Nasa room na sila Lara that time, hindi pa rin maalis sa chismis nila ang babaeng hito na iyon."Sus, tinapalan lang naman ang mukha ng kontodo polbo, pero I'm sure retokada 'yon!" basag ni Veronica sa katahimikan nilang tatlo."Papaaperkto ka ba doon, Lara?" siko naman ni Alana kay Lara."Ah, eh... ano naman kasi ang panama ko sa kaniya, maganda siya tapos mayaman pa...""Hoy, tumigil ka nga sa pag-self pity mo! ano ka ba!" cheer up ni Veronica sa kaibigan.Bumuntong-hininga si Lara. "Eh kasi naman, hindi ko naman talaga intensyon na maging sekretarya ni sir Leon, tapos ngayon, pinag-iinitan pa ako ng fiancee niya."Isa lang ang ibig sabihin d'yan, beshy!" si Alana."Ano?""Na, apektado siya sa kagandahan mo, I'm sure insecure din 'yon!" ngisi pa ni Alana kay Lara."Sira ka talaga!"Mayamaya pa ay nagsidatingan na ang iba pa nilang klasmeyt. Kasunod nila ay si sir Leon habang nakahawak sa braso nito ang sinasabi nilang hito, este babaeng hito pala."Speaking of the devil..." siko ni
Sa mga oras na iyon, nasa library silang apat, mayroon kasi silang dapat na maresearch. Kanina pa bidang-bida si Angela sa tatlo, very bossy ito saka napakamaarte pa."Ang init naman ng library," paypay pa nito sa mukha."Naka-full na ang aircon, Angela." Puna naman ni Veronica."Nilalamig nga ako e." Sabi naman ni Alana sabay himas sa braso.Tahimik lang naman si Lara that time, na abala sa pagbabasa sa librong hawak nito."Uhm, you know what, Lara. Hindi sa pinakakikialaman ko ang style mo ha, but, I find you irritating. I mean, nakakairita kasi ang ginagawa natin, why not kasi, we go na lang sa computer lab. Doon na lang tayo magresearch..." maarteng sambit nito.Natahimik si Lara at natigil sa ginagawa."Alam mo, maam Angela ha, kanina pa ako nagtitimpi sa ugali mo, kung ikaw na lang kaya ang umalis sa group na 'to, ikaw lang naman ang puro reklamo e." Medyo tumaas ang boses ni Alana that time."Psst, tama na." Awat naman ni Lara sa kaibigan."I agree." Si Veronica ang dumugtong.
Nagsimula na silang gumawa ng production number at si Lara ang contestant number seven, si Angela naman ang contestant number six. Nakatayo sila sa stage habang aligaga ang coordinator sa mga gagawin nilang rampa."Oh, makinig ha, dito kayo iikot tapos doon ang hagdan, doon ang exit. Gets n'yo ba?" sabi pa ng bading na coordinator."Yes." Halos sabay na sambit ng mga dalaga. Nauna ang number one hanggang sa magsunod-sunod na ang lahat. Nasa gitna ang mikropono, at noo'y nagpapakilala na sa kani-kanilang mga pangalan."Alright, sige pasok na number five, stay put, number six, okey?""I know..." mataray na sambit ni Angela sa bading. Ngumuso naman ang bading at halatang nainis din sa attitude ni Angela.Nang makalakad na si Angela ay para itong catwalk model sa isang international show dahil napalingon silang lahat s ganda ng legs nito at ang pag-sayaw ng balakang nito."Almost perfect, maldita nga lang..." bulong ng bading, na siyang narinig ni Lara."Oh hija, ready na okey...""Okey p
Suot ni Lara ang kaniyang uniporme, medyo kabado siya ngayon dahil sa ginawa nilang katarantaduhan kay miss Angela kanina sa school. Bumuntong-hininga siya,"nararapat lang sa kaniya 'yon," ismid pa niya saka inayos ang ribbon na nasa kaniyang leeg. Suot ang bunny sexy dress ay papunta na siya sa kaniyang naka-assigned na kwarto. Gaya ng trabaho niya sa club, pagsisilbihan niya ang mga parokyano ngayong gabi. Nang makarating sa may pinto ay dahan-dahan niya itong kinatok. "Come on in." Narinig niyang sagot mula sa loob. Dahan-dahan niyang pinihit ang siradura at nang makitang si Leon na naman ang client niya ay para siyang binuhosan ng malamig na yelo. Natuod yata siya sa kaniyang kinatatayuan dahil hindi siya makagalaw. "S-sir?" "Yeah, come on." "Uhm, kasi...ah eh." "You need to serve me tonight, Lara. Hindi mo ako teacher tonight, come on." Walang nagawa si Lara kung 'di pumasok. Nang mailapag ang menu sa circular table ay pinaupo siya ni Leon sa tabi nito. Hindi siya komporta
