Share

Chapter 5

“So anong bread and butter mo?” unang tanong ni Wommie, gusto niya lang malaman kung drug dealer ba itong tao na napanalunan niya sa bidding.

“Just some business,”

Business? What kind of business? Wommie thought.

“What kind of business?” tumingin si Aru sa kaniya at pinagsingkitan siya ng mata.

“Are you thinking that I am really a drug dealer?”

Napainom si Wommie ng tubig at kunwari hindi nabisto sa iniisip niya.

“Wala naman akong sinasabing ganoon,” aniya sabay tingin sa gilid.

Natawa si Aru at pinagkrus ang dalawang kamay sa dibdib. “My business is legal and well known, the reason why I’m wearing this mask for my safety.”

Tumingin si Wommie sa kaniya. “So you’re saying na hindi ako mapagkakatiwalaan?”

“You’re cautious of me, isn’t that right that I should be like that to you too?”

Nakagat ni Wommie ang labi niya dahil hindi naman mali ang sinabi ni Aru sa kaniya.

“Fine. You’re correct,” ang pag-amin niya. Pride won’t give you bread, that’s her motto so as long as alam niyang mali siya, hindi na siya nakikipagtaasan ng pride.

“But I like you that’s why I chose you,”

Napatingin si Wommie sa kaniya, hindi makapaniwala na sinasabi iyon ng binata sa kaniya.

“Ano namang nagustuhan mo sa akin?”

Wommie looked at her food, nahihiya siyang makita ni Mr. Whore na namumula siya. She has this inferiority complex upon growing up dahil kay Grey.

Mula ng tumuntong sila ng high school, magkasama na sila ni Grey. Wommie was aware na maganda siya pero lagi niyang naririnig sa mga tao na mas maganda si Grey sa kaniya.

Even her family, feeling niya ay si Grey ang gusto kesa sa kaniya.

Lahat ng gusto niya ay na kay Grey nakatingin lalo na si Rem na si Grey nga ang pinakasalan.

Wommie grew up at nakatanim sa isipan niya na si Grey ang mas better sa kaniya.

When Aru said, “But I like you that’s why I chose you,” biglang nakaramdam ng pagkailang si Wommie dahil bago iyon sa pandinig niya. Walang pumili sa kaniya na hindi muna una napipili si Grey.

Si Grey ang first choice at kapag hindi na available ay saka pa siya napipili. Siya iyong option na no choice na kun’di siya nalang.

And Wommie felt bad about it pero hindi siya makareklamo dahil ayaw niyang masabihan na nagda-drama lang siya.

She’s hiding her true feelings that even her family failed to notice.

“You’re the most beautiful woman I’ve ever seen,” Mr. Whore said causing Wommie to look at him.

It’s such a simple compliment but it warmed her heart. Tumingin si Wommie sa mga mata niya at ngumiti. Halata ang pagkabigla ni Aru dahil ang ngiting iyon ay may kasamang kalungkutan.

“I’m glad you picked me,” ang sabi nito sabay tayo.

“I’m really tired. I’m going back to my cabin. See you tomorrow, Mr. Whore,” sabi ni Wommie at walang lingon lingon na iniwan si Mr. Whore sa table nila.

Aru stared at her back while clenching his fist. Wommie may not know him, but it’s a different story to him.

Nang makabalik si Wommie sa first class room na para sa kaniya, agad siyang naligo. She was unsure at first kung tama ba ang desisyon niyang pumunta dito sa cruise ship, but sa nangyari kanina, nasabi niyang buti nalang pala ay pumunta siya.

Nakilala niya si Serina, ang bago niyang kaibigan at nakilala niya si Mr. Whore.

Kinuha ni Wommie ang phone niya at nakita ang ilang missed calls mula kay Rem. Tumawag ulit ito kaya sinagot niya.

“Where are you Wommie? Bakit hindi mo sinasagot ang tawag ko?”

Kumikirot ang puso niya na marinig ang boses ni Rem na mag-alala ng ganoon sa kaniya. She used to like his voice pero ngayon ay hindi na dahil nakakasakit na.

“I’m fine, Rem. Kamusta kayo ni Grey?”

“Nasaan ka ba?” Rem ignored her question.

“I told you, nagbabakasyon kami ng suitor ko.” She even fake a laugh para maniwala si Rem.

“Stop lying Wommie,” galit na si Rem.

“What? I’m not lying,”

“Why are you doing this? Bakit mo ba ako pinag-aalala?”

Kumunot ang noo ni Wommie. They are indeed bestfriends pero naguguluhan siya kay Rem ngayon.

“What are you saying, Rem? I’m safe, bakit naman kita pag-aalahanin?” hindi ba dapat busy ka sa honeymoon niyo ni Grey? Wommie thought, kumikirot na naman ang dibdib niya.

“Your brother told me na wala kang manliligaw. So did you make that imaginary suitor para tanggihan ang offer ni Grey?”

Napatayo na si Wommie. Hindi niya na makuha bakit out of line na si Rem. Hindi pa siya kailanman nag-open up na niligawan siya ninuman dahil nga laging si Grey ang napapansin ng mga kalalakihan noon so walang nagtangka na manligaw sa kaniya.

First time niyang sinabi na may suitor siya and Rem is bothered by that.

Ngayon na sinabi niyang may suitor siya, feeling ng lahat gawa-gawa lang niya iyon para magpapansin.

“Why Rem? Impossible bang may manliligaw ako?”

“What?” Rem is taken aback.

“You sound it like, impossible na may magkagusto sa akin. Why? Ganito ba ako kapangit?”

“Wom-

Nabigla si Wommie nang may humablot sa cellphone niya at nanlalaki ang mata niya nang makita si Mr. Whore na halos kita na ang litid ng ugat sa leeg.

“Hi,” naiwan ni Wommie ang kamay niya sa ere nang kausapin ni Aru si Rem sa kabilang linya.

“I am her suitor. My Wommie is safe with me. Don’t worry.”

Nabigla si Wommie sa ‘my Wommie’. Hindi niya alam anong sinagot ni Rem para kumuyom ang kamao ni Mr. Whore na kitang kita niya.

“If you don’t mind, may I know who you are?”

Aru chuckled, as if like he’s mocking Rem. Curious na si Wommie kung anong sagot ni Rem sa kaniya.

“So you’re just her friend? Oh. She didn’t tell me about you. Why? Do you matter?”

Nakagat ni Wommie ang pang-ibabang labi niya. Alam na niyang galit na galit si Rem ngayon. Kilala niya si Rem, at ayaw nitong ginaganoon sa pagsagot.

“Stop acting like you’re the love of her life ‘cause you’ll never be.” Tumawa ulit si Aru, tawang puno ng sarkasmo

“She won’t be here with me if she doesn’t love me,” napatingin si Wommie sa mga mata ni Mr. Whore

Aru touches her chin.

“Yeah… Unlike you, I think I matter.” Sabi ni Aru na hindi tinatanggal ang paningin kay Wommie.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status