Share

2

Kabanata II

15 days ago...

Peninsula Ayala Manila

TUMUNOG ang company phone na hawak ni George De Makitah ang kanyang personal assistant.

"Clay, its Mr. Del Rosario," ani nito na sinuri ang pangalang rumehistro sa screen.

Agad na binigay sa kanya ang telepono. Nasa backseat siya naka-upo habang si George ay nasa frontseat kasama ang kanyang driver na si Manong Lucio.

"Yes Mr. Del Rosario, I am on my way to meet you," aniya sa kabilang linya habang lulan siya sa kanyang itim na BMW 5 Series.

"Yes, of course, Mr. Del Rosario."

He's on his way to meet one of his investors.

He's been so active lately, meeting a lot of different investors. His entire year is so productive.

Kahit na nga ba medyo hindi siya nakakapagpahinga masyado. However, everything runs so well according to his plan, it's worth it.

Kailangan niyang magpakayaman, lahat ay gagana dahil sa pera. L ahat ng bagay sa mundong ito ay nagkakahalaga ng pera. Maging ang katarungan ay nangangailangan ng pera bago mo ito makuha. Malupit ng mundo, lalo na sa mga taong walang wala at dukha.

Isang mapait na ngiti ang pinakawalan ng binata mula sa kanyang malalim na pag-iisip.

Makalipas ang ilang minutong pagbabyahe ay natanaw na niya ang bukana ng hotel.

The place is remarkably beautiful, from exterior to interior, everything is magnificent.

Binaybay nila ang lobby hanggang sa narating nila ang main entrance.

"We are here!" bulalas ni George mabilis itong tumalima at lumabas sa kotse. Gumawi ito sa tapat niya at siya ay pinagbuksan.

Maingat siyang bumaba mula sa loob ng sasakyan. Bago niya hinakbang ang paa papasok ay inayos muna niya ng nakabukas na butones ng kanyang tuxedo at pinagpag ang nagusot na bahagi niyon.

Isang tikhim ang kanyang ginawa bago niya hinakbang ang kanyang paa papunta sa malaking pinto. Tahimik na sumunod naman sa kanya si George.

Papasok palang siya ay agad siyang sinalubong ng mga staff ng Hotel.

Malalapad ang mga ngiti nito. Lahat ay naka uniporme ng kulay itim na blazer at pencil cut skirt na hanggang tuhod. Very presentable.

"Good day Mr. Smith," bati ni Ms. Diane Cruz sa kanya, ang manager ng buong hotel attendant.

Kilala siya ng mga tao doon dahil regular siyang bumibisita sa hotel kada may meeting ay doon siya nagpapabook ng appointment.

Isang tango lang ang kanyang sinukli sa babae. Ilang sandali ay giniya na siya nito sa isang mamahaling fine dine in ng hotel kung saan doon sila magkikita ni Mr. Del Rosario.

INAYOS ko ang manggas sa suot kong long sleeve na puti. Nasa harap ako ng salamin sa loob ng comfort room sa Peninsula Hotel. Hinagod ko ang sariling repleksiyon.

Nakalugay ang kulot at mahaba kong buhok. Wala maski bahid na kolorete ang aking mukha maliban sa kaunting lip tint na nilagay ko kanina bago ako umalis ng condo.

Nakasuot ako ng isang puting loose na long sleeve paired with high waist beige pencil cut na hanggang tuhod.

Napasimangot ako ng mapagtanto ko ang aking suot.

Kabaliktaran talaga ng mga ito ang aking pang araw araw na estilo. Mas gusto ko ang maong at simpleng top kesa sa tinatawag na girl thingy na ito.

Naalala ko kung bakit ako nandito, isang malapad na ngiti ang rumehistro sa aking labi.

Inimbita ako ng kaibigan kong si Cherry. Mahigit ilang taon din kaming hindi nagkita mula noong nakabase ito sa ibang bansa.