Sa mga sandaling iyon ay nakita ni Lara ang pag-iba ng paligid, from Metro, nakita niyang medyo malayo na sila sa sentro, ramdam niyang mas lumalamig ang simoy ng hangin at tanaw na rin niya ang magandang baywalk ng karagatan. "Saan tayo pupunta?" "Just relax, may surpresa ako sa'yo." "Hindi po ako sanay." "Pwes...masanay ka na Lara." Ngiti pa ni Leon sa kaniya. Sa sandaling iyon ay papunta sila sa Batangas. Medyo malayo ito, at tiyak na aabutan sila ng madaling araw sa daan. Tatlong oras mahigit ang Batangas, at sa puntong iyon, mas nagkaroon sila ng oras para mag-usap habang nasa daan. "Lara, tell me about yourself more..." "Ano po ang gusto n'yong malaman?" "Uh, about everything..." "Kasi po...si inay na lang ang kasama ko sa buhay sir, hindi ko alam ang tatay ko, hindi ko na po siya nakita mula pa noon. Tapos, hindi rin sinasabi ni inay kung nasaan na siya o kung buhay pa ba ito." "Hindi mo ba gustong makilala ang tatay mo?" Umiling si Lara. "Hindi na po. Hindi ko na po h
Kinabukasan.Nagising si Lara dahil sa mabigat na bagay sa kaniyang puson, hindi niya maaninag ang nandoon dahil sa nakatabon na kurtina sa kaniyang kwarto. Medyo madilim iyon. Teka?Napabalikwas siya nang makitang may katabi siyang natutulog doon."S-sir Leon?" medyo wala sa huwisyo ang mukha niya."Hmm, ang ingay mo..." daing ni Leon na noo'y nalantad ang katawan, may suot itong pajama pero ang upper naman ito ay nakahubad. Rason para makita ni Lara ang abs nito."M-may nangyari po ba sa atin?" hawak ni Lara sa kumot. Natawa si Leon."God, Lara. Hindi ako nag-eenjoy sa babaeng tulog.""So, wala pong nangyari sa atin?""Are you wishing to do so?""H-hindi po." Mabilis na iling ni Lara.Leon smirked a bit saka inabot ang magulong buhok ni Lara. "Hmm, relax, Lara, don't be afraid to me." Tahimik lang si Lara sa oras na iyon at dahan-dahang sinipat ang sarili. Doon niya nakitang hindi naman pala siya nakahubad, kompleto naman ang damit niya saka hindi naman nananakit ang pempem niya sa
Sa kabilang banda... Nasa telepono si Angela habang kausap ang isang informer na nagbigay sa kaniya ng isang impormasyon. Masama siya kung kutuban, dahil madalas...tama ang kutob niya. "Confirmed po, senyorita, may kasama po si sir, paalis na po sila sa club," sabi pa ng informer ni Angela. "Who's that fucking bitch! Sundan mo sila!" "Sige po." Nang matapos ang tawag na iyon ay malakas niyang itinapon ang telepono sa pool. Malakas siyang sumigaw sa oras na iyon, ramdam ng mga kasambahay niya na tinutupak na naman siya. Agad namang nagsialisan ang mga ito. "No! hindi pupwede! Leon! Hindi mo 'ko basta-basta maloloko!" sigaw niya sa kawalan habang inaalam ang babaeng kinahuhumalingan na naman ni Leon. Hindi na niya mabilang kung ilang beses na niyang naboko na nambababae si Leon. Aminado si Angela na babaero ito simula pa noon pero hanggang ngayon ay hindi pa rin niya matanggap na kahit kailan ay hindi niya napupunan ang kaligayahang hinahanap ni Leon. Napasalampak siya sa plastic
Hindi rin sila nagtagal sa facility dahil baka masundan sila ng sumusunod sa kanila. Nagpaalam si Leon kay aling Bella, halatang nalulungkot itong mawalay sa matanda. Dumiretso sila sa rest house na pag-aari ni nanay Bella sa Sta. Josefa, ang sabi pa ni Leon, mas mainam na doon muna sila tumuloy. Nagpaalam na rin si Lara sa nanay niya na may out of town work ito at kailangang asikasuhin muna dahil para sa kaniyang bayarin sa tuition fee niya. Sakay sila ngayon ng kotse ni Leon, mabilis nilang kinuha ito sa hotel at dumiretso na sa address. "Sigurado ka ba rito, Leon?" "Oo, dito ako madalas isama noon ni nanay Bella kapag lumuluwas kami dito sa probinsya nila." Masayang ngumiti si Lara, ramdam nitong umaaliwalas ang mukha ni Leon kapag inaalala ang kabataan niya. "Malapit na tayo..." ani ni Leon. "Ang presko ng hangin dito no?" "Oo, ibang-iba sa Maynila." "Sinabi mo pa." "Kaya nga gusto kong pumarito muna, I am exhausted there." Iling ni Leon. Tumingin si Lara sa mukha ni Leon