Share

Chapter 2

Aru is cursing while looking at Wommie drinking with Serina. Nasa Cruise Night Clubs and Bars sila at kanina pa namumura ni Aru si Fero sa tabi.

“Uy baliw na ito, palit tayo Hut,”

“Ayoko nga! Kanina pa ‘yan, nababaliw!”

Aru gritted his teeth nang hindi na mabilang ng mata niya kung ilang lalaki na ang nagtangka na lumapit kay Wommie para makipagkilala.

Wommie is his secretary mula ng maging chairman siya. He didn’t think that he would cross her in this ship.

“Avilante is giving her a cardboard,” tumingin si Aru kay Hut.

“What does it mean?” itinuro ni Hut ang stage. “May lalabas diyan na mga bouncers. Isa si miss secretary mo na magma-mine ng bouncers.”

Tumayo na si Fero.

“Bye, my presence needs there. I need to emcee the show tonight,” umalis na ito sa tabi nila.

Nalilito na si Aru sa gagawin. “Tang.ina bra, what should I do?”

“Wala,” naiinis na sabi ni Jed. “Panoorin mo lang magmine siya ng iba,”

“What?” napataas na ang boses ni Aru.

“Gag0, kung ayaw mong magmine si miss secretary ng ibang lalaki, pumunta ka roon sa gitna at maging bouncer.”

“What?”

Tumingin si Jed kay Hut.

“Kaladkarin mo nga ito sa tabi ni Fero.” Kanina pa naiinis si Jed dahil kanina pa pinagbabantaan ni Aru na ilulubog niya ang cruise ship oras na may ibang lumapit kay Wommie. As if naman kontrolado nila lahat e hindi naman.

Walang choice si Hut kun’di tumayo. Tumayo rin si Aru at sumama kay Hut papunta kay Fero.

“Oh, anong gagawin ko sa kaniya?” itinuro ni Fero si Aru na nakahalukipkip at nakabusangot.

“Isali mo sa bidding,” natatawang sabi ni Hut.

“Dumaan ka ba sa screening, toy?” sinamaan ni Aru si Fero nang tingin, nagtawanan naman sila ni Hut sa reaction niya.

“Sige, ikaw ang number 10. Maghubad ka na,” sabi ni Fero sa kaniya. Tumingin si Aru sa mga bouncers, well they are men na ibi-bid mamaya ng mga girls and gays.

What’s unique in this game, silang mga binibid ang mamimili ng mga babae na nagtaas ng cupboard sa kanila.

It sounds crazy but this ship designed where men are the one dominating the game. It may sound absurd but it is what it is.

“I am Warrius Malaque,” pakilala niya sa ibang bouncer. Kilala na siya agad ng mga ito, well sinong hindi nakakakilala sa mga Malaque? Walang hindi nakakakilala sa pamilyang Malaque.

“That woman over there,” itinuro ni Aru ang kinaroroonan ni Wommie

“Try to choose her and you’ll dead,” seryoso at malamig na sabi niya. Pero si Fero na nakarinig ay hindi napigilang tumawa dahilan kung bakit nagsilingunan ang mga tao sa kaniya.

Napamura siya sa isipan niya ng bigyan siya ng nakamamatay na tingin ni Aru.

“Lakas mo makabakod tsong!” Sabi ni Fero at ibinigay kay Aru ang maskara na susuotin niya.

Nagsimula na ang event, nagsimula ng maghost si Fero sa gitna. Si Wommie naman ay kinakabahan. Bigla nalang kasi siya inabutan ng lalaki kanina ng cardboard.

Si Serina ang tumawag sa lalaki dahil gusto sana nitong magbid ng bouncer mamaya, pero dahil sa matang nakamamatay na ipinupukol ng fiancé niya sa kaniya, walang choice si Seri kun’di ipaubaya kay Wommie ang cardboard.

“Sorry Wommie, ako sana magbibid pero bubugahan yata ako ng apoy ng fiancé ko,” natawa si Wommie sa turan niya.

“Bakit ba kasi ang pasaway mo? May fiancé ka na pero pasaway pa rin.”