Kaya kailangan kong magsuot ng taliwas sa nakasayan ko. Hindi naman nito alam kung anong trabaho meron ako.

Sinulyapan ko muna ang wristwatch sa aking braso bago dinampot ko ang sling bag na katerno sa suot ko at dagling lumabas ng comfort room.

Habang binaybay ko ang pasilyo patungo sa fine dine in ay may nakasalubong akong lalaki. Kakaiba ang hitsura nito mahinuhang miyembro ng isang Goons. Nakasuot ito ng tuxedo.

Medyo napadalas ata ang panonood ko ng action movie at kung anu-ano na ang naisip ko.

"Yes boss!"

Dinig kong ani ng lalaking nakasalubong ko. Tumingkag ang tainga ko baka nga assassin nga to'.

"Opo Boss, kararating lang niya, andoon si Tommy at ang iba nakamanman at nakapwesto na sa loob," walang prenong deklara nito sa kabilang linya.

Napahugot ako ng hininga sa narinig, namilog ang aking mga mata. Sana mali lang ang kutob ko. Biglang kinabahan ako, parang may hindi magandang mangyayari.

Kung guni-guni ko lang ay malamang pero hindi eh, as an agent instinct there is something.

Dahan dahan kong hinakbang ang paa paatras upang masundan ko ang lalaki. I am well-trained. Kahit mga yapak ko ay walang maririnig na ingay. I can walk like a panther.

"Yes, Boss sisiguraduhin kong mawawala sa landas mo ang Smith na iyon!" patuloy nito na nanlilisik ang mga mata.

Wala sa sariling napakagat ako ng labi. "Who is Smith?" tanong ko sa sarili.

Nang makabawi ako mula sa pag-iisip agad akong kumilos. Mabilis kong binaybay ang pasilyo patungo sa fine-dine in ng hotel kung nasaan si Cherry naghihintay.

Ilang hakbang ay narating ko ang lobby ng lugar. Pinilit kong ikalma ang sarili. Humugot muna ako ng hininga bago pumasok sa loob.

Nilibot ko ang paningin sa buong paligid. Tila ba naging x-ray vision ang aking mga mata.

Hayon! Nahagip ng paningin ko si Cherry na nakangiti at kumakaway-kaway sa isang sulok.

Kampanteng tinungo ko ang kinaroroonan ng kaibigan ko't pilit kong kinalma at umakto sa na-aayon.

I have this bad feeling.

"Hi," bati ko kay Cherry nang marating ko ang mesang inuukupa nito.

"Hana!" bulalas ng babae.

Halata sa mukha nito ang kasiyahan na makita kaming muli.

Tumayo ito at sinalubong ako sabay na yumakap sa akin.

"Have a seat," nakangiting lahad nito sa upuan.

"Thank you," matipid kong sagot na agad tumalima at naupo sa kabilang silya. Subalit wala ang utak ko sa kaharap kundi sa buong paligid. Minamanmanan ko ang buong fine dine-in.

"How are you, Han? I miss you a lot," nakangiting deklara Cherry na tinungga ang maliit ng kopitang may lamang tubig.

"Same here," tipid kong sagot.

Hindi ko masentro ang atensiyon sa kaibigan dahil nakiramdam ako sa paligid.

"Welcome back, Mr. Smith,"

Dinig kong bati sa isang staff na nakatayo sa kabila ng mesang kinaroroonan namin ni Cherry.

Naging alerto ako nang marinig ko ang pangalang Smith.

Dali kong nilingat at itinaas ang ulo upang makita ko kung sino ba si Mr. Smith ngunit ang likod nalang ang naabotan ko.

Tuloy tuloy itong nagtungo at natapat sa ikalawang mesa mula sa aking kinauupuan at doon ito naupo. Nakatalikod ito sa gawi ko.

Kanina pa ako hindi mapakali nang dahil lang sa Smith na iyon. Hindi ko namalayang napailing-iling ako at napansin iyon ni Cherry.

