Pearl
Nag stay pa kami ni Erica ng ilang araw sa resort. Sinulit namin ang bawat minuto at oras na magkasama, kapalit noong ilang buwan na hindi kami nagkita.
Mas lalo ko pa siyang minahal sa ngayon. Mas lalo kong nakikita ang aking future na kasama siya. Every moment I was with her became more exciting.
'You give me hope,
The strength, the will to keep on;No one else can make me feel this way'Ang piliin na mahalin at makasama si Erica habambuhay, ay ang isa sa bagay na alam kong hindi ko pagsisisihan. At natitiyak kong, panalo na ako. Magmula pa lamang noong unang beses ko siyang makita. Magmula pa lamang noong hinayaan kong mahulog ang aking sarili sa kanya.I would not be a Pearl Torres, without an Erica Jimenez. Kung baga, kulang ang ako kung walang siya. She is like a light and I am the darkness. She is the star and I am the moon. I know nothing is perfect, but for me we are perfect for each other. I need her ev
PearlWe traveled for about thirty minutes before we reached the Chapel where my godfather was. He greeted Erica and me warmly and hugged us. I immediately told him our purpose, something he did not object to.Agad na ipinaayos nito ang kanyang mga gamit at masayang binati na kami kaagad ni Erica. Masaya ako, at nagpapasalamat na rin dahil siya ang isa sa mga taong tinanggap ang kung sino ako. Kung baga, pangalawang ama ko na talaga ito. Hindi dahil ninong ko siya, kung hindi dahil sa kabutihang loob na ipinapakita nito sa akin.He will bless our marriage. He is the only witness for this day. The day when Erica and I will never forget.Soon, my godfather started the ceremony. Kahit walang ibang tao ang nandidito ngayon, pakiramdam ko eh pinanonood parin kami ng napakaraming mga mata. Kapwa kami kinakabahan ngunit nag uumapaw naman sa saya ang nararamdaman.Erica and I both held hands in tears of joy. Para laman
Erica "Nagbabasa ka ng ganyan?" Rinig ko na tanong ng isang babae na medyo may katangkaran sa kanyang kaibigan na nasa aking unahan. "Oo naman. Wala namang mali na magbasa ako ng ganitong klase ng libro, hindi ba?" Sagot naman ng isa at mukhang proud pa na ipinakita sa kaibigan ang cover ng libro na kanyang gustong bilhin. Nandito kasi ako ngayon sa National Bookstore, bibili rin sana ng mga libro na pwede kong mabasa dahil sobrang bored na ako sa pamamalagi sa bahay sa tuwing wala kaming lakad ni Pearl. Lalo na ngayon na abala siya sa kabubukas lamang nito na bagong negosyo. Halos hindi na nga kami nag-uusap eh. Pero ayos lang, naiintindihan ko naman na ginagawa lamang niya iyon para sa aming kinabukasan. Ayaw rin kasi nito na mag apply ako sa ibang kompanya ng bagong trabaho. Mas gusto niya ang mamalagi ako sa bahay at literal na maging reyna. Reyna ng katamaran. Tuyo ng aking isipan.
EricaNagising ako dahil sa ingay na nagmumula sa labas ng aking kuwarto, kung saan maaga na naman pong nagkakantahan ang aking mga magulang habang kinakanta ang kanilang paboritong 'Basang basa sa ulan' ng bandang Aegis. Mabuti na lang at Sabado ngayon, wala akong pasok sa trabaho.Walang nagawa na bumangon na lamang ako at naghanda ng aking damit panlakad, pagkatapos ay naligo na rin dahil tiyak na sisingilin at kukulitin na naman ako ng mga ito. Nangako kasi ako sa aking mga magulang na tuwing weekend sa kanila ang oras ko, sa dalawang araw na walang pasok, dapat sila ang kasama at idadate ko.Ako nga pala si Erica "Rica" Jimenez. Nag-iisang anak ng aking mga magulang, hindi kami mayaman, hindi rin mahirap. Sakto lang. Sakto lang na nakukuha namin ang mga gusto naming bagay, nabibili ang mga gustuhin namin, kumakain ng tatlong beses sa isang araw, may meryenda pang kasama at sakto lamang din na nakakabayad ng mga bayarin at syempre hindi n
