan lang ang naaalala ko. At sinong naghahanap sa akin? Magulang? Asawa? Boyfriend? Tropa? Sino? Baka iyong nagsabi na kapatid ko siya pero wala akong tiwala do'n. Ayoko sa taong ‘yon!
“Wala pa rin akong maalala," wika ko. "Sorry po. Hindi ko rin alam kung ano ang nangyari sa akin. At kung bakit ko alam na Ice ang name niyang crush niyo ay—” Naputol ang sinasabi ko sa masamang tingin ni Sir Rex. In denial pa yata. Napalunok ako. Gwapo nga pero nakakatakot. “B-Basta po iyon lang ang sinabi niya sa akin na name niya. B-Baka po naging kaklase ko siya dati. I suffer concussion before as what I was informed. T-That is also the reason probably so I can’t remember everything from the past. Baka po kapag gumaling na ang utak ko eh maging o-okay na.”
“So you admit that you have amnesia?”
Amnesia?
Amnesia nga ba ang sakit ko?
Pero… naalala ko man ang pangalan ko at saang bansa ako nagmula. Ngayon ay naalala ko pa si… Ice. Si Ice na pogi na crush ni Sir Rex na pogi rin. Ngumiti ako sa naisip ko at nang mukhang papatay na si Sir Rex nang tingnan ko ay iniyuko ko na lang ang ulo ko.
Bakit ko pa ba kasi nasabi iyong concussion na naisip ko? Kung ano-ano na talaga nauungkat ni Sir Rex itanong. Okay lang naman sana kasi kung may alam akong isagot kaso wala.
Huminga muna ako ng malalim habang nag-iisip. Sinalubong ko ang tingin ni Sir Rex nang maisip ko ang mabilis na pagkuha ko ng baril kanina, pagkasa at pagtutok sa kaniya. Nagawa ko nang mabilisan at nakakapagtaka nga. Pero… marami na rin talaga akong ipinagtataka sa sarili ko nakaraan pa. Kahit kasi nakakaramdam ako ng nerbyos kaharap itong boss ko ay parang balewala sa akin at nagagawa ko pang makipag-usap at mag-self-defense pa nga.
I know this is not normal about me. Ever since ay napapansin ko na rin… and the way I handled my emotion and my reflexes ay weird nga kasi— I have some movements na hindi ordinaryo para sa gaya kong pag-aalaga ng bata ang trabaho.
“Hindi ka na naman sumagot…” napapailing na sabi ni Sir Rex.
“Hindi ko po kasi alam ang sasabihin ko. Maniwala po kayo na wala akong mahanap na sagot sa isip ko kaya kahit ako ay… kahit ako ay naguguluhan, Sir Rex.”
Tinitigan na naman ako ng gwapong bisexual na parang nauubos na ang pasensya. Kasalanan ko ba na wala akong maalalang iba?
Iba talaga makatingin, nakakatakot pero dahil ang pogi ay okay lang.
‘Sige pa, titigan mo ako. Sunod ‘yan ay crush mo na ako.’ I smiled with my inner thoughts.
“You can go back to Reign, Yumi.” He dismissed me.
Tumango lang ako. Tumalikod na at humakbang nang…
“Hugo!”
Mabilis pa ako sa alas-kwatro na lumingon. “Yes, sir?”
Hindi naman nagsalita si Sir Rex. He smirked at nagtaka ako. Tawag-tawagin ako tapos ngingisi-ngisi. Sabi magseryoso pero siya ang malakas ang trip. Pasalamat siya at boss ko siya kung hindi ay—-
“Do you remember that you are Hugo? Now, this is somehow amusing. Isn’t it, Mayumi?”
Doon nanlaki ang mga mata ko. Napahakbang ako paatras. Pinagpapawisan ako ng malamig dahil sa sinabi ni Sir Rex. Bigla ay parang umiikot ang paningin ko, nahihilo ako at nasusuka. I fell on the floor.
May kung anong alaala ang pumapasok sa isip ko pero pilit kong nilalabanan na huwag hayaan na guluhin nila ang kapayapaan ng utak ko.
Hugo?
Hugo.
****
“Hugo!”
“Hanggang ngayon ay palpak ka pa rin sa arnis! Paano kung katana na ang kaharap mo?! Sa arnis pa lang hirap na hirap ka na?!
“Ang sabi ko ay aralin mo ang mabilisan na pagkasa at pag-dismantle ng baril! Tigilan mo ang panonood lang sa mga kasama mo!”
