Share

Kabanata 5

Kabanata 5

Cold

Hindi pa man ako nahihimbing sa pagtulog ay nakarinig na ako ng tila pagtatalo sa labas ng aking silid. Kusot matang bumangon ako upang silipin ang oras at nakita kong pasado alas tres pa lang ng madaling araw.

Gumawi ang tingin ko sa bandang binatana kung saan naroon ang backyard at ang swimming pool. Doon ko narinig ang mga boses na nagtatalo.

Pinakiramdaman ko muna ang paligid at hindi ako nagkamali. Boses 'yon ni Yoona na mukhang lasing. Tuluyan na akong tumayo para buksan sana ang pinto nang marinig ko ang boses ni Kendric. 

"Stop it, hindi makakatulong sa problema natin 'yang paglalasing mo," halos ibulong na lamang niya sa kausap.

"Tell me how to calm down matapos lumabas ng resulta? Sabihin mo, hun!" I could hear her frustration while crying.

Sa tingin ko'y sobrang bigat ng pinagdaraanan nito. Bahagya akong sumilip sa bintana at pansin ko ang dalawa na nasa may silya malapit sa may pool.

Nakatayo si Kendric habang sapo ang dalawang pisngi ni Yoona na siyang walang patid sa pag-iyak. Huminga ako ng malalim nang yumuko ito upang tungkian ni Kendric ng halik sa mga labi ang asawa.

"Don't worry I will find a way to resolve this problem," Kendric said to her. Yumuko ito upang halikan ang asawa. Yoona answered those kisses. Hinila niya ang batok ng asawa kaya't hinapit naman ni Kendric ang bewang nito na siyang dahilan para tumayo at tuluyan nang yumakap sa asawa. Nakita ko kung paano bumaba ang dalawang palad ni Kendric sa balakang ng asawa at hinila ito palapit sa kanya. 

I swallowed hard while watching them kissing each other. Tila may kakaibang hapdi sa pusong makita ang eksena na 'yon na hindi ko maintindihan. Isang buntong hininga ang pinakawalan ko bago tumalikod at sumandal sa pader. Mariin din ang pagkagat ko sa labi nang marinig ko ang mahinang pag-ungol ni Yoona.

Imbes na bumalik sa paghiga ay lumabas ako ng aking silid at diretso sa may kusina upang uminom ng malamig na tubig. Pakiramdam ko ay nag-iinit ang katawan ko sa nadatnang eksena kanina. Hindi ko rin maintindihan ang sarili ko kung bakit malaki ang epekto sa'kin ng mga nakita ko.

Hindi lang siguro ako sanay na makakita ng gano'n eksena. Sa probinsya kasi namin ay ilag akong manood ng ganoong klaseng pelikula lalo na at may mga bata pa akong kapatid. Isa pa hindi pa sumasagi sa isip ko ang bagay na 'yon.

Ngunit hindi pa man ako nagtatagal doon ay nakarinig na ako ng mga yabag na palapit. Agad akong lumingon at nadatnan ko ang mag asawa na papasok sa kusina. Nagtatawanan pa ang mga ito habang hawak ni Yoona sa kamay ang isang bote ng alak.

Pansin kong burado na ang lipstick nito at medyo gulo ang buhok, gayon din ang ilang butones ng polo na suot ni Kendric. Mabilis na nagtama ang mga mata namin at hindi nakaligtas sa'kin ang pagkunot ng noo n'ya maging ang pag-igting ng panga.

Bumaba naman ang mga tingin ko sa hawak na baso, nagdarasal na sana'y huwag 'yon bumagsak ano mang oras.

"Gising ka pa?" Nakataas ang kilay na tanong ni Yoona.

Naglakad ito papasok sa kusina habang hila sa kamay ang asawa.

"Ah, naalimpungatan lang po. T-tapos na po kayo? I mean, si Auntie ho ba tulog na?" nabubulol kong tanong.

"Hmm, kakapasok lang nila," aniya na sumulyap sa asawa matapos ay ngumiti nang maluwang dito.

"May gusto ho ba kayong kainin? Ipagluluto ko kayo?"

"Hindi na, paakyat na rin kami para matulog," sagot ni Kendric sa mababang boses. Hinila nitong muli ang asawa palapit sa kaniya kaya't napasandig ito sa kaniyang malapad na dibdib.

"Give that bottle to her," he said to his wife Yoona while he never leave my eyes.

Sa puntong 'yon ay humakbang na ako para abutin sana ang boteng hawak ni Yoona nang bigla ay bitiwan n'ya 'yon.  Bumagsak sa paa ko ang bote bago mabasag.

