Share

Chapter 3: Carbine

Azithere POV

( Just when are you going back? KAmusta na lagay mo? Okay ka na ba?)

Si Tyronne ang kausap ko sa kabilang linya, Nandito parin ako sa kwarto ni Victoria. Kakatapos lang naming maghapunan, sya nasa harap na naman ng Computer playing habang suot ang headphones.

(Kinakausap kita okay ka lang ba dyan?)

" Yes, I am Fine"

( Then it's time for you to go back where you belong.)

" May swero pa ako eh."

(Mukhang okay na okay ka na nga jan, bumalik ka na kasi.)

" Hindi ba ako pwedeng magtagal dito?"

( AZITHERE! You dont know what you've got yourself into. That woman could be in terrible danger because of you.)

Napaisip ako.

" Alright. Sa lunes babalik na ako dyan sa Palawan, I just need to pack my things here in Manila"

( No Mondays. Our leader has to go ASAP besides si Alexander Kahapon pa nakarating dito.DInala na nila ang mga gamit nyo, pati ang pakay nyo kung bakit kayo napadpad dyan sa Manila. Ikaw nalang talaga hinihintay dito and you're not even trying to tell us your whereabouts.)

" Okay okay, I'll go first thing in the morning tomorrow."

( Good.)

*BROWNOUT*

" Damn it, sa lahat talaga ng oras na pwede mag brown out yung nasa climax na yung laro. " Padabog nyang sabi

( Anong nangyayari?)

" Brown out lang." Sabi ko

*(Gunshot sounds)*

Quemerda! Putok ng baril yun

" Just what the hell was that?" anas nya

( "Baril ba yon?")

" Yes. Fuck the house is under infiltration " binaba ko kaagad ang tawag.

" Is it the goons? No it couldn't be. but they could be. I'm pretty sure I did the job properly." May mga sinasabi siya pero hindi ko maintindihan kasi masyadong inaudible at madilim.

Saktong pagbaba ko ng tawag ay may tumawag ulit.

* RIng ring ring*

Akala ko si Tyronne pero unknown number ang naka lagay.

-Calling Unknown number-

" Hello?"

( Ang tagal mong macontact. Alam kong nandyan ka sa taas .Might as well bumaba ka na dyan kung ayaw mong may madamay.)

Crap tauhan ni Dominic to.

Medyo nagulat ako nang may kumulbit sa likuran ko.

" Marunong ka gumamit nito?" si Victoria

Inabutan nya ako ng ,teka baril? Hindi ordinaryong baril kundi isang Assault rifle.

" Hold your horses. Bakit may mga ganyan ka?"

" Don't ask." seryoso nyang sabi at saka binigay sakin ang baril.

Matiim ko syang tinignan kung natatakot sya pero ni bakas sa kanyang mukha ay hindi mo makita

" Kung di ka marunong nyan, I'll do the job."

I grabbed her hand.

" Tori, dito ka lang. "

" I have a better weapon so it's either we kill or we'll be killed." proud na tono nyang sabi.

Nilit up ko ang flashlight sa phone ko at napaubo ako da hawak nya kasi Carbine yon.

" Dito ka lang. Delikado sa baba"

KAsalanan ko to, Bakit pa kasi ako nagtagal dito, Tama si Tyronne , di na ako dapat magtagal dito.

" Oh shut up. "

NAraramdaman ko na ang mga yapak ng mga tao, Mukhang nasa apat o anim sila, Quemerda!

" Maghanda ka ,papasok na sila." sabi ko sabay alis ng swero ko

" You don't have to say it."

Nakarinig kami ng apat na putok. Senyales na gusto nila kaming lumabas.

Dali dali kaming nagtago ni Tori sa may pader na naghihiwalay sa mga computers at sa main line ng kwarto nya

" Son of a bitch that door is fricking expensive!"

" Just shut up for a while. I'll pay for your door." Sita ko

At talagang concern pa to sa pinto nya, habang nasa bingit na nga ng kamatayan ,anu ba naman tong taong to,Walang kinatatakutan.