EricaSa totoo lang hindi naman kasi talaga ako sanay na naglalasing, eh ang kaso kasi, nasasaktan ako ngayon. Gusto kong makalimutan 'yung sakit,' yung lungkot na meron sa dibdib ko.Alam nina Francis at Vina na may gusto ako kay Karl. Pero matagal na nila akong pinagsasabihan na wala akong pag-asa rito. Eh ang kulit ko naman kasi, hindi ako naniniwala sa kanila, ayaw kong maniwala. Kaya ayan tuloy, para akong inagawan ng isang bagay na hindi ko naman talaga pag-aari.Pagkatapos nila akong tawagan, hindi nagtagal ay agad na dumating na rin ang mga ito para sunduin ako. Ipinagpaalam pa ako ng dalawa sa mga magulang ko, kahit na nasa benti dos na ako, kailangan parin talaga na ipagpaalam ako sa kanila dahil nag-iisa lang daw nila akong anak. Since close ng mga ito sina mama at pala, kaya naman agad itong pumayag. Basta ibabalik lang daw ako ng walang galos at walang gasgas sa mga it
EricaPupungas-pungas ako ng aking mga mata habang napapainat pa. Pagkatapos ay mabilis na napahawak sa aking ulo dahil sa kirot na nararamdaman."Ouch!" Reklamo ko sa aking sarili pagkakuwan bago unti-unting napangon na at agad na iginala ang paningin sa buong paligid. Noon naman nakita ko ang mukha ng dalawa kong kaibigan na pinanonood lamang pala ang bawat kilos ko, habang naka upo sa dalawamg silya sa may gilid ng kama."Jusme naman! Papatayin niyo ba ako sa nerbyos?!" Singhal ko sa kanila kahit na medyo nahihilo pa. Argh! Ito ang ayoko eh, 'yung hangover kinabukasan."At ano kami? Hindi pa ba kami nakakaramdam ng nerbyos ngayon dahil anong oras na ito, nandito ka parin sa bahay nina Vina." Panimula ni Francis. "Jusko, Rica. Hinahanap kana ng mga magulang mo, nauubos na ang mga dahilan namin, tulog ka parin riyan." Dagdag pa niya. Dahil doon ay mabilis na napabalikwas ako at agad na napatayo mula sa kama.
EricaKinakabahan at nanginginig ang mga kamay na pumasok ako sa loob ng opisina ni Ms. Torres, ang aming bagong CEO.Naabutan ko ito na prenting nakaupo sa kanyang silya, kung saan nakatalikod pa mula sa akin at nakatanaw mula sa malaking glass window ng kanyang opisina. Nakaukit ang kanyang pangalan sa isang white marble plaque na nakapatong sa ibabaw ng kanyang lamesa.Magsasalita na sana ako nang bigla na lamang nitong iniikot ang kanyang silya paharap sa akin at mabilis na sinalubong ang aking mga mata. Hindi ko mapigilan ang hindi mapasinghap dahil sa kanyang ganda. Para talaga siyang isang anghel. Kumikinang ang kanyang ganda katulad ng kanyang pangalan.Mabilis na nagbawi ako ng tingin bago napayuko at pasimpleng pinaglaruan ang aking mga daliri sa kamay, habang nakatayo sa kanyang harapan na parang ewan."You know you can sit down so
Erica Inaantok pa at halos naka pikit pa ang aking mga mata habang naglalakad patungong kusina. Hindi ko alam pero para yata akong tatrangkasuhin dahil pati sa aking katawan ay may nararamdaman akong masakit. "Good morning Prinsesa namin!" Bati ng aking ina habang naghahain ng sinangag na kanin at hotdog sa ibabaw ng lamesa. "Good morning ho." Sabay hikab na pagbati ko rin sa kanila. "Nak, ang laki naman yata ng pimples mo sa ilong. Sino yan?" Agad na komento ng aking ama noong maka upo ako sa upuan bago nangalumbaba. Kunot noo naman na agad akong napahawak sa aking ilong. Oo nga ano? Medyo masakit nga ito at mala
EricaHalos hindi parin ako makagalaw sa aking kinatatayuan dahil sa sobrang gulat na makita siya rito sa loob ng aming bahay.Napaka relax ng kanyang mukha at mga mata habang prenting naka upo sa aming sofa. Samantalang ako, heto, hindi na alam kung ano pa ba ang dapat na gawin dahil sa sobrang kaba."Oh, anak! Nakauwi kana pala. Hindi mo sinabi may bago ka palang ka trabaho at maganda pa." Biglang aniya ni mama na kagagaling lamang sa kusina, mayroon itong dala na juice na tinimpla sa isang pitsel. Naka sunod naman sa kanyang likuran si papa na may dalang meryenda."May lakad din pala kayo kasama ng boss ninyo sa Sabado, sa isang party. Bakit naman hindi ka nagsasabi sa amin ng mapaghandaan natin ang susuotin mo? Ikaw talagang bata ka!" Dagdag na saway nito sa akin dahilan upang mapapikit ako. Seryoso ba talaga ito? Pagagalitan nila ako sa harap ni Ms. Torres? Nakakahiya!Napalunok ako. "Ipinag paalam k