"May problema ba Hana, parang hindi ka mapakali?" nagsalubong ang kilay na tanong nito nang mapansing hindi ko maipalagay ang sarili.

Isang pilit na ngiti ang aking sinukli bago nagsalita. "No, nothing, anyway, let's order?" suhestiyon ko sa kaibigan. Agad itong tumalima at tumingin sa menu card.

Ganun nalang ang aking kaba nang dumaan ang lalaking nakasalubong ko kanina sa pasilyo. Umupo ito sa kahanay ng mesa namin ni Cherry.

"Hana—" habang nagsasalita si Cherry ay panay tango lang ang aking mga sagot dito dahil ang atensiyon ko ay nakasentro sa paligid.

Habang nakamanman ako napagtanto kong hindi lang isa pero mahigit lampas anim ang kasama ng lalaki kanina.

Halos kada mesa inuukupa ng mga ito. Pansin kong panay sulyap ng mga ito sa kinaroroonan ng target na si Mr. Smith.

Kailangan kong maitaboy ang kaibigan papalayo sa lugar dahil delikado kapag manatili ito doon.

"Cher, masakit ang t'yan ko," dahilan ko kay Charry upang maitaboy ko lang kaibigan.

"Seryoso?" nag-alalang tanong nito na huminto sa ginagawang pagpili ng ma-oorder.

"Let's go home, parang di ko yata kaya eh!" Nagkuwaring nalukot ko ang mukha na parang namilipit sa sakit.

"Sure ka, sige uwi na tayo," si Cherry na tumayo at inalalayan akong makatayo.

Madalian kong hinatid sa baba si Cherry sa elevator. Nang marating naming ang parking space agad akong nagtawag ng taxi at pinasakay ko ang kaibigan.

"Sigurado kang okey ka lang, Hana?" si Cherry na nakadungaw sa bintana ng taxi.

"Oo, mauna ka na dadaan lang ako sa clinic."

Nang makaailis ang taxi na kinalulunan ng kaibigan ay muli akong bumalik sa loob ng hotel.

Pasimpleng bumalik ako sa kinauupoan ko kanina, habang nakamasid sa paligid.

Napansin kong abala si Mr. Smith sa kausap at walang kamalay-malay sa pangyayari sa paligid.

"Poor man!" bulong ko.

Dinukot ko ang pantali ko ng buhok na nasa loob ng aking clutch bag. Mabilisan kong tinali ang mahabang buhok. Hinanda ko ang sarili sa maaaring mangyari.

Hanggang napansin kong tumango ang lalaking goons sabay tingin sa mga kasama.

Is it a go signal?

Marahas kong pinunit ang aking pencil cut skirt hanggang sa aking singit nang sa ganoon maluwang at madali akong makakilos.

Alertong sinipat ko ang mga mata. Iniisa isa ko kada tao sa bawat sulok ng bulwagan. Sinundan ko mata ng isa na sumulyap na salamin bintana. Ganun nalang aking gulat nang mahagip ko sa rooftop ng kabilang gusali na may nakatalagang sniper.

"Fuck!"

Naging mabilis at mapangahas ang kilos ko. Wala ni ilang segundo ay narating ko ang pwesto ni Smith.

"Get down!" pigil hiningang babala ko sa lalaki sabay marahas na hinawakan ang balikat nito at giniya payuko sa ilalim ng mesa.

Wala sa sariling napasunod ang lalaki at biglang napayuko.

Kasabay din niyon ay animo'y nakalutang na karayom ang bala ng M200 intervention sniper gun na dumaan sa ibabaw ng uluhan namin. Kasunod ang pagkabasag ng mamahalin statue sa loob ng hotel.

Kung hindi ako naging mabilis baka kanina pa basag bungo ng Smith na ito.

"Shit!" mura ng lalaki nang pumalpak ang kasamahan nito sa kabilang ibayo.

"What happened?" nagugulohang tanong ni Mr. Smith habang nakayukong nakatingin sa akin.