NAraramdaman ko na ang pagpasok ng mga tao.

I released seven bullets tapos nakiramdam kami.

Napasipol yung kasama ko habang inulhot ang ulo nya.

" You're wasting bullets man. Asintahin mo." bulong nya sakin

Agad kong inilawan ang mga nabaril ko.

may 4 na na nakahandusay sa harap.

" Tori dito ka lang, May hahabulin lang ako. "

Kailangan kong maabutan ang nakatakas na yon, Bago pa nya maleak ang lokasyon ng bahay na to.

Nasa labas na ako, at may naaaninag akong dalawang taong tumatakbo, Nakasisiguro akong mga tauhan na ni Dominic yon, at isa don ang malamang na tumawag sakin.

Inasinta ko kaagad kahit madilim.

Agad kong tiningnan nung alam kong natamaan ko silang dalawa.

MGA tauhan nga to ni Dominic dahil sa mga tattoo nila sa mukha at palad. Siguro naman hindi na nila magagambala ang bahay na to.

Napapiksi ako nang may marinig ako na putok galing sa loob.

Halos liparin ko yung bahay pabalik. Quemerda! TAngina lang bakit hindi ko kaagad naisip na may maiiwan sa loob?

HAlos magkandalipad ako sa kakatakbo, Sumasakit na rin ang Tagiliran ko.

" Victoria!"

" Hey there. Geez hindi manlang ako pinagpawisan. They should send stronger ones the next time." Sabi nya pero ni bahid ng takot ay wala sa mukha nya

-_- Is this girl even human? natuwa pa talaga sa lagay na to?

" Tsk damn I've scattered his brains all over the damn floor !" Sabi pa nya

*Ting!!*

Bumalik na ang ilaw.

Tiningnan ko ang binaril nya na nakahandusay na. Job well done Victoria. You're officially an ASSASSIN.

" Linisin na natin tong kalat natin" sabi nya habang buhat buhat na nya ang dalawang baril papunta sa kanyang secret room na nasa loob ng kanyang wardrobe na sa tingin ko ay taguan nya ng kanyang gamit na hindi angkop sa mata ng nakakarami. This girl is really weird.

She sure is mysterious.

" You're not even one bit scared of what happened?" Tanong ko

Umiling muna sya bago sumagot

"Nah, apart from watching too much action films, gores and exposing myself on the - well nevermind. I'm pretty sure I'm immuned. Besides I think they kinda deserve it. I mean they trespass here. Besides, wala naman sigurong magsusumbong sa pulis ng mga nangyari right?"

" You're really something. Correction, baka ikaw ang tumawag ng pulis." mangha kong sabi

" Sana himas rehas ka na ngayon simula palang kung nagtawag ako diba? You owe me."

" So what should we do sa mga patay? Any ideas? Since mukhang madami kang alam" tanong ko out of the blue

Huminga muna sya ng malalim at saka nagpose na parang nag iisip. Probably some ideas.

" Teka kunin ko lang yung mga Death Bags sa baba, then I suppose ready ka naman to get dirty. Wait me nalang" sabi nya

She's really something.

Interesting.

Agad akong tumalima sa baba, Inuna ko muna ang dalawang nakahandusay pa sa Baba.

Victoria's POV

Was I even scared?

Not a single shiver.

I've seen worse.

Bago ako bumaba ay tumawag muna ako kay Commando Golf para ikumpirma kung anong situation ko.

(" Why hello Delta. Ang aga mo namang mambulabog. It's literally midnight right now.") sagot nya sa kabilang linya.

" My house was frickin attacked just now. Any idea how the fuck this happen? I told you to erase tracks to cover our deeds." Galit kong sabi.

He manipulates the tracks of our organization and to completely erase our existence after we're done sa misyon namin and then reappear kapag may worthy nanaman na case and the cycle just circulates all throughout.

(" Well I did. Promise! Baka may naka grasp ng address mo Delta. After all, ikaw yung may pinaka open na base.")