****
My eyes turned blurry as childhood memories returned to me now.
Hugo. Ako nga si Hugo.
Pero bakit? Bakit ako lagi napapagalitan ng nanay ko? At kung ako si Hugo ay bakit Mayumi ang pangalan na naalala ko?
I am blinking as other flashes of memories enter my mind now.
Oh, God! Oh, God!
I think… I think I am getting the idea now.
Yeah! I remember them… and I am gonna screw them all!
ICE I emptied the whiskey in my goblet and followed Trace and Atlas after they left me in the study alone. I walked to the hallway while glancing at the lifesize portraits of the Ferreiras and Silvas family members along the way. My image was there too, same with Trace and his sister Paige, Atlas and his twin Althea, in the counterpart of the Silvas, Hail and Brix portraits can be seen too. As I entered the conference room, all their eyes looked at me. Everyone is waiting for me, obviously. I stepped in boringly. “Mabuti at nandito ka na, hijo.” Mama said and I smiled at her. She used the Filipino language so only a few could understand. Ganoon naman niya ako kausapin kapag kaming dalawa lang talaga. That is a certain fact of being someone with Filipino blood, kahit saan yata makaabot ay lalabas pa rin ang pagiging Filipino. I am not good in accent of the language but I can comprehend and speak fluently. Being raised in this kind of family, we need to be linguist. Hindi nga lan
YUMI Six months na mula nang araw na iyon… mula nang araw na bumalik sa alaala ko ang lahat dahil kay Sir Rex, dahil sa pagtawag niya sa akin ng Hugo. I crossed my brows as I frowned. Ako si Hugo… ang tinatawag ding Agent H sa grupo ng mga Sicarius ng Incognito. Since I went missing, ano ang dahilan at hindi nila ako hinanap? Imposibleng hindi nila alam na buhay ako. That night… Nasa alaala ko na ang lahat… Of that tragic night! Si Liza Pratts… ang anak niyang si Libby at apong si Millie… pare-pareho silang hindi ko nailigtas at si… si Isidro Andrade, ang asawa ni Libby, iyon ang pangalan niya na ayon lang sa impormasyon mula sa ipinadalang file sa akin ni Helio nang gabing iyon. Isidro Andrade. I smirked sadly. Nagtago pa siya sa Andrade na apelyido. Hindi na lang pinalitan nang tuluyan ang buong pangalan, kung gustong mamuhay na malayo sa kinalakihan niya. He should not used Andrade at baka hindi pa na-trace kung sino siya, baka hindi pa nadamay ang mag-ina niya. But…
ICE I was staring blankly at the wall. I was like that after reading Lash's information that he messaged me. After the chaotic annual meeting ay hindi ko pa rin napigilan si Lash sa pagsama kay Trace sa Pilipinas, and as I heard, as of now ay natagpuan na niya ang pakay niya roon. I breathed out harshly sa asar sa dalawang pinsan ko. That message is taunting me. Atlas sent that to inform me na natulungan na siya ni Trace after just months staying in the Philippines. It was like telling to my face na malaki ang nagawa ni Trace for him samantalang ako ay hanggang ngayon nag-aalangan pa sa pagsama sa Foedus, na sana ay siya na lang ang alukin ng membership. A knock on the door made me take a glance at it. I stood up and opened it. I am expecting some contacts to be here at this moment. “Hi, Sid…” a beautiful woman greeted me with her seductive smile. She is wearing her dark red fitted dress. Tube-like design, and without her blazer, her boobs look like they are getting out of her d
YUMI I need to find Ice, at sa ngayon ay ang lalaki sa harap ko ang tanging pag-asa ko. Yes, I know na si Sir Rex lang ang pwedeng makatulong sa akin lalo na at siya na ang may sabi na associate ng grupo niya ang mga taga-FSO. Rex Pellegrini, the mafia king of his clan. That is all I remember from the file I read years ago in Incognito. Nandoon ang file ni Sir Rex pero nakalagay lang sa archive. “Incognito…” bulong ko sa pangalan ng organisasyon namin. Hindi ko alam if may idea si Sir Rex sa grupo namin lalo na at hindi naman kami considered na mafia organization. We are just working for mafias, syndicates, mobsters, terrorists or even the government as long as they give a reasonable price to offer Helio. We are assassins and sometimes... mercenaries. “Incognito indeed.” Sir Rex boringly tapped his left hand's fingers on his desk while leaning on his swivel chair. “What about that group?” “I was raised by that group and—” “Trained. Punished. Tortured. What else?” “I hate the
