Sa may balkonahe nagtungo sina Damon at Sandra, naupo sila sa dalawang silya pang-isahan na may pagitang maliit na mesa.
“Ano ba pag-uusapan natin na ayaw mo iparinig sa dalawa?” tanong ni Sandra.“No, not exactly ayaw ko iparinig sa dalawa.. just Farrah,” sagot ni Damon.“Ano ba ‘yon?”Nagdekuwatro ng upo si Damon dahil nakakaramdam ng pagkabalisa, “Gusto ko mag-propose ng kasal kay Farrah."Nagulat si Sandra sa narinig kaya napaawang ng kaunti ang bibig, “Hindi ba’t kasal na kayo?”“Counted na kasal sa huwes ‘yon. Ang gusto ko sana ay kasal sa simbahan.”“Iyon lang pala, tara samahan kita sabihin sa kanya.” Akmang tatayo si Sandra na halatang nahihirapan.Pinigilan ni Damon si Sandra sa pagtayo, “Teka lang, hindi tayo nagkakaintindihan.”Umayos ng upo si Sandra at tinitigan ang kausap, “Ipaliwanag mo nga.”“Lahat ng babae ay pangarap na makapagsuot ng wedding dress at ikasal sa simbNagkakamalay na si Farrah at isang pamilyar na amoy ang nalalanghap habang nakapiring ang mga mata. Ramdam niyang nakaupo siya sa isang silyang kahoy ngunit nakatali ang mga kamay sa likuran. May mga taong nag-uusap at nagtatawanan na marahil ang mga dumukot sa kaniya.“Nasaan ako? Sino kayo? Anong ginawa niyo kay Bert?” matapang na tanong ni Farrah kahit puno ng kaba ang dibdib.“Napakatapang pala ni Mrs. Buenavista,” wika ng isang lalaking pamilyar ang boses at nagtawanan pa ang mga kasama nito.“Sino ba kayo at ano ang kailangan niyo?”“Wala kaming kailangan sa ‘yo, pero ang nag-utos nito ay kailangang-kailangan ka.”Walang naaapakang tao si Farrah kaya hindi niya maisip kung sino ang puwedeng gumawa nito sa kaniya, “Hoy! Wala akong kasalanan kahit kanino kaya pakawalan niyo na ‘ko. Siguradong ‘di kayo titigilan ng asawa ko kapag may masamang nangyari sa akin!” Napatigil siyang bigla dahil naalalang nawawala si Damon.“M
Si Farrah Paraiso ay dalawampu’t siyam na taong gulang, may magandang mukha at seksing katawan. Ngayon ay nasa harapan siya ng Philippine Statistic Authority o PSA isang ahensya ng gobyerno at hinihintay na matawag ang pangalan. For receiving na ang kaniyang ni-request na Birth Certificate at Certificate of No Marriage (CENOMAR) or Certificate of Singleness. Kailangan niyang makumpleto ang lahat ng requirements para sa kasal nila ng nobyong si Jeff Carreon. “Miss Farrah Paraiso,” tawag ng babae nasa receiving window. Lumapit kaagad si Farrah upang abutin ang mga dokumento at pumirma sa isang papel na katunayang na-received na niya ang mga ito. Matapos mailagay ang mga dokumento sa kaniyang folder ay naglakad siya palayo sa ahensya at nagtungo sa isang malapit na parke. Naupo siya sa isang bakante upuang kahoy at masayang inilabas ang mga dokumento upang matignan muli. “Oh my gosh!” malakas na sambit nito sabay takip ng kaniyang bibig. Napating
Mabilis ang mga yapak ni Damon papasok ng hospital at diretso siya sa Information Desk. Si Damon Punongbakal ang guwapo owner at CEO ng Heaven Builders, isang construction firm na itinayo niya tatlong taon ang nakakaraan. Maraming bidding ang naipapanalo ng kumpanya kaya naman mabilis ang paglaki at pag-asenso nito.“Heaven Punongbakal,” wika nito sa receptionist.Tinignan ng receptionist sa monitor ang pangalan nabanggit.“Third floor, room 209,” sambit nito.Nagmadaling sumakay sa elevator si Damon papuntang third floor at hinanap ang room 209. Pagkakita sa numero ng silid ay wala itong pagdadalawang-isip na binuksan ang pinto.“My Heaven,” wika nito at lumapit sa kama.Bakas sa guwapo mukha ni Damon ang matinding pag-aalala sa anak na may sakit na Nocturnal Asthma at hinimas ang noo ng anak na natutulog.“S-sir,” wika ni Nana Tinay na nasa 45 ang edad at galing ito sa banyo, siya ang