Nagkakagulo at nagpapanic na ang iilang mga customer sa loob gayunpaman ay sinentro ko ang sa sarili kay Mr. Smith.

Walang oras para magdaldalan pa't sigurado akong humanap muli ng bwelo ang kalaban sa kabilang ibayo.

"Just do what I say—if I say run then run understand?" isang babalang utos ko. "One, two, three and run—" ani ko at daling hinablot ang braso ni Mr. Smith.

Marahas ko itong inakay papalabas ng bulwagan. Hindi ito nagprotesta at sumunod ito ng tumakbo. Narinig kong umaalingawngaw ang mga yabag pasunod sa amin.

"Sundan ninyo!" nanggagalaiting sigaw na utos ng lalaking nakasalubong ko kanina.

"Fuck!" mura ko nang makitang mabilis na umaksiyon ang mga kalaban.

Tumatakbo ang mga ito at sumunod sa amin. Mahigpit ang pagkakahawak ko sa pulsuhan ni Smith.

I hissed out of frustration. Napasubo ata ako ng wala sa oras. Nahihirapan ako dahil mataas ang takong na suot kong sandal.

"Can you tell me what just happened?" hinihingal na tanong ni Mr. Smith habang hatak hatak ko ang braso nito

"Stop asking question and just run!" inis kong baling habang patakbong tinungo namin ang harap ng elevator.

"Jeez! Occupied!" naiinip na hinintay kong magbukas ang elevator. Kung hindi lang ako nakapagpigil tatadyakan ko talaga to'.

Sunod sunod ang mga yabag ng mga lalaking nakasunod sa amin.

"Ayon sila!" sigaw ng isa nang mahagip kaming nakatayo sa harap ng elevator.

Kailangan gumawa ako ng paraan para mapigilan ang mga ito. Marahas kong tinulak si Smith pababa sa stairway.

"You go first, I'll stop them!" suhestiyon ko na matiim na tinitigan ang lalaki.

"I can defend myself," buong kompyansang tanggi ni Smith na tinitigan ako.

He strikes a pose, ready to attack.

Lihim akong napahanga base sa nakita ko ay hindi maikakailang may alam ang Smith na to'. He strikes a professional pose.

Sumunod ako't pinosisyon ko rin ang sarili. Hinanda upang salubungin ang mga kalaban. Kita kong isa isang sumugod ang mga ito sa amin.

Gamit ang buong lakas ay napilitan ako na gamitin ang kakayahan ko bilang black belter. Sanay ako sa hand-to-hand combat dahil sa larangan ng aking trabaho.

Pigil hiningang sinalubong ko ang mga lalaki. Gamit ang aking buong lakas. I attacked used my fist and palm, turning kick strike and back fist strike technique.

Habang abala ako sa pakikipagtunggali ay napasulyap ako kay Smith. Marunong din pala ang Smith na ito ng hand-to-hand combat.

Animo'y wala itong tulak kabigin kita kong dinali nito ang tatlo katao gamit lang ang kamao nito.

He's good!

Hinarang ko ang isa pang lalaking sumusugod. Gamit ang aking bisig, I threw an elbow strike and a hard fist on his back. I attacked and kicked him.

Ubod lakas na binatukan ko ang gawing batok nito at bumagsak. Paulit ulit kong denepensahan ang sarili, hindi lang isa ang nasagupa ko sa may hagdanan kundi lampas lima. I could barely out of breath while fighting these thugs.

Lihim kong sinulyapan si Smith gaya ko ay abala din ito sa kakadepensa at atake sa mga lalaki.

"Not bad," sigaw ko ditto.

Kitang kong ngumiti ito pero hindi nawala ang konsetrasiyon sa kalaban.

"I told you I can defend myself, woman!" diin nito sabay buong lakas sinugod ang lalaki ng tadyak at bumagsak.

Ilang minutong nakalipas ay bumagsak ang mga lalaki at naka handusay sa sahig. Tantiya ko'y mahigit sa sampu ang nandun.