ICE Habang nililinis ng mga tao ko ang loob ng apartment ay nag-uusap naman kami ni Kyle, ang hacker na sinasabi ng contact ko kanina na dapat kong makausap. Siya ang hinihintay ko kanina pa, but Avery disturbed the moment. Thinking of Avery ay nilingon ko siya at saktong nasa body bag na. Mukha na lang niya ang nakikita ko. I supposed to offer her money para magsalita pero inuna niya ang pagka-loyal niya sa Incognito. But thanks to her at binigyan niya ako ng dahilan para maging interesado pa lalo sa Incognito. I am interested more because I wanna know who is Hugo at bakit ako pinagbibintangan na nagtatago sa kaniya. “Boss, check this one.” I checked the file in Kyle's tablet that he is showing me. Binasa ko ang mga nakasulat doon na kung ano-ano, mga tungkol sa mga nakalap na information sa taong tinutukoy. I scanned it all. Iba-ibang mga lugar at personalidad ang naging trabaho na ng taong pinapabasa sa akin ni Kyle. Muli kong ibinalik sa pinakataas na naka-highlight ang tingi
YUMI“Did Ice know that you have a son?” A question from Sir Rex that made me stunned for a while. “No.” I sighed sadly. “Hindi niya nalaman na buntis ako noon.”“Why?” Napatigin ako kay Sir Rex. Gusto ko sana siyang biruin na tsismoso niya naman kaso baka matuluyan ako. Pinigilan ko na lang mapangiti isipin na ang pogi ni Sir Rex pero tsismoso. “Why?” muli ay tanong niya. “I left him and I know he still believes I am dead as of now. Hindi naman niya siguro ako nakilala that night. Hindi naman niya siguro alam na ako ang nagligtas sa kaniya. But I remembered that he tried to point his gun on me, bago siya nawalan ng malay.”Thinking of the night after the bombing made me sad. Kung hindi pala ako naunahan sa pagbaril kay Ice ng mga Italiano na iyon ay baka ako pa pala ang nakapatay sa ama ng anak ko, sa lalaking kaisa-isang minahal ko. “Incognito made you left him?” tanong naman ni Sir Rex na nagpangiti sa akin. Buti na lang pogi itong boss ko kaya okay lang na tsismoso. Ngiti
ICESo Incognito knows my involvement with their top agent… Their top agent, which I have no idea about, was Hope. My first love. The woman I first think of starting a family. We may be young then, but we were in love. I love her truly, and so she does love me in return. But what if... it was just a lie, or just what I thought... Muli kong naalala ang pagluluksa ko kay Hope noon. Naalala ko ang ilang beses kong pag-iyak at pagsisisi kapag ako lang mag-isa at naiisip ang nangyari sa kaniya. Siya ang dahilan kaya naisip ko na maging simple ang buhay namin ni Libby. Si Hope ang dahilan kaya naisip ko na para hindi matulad sa kaniya si Libby ay magsisinungaling ako tungkol sa tunay na status ng buhay na mayroon ako.And now, Libby died miserably kasama si Millie, at ang anak namin na hindi pa lumalabas sa mundo… now that they died ay malalaman ko na buhay si Hope. And her work... Hell!!!Napapikit ako. That is why Avery was using her body to lure me, para mahanap kung saan ko tinatago
YUMI Three months had passed at sabi ni Sir Rex ay kailangan niya pumunta ng Austria. I heard them talking. May kausap siya, mga tao niya at pasimple lang akong nakinig dahil tumutupad ako sa usapan namin na magpapanggap lang akong walang naaalala. Iyon ang usapan para masiguro na hindi ako pag-iinteresan muna ng Incognito. Ang sabi ni Sir Rex ay kahit siya hindi maintindihan ang plano ng Incognito, kung bakit pinapatagal pa nila ang pagsugod sa akin. And then I said baka dahil kay Ice… probably they want me to get back to Ice first. So ganito na nga lang muna ako. Pretending just a stupid nanny of Baby Reign could make me less targeted. I will remain as Mayumi Lumacad and should forget my name Hugo in Incognito or even Hope. Hindi ako ang mga iyon. Anyway, Mayumi Lumacad is my real name. My true name. Ito ang pangalan na nakuha ko sa orphanage kung saan ako nagmula. Ang pangalan na dahilan para pahirapan ako ni Helio. “Yumi!” tawag sa akin ni Miss Izzy. I faced her. Kung m