Napa hiss nalang ako sa sinabi ni Golf.

" Well nevermind. They seem to be weak. Retrace and remove my tracks again just to be sure. I don't want to enter a battlefield on my pajamas. " Sabi ko at saka pinutol na ang tawag.

Pagbaba ko ay nakita ko sya na

Isinilid isa isa sa Death BAg ang mga patay at ipinatong isa isa sa may push cart na pinakuha ko sa basement.

" Tulungan nalang kitang maghukay. Maaabutan tayo ng siyam siyam kapag nagkataon." sabi ko at saka may maliit na digging machine dito nung nagpa landscape kami. Ang totoo nyan, madami nang nakalibing sa ilalim nyan. Pipiliin ko lang yung part ng lupa dito na wala pang bangkay.

Binungkal muna namin yung strip ng damuhan para hindi halata na may hukay saka naghukay ng malalim.

Isinilid namin sa metal na barrel yung mga bangkay at binuhusan ng hydrofluoric acid bago lagyan ng seal. Everytime na may trespassers dito from the Dark web ay sinisiguro ko na hindi na makakalabas dito sa base ko. I even dissolve the bodies.

" You're really something." Sabi nya habang ako ay tinitignan lang ang pag usok ng mga bangkay.

Pagkatapos ng ilang years ay sawakas nailibing din sila ng matiwasay,sinindihan narin namin ng kandila para naman di magtampo.

Naglinis din kami ng buong bahay at binuhusan ng chemical ang bahid ng mga dugo pati na ang nasa labas at sinubukan i repair lahat ng sira.

" Tori" sabi ni Azi

" Hmm?"

" Pwede ba tayong mag usap ?"

" Oo naman"

Azithere POV

" Oo naman" sabi nya

Mag papaalam na talaga ako

Naghahanap sya ngayon ng mga damit sa kanyang drawer at nabigla ako nang nag ano pa sya sa harapan ko, grabe di manlang nakafeel ng malisya.

" Ano nga pala yung pag uusapan natin?" sabi nya

" Yung about kanina" sabi ko

" Huwag kang mag alala about dun, Di naman ako nashock or natakot dun." sabi nya

Ganun ba talaga sya katapang?

" Magpapaalam na sana ako, Bukas aalis na ako, Nakita mo naman siguro ang nangyayari kanina diba? Habang nandito ako nagiging delikado ang buhay mo" sabi ko

" Hindi ako nag aalala sa kung ano man,at hindi ako natatakot sa kung sino man, Kaya kung nag aalala ka sa kaligtasan ko, I can also take care of myself." sabi naman nya

"Kailangan ko paring Umalis." sabi ko

" Not a problem to me" sabi nya " But let me get this straight. What exactly are you?"dagdag nya

" I'm just a good for nothing" sabi ko

" Babalik ka pa ba?"

" I dont know. Huy baka umiyak ka." Biro ko

Tumawa sya at saka hinampas ako ng malakas sa batok.

" No I'm not , silly."

" Im sorry for what happened and thank you."

" Don't be sorry, hindi naman ikaw yung nag terrorize ng bas- bahay ko . I'm thankful enough na nagkaroon ako ng kasama and a bit of adventure time." sabi nya

Oo simula palang wierd na sya, at hindi na ako nagulat sa sagot nya sakin. Somehow I feel pity for her. I wonder kung anong nangyari sakanya dati.

Nabigla ako ng may yumakap sa likod ko.

" Still, I'm going to miss you somehow." sabi nya

Niyakap ko na rin sya.

" Victoria ,matapang ka diba? Di ka dapat umiiyak." Pabiro kong sabi.

Di sya sumagot at sinuntok ng mahina ang likod ko at pinisil ang tenga ko.

" For the last time. I ain't going to cry. Kuha mo?" Sabi nya

" Alright alright, just enough with the ear pinching, mabibingi ako nyan. "

Lumabas na ako sa kwarto nya at saka naligo. Then we dissolved the clothes and completely erase any proof of this turn of events.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status