"Ayon sila! Habulin n'yo!" sabay kaming napalingon ni Smith sa pinanggalingan ng boses.

"Oh boy!" anas ko ng mapansin ang iilang kalalakihan tumatakbo patungo sa kinaroroonan namin ni Smith.

Mabilisan kong hinubad ang aking sandal dahil kanina pa ito sagabal sa pakikipagbakbakan ko. Tinapon koi yon sa kung saan espasyo.

Nakapaang tinalunton ko ang mga ito. Humanap agad ako ng bwelo at isang marahas na turning kick sabay malakas na sapak sa batok na atake ang ginawa ko sa lalaki sa likod. Bumagsak ito pagkatapos matamaan.

Nagulat si Smith sa aking ginawa pero agad itong nagbawi at ipinosisyon ang sarili upang dumipensa sa naiwang apat na lalaki.

Kaming dalawa na ang pinalibutan ng mga ito.

"I guess we don't have other choice but to fight, woman!" humihingal na ani ni Smith habang nakatitig sa mga mata ng kalaban.

"Indeed," I agree and struck a pose, ready to attack.

"Then good! let's end it!"

Mabilis na gumalaw si Smith upang salubungin ang kamao ng mga kalaban. Ganoon din ang aking ginawa. Ilang segundo lang ang inabot at bumagsak ang apat katao.

"Not bad!" mahinang ani ko dito.

"You bet, I am good at it," buong pagmamalaking sabi nito. Pagkatapos ay hinagod ako ng tingin.

"Are you okay?" nag-alalang tanong nito nang mapansing nakapaa nalang ako.

Sinuyod nito ng tingin ang aking binti hanggang sa umabot ang paningin nito sa nakalantad kong hita at singit dahil sa pagpunit ko sa aking pencil cut skirt kanina.

Kita ko ang bahagyang paglunok nito ng laway.

Naiirita ako sa titig na pinukol nito, wala sa sariling naitaas ko ang kanang paa. I split my legs and pointed my toes at his face.

"You pervert!" pagalit na sabi ko habang nakatingin sa mga mata nito.

"W-wait," pigil ng lalaki na nakataas ang dalawang palad sa ere. "I don't mean that way lady it just—

"Clay! Clay, anong nangyari? Okay ka lang ba wala bang masakit sa iyo?" sabat ng lalaking na paparating. Bahagya itong natigilan nang mapansin ang paa ko sa ere.

"At saka sino to'?" dagdag pa nitong nagsalubong ang kilay. Inayos nito bahagya ang suot na salamin sa mata.

Hindi nakaligtas sa akin ang mapanuring tingin na pinukol nito sa akin lalo na sa binti at hita kong bahagyang nakalantad.

Isang matalas na titig ang aking binigay sa lalaking kadarating lang mula sa loob ng hotel.

"This guy is more irritating than I thought," sinulyapan ko ang bagong dating na lalaki.

Ilang sandali ay nakarinig na kami ng siren ng mga police. Binaba ko ang aking paa na nakabitin sa ere.

"You should thank the Police, baka kanina pa kita inupakan, pervert!" mariin kong saad na titig na titig kay Smith.

Kitang kong ngumiti ito na parang hindi apektado sa banta ko.

Goodness! What a mesmerizing smile he got there. I am not gonna lie.

"Well then, I have to go, you should be more aware of your surroundings next time, Mr. Smith!" paalala ko bago tumalikod.

Tinungo ang aking nakaparadang jeep wrangler na itim.

Sinundan ng tanaw ni Smith ang babaeng papalayo, isang pilyong ngiti ang pinakawalan ng binata.

"Who was that, Clay? Very rude of her!" kikibot kibot na ani ni George habang nakasunod tanaw kay Hana papalayo.

Sa halip na sumagot ay tumalikod si Clay at hinarap ang mga police na kadarating lang.

Napakibit balikat nalang si George na sumunod sakanyang Boss.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status