S******p si Serina sa milktea na hawak niya. “Naaah! Ayaw niya ako maging fiancé but his parents arranged us kaya wala kaming magawa. Saka may girlfriend siya,”

Napatango si Wommie sa sinabi ni Serina. Ang saklap ng nangyari kay Serina, ang naisip ni Wommie.

“Tapos doon pa sa best friend ko,” nanlalaki ang mata ni Wommie at napatingin kay Serina.

“Really? Uy same,” natawa si Wommie.

Nagulat naman si Seri.

“Hala, true? Best friend mo rin may gusto sa jowa mo?”

“Parang ganoon. Actually, kasal na sila ngayon. Iyong lalaking gusto ko pero hindi ko siya jowa, at ayun, kasal na ngayon sila ng best friend ko.”

Lumabi si Serina, at naiiyak.

“Hala same nga tayo. Kaya pala magaan ang loob ko sa ‘yo,”

Nalito si Wommie kasi parang may mali sa sinabi ni Serina. ‘Para naman kaming magkadugo,’ sabi niya pero kalaunan ay natawa siya sa kainosentihan ni Seri.

“Good evening ladies and gentlemen,” napatingin sila sa nagsalita. Maraming nagtilian nang makita ng kababaihan si Fero.

Well, Fero is quite popular among the girls lalo’t sobrang hot nito. Fero playfully wink at them kaya mas lalong nagingayan ang lahat ng mga kababaihan sa Cruise Night Clubs and Bars.

“Gwapo niya ‘di ba?” bulong ni Seri sa tabi.

“Yeah,” pagsang-ayon ni Wommie.

Marami pang-introductory speech si Fero bago lumabas ang mga bouncers. Mas lalong nagtilian ang lahat dahil sa matitipunong katawan ng ibi-bid nila ngayong gabi.

What’s exciting is, lahat nakamaskara. Tipong labanan lahat ng katawan.

“Uy Woms, sino ang gusto mong e bid sa kanila?” nakagat ni Wommie ang pang-ibabang labi niya.

“Lahat nakamaskara e pero parang lahat ay gwapo,” natawa si Seri sa sinabi ni Wommie.

“Oo nga. Mukhang lahat yummy,”

“Hindi nalang kaya ako magbid, Seri?”

“What? No. Magbid ka!”

“E paano kung pilitin ako niyang e s3x. Virgin pa ‘ko noh!”

Kunwari siya sinabunutan ni Seri habang humalakhak. Natawa rin si Wommie sa kung paano tumawa si Seri.

“Baliw kang gaga ka. Of course hindi ka niyan pipilitin e s3x unless ikaw gusto mo rin,”

Naisip ni Wommie, ano naman ang ipapagawa niya kung sakali mang manalo siya sa bidding. Pero dahil alam niyang hindi lagi ay makakasama niya si Seri dahil narito ang fiancé niya, napagdesisyunan ni Wommie na magparticipate nalang sa bidding.

Nagsimula na magstart ang bidding.

“Okay, for our first menu, we have Mr. Light in the shadow.” Natawa si Seri at Wommie sa sinabi ni Fero.

“What kind of code name is that?” sabi ni Wommie.

“Kaya nga e,” sabi naman ni Serina.

“Again ladies, before niyo itaas ang cardboard niyo, I just want you to be reminded na hindi niyo kailangan maglabas ng pera. What you need to do ay kunin ang attention ni Mr. Light in the shadow ng sa ganoon kayo ang piliin niya.”

“Okay, let’s start the bidding.”

Pagkasabi no’n ni Fero, nagsitaasan na ng cardboard ang mga ladies.

Lahat ng nagtaasan ng cupboard, sila lang ang may spotlight. Sobrang dilim ng buong lugar, ang makikita lang ay ang mga bouncers sa stage, si Fero, at iyong mga taong nagsitaasan ng cardboard.

At isa na sa may spotlight ay si Wommie dahil itinaas niya ang cardboard niya.

Aru gritted his teeth when he saw Wommie raising her cardboard to bid someone.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status