Hindi ko napigilang d*****g sa sakit at tiningnan kung nasugatan ba ako. Awa nang Diyos ay wala naman akong naramdaman na masakit bukod sa pagtama ng bote.

"Are you alright?" Ang boses ni Kendric ang nagpabalik ng wisyo ko.

Tumingala ako dito na kagat nang mariin ang mga labi habang bakas naman ang pagkunot ng kaniyang mga kilay.

"Ang tanga mo naman kasi, bakit hindi mo inabot ang bote!" ani Yoona na humilig na sa balikat ni Kendric at mariin na pumikit. Palagay ko ay lasing na lasing na ito at wala na sa sarili.

"Ang mabuti pa ho i-akyat n'yo na si senyorita sa silid bak ho masugatan pa siya dito. Yumuko ako isa-isang inipon ang mga basag na bote. Pansin ko rin na lumabas na ang mag asawa sa kusina.

Doon ko naramdaman ang kirot nang mahawakan ko ang hinlalaking daliri. Agad kasing nangitim ang kuko doon at may nakita akong sugat gawa nang tumilamsik na parte ng bote.

Kahit pa-ika-ika ay pinilit kong ligpitin ang kalat at sinuguro na wala nang maiiwang basag na bote doon. Naupo ako sa may silya at hinawakan ang paang nasaktan at ngumuwi dahil sa matinding kirot. Ngunit gano'n na lang umangat ang ulo ko nang may naglapag ng medicine kit sa lamesa.

"Mas mabuting i-disinfect mo na 'yan at lagyan ng gamot."

Tumingala ako sa boses na 'yon ni Kendric. Nakapamulsa siya sa aking harapan habang seryoso ang tingin. Mabilis kong ibinaba ang aking paa at pilit na ngumiti.

"S-salamat ho, pasensya na kayo. Kasalanan ko kung bakit nabasag ang bote," mahina kong bigkas.

Ngunit imbes na sumagot ay naglakad ito sa may refrigerator at may kinuha doon. Haloas higitin ko naman ang paghinga habang sinusundan ito nang tingin. Hanggang sa napansin kong may kinuha siya mula doon. Isang Ice pack.

Naglakad ito pabalik sa aking harapan at walang pasabing lumuhod at hinawakan ang aking paa. Halos higitin ko ang paghinga sa sumunod niyang ginawa. Ipinatong n'ya ang icepack sa aking paa.

"Kapag tapos nito pwede mo na siyang dampian ng hot compress para hindi mamaga," aniya habang nakayuko sa ginagawa.

Muli akong lumunok. Tila hindi ko makapa ang dapat na sabihin. Malakas na rin ang paghataw ng puso ko sa matinding kaba.

Sibukan kong hilahin ang aking paa palayo dito ngunit hindi niya binigay. Kaya wala akong nagawa kundi ang pumukit. Paano'y kakaibang init sa katawan ang hatid sa'kin ng malambot niyang palad. Halos hindi ko na nga maramdaman ang yelo na napatong sa aking paa.

"Don't move," he said under his breath.

Wala akong nagawa kundi ang tumingala at huminga ng malalim. Gusto kong supilin ang mainit na pakiramdam na hatid n'ya sa'kin. Ang mga kamay niyang marahan na humahaplos sa aking paa at ang presensya niya sa aking harapan. Idagdag mo pa ang sumasabog niyang amoy na tila isang matamis na bulaklak.

Ngunit mabilis akong umiling at walang pasabing hinila ang aking paa at tumayo.

"Ayos na ako, senyorito! Maraming salamat po, mauuna na ho ako sa inyo at maaga pa ako bukas." Hindi ko na hinintay na makapagsalita ito pagkat umatras ako mula sa silya kaya nagkaroon ako ng pagkakataon.

"Sandali lang!"

Halos matulos ang mga paa ko mula sa pagkakatayo nang marinig ang seryoso at malamig niyang tinig. Lalo pa nang maramdaman ko ang mabibigat niyang hakbang palapit sa'kin.

My heart thumping so hard and I can't hardly breathing tila pinakakanulo na rin ako ng aking mga binti na siyang walang lakas sa pagkakatayo.

Hanggang sa maramdaman ko ito mismo sa aking likuran.

"Nakalimutan mo ang medicine kit, gamutin mo ang mga sugat mo," he said in a low voice.

Doon ako humarap sa kanya at inabot ang medicine kit na dala niya kanina. Ngumiti rin ako dito na siyang nakayuko naman sa'kin.

"T-thanks for this, uh goodnight, senyorito?" I mere whispered to him with a shaky voice.

Kendric smiled a bit and nod. 

Tumalikod na akong muli na baon ang masayang ngiti sa mga labi...

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status