“Who are you?” tanong ni Damon sa chat.Napataas naman ang kanang kilay ni Farrah sa replied ng lalaki.“I’m your biggest nightmare,” sagot niya.“Then, better to block you,” wika ng lalaki.Naalarma naman si Farrah.“Wait,” mabilis nitong reply.“I’m Farrah Paraiso, schoolmate tayo sa Aguinaldo East University. Sa Business Management ako tulad ng ex-girlfriend mo si Mildred, remember?” dagdag pa nito.Ilang minuto na ang nakakalipas ngunit hindi sumasagot ang lalaki sa chat kahit naka-seen naman ang mensahe.“PLEASE HELP ME!!!” hindi na napigilan pa ni Farrah i-send ang pagmamakaawa mensahe.“What kind of help, Para Paraiso?” nang-iinis na tanong ng lalaki.Nabuhayan ulit ng loob si Farrah dahil naalala na siya ng lalaki kaya naman hindi na siya nag-aksaya
Bumili ng pagkain si Damon at pagbalik ay nakita nakatulog na ang anak habang katabi si Farrah na hinahaplos ang noo ng bata. Nakarandam siya ng munting kasiyahan sa kaniyang puso habang minamasdan sila.“Nand’yan ka na pala,” wika ni Farrah.“Kailangan ko ng umuwi,” dagdag pa nito.Lumapit si Damon kay Farrah at iniabot ang supot ng pagkain ngunit ipinatong lang nito sa katabi mesa.“Pasensya na at naabala ka pa, kumain ka muna.”“Hindi na, busog pa naman ako dahil sa kinain natin kanina,” tanggi ni Farrah at tumayo upang ayusin ang nagusot na damit.“Ihahatid na kita sa inyo,” alok ni Damon.Sa una ay tumanggi si Farrah ngunit nagpumilit pa rin si Damon na mapapayag ito dahil na rin sa nag-aalala na baka may mangyari masama sa dalaga.Inihatid nga ni Damon si Farrah sa bahay nila, niyaya siya pumasok ng dalaga ngunit tumanggi ito dahil babalikan p
Pinagmamasdan sila ni Atty. Briones na para ba pinag-aaralan muna ang dalawa.Mukha naman naiinip na si Farrah sa pagtitig ng lawyer sa kanila at sa katahimikan.“Ano na Atty. Briones?” aburido tanong nito.“Simple lang naman ang solusyon sa problema niyo, kung talaga gusto mapawalang bisa ang kasal ay puntahan niyo ang dating mayor na nagkasal sa inyo para kuhanan ng testimony sa pagkakamali pag-file ng Marriage Form at mga supporting documents. Alam na niya kung ano ang mga ‘yon,” mahabang paliwanag ng lawyer.“So, we only need to go back to San Pablo where everything started,” seryoso sabi ni Farrah.“As if you’ll find Mayor Morena there,” mahinahon wika ni Damon.Naguluhan naman si Farrah sa kaniya narinig.“What do you mean?” tanong nito.“Mayor Morena has been living in Switzerland for seven years, after his term,” sagot ni Damon.I
Nakakailang tawag na si Farrah ngunit hindi sinasagot ni Damon ang tawag nito kahit mga text, kaya naman buwisit na buwisit na siya at muntikan ihagis ang cellphone.“Kalma ka lang beshy. Sino ba ‘yan tinatawagan mo?” tanong ni Sandra.“Ang hitad na si Damon,” sagot ni Farrah.“Baka busy,” wika ni Sandra.“Palagay ko sinasadya niya hindi sagutin at iniiwasan ako dahil naasar kanina.”Napapaisip naman si Sandra sa huli sinabi ng kaibigan.“Bakit naman siya maaasar?” tanong nito.“Nasabi ko kasi na magpanggap siya bakla para gamitin namin ground sa annulment,” sagot ni Farrah.Bigla natawa si Sandra sa narinig na sagot ng kaibigan.“Pansin ko, lagi ka natatawa ngayon. May problema ka ba?” pag-iiba ni Farrah sa usapan.Natigilan naman si Sandra at sumeryoso ang mukha bago magsabi, “Wala ako problema, natatawa lang kasi naman kahit ako sa kalagayan ni Punongbakal ay magagalit din. Sa laki ba naman ng katawan no’n at uhmmm yummy ng abs, m
Masayang lumapit si Heaven kay Damon habang si Farrah ay napatayo sa kinauupuan.“Daddy look, Tita Farrah is here to visit me,” masayang sabi ni Heaven.Kinarga naman ni Damon ang anak at lumapit kay Farrah.“Paano ka nakapasok sa subdivision?” tanong nito.Sinenyasan naman siya ni Farrah na may bata kaya tinawag si Nana Tinay upang kunin ito.“Ngayon puwede ka na sumagot.”“Sabi ko asawa mo ‘ko pero ayaw maniwala kaya pinakita ko ang Marriage Certificate natin,” sagot ni Farrah.Naiiling na lamang si Damon.“Paano mo naman nalaman kung saan ako nakatira?” tanong nito.“Sinundan kita,” mabilis na sagot ni Farrah.“Ikaw ang sakay ng taxi kanina na sumusunod sa ‘kin?” tanong na naman ni Damon.Tumango naman si Farrah.Sumasakit ang ulo ni Damon sa kakulitan ng bisita na kahit ano gawin niya pag-iwas ay nakakagawa pa rin ng paraan upang mapalapit sa kaniya.Naupo siya sa solo sofa at naupo na rin si Farrah sa mahaba sofa